You are on page 1of 51

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Isa sa mga pangangailangan sa pagtupad ng asignaturang Fil-102, Filipino sa

Ibang Disiplina, ang pananaliksik na ito ay pinamagatang “Epekto ng Pandemya sa

Time Management ng mga Mag-aaral sa Pambansang Pamantasan ng Batangas

mula sa Inhinyerong Mekanikal” na inihanda at isinumite ng mga mananaliksik ng

ME-2202 mula sa departamento ng Inhinyerong Mekanikal na binubuo nina:

JOHNSEN M. FARAON

MICHAEL JETRO P. HERNANDEZ

SOFIA C. HERNANDEZ

SANJAE P. MACUHA

VON LESTER C. MAGNAYE

NAZAIREIGNE JIRAH M. MALIGAYA

Tinatanggap bilang isa sa mga pangangailangan at pagtatapos sa asignaturang Fil-

102, Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina at pinagtibay sa ngalan ng Pambansang

Pamantasan ng Batangas

BB. MARIE SANDRE D. CULIAT

Tagapayo

1|Page
Tinanggap at pinagtibay ng lupon sa Pasalitang Pagsusulit na may markang

LUPON NG MGA TAGASULIT

MARIE SANDRE D. CULIAT


Tagapangulo

MARIE SANDRE D. CULIAT MARIE SANDRE D. CULIAT


Kasapi Kasapi

Tinanggap at pinagtibay bilang bahagi ng gawaing kahingian sa pagtatamo ng

Degring Batsilyer sa Edukasyong Pangsekundarya, medyor sa Filipino.

MARIE SANDRE D. CULIAT


Petsa Tagapayo

2|Page
PASASALAMAT

Lubos kaming nagpapasalamat sa mga sumusunod na taong nagbigay ng

malaking tulong at kontribusyon ng pag-aaral sa pagtatagumpay ng pananaliksik na ito:

Taos puso kaming nagpapasalamat sa aming mga magulang na nagbibigay

suporta at walang sawang umintindi para sa amin.

Sa aming tagapayo na si Bb. Marie Sandre D. Culiat, na gumabay sa amin at

nagturo sa amin ng kaalaman sa asignaturang ito.

Sa mga mag-aaral nagsilbing respondente na naglaan ng oras upang maibahagi

ang kanilang opinyon sa isinagawang sarbey, na nasa Degring Batsilyer sa Edukasyong

Pansekundarya sa departamento ng Inhinyerong Mekanikal ng Pambansang Pamantasan

ng Batangas

Higit sa lahat, ang ating Panginoong Diyos na patuloy na gumabay at nagbigay sa

amin ng talino na naging daan para upang maging matagumpay ang pag-aaral na ito.

Johnsen

Michael Jetro

Sofia

Sanjae

Von Lester

Nazaireigne Jirah

3|Page
ABSTRAK

Pamagat : Epekto ng Pandemya sa Time Management ng mga Mag-aaral sa

Pambansang Pamantasan ng Batangas mula Inhinyerong Mekanikal

Mananaliksik : Johnsen M. Faraon, Michael Jetro P. Hernandez, Sofia C. Hernandez,

Sanjae P. Macuha, Von Lester C. Magnaye, Nazaireigne Jirah M. Maligaya

Degri :

Major : Inhenyirang Mekanikal

Taon : 2021

Tagapayo : Bb. Marie Sandre D. Culiat

Kasalukuyang kinakaharap ng bawat isa sa atin ang matinding krisis

pangkalusugan na nangyayari saanmang bahagi ng mundo. Hindi natin maikakaila na

ang laking pagbabago ang naidulot ng pandemyang ito sa ating nakasanayang

pamumuhay. Karamihan sa atin ay naubos ang oras sa pamamalagi sa ating mga tahanan

sapagkat ipinagbabawal ang paglabas upang maiwasan ang pagkalat pa ng nasabing

sakit. At dahil mahirap makontrol ang paglaganap ng sakit, unti-unting naapektuhan ang

ekonomiya ng bansa, maraming mga business ang pansamantalang natigil at mayroon

namang mga nagbawas ng empleyado. Ilan lang ito sa mga naging epekto ng krisis na

nagaganap ngunit ang isa sa mga naging pinakahalatang pagbabago nitong nagawa ang

ay ang paraan ng pag aaral ng mga estudyante.

1|Page
Naging palaisipan nga sa bawat isa lalo na sa mga estudyante kung paano

magpapatuloy ang kanilang pagkatuto sa panahon ng pandemya. Hindi man kaagarang

nabigyan solusyon ito ngunit naging kasagutan ng mga namamahala ay ipagpatuloy ito

sa pamamagitan ng online learning o pagsasagawa ng online classes. At dahil ang

karamihan ay bago sa ganitong set-up, maaari malaki ang pagbabago na maidulot nito sa

nakasanayan ng mga estudyante lalo na sa pangangasiwa ng kanilang oras ng pag-aaral.

Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, layunin ng mga mananaliksik na malaman at

masiyasat ang mga kasanayan ng mga estudyante sa pangangasiwa ng kanilang oras

gayon din ang mga nakahahadlang at nakakaubos ng kanilang panahon sa pag-aaral.

Layunin rin nitong maipapaliwanag ng maayos at malinaw ang mga naging epekto ng

pandemya ito sa pamamahala ng estudyante sa kanilang oras.

Ang pag-aaral na ito ay nakapokus sa mga mag-aaral sa Mechanical Engineering

Department ng College of Engineering, Architecture and Fine Arts (CEAFA) ng

Pambansang Pamantasan ng Batangas. Binubuo ng tatlumpung (30) respondente ang

pag- aaral na ito na magmumula sa nasabing departamento. Kukuha ng dalawa o

hanggang tatlong (2-3) respondente sa bawat seksyon ng departamento na may bilang na

labindalawang (12) seksyon. Dahil dito, mabibigyan linaw ang mga naging epekto ng

pandemyang ito sa pamamahala ng oras ng mga mag-aaral sa nasabing departamento.

2|Page
TALAAN NG NILALAMAN

Kabanata I: Ang Suliranin at Kaligiran Nito

Panimula 1

Paglalahad ng Suliranin 3

Saklaw at Limitasyon 4

Kahalagahan ng Pag-aaral 5

Kabanata II: Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Literaturang Konseptwal 7

Literaturang Pananaliksik 10

Depinisyon ng mga Terminolohiya 16

Kabanata III: Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

Disenyo ng Pananaliksik 19

Paksa ng Pag-aaral 20

Mga Kalahok sa Pag-aaral 20

Instrumento ng Pananaliksik 21

Paraan ng Pangangalap ng Datos 22

Tritment ng Datos 22

Kabanata IV: Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos 26

3|Page
Mga Sanggunian 46

iv | P a g e
v|Page
KABANATA I

MGA SULIRANIN

Panimula

“Ang oras ay isang kakatwa at misteryosong bagay. Hindi natin ito nakikita,

naririnig o nadarama. Hindi natin ito mapabibilis, mapababagal o mapahihinto. Hindi rin

natin ito maaaring bilhin o nakawin. Subalit maaari natin itong gamitin, aksayahin, o

ibigay sa iba. Ang buo nating buhay ay kontrolado ng oras.” Ito ay isa sa mga maituturing

na regalo buhat sa Maykapal; isang aspeto sa ating buhay na nararapat lamang na gamitin

natin sa wastong paraan sapagkat ang oras na nakalipas ay hindi na maaring maibalik pa.

Ang time management ay pinagsamang mga panuntunan, mga pagsasanay, mga

abilidad, mga instrumento, at mga pamamaraang tumutulong sa tao upang epektibong

magamit ang oras sa layuning mapaunlad ang kalidad ng pamumuhay nito. Ayon naman

kay Ward (2008), ang time management ay paglilinang ng mga proseso at instrumento na

nagpapataas ng pagka-episyente at pagkaproduktibo. Kaugnay nito, ang pamamahala ng

oras ay isang hamon sa mga mag-aaral sa kolehiyo. Hindi biro para sa mga estudyanteng

nag-aaral sa mga unibersidad ang magbadyet ng kanilang oras sa pag-aaral. Maaaring

may mga bagay na lubos na kumokonsumo sa kanilang oras kung kaya’t ang kanilang

atensyon ay hindi nakapokus sa kanilang edukasyon. "It takes so much more than brains

to succeed in today’s college environment. Excellent time management skills are essential

to college success.”(Schwartz Emily.2012.Time management for college survival) Higit

na

1|Page
kailangan ang konsentrasyon upang ang iba’t ibang gawaing pampaaralan ay matapos sa

takdang panahon.

Sa panahon ng pandemya, nagiging malabo ang konsepto ng oras para sa lahat

lalo na sa mga mag-aaral. Ang mga mag-aaral at karaniwang sumusunod sa iskedyul na

nakasanayan mula sa paggising sa umaga hanggang sa pagtulog sa gabi at pumapasok sa

paaralan kung saan pag-aaral ang pangunahing gawain. Ngayon, nawala na ang mga

bagay na nagsesenyas ng dapat gawin ng isang mag-aaral kaya naguguluhan kung paano

gagamitin ang oras na dati ay planado na para sa kanila. Dahil dito, maraming mag-aaral

ang nahihirapan mag-balanse ng kanilang pag-aaral at personal na pamumuhay sapagkat

nagaganap ang gampanin bilang mag-aaral, anak, at kapatid sa iisang lugar, ang kanilang

tahanan. Dagdag pa dito ang kawalan ng pagkakataon maglibang sa labas ng bahay na

mahalaga upang mabawasan ang stress na dulot ng pag-aaral. Dahil dito, maaaring

humantong sa labis na paggugol ng oras sa ibang bagay tulad ng social media at video

games. Ngunit kasabay ng mga negatibong epekto ng Pandemya, sa tulong ng Time

Management, magiging mabunga ang panahon na ito. Hinggil sa paksang ito, ang gaming

grupo ay magsasagawa ng isang pananaliksik na pinamagatang “Epekto Ng Online Class

Sa Time Management Ng Mga Mag-Aaral Sa Pambansang Pamantasan Ng Batangas.”

Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, matutukoy ang mga kasanayan ng mga

estudyante sa pagbabadyet ng kanilang oras gayon din ang mga nakahahadlang at

nakakaubos ng kanilang panahon sa pag-aaral. Ang pananaliksik na ito ay pinagtutuunan

ng oras upang makatulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng tamang pamamahala at

tumaas ang antas at kalidad ng kanilang kaalaman sa wastong time management. Ang

pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay upang malaman ang mga paraan at

2|Page
kagawian ng mga mag-aaral na nasa ikalawang taon sa departamento ng Mechanical

Engineering mula sa Batangas State University Main II ukol sa pangangasiwa ng oras

upang magkaroon ng epektibong pag-aaral. Ang mga mananaliksik ay nagtungo sa

paksang ito sapagkat napansin nila ang kahirapan sa pagbabadyet ng oras lalo na sa

online classes na nararanasan ng mga mag-aaral ngayon. Kaugnay nito, nais matuklasan

ng pananaliksik na ito ang mga balakid at iba pang mga salik na maaaring makasagabal

sa tamang paggamit ng oras. Isa rin sa nais bigyang linaw sa pananaliksik na ito ay kung

saan ginagamit ng mga estudyante ang kanilang libreng oras.

Paglalahad ng Suliranin

Layunin ng pag-aaral na ito na makapagpahayag ng mga solusyon upang

maiwasan ang mga matutuklasang balakid sa pagkonsumo ng oras. Upang malaman ay

bibigyang kasagutan dito ang mga sumusunod na katanungan:

1. Demograpikong propayl ng mga respondent sa:

Edad;

Kasarian

2. Ano ang mga nakasanayang gawain ng mga mag-aaral noong face

to face classes patungkol sa:

a. Panahon ng paggawa ng mga takda at aralin;

b. Oras na inilalaan sa pag-aaral;

c. Paguuna ng mga gawain;

3|Page
d. Paglalaan ng oras sa pagpapahinga; at,

e. Paggamit ng libreng oras?

3. Ano ang mga nakasanayang gawain ng mga mag-aaral ngayong

online classes patungkol sa:

a. Panahon ng paggawa ng mga takda at aralin;

b. Oras na inilalaan sa pag-aaral;

c. Paguuna ng mga gawain;

d. Paglalaan ng oras sa pagpapahinga; at,

e. Paggamit ng libreng oras?

4. Nagkakaroon ba nang makabuluhang antas ng pagkakaiba ng mga

nakasanayang Gawain ng mga mag-aaral noong face to face classes at ngayong

online classes?

Saklaw, Delimitasyon at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay nakapokus sa mga pamamaraan at kasanayan ng mga

mag- aaral na nasa ikalawang taon sa departamento ng Inhenyerong Mekanikal ng

Pambansang Pamantasan ng Batangas sa kanilang pag-aaral na nakatuon sa

pangangasiwa ng oras. Kasama sa saklaw ng pananaliksik na ito ay ang antas ng

kahusayan ng mga respondente sa paggammit ng mga aparato tulad ng mga listahan at

iskedyul ng mga gawain upang mas maging sistematiko ang paggamit ng oras.

Pinahahalagahan din nito ang makukuhang


4|Page
impormasyon at opinyon na makakalap mula sa mga mag-aaral at kung nakakaapekto nga

ba ito sa kanilang atensyon sa pag-aaral. Nakapaloob din sa pananaliksik na ito ang pag-

iisip at mentalidad ng mga mag-aaral sa tuwing sila ay nag-aaral.

Ang pananaliksik na ito ay hindi masyadong nabibigyang pansin ang kasarian at

mga “study habits” o kasanayan sa pag-aaral ng mga mag-aaral. Sa halip, ay mas

pinahalagahan ng mga mananaliksik ang mga kasanayan at kagawian ng mga mag-aaral

sa matalinong paggamit ng kanilang oras.

Nilimitahan lamang ang pananaliksik na ito sa mga mag-aaral sa Departamento ng

Inhenyerong Mekanikal, partikular ang mga nasa ikalawang taon, ng Pambansang

Pamantasan ng Batangas upang mas mabigyan ng pansin ng mga mananaliksik ang

ginawang pag-aaral at upang mas maging wasto ang mga datos na makakalap. Ang mga

mananaliksik ay naniniwala rin na sa pamamagitan ng pag-aaral sa paksang ito,

maraming estudyante ang mabibigyan ng malawak na kaalaman hinggil sa pagpapanatili

ng magandang kaugalian sa pag-aaral nang sa gayon ay makapagtapos sila ng pag-aaral

ng kolehiyo.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang kahalagahan ng pananaliksik na ito na pinamagatang, “Epekto ng Pandemya

sa Time Management ng mga Mag-aaral sa Pambansang Pamantasan” ay upang

makatulong sa mga mag-aaral na magamit ang kanilang oras sa makabuluhan at kapaki-

pakinabang na bagay para sa epektibo nilang pag-aaral. Ang pananaliksik na ito ay tiyak

na makapagpapayabong sa kaalaman ng mga mag-aaral ukol sa pangangasiwa ng

kanilang oras sa isinasagawang online classes. Inaasahan ng mga mananaliksik na sa

