You are on page 1of 10

Chapter I

Introduction
Ang “bullying” ay isang karahasan laban sa mga bata. Aypn sa kagawaran ng edukasyon
matatawag na “bullying” ang paulit ulit na pangungutya , pananakit ng pisikal, pagbibitaw ng
masasakit na salita sa isang indibidwal lalon a kung itoy nasaktan, sinsadya man o hindi.

Kadalasang biktima ng “bullying” ay mga mag aaral na mahihina, tahimk, mahiyain ,may
kapansanan at hindi marunong lumaban. Dahilan sa pambubuly maraming kabataan ang
naaapektuhan sa kanilang pisikal, emosyonal, sosyal, at moral na aspeto kung saan nagbubunga
ito sa depresyon na kapag nagpatuloy ay maaaring humantong sa pagpapakamatay.

Kaya ang pananaliksik na ito ay ginawa upang maipasiwasat sa lahat an gang epekto ng
“bullying” sa mga mag aaral at upang maitigil na ang pambubuly.

Teoretikal na Balangkas
Bilang batayan sa konsepto ng pag aaral nailalahad ng bahaging ito ang mga teoryang
may kaugnayan ar magiging basehan sa daloy ng pag aaral.

Mula kay Pellegrini, ang kabataan ay ang pnahon kung saan mataas ang bilang ng
pambubuly. Ang nasabing pataas na ito ayu ipinapaliwanag ng “dominance theory” . Ayon sa
teoryang ito , ang bullying ay isang agresibong pamamaraan na may layuning makakuha at
mapanatili ang “dominance” ng taong nam bubuly (Pellegrini at Bartini, 2001). Ang
“dominance” ay isang salik ng pakikipag ugnayan na kung saan ang mga inidibidwal ay
nakaayos sa isang herarkiya ayon sa kanilang kakayanan o kapangyarihan.(Dunbar,1988).

Balangkas ng Konsepto
Ang paksa ng pag aaral ay ang “Epekto ng Bullying sa mga Senior High na Mag aaral ng
San Emilio National High School”. Ang epekto ng bullying ay maipapakita sa mga sumusunod:

 Kalusugan
 Ugali
 Katawan
 Mental,social,pisikal at moral na kalusugan

Suliranin
Upang mapagtagumpayan an gang layunin ng pag aaral humahanap ang pag aaral na ito
ng mga kasagutan sa mga sumusunod:

1. Naranasan na ba nilang mabully?

1
2. Aong klaseng pambubuly ang kanilang naranasan?
3. Ano ang dahilan kung bakit nabubuly ang isang mag aaral?

Layunin
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay naglalayong alamin ang epekto ng bullying sa mga
mga mag aaral ng senior high school student ng San Emilio National High School. Layunin din
ngitong tukuyin ang mga dahilan sa likod ng pambubuly ng mga bully sa mga mag aaral.

Kahulugan ng mga Termino


Upang mas mapadali ang mahusay na pag unawa sa pag aaral ang mg a sumusunod na
termino ay operasyong tumutukoy sa:

 Mga Mag aaral


Ang mga mag aaral ay siyang isa sa pinaka naaapektuhan sa mga ksao ng
pambubuly. Sila ang mas vulnerable dito.
 Bullying
Ay isang gawain na maaaring makapanakit sa isang indibidwal
mental,pisikal,sosyal o moral man ito.

2
Kabanata II

Rebyu ng Kaugnay na Literatura


Ang bahaging ito ng kabanata ay ipinapakita ang ibat ibang literature at pag aaral na
mayroong direktang kaugnayan sa paksang isinagawa.

Internasyonal na Pag aaral


Sa pag aaral ni Agatson ay nakapokos siya sa kung ano ang malaking epekto at
pagkaintindi ng Cyber bullying na may 148 siyang respondente na high school na nagkaroon ng
45 minuto na interbyu sa script ng mga tanong. Babae ang may napakalaking bahagdan sa Cyber
bullying at marami sa mga estudyante ang nagkaroon dito kaysa sa bullying sa paaralan. Dahil sa
pag aaral na ito na alarma ang eskwelahan at nagkaron ng mga patakaran, seminar at pag aaral
tungkol sa nasabing karahasan.

Lokal na Pag aaral


Ayon kay Miguel Baquilod (2013) isang surbey sa buong kapuluan naman ang isinagawa
niya na kawani ng kagawarang kalusugan noong 2004 ukol sa kalusugan ng mga sekondaryang
mag aaral. Kabilang sa nasabing surbey ay ang karahasan laban sa kabataan.

Base sa pag aaral halos kalahati ng mga respondente ay sangkot sa pisikal na pag aaway
at one third ng mga mag aaral ay nabubuly nan g tatlong beses sa isang buwan, isinasaad din sa
pag aaral na ito mas nasasangkot sa ganitong uri ng karahasan ang mga kalalakihan kumpara sa
mga kababaihan.

