You are on page 1of 4

GAWAIN 1: SURIIN AT GAWIN

Basahin ang isang akda at suriin sa pamamagitan ng pagsalungguhit sa salitang naghuhudyat ng paghahambing.

Ang Kabataan Noon at Ngayon

Ang kabataan noon at ngayon ay may maliit lamang na ouwang sa kanilang pagkakalayo sa kilos, gawi, ugali,
pananamit, damdamin at iba pang bagay. Sinasabing ang mga kabataan noon ay higit na magalang, masunurin at
mabait di- tulad ng mga kabataan ngayon. Lubhang taimtim sa puso’t isipan ang kanilang ginagawa. Sa kabilang
dako, ang mga kabataan ngayon ay may mapagwalang-bahalang saloobin. Lalong masinop sap ag-aayos ng katawan
at pananamit at lubhang matapat sa pagsunod sa batas ang mga kabataan noon, kaya wika nga, ang kabataan noon ay
hubog sa pangaral at kababaang-loob at ang asal ay ipinagmamalaki ng lahat. Kaiba naman ang mga kabataan
ngayon. Mulat sila sa makabahong panahon kaya higit na maunlad sa pangangatwiran na kung minsan ay
napagkakamalang pagwawalang-galang sa kapwa. Lubhang mapangahas sa mga gawin at mahilig sa maraming uri
ng paglilibang. Napakatayog ng mga mithiin nila at higit na mauunlad ang tunguhin. Marami rin ang magkasimbait
at magkasinsipag sa mga kabataan noon at ngayon. Ang kabataan noon at ngayon ay pag-asa ng bayan natin. Kapwa
sila makabayan, mapgmahal, matulungin sa mga kaangkan at may mga mithiin sa buhay. Ang pagkakaiba ay ayon
sa lakad ng panahon. Hindi ba’t mayroon tayong “Sampung Lider na mga Kabataan” na pinipili taon-taon? Sila ang
saksi sa ating pinakamahuhusay na kabataan noon at ngayon.

Kabataan: Isang Pagtatanong C.C. Marquez, Jr.


Ako, ikaw… kayo…sila…tayong mga kabataan,

GAWAIN 2
Punan ng angkop na pahambing ang pangungusap:
1.__________(gusto: di magkatulad) kong pumasok sa paaralan kaysa maglakwatsa.
2. __________(bait: magkatulad) ang aking ante at ang aking tiyo.
3. __________(matanda: di magkatulad) si nanay kaysa ni tatay.
4. __________(mahusay: magkatulad) sina Anna at Marie sa larangan ng pagsasanay.
5. __________(maganda: magkatulad) sina Mary at Magdaline.
GAWAIN 1
Bigyan ng pansin ang mga larawan sa loob ng kahon. Pangalanan ang mga sumusunod na larawan.

________________ ________________ ________________ ________________

GAWAIN 2
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Saan kaya nagmula ang mga pangalan ng bawat larawan?
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________

2. Mahalaga ba para sa iyong malaman ang pinagmulan ng mga pangalan nito? Bakit oo o Bakit hindi?
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________

GAWAIN 5
Pagsunod-sunod ng mga pangyayari
Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari. Isulat sa patlang bago ang pangyayari ang titik A-J. A para sa unang
pangyayari at J para sa huli.
Napakataas na ng puno’t hindi na maabot ang bunga at dahon kaya pinagtulungan ng mga kalalakihan sa
pagtataga ang puno at pinagbubungkal ang lupa upang lumuwag ang ugat.
Nabuwal ang punongkahoy, nayanig at bumuka ang lupa na kinabagsakan ng puno at nilulon nito ang
punongkahoy.
Isang araw nang nagtungo si Kunto sa gubat upang mangaso ay nakakita siya ng isang uwak na nakatayo sa
landas na kanyang tinalunton.
Nagsiyahan ang mga tao sa laki ng galak at si Kunto ang kauna-unahang lumapit at pumitas ng isang dahoon.
Sa loob ng maikling panahon, yumaman ang mga taga-Suyok at ang kanilang tahimik na pamumuhay ay
napalitan ng pag-iimbutan at inggitan.
Hindi tuminag sa pagkakatayo ang ibon, tinitigan niya nang mainam si Kunto at saka tumungo ng tatlong
beses.
Sinunod nila ang bilin ng matanda, kumuha sila ng sang kanin, sinakluban ng isang malaking palayok ang
matanda, nagpatuloy sa pagdiriwang at pagkalipas ng tatlong araw ay muli nilang binalikan ang kinalalagyan
nito.
Pagkataas nila sa palayok ay Nakita nila ang isang maliit na puno na kumikislap sa liwanag-lantay ginto mula
ugat hanggang sa kaliit-liitang dahoon.
Ipinagbigay alam ni Kunto sa mga pantas ang tungkol sa ibon at napagdesisyunan nilang ipagdiriwang ang
canao. Nagtulong-tulong ang lahat sa paghahanda ng pagdiriwang.
Anong laking himala ang nagyari! Ang baboy ay napalitan ng isang pagkatanda-tandang lalaki na ang mukha
ay kulay-lupa na sa katandaan at halos hindi na ito makaupo kaya’t ang mga tao ay natigilan, nanlaki ang mga
mata sa kanilang Nakita at sila’y natakot.

GAWAIN 1
Ilarawan ang sampalok batay sa pisikal na katangian nito. Isulat sa mga nakapalibot na sampalok ang
paglalarawan. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong tungkol dito

a. Bakit kaya ganito ang itsura ng sampalok?


_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
b. Saan kaya nagmula ang pangalang sampalok?
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________

GAWAIN 2
Sagutin ang mga sumusunod na tanong tungkol sa alamat ng Sampalok na iyong binasa.
1. Sino-sino ang tatlong prinsipe? Ilarawan ang tatlong prinsipe?
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
2. Paano nila pinakikisamahan ang kulang sa isip, mangmang at matatanda?
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
3. Bakit nagalit at sinaktan ni Prinsipe Sam ang dalaga?
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
4. Sino ang tumulong sa dalaga? Makatwiran ba ang ginawa ng mga prinsipe sa matanda? Pangatwiranan ang
iyong sagot.
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
5. Kung ikaw ay isa sa mga dalaga, ano ang iyong gagawin nang pinagtutulungan ng saktan ng mga prinsipe ang
matanda.
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
6. Karapat-dapat lang ba sa mga prinsipe ang parusang ipinataw ng engkantada sa kanila? Pangatwiranan.
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
7. Ano ang magandang mensahe ang hatid sa iyo ng alamat? Paano mo ito magagamit sa iyong pang-araw-araw
na pakikisalamuha sa kapwa?
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________

You might also like