You are on page 1of 3

Hello! Magandang umaga sainyong lahat.

Ako si Mitzi Faye Velez isang 1st year


college BSA student. Narito ako upang mag basa ng kwento. Ang kwentong
babasahin ko ay ang pamagat ay “Mag- Bespren”. Halina’t makinig sa aking
kwento.
Noong unang panahon, may lugar kung saan namumuhay ng mapayapa ang
mga hayop at mga tao. Napapanatili ang kapayapaan sa pamamagitan ng
pakikipagsama sa isa't isa. Sa isang kondisyon na pumayag ang dalawang panig
na hindi pwde pumunta sa lugar ng mga tao ang mga hayop, at ang mga hayop
ay bawal sa lugar ng mga tao.
isang araw mayroong matalik na magkaibigan na hayop, ang ahas na
nagngangalang Nika at ang ibon na nagngangalang Mae. Sila ay naglalaro sa
hardin. Madalas ay naglalaro sila sa paborito nilang lugaw na malapit sa linya
kung saan malapit ang lugar ng mga tao. Naikuwento ni Mae kay Nika ang
masayang experience na nangyari sakanya, “Nika alam mo ba nakakalipad na
ko at nakakasilip ako sa lugar ng mga tao pero syempre patago lang at ang
gaganda ng tanawin nila,” sabi ni Mae. Si Nika ay nakaramdam ng selos at
pagkainggit, ngunit hindi nya ito sinabi kay Mae.
Kinabukasan, may kumatok sa pugad nila Mae at iyon ay ang mga guard na
lion. “Ipinatatawag ka ng mahal na hari” ani ng guard. Pagkarating nila sa
palasyo ay bumungad ang galit na galit na hari, “Mae! ano itong nabalitaan ko
na ikaw ay bumibisita sa lugar ng mga tao? hindi mo ba naisip na krimen ang
iyong ginawa? at maari itong mag dulot ng kapahamakan sa ating lahat?.” Sa
utak ni Mae naisip nya agad na si Nika ang nagsumbong sa hari.
Pagkatapos ay dumiretso si Mae para umuwi at kunin ang mga damit dahil
didiretso sya sa presinto. Nakasalubong ni Mae si Nika. “ano masaya kana ba?
akala ko kaibigan kita kaya sinabi ko sayo ang paglalakbay ko” ani Mae hahang
umiiyak. “Dapat lang sayo yan noh! akala mo ba hahayaan kong maging
masaya ka habang sumusuway sa batas, at hindi kita kaibigan noh kahit
kailanman ay hindi, dahil hindi ako katulad mo na namamangha sa kapaligiran
ng mga kalaban,” pagsasaad ni Nika. Nakita ito ng maraming hayop hanggat sa
kumalat ang isyu sa magkaibigan. Madaming nagalit sa mga ahas. At dahil sa
insidenteng iyon ay hindi na muling nagusap pa c Mae at Nika. Si Mae ay
naparusahan sa pag labag ng kanilang batas at kinulong sa selda kung saan
hindi sya pwede makalipad. Inanunsyo ng hari na wag na banggitin ng mga
hayop ulit ang pangyayari sapagkat baka ito ay magdulot ng digmaan sa
magkabilang panig. Sa bandang huli ay nagdusa ang dating magkaibigan na si
Mae at Nika. Kaya naman si Mae ay nagdurusa dahil sa maling nagawa nya.
Samantalang si Nika ay nagdurusa din dahil sa kanyang naramdamang inggit sa
matalik na kaibigan kaya ang nag iisang matalik nyang kaibigan ay nawala sa
kanya.
Makalipas ang ilang taon nakalaya na ng selda si mae at malayang nakakalipad
muli, ngunit sa pagkakataon ito sya ay hindi na lumabag sa kanilang batas na
silipin ang kapaligiran ng kabilang panig. Habang si Nika naman ay nag iisa at
napakalungkot ng buhay simula ng mawalay sa kanya ang kanyang matalik na
kaibigan. Isang araw napagdesisyunan ni Mae na bumisita sa kanilang
paboritong lugar ng kanyang dating matalik na kaibigan. At hindi nya
inaasahang nandun din ang kanyang dating matalik na kaibigan. Aalis na sana
sya ngunit pinigilan sya ni Nika. Hindi sya lumingon kaya naman nag salita na si
Nika, “Mae nakalaya kana pala”. Lumingon muna si Mae ngunit hindi
tumitingin ka sa mata ni Nika bago sumagot, “Oo nakalaya na ako ilang araw na
din at ako ay nakalilipad na muli ngunit ngayon alam ko na ang aking dapat at
hindi dapat gawin”. Habang nakatingin si Nika kay Mae ay nakaramdam ito ng
hiya dahil sa kanyang nagawa sa matalik na kaibigan. “Mae patawarin mo sana
ako sa aking nagawang pagkakamali, patawad kung ako ay nakaramdam ng
inggit sayo.” Pag hihingi ng tawad ni Nika. Sa pagkakataon na ito ay nakatingin
na si Mae sa mata ni Nika, “Pinapatawad na kita, oo nakaramdam ka ng inggit
sakin dahil tama ka naman na ako ay nakakalipad samantalang ikaw ay hindi.
At simula nang ako ay nakulong sa selda ay narealized ko ang maling nagawa
ko. Dahil sa pagsusumbong mo sa mahal na hari ako ay natuto sa aking
pagkakamali kaya kahit papaano ang pagiging sumbungera mo ay may napala
HAHAHAHHHAHAHA just kidding”. Sabay na natatawa ang mag kaibigan. “Ang
akala ko ay mawawala na ng tuluyan ang ating pagkakaibigan dahil sa akin.
Maraming salamat sa pagpapatawad mo Mae. At pangako hinding hindi na ako
makakaramdam ng inggit sayo dahil simula nang ikaw ay mawala ay
nakaramdam ako ng lungkot at pag iisa.” Nangingiyak na sabi ni Nika. Ang
dalawang mag kaibigan ay sa wakas ay nakapag-ayos na dahil namiss nila ang
kanilang isa’t isa. Dahil sa pagkakalayo ng dalawang magkaibigan ay marami
silang narealize, isa na rito ang huwag lumabag sa batas, kundi sumunod upang
maiwasan ang kapahamakan. Pangalawa ay huwag hayaang masira ang
pagkakaibigan ng dahil sa inggit.

You might also like