You are on page 1of 8

VICTORIA NATIONAL HIGH SCHOOL

San Gavino, Victoria, Tarlac

“KONSEPTONG PAPEL”

SA

FILIPINO

Ipinasa ni:

Kevin S. Arias

HUMSS 12- DERRIDA

Ipinasa kay:

Ginang Vanessa Tabunda


EPEKTO NG BULLYING SA PISIKAL, MENTAL AT SOSYAL ASPETO NG MGA

MAG-AARAL NG HUMSS SA IKA-12 NA BAITANG NG VICTORIA NATIONAL

HIGH SCHOOL TAONG PANUNTUNAN 2020-2021

I. Panimula

Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa mga epekto na bullying sa mga mag-aaral ng

HUMSS sa ika-12 na baitang ng Victoria National High School Taong Panuntunan 2020-

2021. Ang bullying ay isa sa mga problem ana madalas ay ating nararanasan pero hindi

madalas mapagtuunan ng pansin. Makikita sa maraming anyo ang bullying, maaaring ito ay

pang-aaway, pangungutya o panlalait, pagmumura o madami pang iba. Ang bullying ay

maaari ring mangyari sa personal o hindi kaya ay sa pamamagitan ng mga selpon o sa internet

o ang tinatawag nila na cyber bullying. Makikita sa pananaliksik na ito kung ano nga ba ang

epekto nito sa pisikal, mental, sosyal at moral na aspeto ng mga mag-aaral.

II. Rasyonale

Mahalaga ang paksang ito sapagkat sa pamamagitan nito malalaman ng makababasa,

maaaring mga magulang, guro o mga mag-aaral mismo, kung ano nga ba ang mga epekto ng

bullying sa mga mag-aaral. Kung malalaman nila kung ano ang dulot nito, mas pag-iigihan ng

mga magulang o guro ang pangangaral sa mga bata na huwag itong gagawin at gayundin,

maaaring maiwasan na ng mga mag-aaral o iba pang bully ang pambubully dahil wala itong

magandang maidudulot. Mahalaga rin ito para sa mga mananaliksik dahil magkakaroon sila

ng gabay sa paggawa ng pananaliksik na kaparehas ang paksa sa hinaharap.


Ang bullying ay tumutukoy sa ugaling madalas na pag-aaway, panunukso, pagmumura,

pagbabanta, pangba-blackmail at pambabastos. Ito ay madalas na, na problem sa ating

lipunan at may malaking epekto sa kabuuan ng isang tao. Maaaring sa pisikal, mental at

sosyal na aspeto ng buhay.

Sakop rin ng pananaliksik na ito ang mga uri ng pambu-bully na nararanasan ng mga mag-

aaral at kung anong mga pamamaraan ang ginagawa ng mga biktima ng bullying upang

malabanan ito.

III. Layunin

Layunin ng Pananaliksik na ito na masagot ang mga sumusunod na katanungan:

A. Anong uri ng bullying ang kanilang naranasan o nararanasan?

B. Ano ang mga epekto ng bullying sa aspetong:

1. Pisikal?

2. Mental?

3. Sosyal ng mga mag-aaral?

C. Ano ang maaaring dahilan ng mga bully upang ang mga mag-aaral ay kanilang i-bully?

IV. Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Ayon kay Castillo (2017), ang pambu-bully at paulit-ulit na panunukso ay isang agresibong

pag-uugali na nagdudulot ng negatibong epekto sa taong dumaranas nito. Ito ay maaaring

humantong sa depresyon na naging sanhi ng pakawalang tiwala sa sarili o di kaya ay


pagkamatay. Nakakagambala ito sa kaginhawaan o kagalingan at pag-unlad ng batang may

ganitong asal at maging sa batang naaapi.

Binigyang diin nina Pellegrini at Bartini, gamit ang “dominance theory” na ang bullying ay

isang agresibong pamamamaraan na may layuning makakuha at mapanatili ang “dominance” ng

taong nambubuly (Pelligrini at Bartini, 2001).

