You are on page 1of 20

KABANATA IV

Paglalahad ng Natuklasan, Konklusyon at Rekomendasyon

Ang huling kabanata ng pag-aaral na ito ay naglalahad ng mga natuklasan at konklusyon

mula sa sinuring datos sa isinagawang sarbey at ang rekomendasyon na mula naman sa

kabuuang pag-aaral ng pananaliksik.

Ang pag-aaral na ito na pinamagatang "Epekto ng Pambu-bully sa Pisikal, Mental,

Sosyal, at Moral na Aspeto ng mga Mag-aaral” ay naglalayong matuklasan ang mga kasagutan

sa mga sumusunod na suliranin: (l) Ano ang epekto ng pambu-bully sa aspetong: pisikal?

mental? sosyal? moral ng mga mag-aaral?; (2) Anong uri ng pambu-bully ang narasan o
nararanasan nila?; (3) Ano ang dahilan ng pambu-bully sa pananaw ng mga biktima?; at (4)

Ano ang pamamaraang ginawa ng mga biktima upang malabanan ang pambu-bully?
Natuklasan

Ang mga suliranin sa pag-aaral na ito ay natugunan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng

sarbey ng mananaliksik. Bilang resulta nito, natuklasan ng pag-aaral ang mga sumusunod na

pangungusap.

Sa unang suliranin ng pag-aaral, natuklasan na ang pananakit ng katawan ang

pangunahing epekto ng pambu-bully sa pisikal na aspeto. Nakakuha ito ng 26% 0 9 respondente

ayon sa 51 porsyento na nakapagsagot ng mayroon itong epekto. Sa mental na aspeto naman,

ang pagkakaroon ng takot o trauma ang dulot ng pambu-bully. Nangangahulugan itong nag-

iiwan ng marka sa isip ang mga karahasang nararanasan ng mga mag-aaral. Nakakuha ito ng

23% o IO respondente ayon pa sa 64% na nakapagsagot na may epekto ang pambu-bully sa

kanilang mental na aspeto. Ang mga mag-aaral naman ay nagiging mahiyain na at nahihirapan

sa pakikisalamuha sa mga tao bilang epekto ng pambu-bully sa kanilang aspetong sosyal na

nakakuha ng 37% 0 22 respondente ayon sa 80% na sumagot na may epektong dulot ang

pambu-bully sa kanilang moral na aspeto. Nangangahulugan itong mababawasan na ang mga

taon kanilang makikilala sa kanilang buhay. Sa moral na aspeto, ang pagiging isang bully din

ang pangunahing naging epekto ng pambu-bully sa mga mag-aaral na nakakuha ng 20% o IO


respondente ayon sa 73% na sumagot na may epekto sa ang pambu-bully sa kanilang aspetong

moral. Nangangahulugan itong naimpluwensyahan ang mga mag-aaral sa mga gawaing ginawa sa

kanila. Masasabing naiugnay ito sa teoryang "ecological systems".

Sa ikalawang suliranin, natuklasan ng mananaliksik na pambu-bully sa paraang berbal ang

pinakanararanasan ng mga mag-aaral. Nakakuha ito ng 82% 0 55 tugon mula sa mga respondente.

Nangangahulugan ito na madalas silang tuksuhin, asarin o 'di kaya'y pagsalitaan ng masakit ng

mga nambu-bully. Pumapangalawa naman ang di-tuwirang uri na may 48% 0 32 respondente

kung saan ang mga mag-aaral ay maaaring pinagtsiqsismisan, tinatraydor o 'di kaya'y pinaplastik

lamang.

Sa ikatlong suliranin, natuklasan ng mananaliksik na ang mga mag-aaral ay binu-bully

marahil dahil sa inggit. Ito ay nakakuha ng 25% 0 17 respondente. Nangangahulugan itong may

ideya ang mga mag-aaral na mayroon silang kakayahan na maaaring kainggitan sa kanila ng mga

tao na naging dahilan kung bakit sila binu-bully. Pumangalawa naman ang pisikal na anyo bilang

dahilan ng pambu-bully sa kanila. Nakakuha ito ng 15% 0 10 tugon mula sa mga respondente.
Sa ikaapat at huling suliranin, natuklasan ng mananaliksik na ang hindi pagpansin sa

pambu-bully sa kanila ang nagsilbing pamamaraan ng mga mag-aaral upang maiwasan at

malabanan ito. Nakakuha ito ng 52% 0 35 na tugon mula sa mga respondente. Nangangahulugan

itong magsasawa at titigil din ang mga nambu-bully kung hindi na lamang ito papansinin.
Konklusyon

Ang pag-aaral na ito ay nagbigay-kaisipan sa mananaliksik na nagtulak upang makabuo

ng konklusyon.