5|Page
pananaliksik

6|Page
na ito ay malalaman at mababatid ng mga mag-aaral ang mga sagabal sa pagbabadyet ng

kanilang oras. Dahil dito, mapagyayaman ng mga mag-aaral ang kanilang kakayahan

upang maiwasan ang mga sagabal na matutuklasan. Mahalaga ang pananaliksik sa mga

sumusunod:

Para sa mga Mag-aaral. Mahalaga ang pananaliksik na ito sa mga mag-aaral

dahil maliliwanagan ang kanilang isipan sa tamang pangangasiwa ng kanilang oras na

tiyak na makapagpapabuti ng kanilang pag-aaral. Higit na uusbong ang abilidad ng mga

mag-aaral upang malaman nila ang kanilang prayoridad o ang gawaing dapat nilang

unahin. Kaugnay nito, maiiwasan ang pananamlay o stress at ang pagmamadali o

cramming dahil sa tinakdang pasahan ng mga gawain. Makatutulong ang pag-aaral na ito

upang mapagbuti ang pag-aaral at hindi mapabayaan ang iba pang aspeto ng kanilang

buhay gaya ng sa kanilang pamilya.

Para sa mga Magulang. Makapagbibigay ng kaalaman ang pananaliksik na ito sa

mga magulang upang malaman nila ang kakayahan ng kanilang mga anak ukol sa

pangangasiwa ng oras. Dahil dito, magagabayan nila ang mga mag-aaral upang maibsan

ang mga hirap na kinahaharap sa pagbabadyet ng oras.

Para sa mga Guro. Masusuri ng mga guro ang antas ng kaalaman ng mga mag-

aaral sa pangangasiwa ng oras sa pamamagitan ng pananaliksik na ito. Kaya, mas lalong

makakatulong ang mga guro sa mga mag-aaral sa pagpapaunawa ng kahalagahan ng oras.

Para sa mga Mananaliksik. Maaaring mapakinabangan ng mga mananaliksik

ang makakalap na mga datos sa pananaliksik na ito sa mga pananaliksik na nais gawin sa

hinaharap na may kaugnay na paksa.

7|Page
Para sa paaralan. Mahalaga ito sa pamantasan upang malaman ang kalagayan ng

mga mag-aaral ukol sa pangangasiwa ng oras na nakakaapekto sa kanilang pag-aaral.

Makatutulong ang mga datos upang magamit sa pagbibigay ng payo hinggil sa paksa

upang lalong mapagbuti ng mga mag-aaral ang kanilang pag-aaral para maabot nila ang

kanilang mga pangarap sa buhay.

8|Page
KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Sa kabanatang ito, ipinapakita ang mga literatura at mga pag-aaral na naisagawa

na kaugnay sa paksa ng pananaliksik na ito ukol sa pangangasiwa ng oras. Nilalayon ng

pananaliksik na ito na makapagdagdag ng kaalaman tungkol sa kahalagahan ng oras at

ang mga resulta ng mga pag-aaral na naisagawa na ng mga eksperto.

Literaturang Konseptwal

Time Management. Ang time management ayon kay Elliot (2013), ay isang uri

ng kasanayan sa pag-iisip na tumutulong sa mga mag-aaral na unahin ang kanilang mga

gawain at malaman kung gaano kahabang oras ang kanilang makokonsumo para ito ay

matapos. Ang kasanayang ito ay makatutulong sa kanila para matapos nila sa takdang

oras ang kanilang mga gawain sa paaralan. Makatutulong din ito para mapangasiwaan

nila nang maayos ang kanilang iskedyul. Sa pamamagitan ng time management,

naoobserbahan ng mga mag-aaral ang kanilang mga ikinikilos at ginagawa, nagkakaroon

din sila ng maayos na pagkabahala kung paano nila matatapos ang kanilang mga takdang-

aralin, at nagkakaroon sila ng kakayahan na masundan nang maayos ang bawat hakbang

sa kanilang ginagawa.

Dagdag pa niya, ang time management ay nakatutulong para mapagtagumpayan

ng bawat mag-aaral ang kanilang edukasyon. Ito ay higit na nakakaapekto sa kanilang

naipapakitang kakayahan sa mga asignatura tulad ng pagbabasa, pagsusulat, at

matematika.

