You are on page 1of 14

KABANATA I

Ang Suliranin

Introduksiyon

Isa sa mga pinakamalaking sakit ng ating bansa at maging sa ibang bansa rin ay
ang patuloy na isyu ng korapsyon o katiwalian. Ang korapsyon ay nakaukit na sa loob
ng ating sistema, at naisasagawa sa pang-ekonomiya at panlipunang mga kadahilanan
na may pansariling interes at isang baluktot na kahulugan ng katapatan sa mga
kaibigan at kamag-anak. Ngunit masasabi ba talaga nating isa na nga ba itong parte ng
ating kultura?

Ang korupsiyon, korapsiyon, katiwalian o pangungurakot ay tumutukoy sa
kawalan ng integridad at katapatan. Ito ay karaniwang tumutukoy sa pampolitika na
korupsiyon na nangyayari kapag ang isang indibidwal na nasa posisyon sa pamahalaan
o isang empleyado ng pamahalaan ay umaasal sa kanyang kapasidad bilang opisyal ng
pamahalaan para sa hindi nararapat na sariling kapakinabangan.
Sa pilosopikal, teolohikal, o moral na talakayan, ito ay tumutukoy sa espiritwal o moral
na kawalang puridad at paglihis sa anumang kanais nais na pag-aasal.
Ang korapsyon ay laganap na sa buhay ng mga tao. Nakikita ito sa gobyerno, sa
kapulisan, at maging sa sistema ng hustisya na mayroon ang isang bansa. Sa mga
kaso ng pork barrel, mga massacre na nangyayari at nababalita sa bansa, bakit nga ba
walang naidadala sa kulungan? May iilan ngang hindi naibabalita, at may ilan namang
naidadala naman sa awa at pangungutya lamang. Makikita rin ang korapsyon sa pang-
aabuso sa kapangyarihan, pakikipagsabwatan, pandaraya sa halalan, pagnanakaw ng
kabang yaman ng bansa, panunuhol at pagtanggap ng suhol, pagtangkilik o Padrino, at
pangingikil.

Mapapansin natin na ang korapsyon ay likas sa tao, lalo na kung ikaw ay uhaw
na uhaw sa mga luho o kaya sa mga magagandang bagay sa mundo. Sa tingin ko hindi
lang kasalanan ng opisyal na maging gahaman nang makuha ang gustong posisyon sa
pamahalaan. Mayroon malaking kontribusyon ang taong bayan; ang taong bayan ay
may kapangyarihang bumoto at pumili ng taong tama para sa posisyon kaso ang
nangyayari nagpapabili sila o kaya yung iba walang tamang kaalaman sa pagboto lalo
na ang mga mahihirap. Naiintindihan naman natin na masarap tumanggap ng pera pero
dapat natin tandaan na yung pera na natanggap mo ay galing sa buwis ng mga
taxpayer.

Makikitang ang kahirapan ang isa sa mga dahilan ng korapsyon. Sabi nga ng
kasabihang, “Ang taong nagigipit, sa patalim kumakapit.”, napipilitang magnakaw ang
mga tao. Ngunit masasabi rin nating, paano naman ang mga mayayaman na patuloy pa
ring nagnanakaw? Sadyang hindi nga makuntento ang tao sa kung anong mayroon
sila.

1
Hindi nga natin itinatakwil ang korapsyon, sapagkat binabati pa natin ito,
pinapaimbabaw, at hinahayaang magpatuloy sa bansa at maging sa sarili. Makikita ito
sa ‘pakikisama’ ng bawat Pilipino at pamilya, kaibigan, at iilan sapagkat nakikinabang
ang lahat kung hindi isusumbong o isusuko sa may taas. At dito rin makikita ang ‘utang
na loob’ sa mga nagawa ng kapwa sa atin na wari ay isang pagpapahalaga ng mga
Pilipino. Minsan nama’y sadyang bahag ang buntot ng mga Pilipino, takot sa mga
maaaring mangyari, at baka maging mapanganib pa ang buhay kung magsumbong
man.

