You are on page 1of 6

SELF-INSTRUCTIONAL PACKET (SIPack) SA Filipino 10

KWARTER: IKAAPAT IKAPITONG LINGGO

Unang Araw

I. LAYUNIN:

● Naisusulat ang paglalarawan ng mahahalagang pangyayari sa nobela na isinaalang- alang


ang artistikong gamit ng may-akda sa mga salitang panlarawan. (F10PU-IVi-j-89)

● Nagagamit ang angkop at masining na paglalarawan ng tao, pangyayari at damdamin.


(F10WG-IVg-h-82)

● Nailalarawan ang mga tauhan at pangyayari sa tulong ng mga pang-uring umaakit sa


imahinasyon at mga pandama. (F10PB-IVi-j-83)

II. PAKSA:

Panitikan: El Filibusterismo sa Nagbabagong Daigdig

III. PAMAMARAAN:

A. Review (Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin)

Balikan ang mga salitang pahambing na natalakay, bumuo ka ng pangungusap na na


naghahambing sa isa sa tauhan sa El Filibusterismo at Noli Me Tangere. Salungguhitan ang
salitang pahambing na ginamit.

B. Establishing a purpose for the lesson (Paghahabi sa layunin ng aralin)

Sa linggong ito ay bibigyan mo ng pokus ang pagsulat mahahalagang pangyayari at


tauhan sa nobela gamit ang masining na paglalarawan.

C. Presenting examples/instances of the lesson (Pag-uugnay ng mga halimbawa sa


bagong aralin)

Sa pamamagitan ng semantic web, ilahad ang iyong nalalaman sa mga tayutay.

D. Discussing new concepts (Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong


kasanayan # 1)

Tayutay

1. Simili o Pagtutulad – di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay.


Ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-,
magkasim-, at iba pa.

Halimbawa:

● Tila yelo sa lamig ang kamay na ninenerbyos na mang-aawit.


● Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing nagninigning.
● Ang mga tumakas ay ikinulong na parang mga sardines sa piitan.

2.Metapora o Pagwawangis – tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng


pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag
o katangian ng bagay na inihahambing.
.
Halimbawa:
● Siya’y langit na di kayang abutin ninoman.
● Ang kanyang mga kamay ay yelong dumampi sa aking pisngi…
● Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.

3.Personipikasyon o Pagtatao – Ginagamit ito upang bigyang-buhay, taglay ang mga


katangiang pantao – talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng
mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa.

Halimbawa:
● Hinalikan ako ng malamig na hangin.
● Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa atin.
● Nahiya ang buwan at nagkanlong sa ulap.

4. Apostrope o Pagtawag – isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang
tao.
Halimbawa:
● Tukso! Layuan mo ako!
● Kamatayan nasaan ka na? wakasan mo na ang aking kapighatian.
● Araw, sumikat ka na at tuyuin ang luhang dala ng kapighatian.

5. Pagmamalabis o Hayperbole – Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o


kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian,
kalagayan o katayuan.
Halimbawa:
▪ Gumuho ang mundo,uulan ng apoy,maabot ang langit.
▪ Luluha ng dugo,maglabas ng pako,hihiga sa pera
▪ nasunugan ng palayan, bumaha ng pera ,maabo ang araw.

6.Panghihimig o Onomatopeya – ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay
siyang kahulugan. ONOMATOPOEIA sa Ingles.
Halimbawa:

▪ Ang himig nitong ibon,agus nitong ilog ay nagpapakita ng kayamanan sa kagubatan.


▪ Ang halimuyak na bulaklak,mayamang halaman ay nakapagdulot ng katiwasayan.
▪ Ang mabungad na pagsalamuha, galang na pagbati ay nakagagaan ng loob.
7. Pag-uyam o Ironiya – Isang uri ng ironya na ipinapahiwatig ang nais iparating sa huli.
Madalas itong nakakasakit ng damdamin.

Halimbawa:
▪ Napakalinis sa ilog na yon walang isdang nabubuhay.
▪ Napakataas monaman kaya hindi mo naabot ang nakalagay sa misa.
▪ Napakalinaw ng mata mo bakit hindi mo yan makikita.

8. Senekdoke o Pagpapalit-saklaw – isang bagay, konsepto kaisipan, isang bahagi ng


kabuuan ang binabanggit.

