KAKATWA at kakaiba ang maliit na bahay, gawa sa kawa
yan, ng isang lalaki at
isang babaing nabubuhay sa mga gulay na tanim nila sa malaking bakuran. Mabait ang mag-asawa at mabuti ang turing sa kanila ng lahat ng mga kapitbahay. Subalit hindi sila maligaya sapagkat w ala pa silang anak, bagay na maraming taon na nilang hinangad. Ipinag-dadasal nila araw-araw na kahit babae o lalaki, magka-anak lamang sila, subalit walang sagot ang kanilang mga panalangin. At ngayong tumatanda na sila, nawawalan na sila ng pag-asa. Isa sa mga tanim nila sa bakuran ay puting kalabasa na mayabong na nagbubunga buong taon, kaya hindi sila nawawalan ng pagkain kahit kailan, hanggang isang araw nang napansin nilang walang umu usbong na kalabasa. Inusisa nilang maigi at inalagaan ang halaman araw- araw subalit kahit panay ang sulpot ng malalaking dilaw na bulaklak na, pagkala nta at pagkatuyo ay dapat sanang mapalitan ng usbong na bunga. Subalit wala kah it isang kalabasa na lumitaw at nagsimulang magutom ang mag-asawa. Isang umaga, pagkaraan ng mahabang panahon, napasigaw sa galak ang asawang babae nang masipat niya ang isang maliit na usbong. Ipinasiya ng mag- asawa na huwag kainin agad a ng kalabasa, hintaying lumaki at mahinog ito upang magkaruon sila ng mga buto na maitatanim uli sa bakuran. Lumaking napaka-gandang puting kalabasa ang bunga s ubalit napakatagal nahinog kaya, sa gutom, nagbago ang isip ng mag-as awa at pinitas ang gulay upang kainin. Hihiwain na sana nila ang kalabasa nan g narinig nila mula sa luob ang isang tinig. “Mag - ingat kayo at baka mahiwa ako!” Natigilan ang mag-asawa, akala minumulto sila, subalit nagsalita uli mula sa luob ng kalabasa. “Buksan n’yo na , nang makalabas ako!” Maingat nilang hiniwa at lumabas ang isang sanggol n a lalaki. Nakakatayo at nakakapag-salita na ang bata. Tuwang-tuwa ang mag- asawa, may “anak” na sila! Agad umigib ng tubig ang asawang babae at naglatag ng banig upang paliguan ang bagong panganak na “anak.” Tuwing buhos ng tubi g sa bata, bawat patak ay naging ginto kaya matapos ng ligo, natakpan ng ginto an g buong banig! Lalong nalugod ang mag- asawa, may “anak” na sila, yumaman pa sila sa ginto . Sapat na dapat ang nakamit ng mag-asawa, subalit pag masid nila sa ginto, hinangad nila ang mas marami pa. Kinabukasan, pinali guan uli ng asawang babae ang “anak” at natakpan uli ng ginto ang banig. May sapat na sil ang yaman upang magpagawa ng isang malaking bahay, subalit gusto pa nila ng higit. Kaya sa ika - 3 araw, umigib uli ng tubig na pampaligo ang asawang babae, subalit nalungkot ang “anak,” umalis at naglaho. Kasabay, naglaho rin ang lahat ng ginto. Naiwang nag-iisa ang mag-asawa na, tulad ng dati, ay mahirap at walang anak. http://blogger-pinoy.blogspot.com/2009/07/gintong-bata-sa-p uting- kalabasa.html