Ang korapsyon o pagnanakaw sa pondo ng bayan ay gawaing karumal-dumal.


Ito ang pangunahing dahilan kung bakit hanggang sa ngayon ay naghihirap ang mga
Pilipino. Ito rin ang dahilan kung bakit: Karamihan sa mga ospital sa bansa ay kulang ng
nars, doktor, gamot at makabagong kagamitan; Mababa ang kalidad ng edukasyon sa
mga pampublikong paaralan dahil sa kakulangan ng guro, aklat, silid at pasilidad;
Kakaunti ang pumapasok na negosyo sa bansa na nagiging dahilan ng kakulangan sa
trabaho at pangingibang bansa ng ating mga kababayan. Ang mga nabanggit ay ilan
lamang sa epekto ng korapsyon. Ito ang napakasamang epekto ng korapsyon, oo nga
masaya ang mga taong mayaman at may kaya pero lugmok sa kahirapan ang mga
Pilipinong nagtatrabaho sa Pilipinas dahil hindi nila basta maiwan o mahiwalay sa
kanilang pamilya. Ganito ba habang buhay Pilipinas  naghihirap dahil sa korapsyon? At
napansin naman natin na maraming Pilipino na pinipili na maging OFW upang maibigay
at masuportahan ang kanilang pamilya kahit man ito ay mahirap.

Ano nga ba ang ugat ng korapsyon? Isa sa mga ginagawa natin upang
mapayapa an gating konsyensya ay ang pag-iisip na, “maliit na bagay lang naman,
hindi naman ito makakasakit.”; “ginagawa rin naman ng lahat ito eh.”; “nasa sistema na
rin naman, makikinabang na lang rin ako.”. Mga ganitong pag-iisip ay nakakapag-udyok
ng korapsyon, kasakiman, at pagkamakasarili. Itong mga pag-iisip ang naggaganyak sa
atin na tahakin ang daan kung saan madaling gawin ang isang bagay at kapaki-
pakinabang. Isa sa maaaring dahilan kung bakit bulag tayo sa kahirapan ng iba, na
biktima rin lamang ng korapsyon.

Konseptwal na Balangkas

Naniniwala ang mga mananaliksik na napakahalaga ng pag-aaral na ito. Maaari itong maging
basic na kaalaman para mapapalawak ang kaalaman tungkol sa maging dulot ng korapsyon.
Mahalaga ang mga impormasyong nakasaad dito sapagkat malaki ang maitutulong nito, hindi
lamang sa mga kasalukuyang mag-aaral na gumagamit nito kundi pati na rin sa mga mambabasa na
maaaring naghahanap ng karagdagang impormasyon tungkol sa paglaganap ng korapsyon sa
lipunan. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, maaari ring malaman ng mga mambabasa ang
mga ibinuklod na salita na tinawag na “corruptionary”.
Bukod dito, maeebalweyt ng mga mag-aaral ang mga limitasyon sa kaalaman at ang mga
pag-aaral na dapat pang alamin at mapagtuunan ng atensyon ang nangyayaring korapsyon sa

2
lipunan. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, inaasahang ang mga mambabasa ay magkakaroon
ng mas malawak na kaalaman upang maunawaan nila ng lubos ukol nito.
Ang konseptual na balangkas ng pag-aaral na ito ay makikita sa Figura 1 na naglalahad ng
iskematik na modelo sa pananaliksik.

