You are on page 1of 2

Ang Bising

Isinulat ni: Jazzele C. Longno

Sa Brgy. Irawan ay nakatira ang magkakaibigan na sina Mely, Rita, Maria, at Nina. Silang lahat ay nasa
ika-apat na baitang sa Iratag Elementary School. Mahilig mamasyal at maglaro sa ilog ang magkakaibigan
tuwing hapon pagkatapos ng kanilang pag-aaral at gawain sa bahay.

Isang hapon, habang naliligo at naglalaro ang mga magkakaibigan sa ilog, may narinig si Mely na kung
anong ingay na tila ba ibon o daga.

“Teka sandali, naririnig nyo bay un?” nangangamba nyang tanong sa mga kaibigan. Natigilan
pansamantala ang magkakaibigan sa knilang paglalaro.
“Hala ano kaya ang ingay na yun?” natatakot na tanong ni Nina. At nagkatinginan silang magkakaibigan.
“Hala kayo, multo!” pananakot ni Rita.
“Tumigil ka nga, walang multo ngayon, hapon” pagbibirong sagot ni Maria, ngunit ang totoo, natatakot
narin siya.
“Ano bayan mga iniisip nyo, huwag kayong matakot, tara hanapin natin kung saan nagmumula ang
tunog na iyon”, yaya ni Mely sa kanila.
At nakita nga nila ang pinagmumulan ng ingay, mula ito sa puno ng Mangga na malapit sa ilog.
“Sayo pala nang gagaling ang tunog na iyon” dahan-dahang dinampot ni Mely ito at ipinakita sa mga
kaibigan.
“Bising!” natutuwang sabi ni Nina ng makita ang hawak ng kaibigan.
“Naku may mga sugat sya” nalulungkot na sabi ni Maria. Nakita nila ang ilang sugat ng bising kaya pala
hirap itong kumilos.
“Kawawa naman” naaawang sambit ni Nina.
“Hindi natin siya pwede iwan dito ng ganito” sambit ni Mely sa mga kaibigan. “Iuuwi ko siya para
gamutin ang mga sugat at tulungan magpagaling, at kapag magaling na siya, maaari na natin siyang ibalik
sa puno” dugtong pa niya.
“Tama si Mely, umuwi muna tayo para magpalit ng damit tapos ay magkita-kita tayo sa bahay.” Sabi ni
Rita.

Alas tres ng hapon at nagkita-kita nga ang magkakaibigan sa napagkasunduang lugar. Sa ilalim ng puno
ng Siresas, umupo ang magkakaibigan habang nasa karton ng sapatos na may sapin na damit natutulog
ang bising.
“Paano natin gagamutin ang mga sugat nya?” nag-aalalang tanong ni Nina.
“Alam ko na!” mabilis na sagot ni Maria. At agad itong umalis. Pag-balik nya may dala-dala itong mga
dahon ng malunggay at mayana o lampunaya. Pinitpit nya ito at itinapal sa mga sugat ng bising.
Pagtapos ay nilagyan nila ng mga benda. Muli nila itong ibinalik sa kahon.
“Ang galling mo Maria!” paghangang sambit ni Mely. “buti nalang at maraming tanim na halaman ang
Lola ni Rita” dugtong niya.

Araw-araw nilang nililinis ang mga sugat ng bising at pinapalitan ng benda. Palitan rin sila sa
pagpapakain. Iba’t-ibang uri ng prutas at gulay ang kanilang pinapakain, mayroong labanos, saging,
kamatis, pipino, siresas at iba. Masayang-masaya ang magkakaibigan sap ag-aalaga sa bising. At nakikita
rin nila na masaya ang bising na sila ang nag aalaga. Hindi sila nahihirapang pakainin ito at painumin ng
tubig. Hindi rin ito malikot kapag ginagamot ang sugat at pinapalitan ang benda.
Makalipas nga ang isang linggo ay tuluyan ng bumuti ang kalagayan ng bising, nakakaakyat na ito sa
puno ng siresas at minsan ay nakikipaghabulan rin ito sa magkakaibigan.

Isang umaga kinausap si Rita ng kanyang ina, “Natutuwa ako na makita na naalagaan nyo ng husto ang
bising at magaling na ito”, sambit nito.
“Opo Nay, malapit narin po ang loob namin sa bising at ganoon narin po ito sa amin” natutuwang sagot
ni Rita.
“Ngunit kailangan nyo na itong ibalik kung saan niyo ito natagpuan.” Payo ng kanyang ina.
“Pero bakit po Nay, kami po nakakita sa kanya at nag-alaga.” Nagtatakang tanong ni Rita.
“Kailangan nyo itong maibalik upang makapamuhay ng maayos dahil kagaya nating mga tao mayroon rin
silang lugar na tinatwag na sariling tirahan, dito natutugunan ang lahat ng mga kondisyon sa kapaligiran
na kailangan ng isang hayop upang mabuhay, lumaki ang bising sa gubat kaya ito ang kanyang nararapat
na tirahan.” Paliwanag ng Ina kay Rita.
“Ah, parang yung lesson po naming sa Agham Nay, yung tungkol po sa habitat”, natutuwang sagot ni
Rita sa Ina. “Sige Nay, bukas po ay kakausapin ko ang aking mga kaibigan para po maibalik ang bising sa
kanyang tirahan”.

You might also like