You are on page 1of 3

PANITIKAN HINGGIL SA KAHIRAPAN

 Isa sa mga pangunahing problemang kinakaharap ng ating bansa ay ang kahirapan.

 Kahirapan na kung minsan ay nag uudyok sa atin na gumawa ng masasamang gawain.

 Ngunit ano nga ba ang mga dahilan kung bakit natin ito nararanasan?
 Dapat ba nating sisihin ang ating gobyerno? O dapat nating sisihin ang ating mga sarili?

Isa sa pangunahing dahilan nito ay ang ilan sa mga korap na opisyal ng gobyerno. Kinukuha nila
ang kaban o pondo ng ating bansa na para sana sa mga mamamayan, ngunit napupunta lamang
sa bulsa ng mga opisyales.

Isa pang dahilan ang kawalan ng trabaho at ang isa pa na sa tingin ko ay nagiging dahilan ng
kahirapan ay ang katamaran ng mga tao. Hindi sila nagtitiyagang maghanap ng trabaho para may
maipangtustos sa kani-kanilang pamilya.

Kaya bilang isang kabataan at mag aaral, gawin niyo ang lahat ng inyong makakaya upang
makaahon sa hirap na inyong nararanasan ngayon. Sikaping mabuting makapagtapos ng pag-
aaral upang magkaroon ng maayos na trabaho at magandang kinabukasan at mabigyan ng buhay
ang inyong mga magulang.
PANITIKAN HINGGIL SA ISYUNG PANG MANGGAGAWA
MANGGAGAWA

Buhay at Sandigan ng Industriya

Paggawa – ito ay paggamit ng lakas, talino at kakakyahan ng tao upang makatulong sa


produksyon.

KAHALAGAHAN NG PAGGAWA O MANGAGAGWA


 Lumilikha ng produkto na kailangan ng bansa.
 Pinoproseso ang mga hilaw na materyal ng agrikultura.
 Nagpapaandar at gumagamit ng makinarya at ibang teknolohiya.
 Lumilinang ng likas na yaman Nagbabayad ng buwis sa pamahalaan.
 Konsyumer ng mga produkto.

MGA KATEGORYA
 Manggagawang mental – higit na ginagamit ang isip sa produksyon.
 Manggagawang pisikal – higit na kailangan ang lakas ng katawan sa Gawain .

KITA - Ito ay kabayarang tinatanggap ng manggagawa kapalit ng kanilang serbisyo at paggawa.

MGA KATAWAGAN
 Sahod - kabayaran sa manggagawa ayon sa oras ng pagtatrabaho, piraso o pakyawang
produkto, kontrata, arawan o lingguhan na sinusuri sa pamamagitan ng paggamit ng wage
rate.
 Sweldo ibinabayad sa manggagawa sa bawat buwan.

SAHOD O KITA
 Nominal wage - tumutukoy sa halaga na tinatanggap bilang kabayaran sa ginagawang
produkto at serbisyo.
 Real wage - halaga ng produkto at serbisyo na mabibili mula sa tinanggap na sahod.

MGA TEORYA UKOL SA SAHOD


 Wage Fund Theory
 Subsistence Theory
 Marginal Productivity Theory

MGA BATA NA NANGANGALAGA SA KARAPATAN NG MANGGAWAGAWA


o Atas ng Pangulo Blg. 442 - Batas na nagtatakda ng Kodigo sa Paggawa.
o Commonwealth Act Blg. 444 - Ang unang batas ukol sa walong oras ng paggawa.
o Batas Republika Blg. 1933 - Batas na nagtatadhana ng walong oras ng paggawa ng
mga manggagawa.
o Batas Republika Blg. 679 – batas na nagtatakda na pagkalooban ng maternity leave
ang manggagawang babae ng dalawang buwan.
o Batas Republika Blg. 8187 – batas na nagbibigay ng isang linggong pahinga ng mga
ama ng tahanan kapag nanganak ang asawa nito.
o Batas Republika Blg. 1052 – batas na nagtatadhana ng patakaran ukol sa
pagkatanggal ng mga manggagawa.
o Batas Republika Blg. 1131 – batas na nagbabawal sa pagtanggap ng manggagawa na
wala pang 18 taong gulang.
o Batas Republika Blg. 772 – batas na nagtatakda ng pagbabayad sa mga manggagawa
na napinsala sa oras ng trabaho.

UNYON NG MANGGAGAWA
o Isang samahan na nagbibigay proteksyon sa mga manggagawa.
o Ito ang nakikipaglaban para sa kapakanan at karapatan ng mga manggagawa .

URI
 Labor Union
 Craft/trade Union
 Industrial Union
 Company Union

MGA LAYUNIN
o Humingi ng makatarungang sahod at ibang benepisyo.
o Pagkalooban ng suporta ang mga kasama.
o Tamang oras ng paggawa at malinis na pasilidad .

ALITAN SA PAGGAWA
Mga Paraan ng Manggagawa
- Welga
- Pagpipiket
- Boykot
- Closed Shop
- Sabotahe

PARAAN NG PANGASIWAAN
 Lockout
 Pagtanggap ng mga “scab”
 Yellow dog contract
 Blacklist
 Espiya
 Open shop
 Injunction

PAGSASAAYOS NG ALITAAN
 Collective Bargaining – sama samang pakikipagkasundo ng mga manggagawa na
kinatawan ng unyon sa pangasiwaan upang ayusin ang suliranin .

MGA URI
 Arbitration
 Mediation
 Conciliation

You might also like