Korapsyon Lipunan

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na maunawaan ang ilan sa mga problema na


may kaugnayan sa korapsyon. Matutukoy dito ang mga iba’t ibang tawag sa korapsyon
Ang mga problema na nangngailangan ng kaukulang pansin ay ang mga
sumusunod:

1. Ano ang mga negatibong epekto sa paglawak ng korapsyon sa ating lipunan?


2. Paano makakaapekto sa lipunan ang patuloy na paglawak ng korapsyon?
3. Posible kayang mawala ang korapsyon sa ating lipunan?
4.Ano-ano ang dulot ng korapsyon sa lipunan?
Saklaw

Ang pag-aaral na ito ay umaabot ng tatlong buwan at dito nakikita ang dahilan ng
pangungurap ng ating mga namamahala ng ating gobyerno. Kadalasan ng mga ito ang
mga opisyales o ang nangunguna sa isang ahensya.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Mahalaga ang pag –aaral na ito para sa sumusunod na indibidwal nang


magkaroon ng gabay,kaalaman,liwanag, at mabawasan ang mga suliraning nangyayari
sa lipunan dahil sa korapsyon na nakaaapekto sa mga mamamayan at maging
mahalaga at makapagtibay ng kabatiran,kamalayan,malawak na pag-unawa tungkol sa
masamang dulot ng korapsyon. Masuring-masuri ang pananaliksik at makamtan ang
mga layunin ng pag-aaral na ito.

Sa mga Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay nagpapakita ng epekto ng korapsyon sa


lipunan. Magiging gabay nila ang pag-aaral na ito upang malaman nila ang ugat ng
korapsyon at ang magiging epekto nito sa lipunan na kanilang kinabibilangan.

Sa mga Guro. Ang pag-aaral na ito ay maipabatid ang masamang dulot ng korapsyon
sa kanilang mag-aaral. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay masusuri nila at
makatutulong sa pagbabago ng mga kaalaman ng mga mag-aaral na maunawaan nang
lubos ang epekto ng korapsyon.

3
Sa mga Magulang. Ang kalalabasan ng pag-aaral ay malalaman nila ang dahilan ng
korapsyon at paano ito masosolusyonan..Magkakaroon din sila ng sapat na kaalaman
sa mga nangyayaring korapsyon sa lipunan.

4
KABANATA II

METODOLOHIYA

Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng metodolohiyang ginagamit tungkol sa


pag-aaral na may pamagat na epekto ng korapsyon sa lipunan.

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito ay ginawa upang suriin ng husto ang mga epekto ng
korapsyon sa lipunan. Ang mga mananaliksik na ito ay gumamit ng paraang palarawan
(descriptive). Ang pag-aaral ay gumamit ng iba’t-ibang basehan at hanguan tulad ng
mga artikulo na makikita sa internet at upang mapagtibay ang pananaliksik ukol sa
epekto ng korapsyon sa lipunan.

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK
Ginamit ng mga mananaliksik upang matukoy ang epekto ng korapsyon sa
lipunan sa pamamagitan ng paggamit ng kompyuter at panonood ng telebisyon.

5
KABANATA III

PRESENTASYON, ANALYSIS AT INTERPRETASYON

Depinisyon ng Corruptionary

Ang “corruptionary” ay nagpapakita ng kolektibong karanasan ng bayan at ang


bayan bilang isang leksikograper. Ito ay konseptong nagmula kay Evi-ta Jimenez,
Executive Director ng CenPEG. Itong aklat ang resulta ng proyekto ng mga political
science students mula sa University of the Philippines-Manila na parte ng Volunteers
Integration Program sa Center for People Empowerment and Governance (CenPEG)
noong 2006 at 2007. Ang bawat salita o parirala ay mga depinisyon, may ‘derivation’ pa
kung saan nagmula ang ibig sabihin, at mga halimbawa ng paggamit nito sa diskurso.
Nakatutuwa ngang may mga guhit pa ito. At para sa mga hindi marunong mag-Tagalog
ay may ‘pronunciation guide’ pa. Dito makikita ang halos mga salitang ginagamit
lamang ng mga eksperto na ngayon ay bukambibig na ng taumbayan at nagkaroon na
rin ng makabagong semantikong pagpapakahulugan. Isang paraan ito ng pagkamulat
ng mamamayan sa mga katiwaliang nagaganap, kahit na halos bawat salita ay
kakikitaan ng pagkamalikhain at ‘sense of humor’ ng mga Pilipino.

