You are on page 1of 10

Lingguhang Paaralan Bacoor Elementary School Baitang Ikalima

Pantahanang Guro WILSON C. EVASCO Linggo Ikalima


Pagpapalano
Sa Pagkatuto
Petsa Ika-15 ng Marso 2022 Markahan Ikatlo

Araw At Oras Asignatura Kasanayang Mga Gawaing Pampagkatuto Paraan ng


Pampagkatuto Pagtuturo
(Day and Time) (Learning Area) (Learning Tasks)
(Learning Competency) (Mode of Delivery)
7:00-7:30 Paghahanda bago magsimula ang klase

7:30-8:00 Brigada Basa

MABINI EPP-Agriculture Sa pagtatapos ng Paksang-Aralin: Mga Hayop na Maaaring Alagaan Kukunin at ibabalik
Miyerkules aralin, ang mga ng magulang ang
8:00-8:50 mag-aaral ay Isang magandang buhay sa aking mga mag-aaral! mga modyul /
Blended Learning inaasahang Kamusta na kayo? Alam kong sabik na sabik na kayong awtput sa
matuto ng mga bagong aralin sa araw na ito. itinalagang
1.1naipaliliwanag
Learning Kiosk/Hub
10:00-10:50 ang kabutihang PANIMULA
para sa kanilang
1:00-1:30 dulot ng pag- A.Panalangin at ehersisyo
Modular Learning anak.
aalaga ng
hayop na may B.Balik-Aral
dalawang paa Piliin ang mga letra ng tamang sagot.
at pakpak o isda 1.Ito ang paraan sa pangangalaga sa mga pananim na PAALAALA:
(EPP5AG0e-11) isinasagawa araw-araw tuwing umaga at hapon. Mahigpit na
a. paglalagay ng apog c. pagdidilig ipinatutupad ang
1.2 natutukoy ang b. paglalagay ng abono d. paggupit sa mga sanga pagsusuot ng
mga hayop na facemask at face
maaaring 2.Ang pagtatanim ng halamang gulay ay isang gawaing shield sa pagkuha
alagaan gaya nakalilibang at __________ at pagbabalik ng
ng manok, pato, a. nakakalungkot c. nakakabagot
mga modyul /
itik, pugo/ tilapia b. kapaki-pakinabang d. nakakapagod
awtput.
(EPP5AG0g-15)
3.Alin sa sumusunod aang HINDI katangian ng Basket Pagsubaybay sa
Composting? progreso ng mga
a. ginagawa at binubulok sa ilalim ng lupa mag-aaral sa
b. maaaring gawin sa sirang drum o batya bawat gawain sa
c. nilalagay sa isang sisidlan pamamagitan ng
d. ginagamit pagkaraan ng dalawang buwan text, call fb, at
4. Ang mga sumusunod ay kahalagahan ng abono o
internet.
pataba. Alin ang HINDI kabilang?
a. pinapaganda ang lupa c. nakakasira ng pananim
b. pinalulusog ang pananim d. pinapataba ang lupa
5. Ang mga sumusunod ang mabuting naidudulot ng pag- Oras na maaaring
aalaga ng mga hayop na maaaring alagaan, alin ang makipag-ugnayan
hindi? sa mga guro:
a. abala sa mga gawain Lunes-Biyernes
b. pagkain sa hapagkainan
c. hanapbuhay para sa pamilya at pamayanan Umaga 10:10-10:50
d. ipon at bent amula sa pagbebenta Hapon 1:00-1:30
6. Alin sa mga sumusunod ang mga hayop na maaari
nating alagaan sa likod -bahay na may maliit na espasyo.
a. manok, pato at pugo c. baka at kambing
b. ostrich d. karpa at bangus

C. Pagganyak
Pansinin ang mga larawan sa ibaba. Ano ang masasabi mo
rito?

Integrasyon
Pagiging mapanuri at responsible.
PAGPAPAUNLAD
Pagtatalakay
Ang pag-aalaga ng hayop ay kapaki-pakinabang na
maaaring gawing libangan na nagbibigay kasiyahan sa
tao. Isa sa nakatutulong sa kabuhayan ng isang mag-anak
ay ang paghahayupan kaya marami sa atin ang
kinagigiliwan ang pag-aalaga ng hayop.

