You are on page 1of 13

LM FIRST QUARTER

ARALIN

1
Layunin:

Naibibigay ang mga uri ng pangngalan.

TUKLASIN MO

Basahin ang Patalastas at sagutin ang mga tanong ukol dito.

FILIPINO PATALASTAS
Ngayong  panahon nang BAGYO dumadami ang nabibiktima nang dengue ito ay kumukuha
na nang mga buhay nang ating mga mahal sa buhay…………..dahil sa mga PESTENG mosquito!!!

Pero sa Jan Sinfuego corporation mayroong solusyon diyan gamit ang ‘MOSQUITO ALIS!’

dahil dito ay marami na ang mga buhay na isinalba nito!

Mga tanong:

1. Tungkol saan ang patalastas?


2. Anong sakit ang laganap tuwing panahopn nang bagyo?
3. Saan nanggaling ang sakit na Dengue?
4. Ano ang solusyon sa Dengue ayon sa patalastas?
5. Sa iyong palagay, epektibo kaya ang Mosquito Repellant na ito?
6. Anong kompanya ang nagbigay ng solusyon sa Dengue?
BASAHIN MO

PISTA SA AMING BAYAN

Tuwing Mayo 1 ng bawat taon ay ipinagdiriwang sa lalawigan ng Nueva Ecija ang


pistang bayan ng Gapan City. Ang mga patron ng syudad ay ang Divina Pastora at Tatlong
Hari. Marami sa mga magsasaka ang kasama sa parade. Nakasakay sila sa mga kalabaw. Ilan
sa mga sumamang kariton ay may mga bigkis na palay at buwig ng saging na palamuti. Ang
nakahihigit ay traktora at mga trak ng palay.

Ang Gapan ay unang bayan sa Nueva Ecija, lungsod na ito ngayon. Pagsasaka ang
pangunahing pangkabuhayan ng mga tao. Naniniwala sila na ang patrona, Divina Pastora ay
nagbibigay proteksyon sa mga naninirahan dito. Ang patrona ay milagrosa. Ang pista ng
Gapan ay dinarayo ng mga tao sa kalapit bayan at lungsod..

Mga tanong:

1. Anong bayan sa Nueva Ecija ang nagdiriwang ng pista tuwing Mayo 1?


2. Sinu-sino ang mga patron ng syudad?
3. Paano ipinagdiriwang ng mga tao ang kapistahan sa syudad na ito?
4. Ganyan din ba kayo magdiwang ng pista?

PAGYAMANIN NATIN

Pansinin na ang mga salitang pantanging ngalan ay may isang salungguhit at ang
pambalana ay may dalawang salungguhit.

ISAISIP MO

Balikan ang mga may salungguhit na salita mula sa kwentong binasa,sabihin kung
anong uri ng pangngalan ang mga ito.
ISAPUSO MO

Tandaan na may dalawang uri ng pangngalan,

1. Pantangi-tiyak na pangngalan at sinisimulan ito sa malaking titik.


Halimbawa:
Divina Pastora Manila Hotel
Tatlong Hari Nueva Ecija

2. Pambalana – Karaniwang pangngalan, sinisimulan ito sa maliit na titik.


Halimbawa:
saging kalabaw tao
silya bayan bata

ISULAT MO

A,Salungguhitan ang mga pantanging ngalan at ikahon ang mga pambalana.

1. Si Edison ang panganay kong kapatid.


2. Ang ibon ay umaawit.
3. Sa Mababang Paaralan ng San Antonio nag-aaral si ate.
4. Si Gng. Ramos ang aking guro.
5. Ang Laguna ang aking lalawigan.
ARALIN

2
Layunin:

Nabibigyang kahulugan ang patalastas.

TUKLASIN MO
Subukang magbigay ng isang halimbawa ng patalastas. Ipakita o iparinig
ito sa mga kaklase.

BASAHIN MO

Basahin ang patalastas sa ibaba at sagutin ang mga tanong ukol dito.
PAGYAMANIN NATIN

Sagutin ang mga tanong:


1. Tungkol saan ang patalastas?
2. Anu-anong mga benepisyo ang dulot ng shampoo sa iyong buhok?
3. Ilang oras ang itatagal ng bango ng iyong buhok?
4. Saan gawa ang naturang shampoo?
5. Sa iyong palagay epektibo kaya ang patalastas?