Pagkabuo ng mga salita

Ang mga salita sa Corruptionary ay nabubuo sa iba’t ibang paraan:

PARIRALA
Ako’ng bahala sa’yo Kwarto o kwatro?

Alam mo na Luto na

Alam mo na ‘yan Magkano ka

Ayos na Meron ka sa akin

If the price is right Ok, pag-usapan natin

Ikaw na ang bahala Deal

INUULIT o PAG-UULIT

biyak-biyak dagdag nang dagdag

barya-barya zero-zero

bulsa-bulsa

PAGKAIN
appetizer
KULAY
asul yellow
lila yellow 3

6
red tape green
MULA SA IBANG LENGGWAHE
dorobo (Hapon)
blue (Ingles)
ginagmay; hungihong
(Visayan)
ONOMATOPEIA
hush-hush
PAGSASANIB NG MGA SALITA o BLENDING
cash-sunduan consuholtant
fixcal inaregalo
horrorable representathief
hulidap
KALIKASAN
araw ambunan
galamay

PANG-ARAW-ARAW NA BAGAY
baterya
bukol
butas
gatasan
PANG-ARAW-ARAW NA KILOS
bisto
hilot
himas
diskarte
luto
lusot
lukot
laglag

KRIMEN
bangag
PELIKULA
bituing walang ningning
SYENSYA

7
Bacteria
Virus
Tuta
Buwitre
doubledead
SPORTS
game-fixing
balato
KORTE
fixcal
falsification of records
blood money
PAG-AAGINALDO
goodwill money
TRABAHO
15:30
apprentice
boundary
agent, backer
downpayment
DTR
commission

ELEKSYON
dagdag-bawas
EDUKASYON
grades for sale
Principal
KABABALAGHAN
Ghost employee
Ghost project
Ghost meeting
Ghost delivery
RELASYON
Baker
Ninong
ninang

8
Padrino
Kapit-an
PAGSUSUGAL
Tong
Balato
ESTADO
Bureaucrazy
For official use only
PROPER NOUNS
China town
Department Store of Justice
Drakula
Kamag-anak Inc.
Lutong Macau

Kamalayan sa Corruptionary
Kaalaman sa diskyonaryo
Sinuri ng mananaliksik ang kaalaman ng mga sumagot sa pamamagitan ng
tanong na ito, “Pamilyar ka ba sa grupo ng mga salitang ito bilang mga salitang may
kaugnayan sa korapsyon? Suriin ang mga salita, 1 bilang hindi gaanong pamilyar at 5
bilang napakapamilyar.” Sa pagsusuri, napagtantong pamilyar ang mga sumagot sa
halos lahat ng klase ng korapsyon na nabanggit. Ang pinakapamilyar para sa kanila ay
ang ‘siyensya’, ‘sports’, ‘korte’, ‘pag-aaginaldo’, ‘eleksyon’, ‘edukasyon’, ‘kababalaghan’,
‘relasyon’, ‘pagsusugal’, at ‘estado’.

Sumunod sa ranggo ay ang mga ‘pang-araw-araw na bagay’, ‘pang-araw-araw na


kilos’, at ‘krimen’. Sumunod rin ang ‘trabaho’, at ang panghuli ay ang may kinalaman sa
‘kalikasan’, at ang mga ‘proper nouns’.

Napagtanto rin na hindi pamilyar ang mga sumagot sa mga ginagamit mula sa
‘pelikula’ gaya ng ‘bituing walang ningning’ at ‘tinimbang ka ngunit kulang’, at ang mga
bagay na may kinalaman sa ‘cellphone’ tulad ng ‘panload’.