Mga Hayop na Maaring Alagaan


1. Manok — Madaling mag-alaga ng manok kahit sa
maliit na lugar. Maaring mais at palay lamang ang
pagkain ng mga ito.

Uri ng Manok na Aalagaan


A. Layer- Inaalagaan ang manok na ito para sa mga itlog
B. Broiler – Inaalagaan ang manok na ito para sa karne.

Pagkain ng Alagang ManoK


1. Starting Mash- pagkain ito sa bagong pisang sisiw
hanggang 6 na lingo
2. Growing Mash- pagkain sa 6 na lingo hanggang sa
handa ng ipagbili o h anggang sa
mangitlog ang inahin.
3. Laying Mash- ibinibigay ito sa mga manok na
nagsisimulang mangitlog
Starting Mash
Laying Mash
Growing Mash

2. Kalapati — Nabubuhay ang kalapati kahit saang lugar at


sa kahit anong klima. Gustong-gusto nitong tumira sa
maraming puno. Kailangan mataas ang bahay ng
kalapati upang ligtas sa daga, pusa, at ahas.

Pagkain ng alagang kalapati:


Munggo , Buto ng sunflower, Sorghum, Giniling na mais,
Palay, Giniling na pritong mani, at Mumo ng tinapay.
Paraan ng pagpaparami ng kalapati.

1. Natural na Pagtatalik- pinababayaan lamang ang


kalapati na pumili ng asawa sa sarili nitong panahon at
kondisyon
2. Artipisyal na Pagtatalik- ikinukulong sa loob ng dalawang
lingo ang isang pares na kalapati na may wastong
gulang.
Normal na Pagtatalik Artipisyal na Pagtatalik

3. Pugo — Tulad ng ibang hayop, ang karne at itlog ng


pugo ay maaaring kainin. Ang dumi at balahibo nito ay
mahusay na napagkukunan ng pataba o organikong
abono.

Itlog ng Pugo Karne ng Pugo

4. Itik— Isang magandang pagkakitaan ang pag-aalaga


ng itik sa likod ng bakuran ng tahanan, dahil sa malaki
ang nagagawang tulong nito sa pamilya. Marami ang
produktong makukuha dito tulad ng balot, penoy at ang
pulang itlog

Itlog na Pula Balot at Penoy Karne ng Itik


5. Isda— Ang pag-aalaga ng isda ay madaling gawin.
Kailangan lamang ang isang lugar na may sukat na apat
na metro ang lapad, limang metro ang haba, at isa at
kalahating metro ang lalim.

Iba`t Ibang Uri ng Isda na Pwedeng Alagaan


A. Tilapia – ito ay mabilis lumaki. Maaring anihin ito sa loob
ng tatlo hanggang apat na buwan.
B. Karpa- ito ay isang taon bago anihin
C. Bangus - ito ay anim na buwang pag-aalaga bago
anihin.

Tilapia Karpa Bangus

Narito ang mga Kabutihang Dulot ng Pag-aalaga ng


Hayop:
1. Napagkukunan ito ng pagkain tulad ng karne at itlog.
2. Nakapagbibigay ng dagdag na kita sa mag-anak.
3. Nagdudulot ito ng kasiyahan sa pamilya at nagsisilbing
libangan ng mag-anak.
4. Natutugunan ang problema ng bansa sa kasalatan ng
pagkain at kawalan ng hanapbuhay.
5. Nagkakaroon ng tiwala sa sarili at nagiging responsable
at maalalahanin.
6. Nakatitipid sa gastusin sa pamilya.