9|Page
Pandemya. Ayon kay Lockett (2020), ang pandemya ay ang pagkalat ng

panibagong sakit sa buong mundo. Kapag ang isang panibagong sakit ay lumaganap,

karamihan sa bawat tao ay walang pansariling kakayahan ang mga katawan para labanan

ito. Sa kadahilanang ito, mas mabilis itong kakalat sa pagitan ng dalawang tao, sa mga

komunidad, at maging sa buong mundo. Dahil sa kawalan ng natural na resistensya para

malabanan ang naturang sakit, mas mabilis itong kakalat at magiging dahilan ng

pagkakasakit ng karamihan. Sa kasalukuyan, ang mundo ay humaharap sa pandemya na

kilala bilang COVID-19. Bago masabi na ang panibagong sakit ay isang pandemya, ito

ay masusing iniimbestigahan at dumadaan sa anim na proseso. Sa madaling salita,

matatawag na pandemya ang panibagong sakit na lumalaganap kung ito ay kumalat na sa

tatlong mga bansa. Ang World Health Organization (WHO) ang nagdedeklara kung ang

kumakalat na sakit ay isang pandemya o hindi.

Wika pa ng awtor, ang isang pandemya ay hindi mailalarawan sa pamamagitan ng

kung gaano ito kalala bilang isang sakit bagkus sa kung paano ito kumakalat sa isang

lugar. Subalit, ang pag-intindi kung gaano ito kalala ay makatutulongsa mga eksperto na

makapaghanda para sa posibleng pagtaas ng kaso.

Online Learning. Batay kay Tamm (2020), ang online learning ay isa sa mga

pinakaimportanteng bagay sa umuusbong na panahon ngayon. Ang online learning o

electronic learning ay isang paraan para mapalawak ang kaalaman ng isang mag-aaral sa

pamamagitan ng paggamit ng makabagong teknolohiya. Ito ay karaniwang isinasagawa

sa internet na kung saan ay madaling matitingnan ng mga mag-aaral ang kanilang mga

aralin kung saan at kailan nila gusto.

10 | P a g e
Dagdag pa niya, mas mataas ang bentahe ng online learning kaysa

pangkaraniwang pamamaraan ng pagkatuto. Dahil saonline learning, mas makapipili ang

mga mag-aaral ng iba’t ibang mga paraan kung paano sila matututo at kung paano sila

magiging produktibo. Sa kabilang banda, mayroon din naman itong disbentahe.

Pagtutularan tuwing eksaminasyon, pagiging mapag-isa, at kakulangan sa pagkakaroon

ng kasanayan sa maayos na pakikipagkomunikasyon ay ilan sa mga bagay na

kinakaharap ng online learning.

Literaturang Pananaliksik

Ayon sa pag-aaral ni Tank (2020), mas madaling nawawala sa pokus ang mga

estudyante ngayong may pandemya sa kadahilanan na ang pag-aaral ay isanasagawa

online sa bahay; ang tahanan at ang silid-aralan ay naging iisa na lamang. Dahil dito,

nababawasan ang atensyon ng mga mag-aaral sa pag-aaral dahil sa presensya ng kanilang

pamilya. Naaapektohan nito ang kanilang time management, na kung saan ay nabubuo

nila ang kaugalian ng pagkakaroon ng paiba-ibang oras ng pagtulog kasama na ang

responsibilidad para makompleto ang proyekto sa takdang oras.

Inilalahad ng pag-aaral na ito na hindi lamang sa labas ng tahanan mayroong mga

bagay na puwedeng kumuha ng atensyon ng mga mag-aaral bukod sa kanilang pag-aaral

bagkus ay mayroon din mismo sa loob ng tahanan. Mayroong mga iba’t ibang bagay at

gawain ang nakikita ng mga mag-aaral sa loob ng tahanan na maaaring makaagaw ng

kanilang pakikinig sa online class. Ikinokonsidera na ang pamilya ng mga mag-aaral ang

nagiging pangunahin nilang distraksyon upang magbigay atensyon sa kanilang klase

ngayong pandemya. Dahil dito, mas nagiging malaking pagsubok para sa mga mag-aaral

11 | P a g e
na mapangasiwaan nang tama ang oras na mayroon sila para sa kanilang pag-aaral lalo na

at hindi lang naman sa pag-aaral umiikot ang kanilang buhay dahil may iba pa rin silang

responsibilidad na dapat gampanan.

Sa pananaliksik na isinagawa nina Mila Sari et. al. (2020), inilahad nila na dahil

sa pandemya na kinakaharap ng ating mundo ngayon, mas naging interesante na pag-

aralan ang time management na isinasagawa ng mga mag-aaral ngayong online class sa

kadahilanang natututo ang mga mag-aaral na tumayo sa kanilang sariling mga paa

pagdating sa kung paano nila pangangasiwaan nang tama ang oras na mayroon sila sa

loob ng bahay na walang paggabay o panuto galing sa kanilang mga guro. Dumedepende

lamang ang mga mag-aaral sa kanilang sariling disiplina at pamamaraan para mailatag

nila nang maayos at nang tama ang oras para sa kanilang pag-aaral upang patuloy na

makasabay sa online class o distance learning.

Isinasaad ng pananaliksik na ito na dahil sa pandemya, kailangan maging

disiplinado ng mga mag-aaral sa kung paano nila gagamitin ang oras nila nang tama.