Nabuo sa isipan ng mananaliksik na malaki ang epektong naidudulot ng pambu-bully sa

iba't ibang aspeto ng mga mag-aaral partikular na sa pisikal, mental, sosyal at moral na aspeto

nila. Magkakaroon lamang ng epekto sa kaniyang pisikal na aspeto kung siya ay binu-bully ng

pisikal. Maaari siyang magtamo ng pananakit ng katawan at kung malala pa'y mga sugat at mga

pasa na ang kaniyang makuha sa karahasang dinaranas niya. Nag-iiwan din ng marka sa isipan

ng isang mag-aaral ang pambu-bully sa kaniya dahil sa takot na siya' y masasaktan. Ang

"trauma" na ito ay may malaking epekto sa kaniyang pakikipagkapwa. Siya ay magiging

mahiyain at mahihirapang makisalamuha sa iba, magiging mapili sa tao at kung lalala pa doo'y

magiging takot o iwas siya sa tao sa pag-aakalang sasaktan o ibu-bully rin siya ng bawat

makakasalamuha niyang tao. Nakahahawa din ang pagiging isang "bully". Maaari itong makuha

ng isang mag-aaral mula sa mga taong nambully sa kaniya sa dahilang gusto niyang gumanti sa

iba o 'di kaya nama'y nagustuhan din niya ang pananakit sa ibang tao.
Kadalasang panunukso, pang-aasar at pagsasabi ng masasakit na salita ang kadalasang

nararanasan ng mga mag-aaral. Minsa'y biro lamang ito sa mga nambu-bully ngunit hindi nila

alam na nakasasakit na sila ng tao. Ang pambu-bully sa berbal na uri ay kadalasang bunga ng

"immaturity" ng mga bully. Masaya sila na nang-aasar ng mga tao na parang mga bata.
Ang bawat mag-aaral ay may mga bagay sa kanilang sarili na maaaring ika-inggit ng

iba. Ito ang isa sa mga dahilan na pinaniniwalaan ng karamihan kung tatanungin ang panig ng

biktima. May ugali, kadalasan, ang mga nambu-bully na kapag mayroon silang nakitang wala

sa kanila at nakita nila ito sa iba, nakararamdaman sila ng yamot at inggit kung kaya't gusto

niyang nasasaktan ang kinaiinggitan niya. Ilan din sa mga dahilan kung bakit mayroong mga

bully ay dahil ninanais nila na magkaroon ng kapangyarihan na mapasunod ang iba o ang

pagiging mataas kaysa sa ibang tao (teoryang dominance) at dahil sa pag-adap nila sa parehong

gawain ng nasa kaniyang kapaligiran (teoryang ecological systems), nagiging kaaakit-akit sa

kanila ito at nagkakaroon sila ng kuryosidad ukol sa pambu-bully kung kaya't nagagamit nila

ito sa pakikisalamuha sa ibang tao (teoryang attraction)

Naiiwasan naman ang "bullying" ngunit nakadepende na rin iyon sa pamamaraan ng

biktima. Maaari itong maiwasan ng biktima sa pamamagitan ng hindi pagpansin sa mga

nambubully dahil hangga't pinapansin niya ito at nagpapaapekto siya rito, lalong hindi titigil

ang mga tao na i-bully siya. Hangga't maaari rin ay panatilihing umiwas sa mga nambu-bully at

mas makabubuti kung sumasangguni ang mga mag-aaral sa kanilang mga guro, lalo na kung

ang pambu-bully ay nasa loob lamang ng paaralan, at sa kanilang mga magulang.


