You are on page 1of 4

John Rey Aquino

Panunuring Pampanitikan
Social Studies

Rogelio Mangahas (9 May 1939 – 4 July 2018) was a Filipino artist and poet. He was raised in Palasinan,
Cabiao, Nueva Ecija, Philippines, and attended the University of the East, where he studied AB Filipino.
Even back then, he was looking for individuals who shared his love in language, spending most of his
time at the University of the East with poet-friends like Virgilio S. Almario and Teo Antonio. They co-
founded the second successful modernist trend in Filipino poetry. Rogelio Mangahas received the Palanca
first prize for his collection of poems, "Mga Duguang Plakard," and for his critical essay on Edgardo M.
Reyes' novel, "Sa mga Kuko ng Liwanag." He also co-authored and edited Manlilikha, an anthology of
poems that some critics regard as a monumental achievement in modern Filipino poetry in the 1960s. The
essay category won the Palanca Awards in 1986. He was the editor-in-chief of Phoenix Publishing House
and SIBS Publishing House, as well as a professor of Filipino language and literature at De La Salle
University, the University of the East, the University of the Philippines Manila, and St. Scholastica's
College.

Buod ng mga Akda: Mga Duguang Plakard, sa mga kuko ng liwanag, at

sa mga kuko ng liwanag Buod:


Si Julio ay isang maralitang mangingisda na may kasintahan na ang pangalan ay Ligaya.
Isang araw, umalis si Ligaya kasama ang isang Ginang Cruz na pinangakuang makakapag-aral at
makapaghanapbuhay sa Maynila si Ligaya. Pumunta si Julio sa Maynila para makita si Ligaya. Noong
nasa Maynila na, naging biktima si Julio ng mga mapanlamang na mga tao sa lungsod. Nakaranas si Julio
ng mga pang-aabuso habang nagtatrabaho sa isang lugar ng konstruksiyon at pagbebenta ng sariling
katawan para lang kumita ng pera.
Unti-unting nawawalan ng pag-asa si Julio na matagpuan pa si Ligaya. Ngunit nagbago ang lahat nang
muli niyang makita si Ligaya. Nalaman niyang si Ligaya ay naging biktima ng prostitusyon.
Nagbalak na tumakas ang dalawa ngunit gaya ng sabi ni Ligaya ay kayang-kaya siyang patayin ng
kinakasama kapag ito ay nahuling tumatakas. Dumaan ang gabi at sa paggising ni Julio ay patay na si
Ligaya.
Ipinaghiganti ni Julio si Ligaya at pinaslang ang kinakasama nitong lalaki subalit maraming nakasaksi at
pinagmalupitan si Julio hanggang sa ito ay mawalan din ng hininga.

Mga Duguang Plakard Buod:


I.
Bawat plakard ng dugo’y isang kasaysayan.
Isang kasaysayan sa loob ng mga kasaysayan.
Mga kasaysayan sa loob ng isang kasaysayan.
Kangina pa namimigat, kangina pa kumikinig
ang ating mga palad, wari’y mga
munting bungong may kutsilyong nakatarak.
Sa look ng kurdon,
tayo’y tila mga tupang halos katnig-katnig,
magkahiramang-hininga, magkapalitang-pawis.
Bawat ngiti’s duguang balahibo
ng isang martines na walang mahapunan.
May dilang namimigat sa pangil ng tigre,
may dilang kumikisig sa abo ng dahon,
may dilang tusuk-tusok ng tinik ng suha,
ay, kampilang bungi-bungi sa lalamunan
ng isang lalaking sumusuntok sa ulap
sa tanghaway ng unat na bato!

II.
Sa labas: isang lura, isang pukol ang layo,
mata sa mata,
ano’t tila kumikisay ang mga bituing
nakatusok sa mga balikat? Mga ngiti’y
nakatahing paruparo sa pawisang mga manggas.
Kaytikas ng ating mga pastol.
Namimigat ang berdeng mga ulo,
ang huberong mga ulo, ang kuping mga ulo.
Nagsisipagningning ang mga batuta, baril,
kalasag, holster. Bakit mangangambang
maluray ng hangin? Mga leong
walang buntot naman ang ating mga pastol.

III.
Hagupit ng hangin sa sanga,
hagupit ng sanga sa hangin!
Kumakalapak sa mga duguang plakard,
bumabarimbaw sa mga ulo natin.
Kumakalatik sa hubero, kuping, at berdeng
mga ulo — O, kumpas ng hinaing, ng pagtutol,
ng pagsumpa, habang yaong mga daho’y
sabay-sabay, sunod-sunod sa pagbagsak.
Ang hangi’y tumitiling papalayo,
Ang sangang nalagasa’y waring di na nakayuko.

IV.
Itaas ang mga plakard, ang pulang watawat, ang mga kartelon. Sa loob ng kurdon, sa loob. Hayaan na
munang humingalay ang Dayaming-
Bayani sa ilalim ng baog na puno. Hintayin na munang matigib ng dighay ang tiyan ng Kuweba. Hindi
magtatagal, sa paglabas ng Buwayang Maharlika kasunod ang mga klerigong bangaw, mga banal na
uwak at buwitre: gisingin ang Dayaming-Bayani, gisingin at hayaang sabihing “Amigo no lo comas todo,
dejame algo.”
At siya, sa gayon, ay ating paligiran, ngitian, pagpugayan, sindihan! Mga kababayan, kung pagtitig sa atin
ng Buwayang Maharlika ay kumikislap-kislap sa luha ang kanyang
mga mata, habang nakanganga, sinuman sa ati’y malayang mangarap,
mangarap ng muling paghimlay
sa sinapupunan ng ating ina; sinuman sa ati’y malayang mag-alay, mag-alay ng sarili, kapatid, magulang;
o magnasang makakita ng bungangang walang dila, walang tonsil, walang pangil.
Kusutin ang diwa, mga kababayan, kusutin, kusutin.

You might also like