Dahil walang pisikal na interaksyon mula sa kanilang mga guro, kailangang balansehin

ng mga mag-aaral ang kanilang oras sa pag-aaral at sa iba pang mga bagay na

pinagkakaabalahan nila. Ipinapakita rin ng pananaliksik na ito ang isa sa mga

pangunahing pagsubok na kinakaharap ng mga mag-aaral ngayong distance learning, na

kung saan ay walang personal na paggabay ang mga guro sa kanilang mag-aaral at

kailangan lamang umasa ng mga mag-aaral sa kanilang sariling intwisyon at kakayahan

upang magkaroon ng makabuluhang araw pagdating sa kanilang pag-aaral.

12 | P a g e
Ayon sa pag-aaral na isinagawa ni Shivangi (2020), ang online learning ngayong

pandemya ay mayroong kakayahan na umangkop sa oras ng bawat mag-aaral pero mas

pinipili nila na hindi ito gamitin nang tama. Ang personal na atensyon ng mga mag-aaral

ay isa ring malaking isyu pagdating sa klase na isinasagawa online. Dahil saCOVID-19,

hindi handa ang mga mag-aaral kung paano nila babalansehin ang oras nila sa kanilang

pamilya at sa kanilang buhay panlipunan kasama ang kanilang pag-aaral ngayong ito ay

sa online na pamamaraan na.

Ipinapaliwanag ng pag-aaral na ito na bagama’t mas hawak ng mga mag-aaral

ngayon ang kanilang oras dahil nasa loob lamang sila ng tahanan, nahihirapan naman sila

kung paano nila ito pangangasiwaan nang maayos at nang tama. Maraming bagay ang

sumasagabal sa kanila para mapanatili ang kanilang atensyon sa kanilang pag-aaral.

Hindi naging handa ang mga mag-aaral sa epekto na dulot ng pandemya sa kanilang time

management. Dahil sa pangyayaring ito, nagbago rin ang kanilang pamamaraan kung

paano nila gugugulin ang bawat oras na mayroon sila lalo na at hindi naman puwedeng

lumabas dahil sa banta ng sakit na COVID - 19.

Sintesis

Nakapagbigay ng impormasyon tungkol sa mabisang pamamaraan ng paggamit

nang wastong oras ng mga mag-aaral sa pambansang pamantasan na nababatay ang

kaugnay na literatura. Ang pag-aaral na ito ay nabigyan ng malawak na impormasyon ang

mga mananaliksik sa paggamit ng iba’t ibang pamamaraan at estratehiya ng Time

management dahil sa epekto ng pandemya at kung paano ito magiging mabisa sa

pagkatuto ng mga mag-aaral. Nagkakaiba naman sa kasalukuyan ang naturang pag-

aaral sa
13 | P a g e
respondente at taon ng mga ito. Sa kabuuan, may mga makabagong paraan ng paggamit ng

Time management at pagiging epektibo na magdudulot ng pagkatuto ng mga mag-aaral.

Konseptwal na Balangkas

Ayon sap ag-aaral nina Muhammad Saqib Khan, PhD (2015), at Shazia Nasrullah,

PhD (2015), ang pangangasiwa ng oras ay napakahalaga at maaaring makaapekto sa

pangkabuuang pagganap at mga tagumpay. Ang mga mag-aaral na may kakayahang

mangasiwa ng oras sa isang epektibong paraan ay nagiging matagumpay. Isinasaad sa

pananaliksik na ito na magkaugnay ang pangangasiwa ng oras sa kagalingan sa pang-

akademikong mga gawain tulad na lamang ng pag-aaral. Samantalang nagdudulot naman

ng negatibong mga epekto ang mga hindi naman isinasaalang-alang ang kanilang oras.

Ang bahagi ng pag-aaral na ito ay tumutukoy sa paraan na nakagawian ng mga

mag-aaral ukol sa haba ng oras na inilalaan sa mga gawain, pananaw ng mga mag-aaral

sa importansya ng paggamit ng kasangkapan upang makatipid sa oras at mga hadlang sa

paggamit ng time management sa mga mag-aaral. Maipapakita sa proseso ng pag-aaral

nito ang tasasyon ng mga mag-aaral sa pagkatuto ng paggamit ng time management at

pagkakaroon ng kaalaman sa kaugnayan ng time management. Naglalaman naman ng

awtput ng pag-aaral ang ikatlong kahon. Ito ay mabisang plano upang mas higit na

mapabuti ang paggamit ng time management ng mga mag-aaral.

14 | P a g e
Depinisyon ng Terminolohiya

Online Learning.Ito ay isa sa mga pinakaimportanteng bagay sa umuusbong na

panahon ngayon. Ang online learning o electronic learning ay isang paraan para

mapalawak ang kaalaman ng isang mag-aaral sa pamamagitan ng paggamit ng

makabagong teknolohiya (Tamm 2020).Sa pag-aaral, ito ay ginamit upang ipahayag ang

paraan ng edukasyon ng mga mag-aaral ngayong mayroong pandemya.

Oras. Ito ay ang pag-usad ng mga pangyayari simula noong unang panahon na

nagpapatuloy sa kasalukuyan at magpapatuloy sa hinaharap (Helmenstine 2019). Sa

isinagawang pag-aaral, inilalarawan nito ang panahon na mayroon ang mga mag-aaral sa

kanilang pag-aaral ngayong online class.

