You are on page 1of 2

ABORSYON

Lingid ba sa inyong kaalaman kung ano ang aborsyon? Ang aborsyon


o ang pagpapalaglag ay pagkitil sa buhay ng walang kamuwang-muwang na
sanggol na nasa sinapupunan pa lamang ng isang babae. Nawawalan ng
karapatang mabuhay ang isang sanggol sa tuwing nangyayari ang aborsyon. Hindi
ba't anuman ang dahilan nito, ay isa pa rin itong masamang gawain? May dahilan
man o wala ang aborsyon na ginagawa ng ilang mga magulang ay isa pa rin itong
isyu tungkol sa buhay.

Ang aborsyon ayon kay Leo James ay ang sinasadyang pagtanggal


embryo o fetus sa loob ng matris na nagsasanhi sa kamatayan nito. Ang
intensyonal na pagpatay ay pagpatay ng hindi naaayon sa mga batas. Kung kaya't
ang aborsyon ay masasabing intensyonal na pagpatay. Nakasulat sa bibliya sa
Deuteronomio 5:17, Isaiah 1:21 at Mateo 5:21 na ang pagpatay ay kinamumuhian
ng Diyos, lalong lalo na kung ang buhay na iyong kikitilin ay buhay ng isang
sanggol na ninanais makita ang mundo. Hindi katanggap-tanggap na ang isang tao
ang magdesisyon sa kapalaran ng kaniyang kapwa-tao. Ayon sa Bilang 35:30 "Ang
sinumang pumatay sa kanyang kapwa ay kailangang patayin, pero kailangang may
mga saksi na magpapatotoo na siya'y nakapatay. Kung isang saksi lang ang
magpapatotoo hindi papatayin ang nasabing tao." Kung kaya't ang mga taong
sangkot sa mga isyung aborsyon ay dapat na makasuhan at maging saksi na
magpapatotoo sa mga magulang na ginagawa ang ilegal na pagpapalaglag. Ngunit
isang tanong na nangangailangan ng eksaktong kasagutan, kung ang fetus ay hindi
pa ganap na tao at ito ay masa pa lamang na tissue, maituturing ba ito na
pagpatay?
Ako bilang isang mag-aaral na patuloy na tumatalakay sa mga isyung
taliwas sa kautusan ng Diyos at sa kahalagahan ng buhay, ay hindi ako kailanman
sasang-ayon na gawing legal ang aborsyon sa Pilipinas. Isiping mabuti ang
kahalagahan ng buhay, ang kasiyahan ng buhay na nais matamasa ng sanggol sa
iyong sinapupunan na nais mong kitilin. Kung magiging legal man ang aborsyon sa
Pilipinas ay isa ako sa mga tatanggi, mahalaga ang mga kautusan ng Diyos. Ang
pagpatay o pagkitil ng buhay ay isang malaking kasalanan sa Kaniya.
Kinamumuhian ko ang gawaing taliwas sa batas ng Diyos. Hindi katanggap-
tanggap ang intensyonal na pagpatay gaya ng aborsyon.

Ang aborsyon ay hindi dapat na maging bahagi ng ating kultura, ni


hindi ito karapat-dapat na maging legal sa ating bansa. Anumang gawaing taliwas
sa kautusan ng Diyos ay hindi dapat na gawing legal base man sa batas. Ang
pagkitil ng buhay ay isang malaking kasalanan sa Diyos. Anumang dahilan ng
aborsyon, hindi maitatanggi na isa itong masamang gawain. Alamin ang
kahalagahan ng buhay, may mga dahilan kung bakit tayo nabubuhay sa mundo.
Alin mang intensyonal na pagpatay, may dahilan man o wala ay kasalanan pa rin
ito sa Diyos dahil taliwas ito sa mga kautusan Niya.

Marami sa bibliya ang ating mababasa ukol sa pagpatay. Sinumang


pumatay ay dapat ring patayin o ang ibig kong sabihin ay parusahan. Sa aklat ng
bibliya kung saan malinaw na nakasaad ang mga batas ng Diyos, isa na rito ang
"bawal pumatay". Maaaring ang hindi intensyonal na pagpatay ay
masosolusyunan sa mga batas maging sa batas ng Diyos. Ngunit ang mga
intensyonal na pagpatay gaya ng aborsyon ay mapaparuhan, batas man ng tao
maging sa batas ng Diyos.

You might also like