You are on page 1of 1

Pang anim na Talahanayan- Ano sa tingin mo ang dapat gawin ng biktima ng cyber-bullying upang

matapos ito?
Base sa talahanayan, nakakuha ng limampung porsyentoang “sampahan ng kaso”, at sumunod naman ang
“magsumbong” na nakakuha ng apatnapu’t lima, makikita na ninanais ng mga respondante na mag sabi sa
mga awtoridad at kinauukulan kapangyarihan ang mga taong nakakaranas ng pambu-bully.

Pang pitong Talahanayan- Bilang estudyante, anong mga solusyon ang satingin mong maaaring gawin
para maiwasan o magkaroon ng kaalaman ang bawat tao patungkol sa cyber-bullying?
Kagaya na lamang sa pang anim na talahanayan, ang nakakuha ng pinakamaraming boto ay “I-report sa
awtoridad tulad ng propesor o guidance counselor kung sa paaralan ito nangyayari o kung online na
paraan ng pagtuturo. Dahil para sakanila, ang nabubully ay nangangailangang magsumbong o magsabi
upang matigil ang mga ganitong pangyayari at hindi na lumala pa.

Pang walong Talahanayan- Bilang unang taong mag-aaral ng kriminolohiya, sumasang-ayon kaba o
hindi sumasang-ayon sa lubos na pagbabago sa akademikong pagganap ng estudyante kung naranasan o
nararanasan niya ang cyber-bullying?
Ang karamihan ng mga estudyante ay sumasang-ayon na angpambu-bully ay nakakapekto sa
akademikong pagganap ng mganakakaranas ng ganito ay labingwalo o siyam na pung posyento at ang
hindi naman sumasang-ayon ay dalawa o sampung porsyento. Ang pambu-bully ay nakakaapektosa EQ
(Emotional Quotient) ng biktima na nagiging sanhi ng maramingbagay tulad na lamang ng pagkawa ng
gana sa pag-aaral, pag-liban sa eskwela, at ang pinaka-malala ay ang depresyon.

Pang siyam na Talahanayan- Sa iyong palagay, Ilang porsyento ng mga estudyante ng kriminolohiya
ang nabibiktima ng cyber bullying?

Ang may pinakamalaking boto nanakakuha ng dalawampu’t limang porsyento ay ang dalawampu’t isang
porsyento hanggang apat na pung porsyento at apat na pu’t isang porsyento hanggang anim na pung
porsyento, sumunod naman dito ang anim na put isang porsyento hanggang walompung porsyento na
nakakuha ng apat naboto o dalawampung porsyento, labing limang porsyento naman ang nakuha ng isa
hanggang dalawampung porseynto at walomput isang porsyento hanggang isang daang porsyento. Ayon
sa datos halos kalahati ng mga estudyante ay nakaranas ng pambubully online sakanilang mga kaklase at
kaibigan.
Pang-sampung Talahanayan- Sa iyong palagay, mahalaga ba na marinig ang boses ng mga nakararanas
ng cyber-bullying?

Ayon sa talahanayan ang lahat ng respondante ay sumang-ayon na at makikita natin naiisa lamang ang
binoto ng mga respondante, ninanais nilang lahat na marinig ang boses at mga hinaing ng mga biktima
upang sila ay magkaroon ng pagkakataon na mailabas ang kanilang hinanakit, para narin makaiwas ang
ibang estudyante at matigil na ang mgapangbu-bully.

You might also like