You are on page 1of 4

LITERATURA

● Ang literatura ay maiihalintulad sa PANITIKAN.


● PANITIKAN
○ naggagamit ng mga letra na pinagsama-sama upang makabuo ng isang
makabuluhang ideya/pahayag
○ pang-titik-an
■ -TITIK-: literatura (literature)
■ galing sa salitang latin na litterrana (titik)
● SOSYEDAD
○ tumutukoy sa lipunan

PANITIKAN
● Salazar, 1995
1. lakas na nagpapakilos sa alinmang uri ng lipunan
2. pinupukaw ang mga nangyayaring di maganda sa lipunan
3. paglikha ng mga akdang pampanitikang mapanghimagsik
● Webster, 1974
1. katipunan ng mga akdang nasusulat
2. makikilala sa:
1. malikhaing pagpapahayag
2. aestetikong anyo
3. pandaigdigang kaisipan
4. kawalang maliw
● pagpapahayag ng:
1. kaisipan
2. damdamin
3. karanasan
4. hangarin
5. diwa ng tao

2 URI
1. Kathang Isip/ Piksyon- nakabase sa malikot na kaisipan ng manunulat
2. Di-kathang Isip/ Di-piksyon- mayroong pinagbatayan at totoong nangyari

2 ANYO
1. Tuluyan/ Prosa- sinusulat ng patalata
2. Tula/ Panulaan- nagsusulat ng pasaknong o taludtod
MGA ANYO/ HALIMBAWA NG PROSA
● Alamat
○ salaysaying nauukol sa pinagmulan ng bagay-bagay
○ karaniwang hubad sa katotohanan ng mga kwento dahil ito'y likhang
lamang ng ating ninuno
○ paliwanag ukol sa sa pinanggalingan ng mga bagay-bagay sa paligid at
bunga ng kawalan ng mga kaisipang mapaghahanguan
● Sanaysay
○ pagpapahayag ng kuro-kuro o opinyon hinggil sa isang suliranin/paksa
○ pagbigay ng malalim na kaunawaan
○ pagpapalawak
● Anekdota
○ maikling sanaysay may layuning umaliw
○ may paglilibang
● Balita
○ paglalahad ng pangaraw-araw sa pangyayari
○ pagbigay impormasyon
● Dula
○ itanghal sa entablado
○ nahahati sa tatlo o higit pang yugto
● Kwentong Bayan
○ salaysay ukol sa isang partikular na kwento mula sa bayan
○ paggamit ng mga tao upang makilala ang isang bayan
● Maikling Kwento
○ batay sa kung anong mabubuo na karakter (hindi hihigit sa sampung tao)
○ dapat kayang matapos sa isang basahan lamang
○ salaysay ng isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isang
(1) tauhan at may isang impresyong
● Nobela
○ mahabang salaysayin at nahahati sa mga kabanata
○ salaysayin ng mga kawing-kawing (konektado) na pangyayari na naganap
sa mahabang saklaw ng panahon
● Parabula
○ hango sa banal na kasulatan
○ may layuning mag-iwan ng aral sa buhay
● Pabula
○ sangkot ang mga hayop at alamat
● Talambuhay
○ ukol sa buhay ng isang tao
○ tala ng buhay
○ maaaring maging pansarili
● Talumpati
○ pagpapahayag na binibigkas sa harap ng tagapakinig
○ nababatay sa iba't-ibang layunin
■ humikayat
■ bigay impormasyon
■ magpaliwanag

URI NG AKDANG PATULA


1. Tulang Pasalaysay
1. Epiko
■ tulang pasalaysay
■ pagsalaysay sa pangyayaring hindi kapani-paniwala
■ Epiko ni Biag ni Lam-Ang
2. Awit/ Korido
■ pasalaysay ngunit naiiba ang dalawa sa pantig
■ Awit- may 12 na pantig gaya ng Florante at Laura
■ Korido- may 8 na syllables/pantig gaya ng Ibong Adarna

1. Tulang Pandamdamin/ Liriko


● tumatalakay sa marubdob na damdamin na maaaring ng may-akda o ibang tao
1. Awiting Bayan
■ binibigkas ng may himig
■ paksa: pag-ibig, kawalang pag-asa, pangamba, kaligayahan,
pag-asa, kaligayahan at kalungkutan
■ Leron-Leron Sinta, Chit Chirit Chit, Bahay Kubo
2. Soneto
■ may 14 na taludtod hinggil sa damdamin
■ kadalasan ukol sa isang tao
■ karaniwang naghahatid ng aral
■ Sonnet ni Jose Garcia Villa, Soneto ng Buhay ni Fernando Monlen
3. Dalit
■ inaawit bilang papuri sa Diyos o Mahal na Birhen
■ Dalit Kay Maria
4. Elehiya
■ naghahayag ng panimdim dahil sa pagyao ng isang minamahal
■ Elegy ni Thomas Gray, Awit sa Isang Bangkay ni Bienvenido
Ramos
5. Pastoral
■ naglalarawan ng paraan ng paumuhay sa kabukiran
■ Bayani ng Bukid ni Al Q. Perez
6. Oda
■ tulang paghango. pagpuri sa isang bagay
■ hindi nalalayo sa Soneto (para sa tao)
■ Ode of the Nightingale

1. Tulang Padula/ Dramatiko


○ sinasadula sa entablado o ibang tanghalan
○ Senakulo, Panunuluyan

● Tulang Patnigan
○ mga laro na noo'y karaniwang isinasagawa sa bakuran ng namatayan
○ maihahalintulad sa Fliptop Battle
○ Karagatan, Duplo, Juego de Prenda

Kahalagahan ng Pag-aaral ng Panitikan


● Makikilala ang ating sarili bilang Pilipino
● Matatalos ang minana yaman/ talino ng ninuno
● Mababatid ang kadakilaan at karangalan ng tradisyon at kultura
● Higit na mapapahalagahan ang kadakilaan ng kasaysayan
● Mababatid ang pagkakatulad at pagkakaiba ng katangian ng panitikan ng
iba't-ibang rehiyon
● Matutukoy ang lakas at hina ng ating lahi.
● Mapapahalagahan natin ang yaman literatura na isa sa yamang panlapi.
● Mahuhubog ang anyo, hugis, nilalaman, at katangian ng panitikan
● Malilinang ang pagmamalasakit sa sariling kultura at malikhaing pag-iisip.

You might also like