May mga hindi rin alam ang iilan sa mga sumagot na may kinalaman sa
korapsyon ang mga salita, gaya ng ‘bacteria’ at ‘virus, at ’15:30’, at iilan sa mga ‘proper
nouns’ na nabanggit. May mga nabanggit rin naman sila gaya ng ‘red tape’ na sadyang
talamak na rin ngayon, at ang ‘hello garci’ at ‘binay’ na iilan lamang sa mga kaso na
napapanahon.

9
Paglaganap ng Korapsyon

Ang paglaganap ng korapsyon gamit ng mga nabubuong salita ay ihahalintulad


sa teorya nina Sapir at Whorf na Sapir-Whorf Hypothesis o Linguistic relativity. Ang
teoryang ito ay nagpapakita na ang wika ay nakakaapekto sa ‘worldview’ ng nagsasalita,
at sa kultura nito, at vice-versa. “Language is how you perceive reality.” Hindi
mamamalagi ang isang salita kung hindi siya ginagamit sa lipunan at kung wala itong
lugar o halaga rito. Hindi naman sa mahalaga ang korapsyon sa mamamayang Pilipino,
ngunit ito ay naging parte na ng pamumuhay. “Necessity is the mother of invention”. Dahil
na rin sa pagkamalikhain ng mga Pilipino, naiuugnay nila ang mga nangyayari o isyu sa
mga salitang nagagamit sa pang-araw-araw sa mga usaping korapsyon. Kultura din ng
Pilipino na hindi tuwirang sinasabi ang mga bagay-bagay lalo na kung illegal kaya’t
gagawa ito ng ‘code’ upang itago.

Epekto ng mga salitang korapsyon

Pagiging mulat. May kamalayan na ang mga tao sa mga porma ng korapsyon na
nangyayari sa paligid. Nagiging maingat na rin sa mga posibleng katiwalian na
mangyari dahil sa mga naririnig at nalalamang mga salita.

Semantik na pagbabago. Nagkakaroon ng negatibo na pagtingin sa iilang mga


salitang hindi naman nagmula sa korapsyon talaga at nadadagdagan lamang ng ibig
sabihin. Maraming nabubuong relasyon o ugnayan sa diskurso dahil sa wika.
Nagkakaroon ng ‘mental image’ na kapag sinabing ‘buwaya’ ay pulis o mga pulitiko ang
naiisip.

Euphemism. Nagiging mas madali sa Pilipino na ilarawan o ipahayag ang mga


salitang korapsyon, lalo na sa di-direktang paraan. Habang tumatagal rin ay
nagagamit na bilang mga jowk.

Nasa kultura na natin. Hindi lamang sa gobyerno makikita dahil may iba’t ibang porma
ang korapsyon. Makikita rin ito sa pinakamaliit nay unit ng lipunan, sa pamilya at syempre
sa mismong sarili. Nasanay na ang mga Pilipino sa mga salitang ito na para bang walang
mali at bahagi na ng pamumuhay sa Pilipinas. Sa kasanayan ay nagiging ‘apathetic’ na
ang mga Pilipino sa pagtingin sa korapsyon.

Utang na loob. Talamak ang korapsyon gamit ang kulturang pagpapahalaga nito ng mga
Pilipino, ang mga pariralang gaya ng ‘ako na ang bahala sayo’ sa pagkuha ng trabaho, at
iilan pang uri ay may posibilidad na maging katiwalian. Sa pagpasok sa iyo sa trabaho ng
isang kaibigan ay masasabing ‘utang na loob’ kung kaya’t sinasamantala rin ito sa ibang
paraan katulad na lamang kung ikaw ay nagtatrabaho sa LTO at siya ay kukuha ng
‘driver’s license’. Maaaring ipasa mo na lamang siya bilang ‘utang na loob’.

Kahirapan. Dito pumapasok ang “ang taong nagigipit, sa patalim kumakapit.”Kaya


napipilitang magnakaw ang mga tao, para lamang mabuhay.

