You are on page 1of 11

MODYUL

INTRODUKSYON SA PAMAMAHAYAG
BAHAGI
1
Panimulang Pag-aaral ng Pahayagan

Ano ang Pamamahayag?


Ang pamamahayag o peryodismo ay isang estilo ng pagsusulat ng tuwirang pag-
uulat ng mga kaganapan. Ang kataga ay ginagamit upang ilarawan ang mga gawain ng
mga pahayagan, mga palabas na pambalita sa telebisyon at radyo, at sa mga magasig
pambalita. Maraming iba't ibang hanapbuhay na pambalita at pangkabatiran sa larangan ng
pamamahayag, katulad ng mga trabaho ng mga tagapag-ulat na pampahayagan, ankor na
pambalita sa telebisyon, manunulat, patnugot, tagaguhit o ilustrador, at litratista o potograpo.
Ang mga taong naghahanapbuhay sa larangan ng pamamahayag ay pangkalahatang
tinatawag na mga tagapamahayag, mamamahayag, o peryodista.

PAMAHAYAGAN
 Ito’y isang uri ng hanapbuhay na ang gawain ay magpalimbag ng mga pahayagan at
magasin
(Miler 425)
 Isang uri ng hanapbuhay na ang gawain ay magsulat ng mga bagay na maipalilimbag
sa mga pahayagan at iba pang mga peryodiko (diksyunaryong Webster)
 Isang gawaing pangangalap ng informasyon, pagsusulat, pag-eedit at paglilimbag o
pangangalap ng mga balita, maaaring o pangangalap ng mga pahayagan at magasin, o
kaya’y sa pamamagitan ng radio at television (diksyunaryong Webster)

SA KABUUAN
 Mabubuo rito batay sa katuturang nabanggit na ang pamahayagang ay isang uri ng
gawaing kinapapalooban ng:
1. Pagpapalimbag ng mga pahayagan, magasin, polyeto, aklat, atb,. At
2. Pagbabalita sa radio at/o television na tumatalakay hinggil sa mga bagay na
bukod sa nakalilibang sa madla ay nagsasaad pa ng mga pangyayring tunay na
nagagagnap di lamang sa sariling pook o bansa kundi gayon din sa buong
daigdig.

Sino ang Ama ng Pamamahayag?


Pascual H. Poblete ay kinilalang mandudulang may maapoy na pagmamahal sa
kalayaan ng bayan. Ginamit niya ang kanyang panulat upang gisingin ang damdaming
makabayan ng mga Pilipino. Siya ay isinilang sa Naic, Cavite noong 17 Mayo 1858. Siya ay
nagtapos ng Bachiller en Artes sa Liceo de Manila. Dahil sa pagtatanghal ng kanyang
dulang Amor Patria, siya at ang mayari ng tanghalang ginamit sa pagtatanghal ay nabilanggo,
bagamat sila ay nakalaya rin. Siya ang nagtatag at naging patnugot ng pahayagang El
Resumen. Ginamit niya ito upang tuligsain ang mga katiwalian at pang-aaping ginagawa ng
mga makapangyarihang Kastila na siyang naging dahilan upang siya ay mausig at ipatapon

1
Ang modyul na ito ay inihando ni Ginang Sonia B. Bonafe para sa mag-aaral ng SJCC
MODYUL
INTRODUKSYON SA PAMAMAHAYAG
sa Africa.
Isa siya sa mga nagsalin sa Tagalog ng Noli Me Tangere ni Rizal. Siya rin ang nagtatag ng
mga pahayagang El Grito del Pueblo (Ang Tinig ng Bayan), noong panahon ng
mga Amerikano. Si Poblete rin ang sumulat ng dulang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa na naging
dahilan din ng kanyang pagkakakulong.
Taong 1879 nang maging katulong siyang mamamahayag sa pahayagang La Oceana
Espanola. Naging kolumnista siya ng Diariong Tagalog ni Marcelo H. del Pilar na
pinamatnugutan din niya nang si Del Pilar ay umalis patungong Espanya. Kasama din siya ni
Del Pilar sa pahayagang Revista Popular na naglathala ng mga artikulong iba-iba ang paksa
na naglayong imulat ang isipan ng mga Pilipino. Ang itinuring na Ama ng Pahayagan ay
bawian ng buhay sa taong 1921 sa gulang na 63

2
Ang modyul na ito ay inihando ni Ginang Sonia B. Bonafe para sa mag-aaral ng SJCC
MODYUL
INTRODUKSYON SA PAMAMAHAYAG

3
Ang modyul na ito ay inihando ni Ginang Sonia B. Bonafe para sa mag-aaral ng SJCC
MODYUL
INTRODUKSYON SA PAMAMAHAYAG

4
Ang modyul na ito ay inihando ni Ginang Sonia B. Bonafe para sa mag-aaral ng SJCC
MODYUL
INTRODUKSYON SA PAMAMAHAYAG

5
Ang modyul na ito ay inihando ni Ginang Sonia B. Bonafe para sa mag-aaral ng SJCC
MODYUL
INTRODUKSYON SA PAMAMAHAYAG

6
Ang modyul na ito ay inihando ni Ginang Sonia B. Bonafe para sa mag-aaral ng SJCC
MODYUL
INTRODUKSYON SA PAMAMAHAYAG

7
Ang modyul na ito ay inihando ni Ginang Sonia B. Bonafe para sa mag-aaral ng SJCC
MODYUL
INTRODUKSYON SA PAMAMAHAYAG

8
Ang modyul na ito ay inihando ni Ginang Sonia B. Bonafe para sa mag-aaral ng SJCC
MODYUL
INTRODUKSYON SA PAMAMAHAYAG

9
Ang modyul na ito ay inihando ni Ginang Sonia B. Bonafe para sa mag-aaral ng SJCC
MODYUL
INTRODUKSYON SA PAMAMAHAYAG

10
Ang modyul na ito ay inihando ni Ginang Sonia B. Bonafe para sa mag-aaral ng SJCC
MODYUL
INTRODUKSYON SA PAMAMAHAYAG

11
Ang modyul na ito ay inihando ni Ginang Sonia B. Bonafe para sa mag-aaral ng SJCC

You might also like