Teknolohiya. Ito ay ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina,

kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao (Augustyn

2021). Sa pag-aaral, ito ay ginamit upang ilarawan ang mga bagay na ginagamit ng mga

mag-aaral upang makaangkop sa online learning.

Time Management.Ito ay isang uri ng kasanayan sa pag-iisip na tumutulong sa

mga mag-aaral na unahin ang kanilang mga gawain at malaman kung gaano kahabang

oras ang kanilang makokonsumo para ito ay matapos (Elliot 2013).Sa isinagawang pag-

aaral, ito ay tumutukoy sa paraan na kailangang linangin ng mga mag-aaral upang

maging produktibo ngayong mayroong pandemya.

15 | P a g e
KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Sa kabanatang ito, ay tatalakayin ang magiging disenyo at ang pamamaraan ng

pananaliksik upang maipakita at maiprisenta ng maayos ang mga datos na kinakailangan

sa pananaliksik na ito. Layunin ng pananaliksik na ito na makapagbigay ng angkop at

wastong datos na makukuha sa mga respondente at sa paraang gagamiting upang

maisagawa ang pananaliksik na ito.

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang disenyong gagamitin sa pananaliksik na ito ay deskritib-analitik, kung saan ang mga

mananaliksik ay gagamit ng sarbey-kwestyoneyr Layunin nitong mabigyan kasagutang

ang mga katanungan ukol sa kung paano nakaapekto ang pandemya sa pamamahala ng

oras ng mga mag-aaral mula sa Pambansang Pamantasan ng Batangas. Sa pamamagitan

ng disensyong ito, ang mga mananaliksik ay makakalap ng sapat na datos at

impormasyong patungkol sa pananaliksik na ito. Mapapaliwanag din ng ayos ang mga

impormasyon at magiging malinaw ang mga naging epekto ng pandemya ito sa

pangangasiwa ng oras ng mga mag-aaral.

PAKSA NG PAG AARAL

Ang panguhaning paksa ng pag-aaral ay ang pagtukoy sa mga kasanayan ng mga

estudyante sa pagbabadyet ng kanilang oras gayun din ang mga nakakahadlang at

nakakaubos ng kanilang panahon sa pag-aaral. Ang pagkakaroon ng sapat na

impormasyon ay makakatulong upang makapagbigay linaw sa kanilang isipan sa tamang

16 | P a g e
pangangasiwa

17 | P a g e
ng kanilang oras. Mabibigyan din ng pagkakataon ang mga mag-aaral upang malaman

ang kanilang prayoridad o ang gawaing dapat nilang unahin. Kaugnay nito, maiiwasan

ang pananamlay o stress at ang pagmamadali o cramming dahil sa tinakdang pasahan ng

mga gawain.

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Ang pagsasarbey ang pangunahing pamamaraan ng mga mananaliksik upang

makapangalap ng mga datos. Isang sarbey kwestyoneyr ang ihahanda ng mga

mananaliksik para pasagutan sa mga napiling mag-aaral. Binubuo ang sarbey

kwestyoneyr ng limang (5) kategorya. Bawat kategorya ay mayroong limang (5)

katanungan. Masasagutan ang kwestyonayr sa pamamagitan ng paggamit ng iskeyl ayon

sa antos ng pangsangayon ng mga respondente ukol sa nakalahad na tanong.

MGA KALAHOK SA PAG-AARAL

Ang magiging respondente sa pananaliksik na ito ay ang mga mag-aaral sa

Mechanical Engineering Department ng College of Engineering, Architecture and Fine

Arts (CEAFA) ng Pambansang Pamantasan ng Batangas. Ang bilang ng magiging

kalahok ay may kabuuang bilang na tatlumpu (30) na magmumula sa nasabing

departamento. Minabuti ng mananaliksik na hatiin ang bilang ng mga respondente sa

bilang ng dalawa hanggang tatlo (2-3) bawat seksiyon ng departamento na may bilang na

labindalawang (12) seksiyon. Sa ganitong pamamaraan, masusukat at mabibigyan linaw

ang mga naging epekto ng pandemyang ito sa pamamahala ng oras ng mga mag-aaral sa

nasabing departamento.

18 | P a g e
TRITMENT NG MGA DATOS

Gumamit ng dalawang paraang estadistika ang mga mananaliksik upang masuri nang

maayos ang mga nakalap na mga datos. Ang paraang na gagamitin ng mga mananaliksik

ay tinatawag na Likert scale na karaniwang ginagamit sa mga pananaliksik na kinukuha

ang antas ng pagsang-ayon ng mga respondente ukol sa isang katanungan.