ISAISIP MO

Kumuha ng kapareha at pag-usapan ninyo kung anu-anong shampoo na ang inyong


nagamit. ang epekto nito sa inyong buhok at kung ngustuhan nyo ba ito o hindi?Sa inyong
palagay mahalaga ba ang patalastas?

ISAPUSO MO

Ano ang pangngalang pantangi? Pambalana?


Mula sa patalastas na inyong binasa alin ang pangngalang pantangi at
pambalana?

ISULAT MO

Nasa loob ng kahon ang mga pangngalan. Piliin ang angkop na pangngalan na
bubuo sa bawat pangungusap.

Monggol Luneta Park ibon Linggo guro

1. Mabait ang aking __________ na si Gng, Astrera.


2. Nagsisimba ako tuwing araw ng ____________.
3. Masarap mamasyal sa _________________.
4. Ang _________ ay masayang umaawit sa sanga ng isang puno.
5. Ang gamit kong lapis ay ____________.
ARALIN

Layunin:

Nakasusulat ng isang maikling balita.

TUKLASIN MO
Sino sa inyo ang nanood ng balita kagabi?

BASAHIN MO

Basahin ang maikling balita na nasa ibaba.

Pagmimina sa Bundok Diwalwal, Ipinatigil

Ipinatigil ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pamumuno


ni kalihim Heherson Alvarez ang pagmimina at lahat ng operasyon sa pagpoproseso ng
mineral sa Bundok Diwalwal, sa Monkayo, Compostela Valley noong Linggo,Agosto 11, 2002
upang sugpuin ang patuloy na paglala ng polusyon at karahasang nagaganap sa naturang
lugay.

Magkasabay na ipinahayag nina AFP Chief Hen. Roy Cimatu at PNP Chief Director
Hermogenes Ebdane ang pagpapadala ng puwersa ng pulisya at military upang kontrolin ang
magulong kondisyon sa Bundok Diwalwal sa loob ng dalawa hanggang tatlong lingo.

Ayon kina Cimatu at Ebdane, ang magksamang puwersa na itinalaga sa Bundok


Diwalwal ay regular na papalitan upang maiwasan ang pagiging malapit ng mga awtoridad at ng
mga opereytor ng minahan.

Kapag natiyak na ang seguridad ng lugar at matigil na ang pagmimina, magtatayo ang
mga inhinyero ng DENR ng mga dam kung saan patatakbuhin ang mga dumi dulot ng
operasyon ng pagmimina. Kaugnay nito, lilinisin din ang Ilog Naboc at itatayo ang People’s
Small Scale Mining Protection Fund.
PAGYAMANIN NATIN

Sagutin ang mga tanong:

1. Saan matatagpuan ang Bundok Diwalwal?


2. An0-ano ang hakbang na gagawin ng PNP at AFP upang makontrol ang karahasang
nagaganap sa Bundok Diwalwal?
3. Paano ikokontrol ng DENR ang patuloy na paglala ng polusyon sa Monkayo,
Compostella Valley?
4. Paano tutulungan ng DENR ang maliliit na minero na makinabang sa yaman ng kanilang
bayan?

ISAISIP MO

Ilang talata mayroon ang balita? Tungkol saan ang bawat talata?

Tandaan

1. Bawat talata ay nakatuon sa isang ideya. Kalimitan, nasa unang pangungusap ang
panginahing ideya ng balita. Ang iba pang pangungusap sa talata ay sumusuporta
sa pangunahing ideya.
2. Isipin ang unang salita ng bawat talata.
3. Gamitin ang malaking titik kung saan kailangan.
4. Gamitin ang wastong bantas sa mga pangungusap.

ISAPUSO MO

Anu-ano ang mga pamantayan sa pagsulat ng balita?


ISULAT MO

Punan ng angkop na pangngalan ang mga patlang upang mabuo ang talata.

Alam Ba Ninyo?

Nakakita ka na ban g mga pamayanan sa mga kabundukan? Paano ito nangyari?