Pagkain Ipon
Kabuhayan
Pagsasanay
Gawain 3
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin
ang titik T kung wasto ang isinasaad ng mga pangungusap
at titik M naman kung mali.
____1. Mas mabilis ang pagkuha ng impormasyon sa aklat
kung hahambing sa internet sa pagpili ng hayop na
aalagaan.
____2. Ang teknolohiya o internet ay hindi makakatulong sa
paghahanap ng impormasyon sa pag-aalaga ng
hayop.
____3. Ang pagkalap ng impormasyon sa internet ay
makalumang pamamaraan.
____4. Ang paggamit ng internet sa pagkalap ng
impormasyon sa pagpili ng hayop na aalagaan ay
kawili-wili.
____5. Ang pagpili ng hayop na aalagaan ay makatutulong
upang mapagpasyahan ang mainam na aalagaang
hayop.

PAKIKIPAGPALIHAN
Pangkatang Gawain
Pangkat I
Dula-dulaan
Magsagawa ng isang maikling dula-dulaan na
nagpapakita ng kahalagahang naidudulot ng pag-aalaga
ng hayop sa iyong pamilya.

Pangkat II
RAP/Jingle
Gumawa ng isang jingle or rap na nagpapakita ng
kahalagahan ng paghahayupan sa ating pamayanan
Pangkat III
Kumpletuhin ang graphic organizer. Mag-isip at isulat
sa loob ng mga kahon ang hinihingi ng mga katanungan.

Gawain 4
Panuto: Basahin mabuti ang bawat pangungusap. Ipakita
ang masayang mo ang iyong masayang mukha kung tama
ang nakasaad na impormasyon at malingkot na mukha
naman kung mali.
____1. Mas mabilis ang pagkuha ng impormasyon sa
aklat kung hahambing sa internet sa pagpili ng
hayop na aalagaan.
____2. Ang teknolohiya o internet ay di makakatulong
sa paghahanap ng impormasyon sa pag-
aalaga ng hayop.
____3. Ang pagkalap ng impormasyon sa internet ay
makalumang pamamaraan.
____4. Ang paggamit ng internet sa pagkalap ng
impormasyon sa pagpili ng hayop na aalagaan
ay kawili-wili.
____5. Ang pagpili ng hayop na aalagaan ay
makatutulong upang mapagpasyahan ang
mainam na aalagaang hayop.

PAGLALAPAT
Paglalapat
1. Ilahad Ninyo ang inyong natutuhan sa ating
katatapos na paksang aralin.
2. Sa iyong palagay, malaki ba ang kapakinabangan
ng pag-aalaga ng mga hayop? Pangatwiranan.
Pagtataya
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot.
1. Ano ang tawag sa hayop na inaalagan sa likod bahay at
pinagkukunan ang mga produkto tulad ng penoy at
balot?
a. manok b. itik c. pugo d. Tilapia

2. Anong uri ng isda ang maaring anihin pagkaraan ng


tatlo hanggang apat na buwan?
a. karpa b. bangus c. hito d. Tilapia

3. Ano ang tawag sa pagpaparami ng kalapati na


kung saan pinababayaan lamang sila na mamili ng
kanilang mapapangasawa?
a. natural b. artipisyal c. sekswal d. asekswal

4. Ano ang tawag sa uri ng manok na inaalagaan para


sa mga itlog nito?
a. broiler c. white leghorn
b. layer d. lancaster

5. Ito ay isang uri ng hayop na pinagkukuhanan ng


organikong pataba.
a. kalapati c. pugo
b. manok d. itik

Takdang-Aralin
1. Ipagpatuloy ang pagbabasa sa inyong modyul at
isagawa ang iba pang mga gawain na hindi pa
natatapos o naisama sa talakayan.
2. Magtungo sa inyong Google Classroom sa EPP.
Sagutan ang Attendance Form at isagawa ng may
kawilihan and Ikatlong Gawain sa Pagganap.
Rubriks na gagamitin ng guro sa pagbibigay ng puntos para
sa Gawain sa Paggnap na nasa Google Classroom.

REPLEKSYON:
Ang mga mag-aaral ay susulat ng kanilang mga
personal na pananaw batay sa mga aralin na kanilang
natutunan.
Naunawaan ko na________________________________________

Nabatid ko na ___________________________________________

Inihanda ni:
WILSON C. EVASCO
Guro-EPP
Sinuri ni:
FEDERICO M. SALVADOR JR.
Dalubguro I

You might also like