Kabanas III

METODOLOHIYA

3
Ipinapakita ng kabanatang ito na ang nagamit na disenyo ng pag aaral,
ang nagamit na instrumento ng mga respondente, paraan ng pagkuha
ng mga datos at ang statistical treatment ng mga resulta ng pag aaral.
DISENYO NG PAG AARAL
Ang surbey ay nagamit upang makamit ang layunin nitong pag aaral. Ito ay isang
katotohanan sa paghahanap ng pag-aaral na may sapat at tumpak na interpretasyon ng mga
natuklasang datos. Ang pamamaraang ito ay hinahangad na ilarawan o malaman ang Epekto ng
Bullying sa mga Senior High na Mag aaral ng San Emilio National High School.

MGA RESPONDENTE

Ang target na respondente ay binubuo ng dalawampung (20) mga Senior


High na mag aaral ng San Emilio National High School.Sila ay napili sa
sistematikong pagtatakda ng pag aaral.

INSTRUMENTO NG PAG AARAL


Ang palatanungan sa survey ay ginamit upang ibigay ang kinakailangang datos sa pag-
aaral na ito. Sinuri ng mga katanungan ang epekto ng bullying sa mga senior high na mag aaral
ng San Emilio National High School.

PANGANGALAP NG DATOS
Ang mga datos ay nakuha mula sa dalawampung (20) senior high na mag aaral.Ang bawat
magsasaka ay hinilingang sagutin ang isang talatanungan

PANGUNAHING PUNTOS
Ang mga indibidwal na tugon ay naitala sa tally sheet bago inilagay ang data sa form ng
talahanayan na handa para sa statistical treatment. Upang magbigay ng makabuluhang
paglalarawan ng mga respondente sa Epekto ng Bullying sa mga Senior High na Mag aaralSan
Emilio, nakuha ang pamamahagi ng porsyento.

Ang pormula sa porsyento ay:

% = f/n × 20

Kung saan:
4
% = porsyento

f = frequency

n = kabuuan ng frequency

P = f/n × 20

Kabanata IV
Presentasyon, Analisis, at Interpretasyon

5
Ipinapakita ng kabanatang ito ang mga datos na nakalap sa Epekto ng Bullying sa mga
Senior High na Mag aaral ng San Emilio National High School patungo sa analisis at
interpretasyon ng nasabing datos.

Unang Talaan

1. Nakaranas ka na ba ng pambubuly?

Respondente Porsyento(%)
Oo 16 80%
Hindi 2 10%
Medyo 1 5%
Sa tingin ko 1 5%

Total: 20 100%
Ipinapakita ng unang talaan na mas maraming sumagot ng Oo na mayroong 16 na
respondente na mayroong 80% ng papolasyon. Sumusunod dito ang Hindi na mayroong 2
respondente na mayroong 10% ng papolasyon. 1 lamang ang sumagot sa Medyo at Sa tingin ko
na mayroong 5% ng papolasyon.

Table II

2. Anong klaseng pambubuly ang iyong naranasan?

Respondente Porsyento (%)


Pisikal 13 65%
Verbal 4 20%
Cyber 3 15%
Mental 0 0%
Total: 20 100%
Ipinapakita ng ikalawang talaan na mayroong 13 na respondente ang sumagot sa Pisikal na
mayroong 65% ng papolasyon. Sumunod dito ang Verbal na mayroong 4 na respondente na
mayroong 20% ng papolasyon. 3 na respondente naman ang sumagot sa Cyber na mayroong
15% ng papolasyon. Huli, walang sumagot sa Mental.

Table III

3. Nakakita ka na ba ng pambubuly?

6
Respondente Porsyento (%)
Oo 18 90%
Hindi 2 10%
Medyo 0 0%
Sa tingin ko 0 0%
Total: 20 100%
Ipinapakita ng ikatlong talaan na mayroon lamang 18 na respondente ang sumagot ng Oo na
mayroong 90% ng papolasyon. Sumunod dito ang Hindi na mayroong 2 respondente na
mayroong 10% ng papolasyon. Wala namang sumagot sa medyo at sa tingin ko.

Table IV

4. Saan ka nakakita ng pambubuly?

Respondente Porsyento (%)


Paaralan 20 100%
Bahay 0 0%
Kalye 0 0%
Mall 0 0%
Total: 20 100%
Ipinapakita ng ikaapat na talaan na lahat ng respondente ay sumagot sa Paaralan na may 20
na respondente na mayroong 100% ng papolasyon..

Table V

5. Nakakamatay ba ang pambubuly?

Respondents Porsyento (%)


Oo 18 90%
Hindi 2 10%
Medyo 0 0%
Sa tingin ko 0 0%
Total: 20 100%
Ipinapakita ng ika-limang talaan na mayroong 18 na respondente ang sumagot sa Oo
na mayroong 90% ng papolasyon. Kasunod nito ay 2 respondents lamang ang sumagot sa Hindi
na mayroong 10% ng papulasyon. Ang Medyo at Sa tingin ko ay wala ni isang respondente ang
sumagot.