Halimbawa:
▪ Hangang mawasak mo ang aking puso.(puso-damdamin)
▪ Kahit sirain mo pa ang aking mga kamay. (Kamay-pangarap)
▪ Hanaggat matigas pa ang aking mga paa.(paa-katawan)

9.Pagpapalit-tawag o Metonymy – Ito’y pagpapalit ng katawagan ng mga bagay na


magkakaugnay, hindi sa kahambingan kundi sa mga kaugnayan. Ang kahulugan ng meto ay
“pagpapalit o paghalili.”

Halimbawa:

● Tumanggap siya ng mga palakpak (papuri) sa kanyang tagumpay.


● Ibinigay sa kanya ang korona (posisyon) ng pagka-pangulo.
● Ang panulat ay mas makapangyahiran kaysa sa espada.

Suriin ang pangungusap sa bawat bilang. Tukuyin ang uri ng tayutay sa bawat pahayag. Isulat
sa patlang ang tamang sagot.
__________1. Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin.
__________2. Paroo’t parito siya sa pag-aalalang mabunyag ang kanyang lihim.
__________3. Nabibiyak ang kanyang puso kapag siya ay nasasaktan.
__________4. Ang mga babae ay mahirap maunawaan, minsan gusto minsan naman ayaw.
__________5. Dugo ang iluluha mo kapag siya ang napangasawa mo.
__________6. Ikaw na bulaklak niring dilidili.
__________7. Ahas siya sa grupong iyan.
__________8.Si Maria na animo’y bagong pitas na rosas ay hindi napaibig ng mayamang
dayuhan.
_________9. Gaya ng maamong tupa si Jun kapag nakagalitan.
_________10. Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin.

Ikalawang Araw
E. Continuation of the discussion of new concepts (Pagtalakay ng bagong konsepto
at paglalahad ng bagong kasanayan #2)
Pag-aralan ang tsart hinggil kina Basilio at Simoun sa Kabanata 23, Isang Bangkay, pumili ka
sa dalawang tauhan. Gamit ang natutuhan hinggil sa mga tayutay, masining na ilarawan ang
napiling tauhan batay sa sumusunod:

1. pisikal at emosyonal na kalagayan


2. mahalagang pahayag
3. pag-uugali
4. pag-iisip
5. kinatatakutan
6. kilos at gawi ng ibang tauhan sa kanya

Basilio Simoun
Hindi nanood ng palabas dahil abala sa pag- Nakita siya na kasama ang iba’t ibang tao.
aaral at pag-aalaga kay kapitan Tiyago. Nakita siya ni Makaraig malapit sa kumbento
ng Sta. Clara na hindi mapakali. Nasilyan din
siya na nakikipag-usap sa mga estudyante.
Ayon sa kanya, unti-unting kumakalat ang Inihambing ni Simoun ang kalagayan ni
kanser sa katawan ni Kapitan Tiyago. Kapitan Tiyago sa Pilipinas.
Nagtataka kung bakit kailangan siya ni Kailangan siya ni Simoun dahil siya lang at si
Simoun sa gagawing paghihimagsik. Kapitan Tiyago ang nakakikilala kay Maria
Clara na siyang ililigtas habang nagaganap
ang himagsikan.
Ipinaalam kay Simoun na patay na si Maria Sa masamang balitang narinig, walang
Clara. luhang dumaloy sa kanyang pisngi subalit
dama ni Basilio ang pighating nararamdaman
ng binata.
Hindi nakumbinsi ni Simoun na sumali sa Ninanais ng himagsikan, hindi para sa bansa
himagsikan. kundi para sa sariling kapakanan, bilang
paghihiganti at magbigay-daan upang bawiin
si Maria Clara.

Ikatlong Araw

F. Developing mastery (Paglinang sa kabihasaan)

Isulat nang patalata ang ginawang paglalarawan sa napiling tauhan. Gawing batayan ang
ginawa sa letrang E.

Rubrik

5 3 1
Masining na Ang talata ay binubuo Ang talata ay binubuo Ang talata ay binubuo
paglalarawan ng limang ng apat na ng tatlong
pangungusap na pangungusap na pangungusap na
masining na masining na masining na
inilalarawan ang inilalarawan ang inilalarawan ang
tauhan gamit ang tauhan gamit ang tauhan gamit ang
tatlong tatlong tatlong
magkakaibang magkakaibang magkakaibang
tayutay. tayutay. tayutay.

G. Finding practical applications of concepts and skills in daily living (Paglalapat ng


aralin sa pang araw-araw na buhay)

Paano mo magagamit ang kaalaman sa masining na paglalarawan sa tulong ng tayutay sa iyong


pakikipagtalastasan?

