You are on page 1of 2

1.

  Ano  ang kahulugan ng kakayahang pragmatik  at diskorsal ? ( 2 puntos )

 kakayahang pragmatik

-Ayon kay Lightbrown, Spada 2006, ito ay tumutukoy sa pag-aaral sa paggamit ng wika sa isang
partikular na konteksto para mapahayag sa paraang diretsahan o may paggalang.
Ang isang taong may kakayahang pragmatiko ay mabisa o maayos niyang nagagamit ang yaman
ng wika para makapagpahayag ng kanyang mga intensiyon at kahulugang naaayon sa konteksto
ng usapan. Natutukoy niya rin ang ipinapahiwatig ng sinasabi, di-sinasabi at ikinikilos ng
kanyang kausap.
ito ay magalang na pagtugon, pagpapadaloy ng usapan, pagkilala sa mga biro, pakiusap, papuri
at paumanhin.

 kakayahang diskortal

-ito ay tumutukoy sa kakayahang umunawa at magpahayag sa isang tiyak na wika.

2.   Ano  ang pagkakaiba ng berbal at di berbal na komunikasyon   ( 2 puntos)

 Nabanggit na ang berbal na komunikasyon ay gumagamit ng wika o mga salita


samantalang ang di berbal ay hindi. Sa aking perspektibo, ang unang pagkakaiba ng
dalawang uri ng komunikasyon ay ang midyum o pamamagitan ng pagsasakatuparan
nito. Habang sa berbal ay ginagamit ang bibig o ang mga kamay sa pagsulat, ang di
berbal naman ay naisasagawa sa pamamagitan ng ekspresyon sa mukha at ibat-ibang
kilos. Isang halimbawa nito ay ang pagtanggi. Sa berbal na komunikasyon, ito ay
masasabi sa pamamagitan ng pagbanggit gamit ang bibig o pagsulat ng ‘Hindi’ at
‘Ayaw ko.’ Samantalang sa di berbal na pamamaraan ay naipaparating ang hindi
pagsang-ayon gamit sa pamamagitan ng pag-iling. Ang ikalawang pagkakaiba nito ay
ang ng pagdedekowd ng mensahe. Ang berbal na mensahe ay dinedekowd sa
pamamagitan ng pandinig samantalang ang di berbal na mga mensahe ay iniinterpreta
o iniintindi gamit ang mga mata maging ang kutob, hinala, simpleng pakikiramdam at
pagiging sensitibo. Isang halimbawa nito ang paglalahad ng pagmamahal sa isang tao.
Sa berbal na pamamaraan, ito ay madedekowd kapag narinig ang mga katagang
‘Mahal kita’ samantalang sa di berbal ay madedekowd mo ito kung nararamdaman mo
ang espesyal na pagtingin sayo ng isang tao kahit hindi banggitin ang ‘Mahal kita.’ Ang
huling pagkakaiba ng dalawa ay ang kakayahan nito sa komunikasyon. Para sa akin,
nagkakaroon ng limitasyon ang komunikasyon kapag ito ay berbal samantalang mas
nabibigyang diin at lalim ang pahayag kapag ito ay di berbal. Ito ay nagaganap dahil sa
berbal na komunikasyon, nakokontrol natin ang ating mga nasasabi at nagkakaroon
tayo ng pagkakataong limitahan ang mensahe na ating masasabi. Samantalang sa di
berbal ay lumalabas ang tunay na pagkatao at identidad ng isang indibidwal dahil may
mga ekspresyon, reaksyon at kilos tayo na kusang lumalabas sa atin at hindi
nakokontrol. Palagiang nababanggit na ‘Actions speak louder than words.’ Ito ay
marahil sa berbal na pamamaraan ay maaaring gamitan ng kasinungalingan
samantalang sa di berbal, kahit tayo ay may nais kimkimin at itago, ito ay
nararamdaman at nababasa ng ating kausap.

3.    Bakit  mahalaga ang Cooperative Principle ? Ipaliwanag   ( 2 puntos )

---

4.    Maipapahayag ba natin ang ating mensahe kahit di na kailangang magsalita ? sa paanong
paraan ipaliwanag   (2 puntos )

 5.   Naniniwala ka bang ang mukha ang imahe ng iyong kalooban,   Kung sang-ayon  o hindi ay
ipaliwanag  ( 2 puntos )

6.  Ano  ang kahalagahan ng kakayahang diskorsal sa pang araw -araw na pamumuhay?  ( 2
puntos )

7. Ipaliwanag ang kaibahan ng kohisyon at kohirens    ( 3 puntos )

 Kohisyon

Ito ay tumutukoy sa ugnayan ng kahulugan sa loob ng isang teksto. Maituturing na


may kohisyon ang pahayag kung ang interpretasyon ng isang pahayag ay nakadepende
sa isa pang pahayag.

 Kohirens

Ito naman ay tumutukoy sa kaisahan ng lahat ng pahayag sa isang sentral na ideya.

You might also like