10
Pamilya muna. May kinalaman rin ito sa ‘utang na loob’. Maraming Pilipino na
prayoridad ang sarili at ang mga malalapit sa kanya kung kaya’t kahit ano gagawin para
lang maprotektahan ang pansarili at pampamilyang interes, kahit na pa sumabak sa
korapsyon o katiwalian. “Paano namin mapapakin ang aming pamilya?” Isa ito sa mga
pinapahalagahan ng mga Pilipino, at makikita rin ito sa pelikulang “Heneral Luna”.

Kasaysayan. Sa mga pinagdaanan ng mga Pilipino sa mga sumakop sa bansa at sa mga


ilalim rin ng ibang mga kurakot na Pilipino ay nagkarooon ng korapsyon.“Alipin sa sariling
bayan.” Nagkaroon ng mga “looting” noong panahon ng mga kastila at hapon, at doon pa
lang ay makikita na ang isang porma ng korapsyon. Korapsyon rin sa utak sapagkat hindi
sinasabi ang totoo sa mga Pilipino, at korapsyon sa kanilang kalayaan.

‘Instant Gratification’. Uso sa mga Pilipino ang pagpapadali ng kanilang buhay kaya
sumisingit na lamang sa pila, pinipili ang kwarto sa kwarto o kwatro pagdating sa
pagpapataas ng grado, at iba pa. Ayaw maabala kaya’t mandadaya na lang. Isa ito sa
mga makikita sa kultura ng Pilipino, at isang dahilan rin ng korapsyon.

KABANATA IV

11
MGA NATUKLASAN, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Natuklasan

Sa aming naunang pananaliksik ay napagkaalaman ng aking kasama na ang sinasabing


korapsyon ay isang gawaing kawalan ng katapatan. Na kung saan ay nagpokus ang mga
mananaliksik sa korapsyon sa pulitika. Na inaabuso ang kani-kanilang mga kapangyarihan para sa
pansariling kapakanan. Ilan lamang sa aming natuklasan ang mga pangunahing impormasyon:

1.Hindi na matatapos ang korapsyon. Ito lamang ay maaaring mabawasan, kung tayo ay


magtutulungan.
2.  Ang korapsyon ay naka-ugat na sa sistema ng pulitika dito sa Pilipinas.
3.  Ang korapsyon ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit naghihirap ang mga Pilipino.
4. Ang korapsyon ay isang malubhang suliranin ng ating bayan. Marami na angnagdaang
administrasyon ngunit     patuloy pa rin ito.
5.  Tayo ang pumipili ng mga magnanakaw sa atin.
6.  Marami sa ating mga kababayan na ang pananaw kung bakit hindi umuunlad ang bansang
Pilipinas ay dahil sa korapsyon.
 7. Ang korapsyon kung hindi ito sa pulitika, maaaring matawag ito kung ikaw aywalang katapatan at
integridad sa iyong ginagagawa. Hindi lamang ito sa pagnanakaw ng pondo ng bayan ngunit saklaw
din nito ang mga maliliit napondo o kahit anong pagnanakaw sa kaban ng isang bagay o mga tao.
8. Base pa rin sa aming pananaliksik, minsan ang korapsyon ay isang bagay na hindi maiiwasan
kahit sa sino mang matapat na pulitiko. At kahit makulong pa ang ilan sa kanila. Paulit ulit pa rin ang
nangyayari. Kunbaga ang korapsyon ay kanser na ng lipunan.

