You are on page 1of 4

ARALIN 1: Pangangalaga ng Kalikasan

Mga Inaasahang Bunga:


1. Naiuugnay ang sariling karanasan sa napakinggang teksto.

Pagpapalawak ng Bolabularyo

Bumuo ng mga salita mula sa mga letra ng salitang kalikasan. Pagkatapos,


gamitin sa sariling pangungusap ang mabubuong salita.

KAPALIGIRAN

Paksa

Basahin ng mabuti ang kuwento tungkol sa kapaligiran o sa Inang kalikasan.


Ang Baryo Luntian

Matagal ding nawala si Liza sa Baryo Luntian. Apat na taon na nang


siya ay umalis dito para mag-aral sa Maynila. Siya ay nakapagtapos na ng
kursong Edukasyon.
Ngunit, nalungkot si Liza sa kanyang nadatnan sa pagbalik sa kanilang
lugar. Ang dating malinis, maraming puno’t halaman, nagyon ay kalbo na
ang tangi niya na lamang nakikita ay ang mga putol na puno at mga tuyo’t
na halaman.

Sa akanyang paglalakad ay nakasalubong niya ang kanyang


kababata na si Albert.

Aralin 1 Pahina 1 sa 3
“ Uy, Liza, kumusta ka na? ang tagal mong nawala ah”, bati ni
Albert sa kanya.

“ Oo nga e, kailangan ko kasing pumunta sa Maynila para mag-aral.


Pero ngayong nakapagtapos na ako dito na ako muling maninirahan sa
ating baryo,” sagot ni Lisa.
“ Siya nga pala, ano ang nangyari sa ating baryo? Bakit
nagkakaganito?, usisa ni Liza.

“ Alam mo kasi, simula ng magtungo rito ang mga negosyante at nag-


alok ng malaking pera para sa mga puno ay agad na nakalbo ang paligid,”
pagkukuwento ni Albert.

“ Kung kaya pala pati mga halaman ay natuyo na rin. Nakakalungkot


talaga, Albert.”

“ Naku, Liza, halika na at mukhang bubuhos na ang malakas na ulan.”.


“Sige, mabuti pa nga. Maraming salamat Albert.
Ilang oras pa lamang na nakauwi si Liza sa kanilang bahay ay agad
na bumuhos ang napakalakas na ulan. Hindi ito tumigil hanggang sumapit
na ang gabi. Pataas na ng pataas ang tubig kung kaya naman ay kaagad
na ipinanhik na nila ang kanilang gamit sa itaas na bahagi ng kanilang
bahay.

Kinagabihan ay tumila na ang ulan ngunit mataas pa rin ang tubig sa


labas ng kanilang bahay. Kinaumagahan, nanlumo si Liza sa nasaksihan na
tanawin sa kanilang baryo. Maraming gamit ang nagkalat, mga patay na
hayop at kung ano-ano pang mga dumi sa kapaligiran. Halos naging

Aralin 1 Pahina 2 sa 3
malungkot ang mga tao na nakatira. Ang iba ay nawalan ng tirahan
dulot ng mga putik na bumalot sa kanilang kabahayan.

Maraming tulong ang dumating sa Baryo Luntian buhat sa


pamahalaan, at dahil doon ay unti-unti na ring nakabangon ang kanilang
baryo.
Dahil sa nangyari, kinausap ni Liza ang lahat ng taga-baryo. Hinimok
niya na muling ibalik ang kalinisan at kaayusan ng baryo na sinang-ayunan
naman ng mga ito. Simula noon ay unti-unti ng bumalik sa dating ganda at
linis ang Baryo Luntian.
Panuorin
Panuorin ang video na ito sa You Tube,
https://www.youtube.com/watch?v=F_rWOlU1CLM

Gabay na mag tanong:


1. Ano ang paksa ng iyong napanood?
2. Ano ang maaari mong maibahagi sa mga suliraning pangkalikasan?
Magbigay ng mga halimbawa.

Aralin 1 Pahina 3 sa 3
Aralin 1 Pahina 4 sa 3

You might also like