Bilang kabuuang resulta ng pag-aaral na ito, walang alinlangang pagpapalagay ng

mananaliksik na walang mabuting dulot ang pambu-bully sa isang tao. Isa itong uri ng

karahasan na dapat matigil at masugpo. Maaaring sa panig ng nambu-bully ay may maganda

itong naidudulot dahil ito'y kanilang kasiyahan ngunit isa naman itong pagkakasala sa kanila.

Samantala, tama ang tatlo sa apat na pagpapalagay ng mananaliksik sa magiging resulta ng


pananaliksik na ito. Ito ay dahil na rin sa kaalaman ng mananaliksik ukol sa paksa kung saan

nakasaksi at nakaranas siya nito.

Rekomendasyon

Batay sa kabuuang pag-aaral na isinagawa ng mananaliksik, nakabuo at nakapagbigay ito

ng ilang rekomendasyon.

Sa mga mag-aaral na kasalukuyang nabu-bully, iminumungkahi ng mananaliksik na

huwag gumawa ng reaksyon o magpakita ng nararamdaman kapag ikaw ay nabu-bully dahil

mawawalan sila ng gana kapag wala kang pakialam. Ayon na rin sa Kawikaan 29: I I, Siyang

marunong ay nagpapanatili nitong mahinahon hanggang sa huli." Maaari rin kausapin o sagutin

ang mga nambu-bully sa paraang hindi nila inaasahan dahil ayon sa Kawikaan 15: I, "Ang sagot,

kapag mahinahon, ay pumapawi ng pagngangalit." Huwag din naman gaganti sa mga nambty

bully dahil lalong lalala ang sitwasyon kapag lumaban pa pabalik. At mula na rin ito sa Roma

12:17, "Huwag ninyong gantihin ng masama ang masama." Magkaroon din naman kayo ng

kumpiyansa sa sarili dahill alam ng mga nambu-bully kapag kinakabahan kayo at maaari nila

iyong samantalahin upang sirain ang natitira mo pang kumpiyansa. Hangga't maaari rin ay umalis
ka at iwan mo sila. Ang pagtahimik ay nagpapakitang ' 'matured" ka at mas matatag kaysa sa

nang-iinis sa'yo. Pigilan din ang iyong sarili dahil iyon ang isa sa mga ugaling wala sila.

Huling rekomendasyon ng mananaliksik ay ang pagsusumbong. Ito na rin ang pinakamabisang


paraan upang matigil ang pambu-bully sa inyo. Mas may kakayahan ang mga pagsusumbungan

mo kaysa sa mga nambu-bully sa'yo.

Sa mga nambu-bully, inirerekomenda ng mananaliksik na itigil na ang pang-aapi sa ibang

tao dahil maaari itong makaapekto sa kaniyang buhay. Maaaring magdulot ito ng kasiyahan sa

inyo ngunit tandaan ninyo na iyo'y panandalian lamang at dapat ninyon haraping ang kasalanan

ninyo sa Kanya.

Sa mga guro at magulang, ninanais ng mananaliksik na mas pagtibayin pa ang atensyon at

paggabay sa inyong mga anak upang walang karahasang nangyayari. Hindi man sa inyo nakukuha

ng inyong mga anak ang pambu-bully ngunit nararapat na bigyan ng pansin ang mga kagawian ng

inyong mga anak lalo na sa paaralan. Lubos na naiimpluwensyahan ang inyong mga anak sa mga

gawain na nakikita at nakakasalamuha niya sa kapaligiran (teoryang ecological system)

Sa mga iba pang mag-aaral at mananaliksik, lubos na iminumungkahi ng mananaliksik na

magsagawa pa ng ilang pag-aaral ukol sa "bullying". Bagama't marami na rin ang mga pag-aaral

na nagsasagawa nito, ninanais ng mananaliksik na tumuon pa sa iba pang aspeto ng isang

indibidwal na maaaring maapektuhan ng pambu-bully. Maaari rin na magsagawa ng isang

pagaaral ukol sa pagsugpo ng pambu-bully kahit na maiisip ng karamihan na imposibleng matigil


ang karahasang ito. Marami pang hindi napapatunayan at hindi natutuklasan kung kaya't lubos na

nirerekomenda ng mananaliksik ang mga nabanggit.

You might also like