Konklusyon

Dahil ang wika ay isang makapangyarihang instrumento sa paglaganap ng mga


bagay-bagay, korapsyon ang isa sa mga naging palasak. Hindi magkakaroon ng mga
salitang may kinalaman sa korapsyon kung hindi natin makikita sa pang-araw-araw na
pamumuhay o sa kultura na ng Pilipino ang mga katiwaliang ito. Nagiging negatibo ang
pagtingin ng tao sa korapsyon, ngunit sa panahong ito ay nagkakaroon ng ‘apathy’ o
kaya’t nagagawang biro na lamang ang ‘korapsyon’, lalo na sa mga ‘comedy shows’ sa
telebisyon, na nagiging kakatwa ang eleksyon, gobyerno, at iba pa. Ginawang kakatwa
ang korapsyon upang mailihis ang negatibong pagtingin rito at upang mapagaan ang
pananaw, dahil masyadong mabigat ang isyu ng pagnanakaw, at pangingikil. Hindi
maipagkakaila na dumarami na rin naman at patuloy na nararagdagan ang mga
salitang korapsyon dahil sa patuloy na pagkakaroon ng makabagong
pagpapakahulugan sa ilang salita, at sa pag-iimbento ng iba mula sa mga kaso.

Rekomendasyon
 

12
Nais lamang namin na maihatid sa lahat na, malaman kung ano ba talaga angnasabing
korapsyon. Na isang isyung paulit-ulit na tinatalakay ngunit nananatiling bulagang ating mga
kababayan sa paghanap ng paraan at sa pakikipagtulungan. Naislamang namin na sila ay mamulat
sa nangyayari sa ating bayan at maipakita na may magagawa pa tayo upang sugpuin ito.
Kahit sa ordinaryong mamamayan ng ating bansa. Nawa‟y namulat namin kayo
na kahit sa isang simpleng boto. Ito ay makakaapekto sa ating kinabukasan. Na tayo rinang pipili ng
mga taong magnanakaw sa atin. Kaya sa isang boto, sa atin nakasalalayang mga magiging mga
pulitiko.Sa mga estudyante, batid namin na wala ito sa mga katayuan sa bayan.Tandaan tayo ang
itinuturing na pag-asa ng bayan. Tayo ay may mga “boses” na magsisilbing instrumento sa
pag-abot sa inaasam na pag-unlad.
Sa mga pulitikong nais lamang ang magnakaw sa kaban ng bayan. Nawa’y kung
hindi man kayo mapanagot sa korapsyon, tandaan na hindi lamang ang batas ang maaaring

manghusga sa inyo. May nakakakita ng katotohanan at Siya na ang bahala sa inyo. Pati na rin sa

mga nananatiling tapat, Siya na rin ang bahala sa inyo.

13
BIBLIYOGRAPI
Mga Aklat

America, J. (2013). It Isn’t Easy When Culture Supports Corruption. The Society
of Honor by Joe America, Blogsite. < https://joeam.com/2013/08/30/it-isnt-
easy-when-culture-supports-corruption/>

Balangue, D. (2013). Culture of Corruption. Philippine Daily Inquirer.


<http://opinion.inquirer.net/61031/culture-of-
corruption#ixzz48Dy4ataW>

Center for People Empowerment in Governance. (2010). Corruptionary : A


Dictionary of Filipino corruption words. Manila : Anvil Pub

Humboldt, W. V. (1999). On language: On the diversity of human language


construction and its influence on the mental development of the human
species. United Kingdom: Cambridge University Press.

. The Culture of Corruption Filipino Style. Youngster Magazine, Society of St.


Paul. http://ssp.ph/youngster/index.php/kuya-olan-s-corner/trending-now/
item/the-culture-of-corruption-filipino-style

Websayt

http://juanrepublic.tumblr.com/post/545489249/aalisin-ko-ang-korapsyon

https://bayangpilipinas.wordpress.com/2014/07/13/ang-korapsyon-sa-pilipinas/

http://www.remate.ph/2011/04/gutom-na-nilalamangan-pa/

https://www.facebook.com/kilusanpilipinas/posts/547387335316210

http://pilipins.wordpress.com/category/korapsyon/

http://tl.wikipedia.org/wiki/Korupsiyon

14

You might also like