Maraming 1. __________ ang nag-iiwan ng kinalbong bahagi ng 2 ___________. Pinuputol nito
ang mga 3__________ at hindi pinapalitan ng bago. Dito pumapasok ang mga 4_______.
Tinataniman nila ito ng 5__________at 6________ . Pagkatapos ng dalawang 7________,
hindi na nila ito tataniman. Kung maganda pa ang mga 8 ___________ na ginawa ng mga
9_________________. Maaaring may magtayo ng10_________ sa dating 11 __________, sa
halaman, dadami ang mga 12______________ at ito’y magiging munting 13 ____________ ng
mga 14___________, Sisikapin nilang taniman ang 15 _____________ upang makapag-ani.
Ngunit dahil sa kakulangan sa 16_____________ hindi sila makapag-ani ng 17 _____________.
At kung hindi marunong maglinis, magkakalat sila ng 18 ___________.

Mga pagpipiliang salita

Kabundukan

Kubo daan kaingero paligid

likha puno tubig magtotroso

Ikabubuhay tao bundok

palay at mais pamay pamayanan

Kaingin basura pag-aani


ARALIN

4
Layunin:

Nagagamit ng wasto ang mga pangngalan sa pagtalakay tungkol sa sarili, sa mga tao,, sa mga
hayop, lugar, bagay at pangyayari sa paligid.

TUKLASIN MO

Magsalaysay ka tungkol sa iyong sarili.

BASAHIN MO

Basahin ang mga sumusunod na pangungusap

1. Si Dr. Ramos ay nagpapakadalubhasa sa Amerika.


2. Masipag tumahol ang aming aso.
3. An bayanihan ay isang magandang kaugaliang Pilipino.
4. Maalat ang tubig sa dagat.
5. Nanganganib na pumutok ang bulkang Mayon.

PAGYAMANIN NATIN

Alin ang mga pangngalan na ginamit sa bawat pangungusap sa itaas?


Anong uri ng pangngalan ang ginamit sa bawat pangungusap?

ISAISIP MO

Pangkatang Gawain:
Ang bawat grupo ay magkakaroon ng talakayan gamit ang ibat-ibang
pangngalan.

Pangakt I- tao
Pangkat 2- bagay
Pangkat 3- hayop
Pangkat 4- lugar
Pangkat 5- pangyayari

ISAPUSO MO

Nagagamit natin ang pangngalan upang matalakay ang mga bagay ukol
sa ating sarili, tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari.

ISULAT MO

Punan ang patlang ng wastong pangngalan upang mabuo ang bawat


pangungusap.
ARALIN

5
Layunin:

Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di- pamilyar sa pamamagitan ng


paggamit sa pangungusap..

TUKLASIN MO

Buuin ang magkakahiwalay na salita upang makabuo ng isang pangungusap.


Ibigay ang kahulugan ng may salungguhit na salita.
bahagi ng
Maraming ang nag-iiwan kaingero ng kinalbong kagubatan

BASAHIN MO

Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita at gamitin ito sa pangungusap.

1. Magtotroso
2. Kaingin
3. Munti
4. Basura
5. Kalbo

PAGYAMANIN NATIN

Paano natin malalaman ang kahulugan ng isang salita pamilyar man o di-
pamilyar?
ISAISIP MO

Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa pangungusap. Isulat ang
nawawalang letra ng salitang kahulugan nito.

1. Ang pangalan ko ay
hinango mula sa pangalan
ng aking ama at ina.
i
h

2. Noon ay makaluma ang


pangalan natin ngunit nang
maglaon ay naging makabago g
t
na rin.

3. Ibinatay niya ang kanyang


isinulat sa kanyang narinig.
i a

4. Ang magsasaka ang


nagpunla ng mga palay n a
t
na siyang inaani nila
ngayon.

5. Hindi niya alam kung


saan nagmula ang regalong n a g
natanggap niya kanina.

ISAPUSO MO

Malalaman natin ang kahulugan ng isang salita sa pamamagitan ng


paggamit nito sa pangungusap.
ISULAT MO

Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita at gamitin ito sa pangungusap

1. Mabitag
2. Nagimbal
3. Masagip
4. Mabangis
5. maibsan.

You might also like