Sa pag-aaral nina Sunde Peterson at Karen Ray (2006) na kung saan pinag-aralan nila ang

patuloy na paglaganap ng bullying at ang epekto nito sa mga biktima at ang pagiging bully sa

kindergarten hanggang sa ikawalong baitang. Sa 432 na mga respondante sa isinagawang sarbey,

67 porseynto ang nakaranas ng 1 sa 13 uri ng pambubully sa sarbey, mas marami sa ika-anim na

baitang kaysa sa ibang baiting, at 11 porseynto naman ang nakaranas ng paulit ulit na pambu-

bully, ang nalalabing porsyento ay mga nakaranas ng iba pang uri ng pambu-bully na may

malaking impak sa emosyonal na aspeto ng mga mag-aaral. Sa ika-walong baitang, 16 na

porsyento ang mga bully at 29 na porsyento naman ang may marahas na kaisipan. Sa lahat ng

baitang mula kindergarten hanggang ika-walong baitang, malaking bahagdan ng mga kalalakihan

kaysa sa mga kababaihan ang mga biktima ng pambubully, na-bully ng higit sa samping beses , at

mga nabully.

V. Pamamaraan

Ang pananaliksik na ito ay isang qualitatibong pananaliksik na kung saan isinagawa ito sa

pamamagitan ng sarbey na ipinamahagi sa limampung mag-aaral ng HUMSS na nasa ika-

labindalwang baitang.
Ang mananaliksik ay gumamit ng isang istandard na kwestyuner at ito ay ibinahagi sa

kanyang kapwa mag-aaral. Ang pamamahagi ng kwestyuner ay online upang maiwasan ang

anumang pisikal na interaksyon.

IV. Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos

Sa bahaging ito makikita ang resulta ng pananaliksik tungkol sa epekto ng bullying sa pisikal,

mental at sosyal na aspeto ng limapung estudyante ng HUMSS 12 ng Victoria National High

School.

Unang Suliranin

Uri ng Pambu-bully na Naranasan ng mga Mag-aaral

Mga Sagot Bilang ng Sumagot Porsiyento


Pisikal 5 10%
Berbal 26 52%
Di-tuwiran 19 38%
KABUUAN 50 100%
Ang grap na ito ay nagpapakita sa uri ng mga pambu-bully na naranasan ng mga mag-aaral.

Makikita rito na ang berbal na uri ng bullying tulad ng pagmumura at panlalait ay may

pinakamataas na porsiyento na umabot ng 52 na kung saan, 26 sa 50 na respondante ang

sumagot. Sumunod naman dito ay ang di-tuwiran na pambu-bully na may 38% o 26; panghuli

ang berbal na bullying tulad ng paninipa, pananabunot, suntok at iba pa na may 10 % o 5.

Pangalawang Suliranin

2.A Epekto ng Bullying sa Pisikal na Aspeto ng Mag-aaral


Mga Sagot Bilang ng Sumagot Porsiyento
Pagkakaroon ng galos sa iba’t 8 16%

ibang parte ng katawan


Pamamayat 4 8%
Pananakit ng iba’t ibang parte 18 36%

ng katawan
Natutong mag-ayos ng sarili 20 40%

(pananamit o pisikal na anyo)


KABUUAN 50 100%
Sa Table 2.A makikita ang epekto ng bullying sa pisikal na aspeto ng mga mag-aaral.

Makikita rito na 20 o 40% ang sumagot na dahil sa bullying ay natutong mag-ayos ang mga

biktima ng kanilang sarili upang maiwasan ng maranasan itong muli; 18 o 36% naman ang

sumagot na ng dahil sa bullying nagkakaranas ng pananakit ng katawan ang mga biktima

sinundan ng pagkakaroon ng galos na may 8 o 16%. Paghuli naman ang pamamayat na may 4 o

8%.

