Ap Notes

You might also like

You are on page 1of 2

Mga Isyung Pangkapaligiran at Pang- ekonomiya

Kontemporaryong Isyu:

- Ay tumutukoy sa mga anumang pangyayari, ideya, opinion o paksa sa kahit anong larangay may
ugnayan sa kasalukuyang panahon
- Sumasaklaw sa kahit anong interes ng mga tao
- Kasabay o kapanahon

Halimbawa:

- Kontemporaryong isyung: panlipunan, halalan, o terorismo o rasismo


- Kontemporaryong isyung pangkalusugan: sobrang katabaan, kanser
- Kontemporaryong Pangkapaligiran: mga polusyon
- Kontemporaryong Pangkalakalan: globalisasyon, mga online na babasahin

Terorismo:

- Ay isa sa mga pinakatampok na kontemporaryong isyu. Dito pa lamang sa pilipinas, usap- usapan
ang walang awang pagpatay o makataong pagpapalaya sa mga bihag mula sa mga kamay ng
mga rebeldeng pangkat

Kahalagahan ng Kamalayan sa Kontemporaryong Isyu sa Lipunan at Daigdig:

- Nakatutulong sa paglinang ng kritikal at malawakang kaisipan


- Lalawak ang koneksiyon ng sarili sa lipunan sapagkat mas maiintindihan ang mundong
ginagalawan gamit ang kasalukuyang konteksto

Kalamidad:

- Tumutukoy sa pangyayari o kaganapang nagdudulot ng malaking kapinsalaan at kabagabagan sa


mga tao at komunidad na tinatamaan nito
- Ito ay bunga ng natural na proseso ng kalikasan, subalit may kinalaman din ang mga tao sa
madalas at sa hindi maipaliwanag na pagtama nito

Ibat ibang Uri ng Kalamidad

 Pagbagyo:
- Ang bagyo ay ang namumuong sama ng panahon, may isang pabilog o spiral na systema na
marahas ang hangin at may dalang mabigat na ulan, sa karaniwang daan daang kilometro
o milya sa diyameto ng laki
 Pagbaha:
- ang baha ay ang umaapaw at tumataas na lebel ng tubig na dulot ng malakas at walang
tigil na pagulan sa komunidad

- ang pag baha sa Pilipinas ay pinalala ng mga baradong daluyan ng tubig

 Pagdaluyong- bagyo o Storm Surge:


- ang daluyong-bagyo o storm surge ay ang hindi pangkaraniwang pagtaas ng tubig sa
dalampasigan habang papalapit ang bagyo sa baybayin. Nakaapekto sa tindi ng daluyaong
bagyo ang lalim ng at oryentasyon ng katubigan na dinaraanan ng bagyo at ang tiyempo ng
kati (mahaba ang tubig sa dagat)
 Paglindol:
- ang lindol ay isang biglaan at mabilis na pagyanig o pag uga ng lupa na dulot ng pagbibiyak
o pagbabago ng mga batong nasa ilalim ng lupa kapag pinakawalan nito ang puwersang
naipon sa mahabang panahon
 Pagtama ng Tsunami:
- ang tsunami o seismic sea wave ay serye ng malaking alon na nilikha ng pangyayari sa ilalim
ng dagat tulad ng paglindol, pagguho ng lupa, pagsabog ng bulkan, o pagbagsak ng maliliit
na bulalakaw. Ito ay maaaring kumilos ng daan- daang milya kada oras sa malawak na
karagatan at humampas sa lupa dala ang mga ahon na umaabot ng 100 talampakan o higit
 Pagputok ng mga bulkan:
- -ang bulkan ay isang puwang o siwang sa ibabaw ng lupa, karaniwang nasa aniyong bundol o
burol. Ang puwang o bunganga (crater) ay nagsisilbing daanan ng iniluluwag materyales tulad ng
abo at lava na nagmumula sa ilalim ng lupa.
- ang pinakamalakas na pagputok ng bulkan na naranasan sa Pilipinas ay ang pagputok ng
Bulkang Pinatubo noong 1991.

You might also like