H. Making generalizations and abstractions about the lesson (Paglalahat ng aralin)

Ano-ano ang iba’t ibang uri ng tayutay na natutuhan?

Ikaapat at Ikalimang Araw

I. Evaluating learning (Pagtataya ng Aralin)

Basahin ang huling kabanata ng El Filibusterismo, Kabanata 39 Ang Pagtatapos.

Nagpunta si Simoun sa bahay ni Padre Florentino dahil nagtitiwala siya sa kurang


Pilipino. Pinag-usapan nila ang hinggil sa kasamaang namamayani sa mundo, mga bagay
na hinahayaang mangyari ng Panginoon, mga kasawian, paano mapagtatagumpayan ang
rebolusyon at ano ang tunay na halaga ng kayamanan.

Tatlong kasawian ang naganap sa buhay ni Simoun: Kabiguang iligtas si Maria


Clara; Kawalan niya ng pagmamalasakit at pag-aalala sa ibang mga ganap at ang nilalang
na nag-alis at nagtapon ng lampara na sumira sa kanyang plano.

Sa tanong na, bakit hinahayaan ng Panginoon na mangibabaw ang kasamaan sa


mundo, tumugon ang kura at sinabing ang kasamaan ay sadyang naririyan. Huwag isis
sa Panginoon ang anumang bagay na hindi magandang nangyayari sa ating buhay. Tayo
ay binigyan ng panginoon ng kalayaan. Kalayaan na mamili kung anong landas ang ating
tatahakin. Ang pagdududa sa intension ng Diyos ay pagpapatunay ng kawalang tiwala sa
Kanya.

Nagtapos ang bahaging ito ng nobela sa pagkamatay ni Simoun dahil sa ininom na


lason. Kinuha naman ni Padre Florentino ang baul ng kayamanan ni Simoun saka itinapon
ito sa karagatan.

Ano ang mahahalagang pangyayari sa huling kabanatang nabasa ang labis na tumatak
sa iyong isipan. Gamit ang mga natutuhang matatalinghagang pananalita, tayutay at mga
salitang panlarawan, pumili ng isang tauhan na may kaugnayan sa mahalagang
pangyayaring tumatak sa isip.

Rubrik:

5 3 2

tayutay Kapani-paniwala ang Kapani-paniwala ang Kapani-paniwala ang


paglalarawan sa paglalarawan sa paglalarawan sa
tauhan na may tauhan na may tauhan na may
kaugnayan sa kaugnayan sa kaugnayan sa
mahahalagang mahahalagang mahahalagang
pangyayaring tumatak pangyayaring tumatak pangyayaring tumatak
sa isip sa sa isip sa sa isip sa
pamamagitan ng pamamagitan ng pamamagitan ng
paggamit limang paggamit tatlong paggamit isang
magkakaibang tayutay hanggang apat na tayutay sa talata.
sa talata. magkakaibang tayutay
sa talata.

Mga salitang Pangangatwiranan Napangangatuwiranan Napangangatuwiranan


naglalarawan ang ginawang pagpili ang ginawang pagpili ang ginawang pagpili
gaya ng pang- sa tauhan na may sa tauhan na may sa tauhan na may
abay at pang-uri kinalaman sa kinalaman sa kinalaman sa
mahalagang mahalagang mahalagang
pangyayari sa pangyayari sa pangyayari sa
kabanata sa kabanata sa kabanata sa
pamamagitan ng pamamagitan ng pamamagitan ng
paghahambing sa paghahambing sa paghahambing sa
katangian nito kaysa katangian nito kaysa katangian nito kaysa
sa ibang tauhan sa sa ibang tauhan sa sa ibang tauhan sa
loob ng tatlong loob ng dalawang isang pangungusap.
pangungusap. pangungusap.

Angkop ang mga Angkop na angkop May isa hanggang May higit sa apat na
salitang ginamit ang mga salitang tatlong salita ang hindi salita ang hindi
ginamit kaya lumutang nakatulong sa nakatulong sa
ang maayos na masining na masining na
paglalarawan sa paglalarawan sa paglalarawan sa
isinulat. tauhang napili.. tauhang napili..

J. (Karagdagang gawain para sa takdang aralin/o remediation)

Sa nakalipas na pitong linggo ng pagkatuto sa El Filibusterismo, ano ang isang bagay na


naglalarawan ng iyong natutuhan sa kwarter na ito? Iguhit sa inyong sagutang papel.

You might also like