2.B Epekto ng Bullying sa Mental na Aspeto ng Mag-aaral

Mga Sagot Bilang ng Sumagot Porsiyento


Bumaba ang tingin sa sarili 27 54%
Na-depress 8 16%
Mas nahubog ang mental na 10 20%

aspeto ng kanilang buhay


Naging matatakutin 5 10%
KABUUAN 50 100%
Sa Table 2.B makikita ang epekto ng bullying sa mental na aspeto ng mga mag-aaral. Pagbaba

ng tingin sa sarili na may 27 o 54% ang may pinakamatas na puntos; sunundan ng magandang

epekto na kung saan mas nahubog ang mental na aspeto ng mga mag-aaral na may 10 o 20%.

Pangatlo naman ang pagka-depress na may 8 o 16% at panghuli ang pagiging matatakutin na may

5 o 10%.
2.C Epekto ng Bullying sa Sosyal na Aspeto ng Mag-aaral

Mga Sagot Bilang ng Sumagot Porsiyento


Naging mahiyain 25 50%
Nahirapan ng magbigay ng 16 32%

tiwala sa mga nakasasalamuha


Mas nagtiwala sa sarili 9 18%
KABUUAN 50 100%
Ang Table 2.C ay nagpapakita ng mga epekto ng bullying sa sosyal na aspeto ng mga mag-

aaral. Ayon sa resulta, 25 o 50% ng mga respondante ang nahing mahiyain dahil sa kanilang

naranasan; sinundan ng nahirapang magbigay ng tiwala sa ibang tao na may 16 o 32% at panhuli

ay ang mas pagkakaroon ng tiwala sa sarili na may 9 o 18%.

Pangatlong Suliranin

Dahilan ng Bullying sa Paningin ng mga Biktima

Mga Sagot Bilang ng Sumagot Porsiyento


Nabully na dati 18 36%
Inggit 3 6%
Nagpapanggap na malakas 19 38%
May problema sa pamilya 10 20%
KABUUAN 50 100%
Sa Table na ito makikita ang mga maaaring dahilan ng mga bully upang sila ay mam-bully. 19

o 38% ay dahil sila ay nagpapanggap lamang na malakas upang pagtakpan ang katotohan na sila

ay mahina; 18 o 36% ay dahil sila ay nakaranas na rin dati ng bullying; 10 o 20% dahil sila ay

may problema kinakaharap sa kanilang pamilya ta panghuli ay dahil sa inggit na may 3 o 6%.
VI. Konklusyon

Natuklasan sa pananaliksik na ito na sa tatlong uri ng pambu-bully at pinakanararanasan ng

mga mag-aaral ay ang berbal na bullying. Na kung saan nakapasok rito ang panlalait, pagtawag

ng kung ano anong pangalan, pagmumura at marami pang iba. Makikita rin dito kung ano ano

nga ba ang epekto ng bullying sa pisikal, mental at sosyal na aspeto ng mga mag-aaral.

Sa pisikal na aspeto, ayon sa pananaliksik ay may pinakamataas na porsiyento ng kung ano

ang epekto nito ay mas natuto ang mga biktima na mag-ayos sa kanilang mga sarili. MAaaring

upang maiwasan na muling maranasan ang hindi maganda karanasan. Sa mental naman na aspeto

ay may pinakamataas na porsiyento ng epekto nito ay bumababa ang tingin ng mga biktima sa

kanilang mga sarili. Sa sosyal na aspeto naman ay mas nagging mahiyain na sila at ilang

makisalamuha sa ibang tao.

Makikita rin dito na ang pinakamataas na dahilan kung bakit may mga bully ay dahil sila ay

nagpapanggap n amalakas lamang.

VII. Sanggunian[ CITATION Cri14 \l 1033 ]

Cruz, C. L. (2014, Marso 15). Epekto ng Pambu-bully sa Pisikal, Mental, Sosyal at Moral na
Aspeto ng mga Mag-aaral . Philippines.

You might also like