You are on page 1of 1

CN:

UNIVERSITY OF THE EAST


Basic Education Department
Manila
Senior High School

01
ACTIVITY NO. ___
Name: ________________________________________ Score: ____________________
Strand and Section: ____________________________ Date: _____________________
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik HFI 112
Subject Title: _________________________________________________________ Subject Code: _______

Elemento ng Tekstong Impormatibo


Activity Title: _________________________________________________________________________
Concept Notes/Pagsasanay
Type of Activity: ______________________________________________________________________
Natutukoy ang iba’t ibang elemento ng tekstong impormatibo
Learning Target: ______________________________________________________________________
Dayag, A., & Del Rosario, M. G. (2017). Pinagyamang Pluma: Pagbasa at Pagsusuri ng
Reference: ___________________________________________________________________________
Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Quezon City: Phoenix Publishing
___________________________________________________________________________
House, Inc.
____________________________________

Ang iba’t ibang elemento ng tekstong impormatibo ay ang mga sumusunod:


1. Layunin ng may-akda – Maaaring layuning magpalawak ng kaalaman ukol sa isang paksa;
maunawaan ang mga pangyayaring mahirap maipaliwanag; matuto ng maraming bagay sa mundo;
at mailahad ang yugto sa buhay ng mga insekto o hayop.
2. Pangunahing ideya – Ito ay ang paksang iniikutan ng teksto na madalas ginagamitan ng mga
organizational markers na nakakatulong upang agad makita at malaman ng mambabasa.
3. Pantulong na kaisipan – ito ay mga angkop na detalye o impormasyon na sumusuporta sa paksa
upang makatulong na mabuo sa isipan ng mambabasa ang pangunahing ideya ng isang sulatin.
4. Mga estilo sa pagsulat – nakatutulong sa mga mambabasa na higit na maintindihan ang nilalaman
ng sulatin tulad ng mga sumusunod na estilo:
a. Paggamit ng mga nakalarawang representasyon – ito ay paggamit ng mga larawan, guhit,
dayagram, tsart, talahanayan, time line, at iba pa upang mapalalim ang pag-unawa ng
mambabasa sa mga tekstong impormatibo.
b. Pagbibigay-diin sa mahahalagang salita sa teksto – nagagamit dito ang mga estilong tulad
ng pagsulat nang nakadiin, nakahilis, nakasalungguhit, o nalagyan ng panipi upang higit na
madaling makita o mapansin ang mga salitang binibigyang-diin sa babasahin.
c. Pagsulat ng Talasanggunian – karaniwang ginagamit ang estilong ito sa pagsulat ng
tekstong impormatibo na naglalagay ng mga aklat, kagamitan, at mga sangguniang ginamit
upang higit na mabigyang-diin ang katotohanang naging basehan ng mga impormasyong
tinataglay ng sulatin.

Tukuyin ang mga aytem batay sa elemento ng tekstong impormatibo. Isulat ang L kung Layunin ng may-
akda, I kung Pangunahing ideya, P kung Pantulong na kaisipan, at E kung Estilo ng pagsulat.
__ 1. Ang elementong ito ay nagpapakita ng organizational markers sa madaling pagtukoy ng main topic.
__ 2. Sa elementong ito kabilang ang pag-iitalisado ng mga salita na nagsasabing ito ay banyagang salita.
__ 3. Nagagamit ang mga table at figures sa elementong ito para sa malalim na pag-unawa ng paksa.
__ 4. Mga karagdagang impormasyon o detalye na nagpapatunay sa konsepto o ideya ng paksa.
__ 5. Tumutukoy sa hangarin ng manunulat sa pagsulat ng akda na nais niyang makamit sa pagsulat nito.

Bilugan ang mga bilang na maituturing na layunin ng pagsulat ng tekstong impormatibo.


1. Mangumbinsi ng ibobotong Presidente ng bansa
2. Magpaliwanag ng mga posibleng bunga ng hindi pagpapabakuna laban sa COVID 19.
3. Mangatwiran upang ipaglaban ang karapatan hinggil sa pag-aangkin ng West Philippine Sea
4. Komprehensibong magtalakay ng pinagmulan ng COVID 19.
5. Magpakita ng statistics sa pamamagitan ng graph hinggil sa mga active cases ng Delta variant.

You might also like