You are on page 1of 4

KABANATA IV:

Interpretasyon ng Datos

Talahanayan Blg. 3 – Mga Tanong

1. Ikaw ba ay nakaranas na o may kakilala o kaibigang nakaranas na ng pang-aabusong sekswal?


TUGON BILANG NG BAHAGDAN
TUGON
Oo/Meron 12 60%
Hindi/Wala 8 40%
KABUUAN 20 100%

Makikita na ang sagot sa tanong na “Ikaw ba ay nakaranas na o may kakilala o kaibigang


nakaranas na ng pang-aabusong sekswal?” na mas marami ang nakaranas o may kakilang
nakaranas ng pang-aabusong sekswal (60%) sa parehong lalaki o babae na kasarian.

2. Naniniwala ka bang lahat ng kasarian or sekswalidad ay pwedeng makaranas ng sekswal na


pang-aabuso?
TUGON BILANG NG BAHAGDAN
TUGON
Oo 20 100%
Hindi 0 0%
KABUUAN 20 100%

Makikita na ang sagot sa tanong na “Naniniwala ka bang lahat ng kasarian or sekswalidad ay


pwedeng makaranas ng sekswal na pang-aabuso?” ay ang lahat ng respondente ay
sumasangayon na ang lahat ng kasarian ay maaring makaranas ng sekswal na pang-aabuso.

3. Sa iyong palagay, nakaaapekto ba ang mga karanasan ng mga biktima ng karahasang sekswal
sa kanilang pang-araw-araw na gawain, bilang mamamayan at bilang estudyante?
TUGON BILANG NG BAHAGDAN
TUGON
Oo 20 100%
Hindi 0 0%
KABUUAN 20 100%

Makikita na ang sagot sa tanong na “Sa iyong palagay, nakaaapekto ba ang mga karanasan ng
mga biktima ng karahasang sekswal sa kanilang pang-araw-araw na gawain, bilang mamamayan
at bilang estudyante?” ay ang lahat ng respondente ay sumasangayon na ang pang-aabusong
sekswal ay nakaapekto sa pang araw-araw na gawain ng mga estudyante.

4. Sa tingin mo ba ay nagiging sanhi ang pagkakaroon ng karanasan sa seksuwal na pang-aabuso


ang maagang pagbubuntis ng mga kabataan?
TUGON BILANG NG BAHAGDAN
TUGON
Oo 17 85%
Hindi 3 15%
KABUUAN 20 100%

Makikita na ang sagot sa tanong na “Sa tingin mo ba ay nagiging sanhi ang pagkakaroon ng
karanasan sa seksuwal na pang-aabuso ang maagang pagbubuntis ng mga kabataan?” ay ang
karamihan ng respondente (85%) ay sumasangayon na ang pang-aabusong sekswal ay
nagdudulot ng maagang pagbubuntis sa mga kabataan, samantalang ang iilan naman (15%) ay
hindi sumasangayon dito.

5. Naniniwala ka bang magkakaroon ng epekto sa mga kabataan at sa kanilang kinabukasan ang


maagang exposure sa seksuwal na pang-aabuso?
TUGON BILANG NG BAHAGDAN
TUGON
Oo 20 100%
Hindi 0 0%
KABUUAN 20 100%

Makikita na ang sagot sa tanong na “Naniniwala ka bang magkakaroon ng epekto sa mga


kabataan at sa kanilang kinabukasan ang maagang exposure sa seksuwal na pang-aabuso?” ay
ang lahat ng respondente ay sumasangayon na ang pagkakaroon ng maagang karanasan o
exposure sa sekswal na pang-aabuso ay makaapekto sa kinabuksan ng mga kabataan.

6. Sa iyong opinyon, dapat nga bang kuwestiyonin ang isang biktima ng sekswal na pang-aabuso
ukol sa kaniyang pananamit o sekswalidad na nagiging dahilan upang maranasan nila ito?
TUGON BILANG NG BAHAGDAN
TUGON
Oo 4 20%
Hindi 16 80%
KABUUAN 20 100%

Makikita na ang sagot sa tanong na “Sa iyong opinyon, dapat nga bang kuwestiyonin ang isang
biktima ng sekswal na pang-aabuso ukol sa kaniyang pananamit o sekswalidad na nagiging
dahilan upang maranasan nila ito?” ay ang karamihan ay hindi sumasangayon (80%) sa basehan
na kaya may biktima ng sekswal na pang-aabuso ay dahil sa kaniyang pananamit o sekwalidad,
samantalang ang iilan naman (20%) ay sumasangayon na dahil sa kasuotan o sekswalidad kaya’t
mayroong mga nakararanas ng pang-aabusong sekswal.

7. Naniniwala ka bang kahit nasa isang relasyon ang suspek at ang biktima ay matatawag pa rin
itong sekswal na pang-aabuso?
TUGON BILANG NG BAHAGDAN
TUGON
Oo 20 100%
Hindi 0 0%
KABUUAN 20 100%

Makikita na ang sagot sa tanong na “Naniniwala ka bang kahit nasa isang relasyon ang suspek at
ang biktima ay matatawag pa rin itong sekswal na pang-aabuso?” ay ang lahat ng respondente ay
naniniwalang matatawag pa rin na sekswal na pang-aabuso ang isang pang-aabuso kahit kayo’y
nasa isang relasyon.

8. Sa iyong palagay, makokonsidera bang sekswal na pang-aabuso ang ginawa sayo kung ang
gumawa sayo nito ay kaparehas mong kasarian?
TUGON BILANG NG BAHAGDAN
TUGON
Oo 20 100%
Hindi 0 0%
KABUUAN 20 100%

Makikita na ang sagot sa tanong na “Sa iyong palagay, makokonsidera bang sekswal na pang-
aabuso ang ginawa sayo kung ang gumawa sayo nito ay kaparehas mong kasarian?” ay ang lahat
ng respondente ay sumasangayon na kahit pareho kayo ng kasarian ay matatawag pa rin itong
sekswal na pang-aabuso.

9. Naniniwala ka bang parehas lamang ang epekto ng pisikal at verbal(salita) sa sekswal na pang-
aabuso?
TUGON BILANG NG BAHAGDAN
TUGON
Oo 17 85%
Hindi 3 15%
KABUUAN 20 100%

Makikita na ang sagot sa tanong na “Naniniwala ka bang parehas lamang ang epekto ng pisikal
at verbal(salita) sa sekswal na pang-aabuso?” ay ang karamihan sa mga respondente (85%) ay
naniniwala na parehas lamang ang epekto ng pisikat at berbal na pang-aabuso sa sekswal na
pang-aabuso, samantalang ang iilan naman (15%) ay hindi sumasangayon dito.

10. Naniniwala ka ba sa sinasabi ng ilan na, “Dahil sa suot mo kaya ka nababastos”?


TUGON BILANG NG BAHAGDAN
TUGON
Oo 1 5%
Hindi 19 95%
KABUUAN 20 100%

Makikita na ang sagot sa tanong na “. Naniniwala ka ba sa sinasabi ng ilan na, “Dahil sa suot mo
kaya ka nababastos”?” ay ang karamihan sa mga respondente (95%) ay hindi naniniwala na
basehan ang kasuotan upang makaranas ang isang tao ng pambabastos o pang-aabusong sekswal,
samantalang ang iilan (5%) ay sumasangayon dito.

You might also like