7
Table VI

6. Bakit nabubuly ang isang indibidwal?

Respondente Porsyento (%)


Mahina 12 60%
May kapansanan 8 40%
LGBT member 0 0%
Matangkad 0 0%
Total: 20 100%
Ipinapakita ng ika-anim na talaan na nabubuly ang isang indibidwal dahilan sa
mahina ito, mayroon itong 12 na respondent na mayroong 60% na papolasyon. Sumunod ang
May kapansanan na mayroong 8 na respondent na may 40% na papolasyon. Wala namang
sumagot sa LGBT member at matangkad.

Table VII

7. Naranasan mo na bang nambuly?

Respondente Porsyento(%)
Oo 10 50%
Hindi 6 30%
Medyo 3 15%
Sa tingin ko 1 5%
Total: 20 100%
Ipinapakita ng ika-walong talaan na mayroong 10 respondente ang sumagot sa Oo na
may 50% ng papolasyon. Sumunod dito ang Hindi na mayroong 6 na respondente na may
30% ng papolasyon. Ikatlo ang Medyo na may 3 na respondente na may 15% ng papolasyon.
Huli ang Sa tingin ko na may 1 na respondent na mayroong 5% ng papolasyon.

Table VIII

8. Napatawagan ka na ba sa Guidance Office dahil dito?

Respondente Porsyento (%)


Oo 6 30%
Hindi 14 70%
Medyo 0 0%
Sa tingin ko 0 0%
Total: 20 100%
Ipinapakita ng ika-walong talaan na halos lahat ng nambubuly ay hindi
napapatawagan sa Guidance Office, mayroon itong 14 na respondente na mayroong 70% ng

8
papolasyon. Sumunod ang Oo na mayroong 6 na respondente na may 30% ng papolasyon.
Wala namang sumagot sa Medyo at Sa tingin ko.

Table IX

9. Nakakatulong ba ang pambubuly sa inyong buhay?

Respondente Porsyento (%)


Hindi 17 85%
Oo 3 15%
Medyo 0 0%
Sa tingin ko 0 0%
Total: 20 100%
Ipinapakita ng ika-siyam na talaan na Halos walang naitutulong ang pambubuly sa
buhay ng mga respondent na mayroong 17 na respondente na may 85% ng papolasyon.
Mayroon namang 3 na respondente ang sumagot sa Oo na may 15 ng papolasyon. Huli,
walang sumagot sa Medyo at Sa tingin ko.

Table X

10. Mayroon bang grupo ng mga nambubuly sa inyong paaralan?

Respondente Porsyento (%)


Meron 8 40%
Wala 7 35%
Hindi ko alam 5 25%
Malamang 0 0%
Total: 20 100%
Ipinapakita ng ika-sampung talaan na may 8 na respondente ang nagsasabing may
mga grupo ng nambubuly sa kanilang paaralan na mayroong 40% ng papolasyon. Sumunod
naman ang wala na halos kapantay ng Oo na mayroong 7 na respondent na may 35% ng
papolasyon. Ikatlo naman ang Hindi ko alam na mayroong 5 na respondent na mayroong
25% ng papolasyon. Wala namang sumagot sa Malamang.

9
KABANATA V

Kabuuan, Konklusyon at Rekomendasyon

Ipinapakita ng kabanatang ito ang mga kabuuan ng mga nakalap na datos ng pag aaral at
ang konlusyon. Rekomendasyon para sa mga solusyon ng mga problema na nadiskubre sa
pag aaral na ito ay naibigay.

KONKLUSYON
1. Halos lahat ng mga mag aaral ng senior high ay nakaranas ng pambubuly.
2. Ang kanilang naranasan na pambubuly ay karamihan pisikal.
3. Halos lahat sila ay nakakita nan g pambubuly.
4. Lahat ng mag aaral ng senior high ay sa paaralan nakakita ng pambubuly.
5. Halos lahat sila ay sinasabing nakakamatay ang pambubuly.
6. Ayon sa kanila halos nabubuly ang isang indibidwal dahit ito ay mahina.
7. Kalahati sa kanila ay nakaranas nan g pambubuly.
8. Karamihan sa kanila ay hindi napatawagan sa Guidance Office dahil sa pambubuly.
9. Hindi raw nakaktulong ang pambubuly sa mga buhay ng senior high na mag aaral.
10. Ayon sa kanila merong grupo ng pambubuly sa kanilang paaralan habang mayroon ding
nagsasabi ng wala.

REKOMENDASYON

1. Kailangang mabigyan ng kahalagahan ang pambubuly sa mga paaralan.


2. Malaki ang tulong ng mga magulang at guro upang maiwasan ang pambubuly kung kayat
dapat nilang ituro sa mga ito na ang pambubuly ay hindi tama at dapat ng maitigil.
3. Ang pambubuly ay hindi isang laro kung kayat dapat itong itigil.

10

You might also like