Ang ANOVA ay ginagamit upang mapag hambing ang dalawa o higit pang bilang

ng grupo at ginagamitan ito ng F-Distribution. Ang null hypothesis naman ay ang pag-

assume na ang mean ng dalawang grupo ay pantay at walang pinagkaiba. Ang

kinalabasan na resulta ng pag-eksamina ng mean ng dalawang grupo ay pantay. Kung

kaya’t ang significant result ng mean ng dalawang grupo ay magkaiba. Sa pamamagitan

ng paggamit ng ANOVA malalaman ang kabuuang pagkakaiba ng dalawan grupo ngunit

hindi ang pagkakaiba ng mga mean ito. Dahil dito, ang mga mananaliksik ay gagamit ng

nasabing pamamaraan upang malaman ang significant difference ng epekto ng iba’t ibang

antas ng bawat grupo.

19 | P a g e
Gumamit ang mga mananaliksik sa interval choice type sa kanilang kwestyoneyr ng limang

(5) iskeyl. Weighted mean ng lahat ng tugon ang inalam ng mga mananaliksik sa isang

ispesipikong katanungan. Tingnang mabuti ang pormulang ito sa pagkuha ng weighted

mean na kung saan:

= (f1x1) + (f2x2) + … + (fnxn)

f = Dami ng tugon sa bawat iskeyl; x = Bigat o Iskeyl; n = hangganan ng

iskeyl; K= Kabuuang bilang ng mga respondente

Ang katumbas ng baryabol na K o ang kabuuang bilang ng mga respondente ay palaging

tatlumpu (30). Binigyan ng berbal na interpretasyon ang bawat iskeyl upang mas

madaling mauunawaan ang ipinahihiwatig ng mga datos. Tingnang mabuti ang mga

talahanayan:

Iskeyl Saklaw ng Weighted Berbal na Interpretasyon


mean

5 4.5-5.0 Lubos na Sumasang-ayon

4 3.5-4.49 Sumasang-ayon

3 2.5-3.49 Bahagyang Sumasang-ayon

2 1.5-2.49 ‘Di Sumasang-ayon

1 1.0-1.49 Lubos na ‘Di Sumasang-ayon

20 | P a g e
KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Sa kabanatang ito, inilalahad ng mga mananaliksik ang mga datos na nakalap at

ang naging mga resulta ng pananaliksik na ito gamit ang paraang pagsasarbey.

Ipinapakita din dito ang mga interpretasyon ng mga mananaliksik sa mga nakalap na mga

datos na makapagbibigay kaliwanagan sa mga katanungan o layunin ng pananaliksik na

ito.

Talahanayan 1
Propayl ng mga respondente batay sa edad

Edad Bilang Porsyento (%)


19 7 23.33
20 22 73.33
21 1 3.33

Kabuuan 30 100

Ipinakikita sa talahanayan 1 ang mga edad ng tatlumpung respondente.

Pumapatak sa labing-siyam hanggang dalawampu’t isang taong gulang ang saklaw ng

edad ng mga mag-aaral sa ikalawang taon ng kolehiyo. Karamihan ng mga respondente

ay nasa dalawampung taong gulang na may 73.33% at sinusundan ng labing-siyam na

taon na mayroong 23.33%. Bilang pagkumpleto, isang respondente ang may dalampu’t

isang taong gulang na bumubuo sa 3.33%.

21 | P a g e
Talahanayan 2

Bilang Porsyento (%)


Lalaki 19 63.33
Bababe 11 36.67

Kabuuan 30 100

Sa pangalawang talahanayan nakapaloob ang kasarian ng tatlumpung respondente

na nakilahok sa pananaliksik. Base sa nakatala, karamihan ng mga respondenteng

nagsagot ng sarbey ay pawang mga kalalakihan na may bilang na labing-siyam at may

kabuuang 63.33% samantala, mayroon namang labing-isang mga kababaihan ang

nakilahok at may kabuuang 36.67%.

I. Face to Face Class

Talahanayan 3

A. Panahon ng paggawa ng mga takda at aralin


Pangungusap Weighted Mean Berbal na Interpretasyon
Nakakapaglaan ako ng 3.80
mahabang panahon para Sumasang-ayon
gawin ang aking mga
takdang aralin.
Nakakapaglaan ako ng 3.73
sapat na oras para sa lahat Sumasang-ayon
ng gawain ng bawat
asignatura.
Nakakapag-advance 3.40
reading o balik aral ako ng Bahagyang Sumasang-ayon
mga aralin sa bawat
asignatura.

22 | P a g e
Isang araw bago ang 3.60
pasahan o eksaminasyon Sumasang-ayon
ginagawa ang aking mga
gawain.
Naipapasa ko ang ang 4.40
aking mga takda bago Sumasang-ayon
sumapit ang deadline.

Composite Mean 3.79 Sumasang-ayon

Inilalahad sa talahanayan 3, ang panahon ng paggawa ng mga takda at aralin.

Naipapasa agad ang kanilang mga takdang aralin bago sumapit ang deadline na may

weighted mean na 4.40, habang ang pinakamaliit naman na nasagot ng mga respondente

ay ang mga bahagyang sumasang-ayon na nakakapag-advance reading o balik aral sila ng

mga aralin sa bawat asignatura na may nakuhang 3.60 na weighted mean. Nabigyan ng

kahulugan ng mga mananaliksik na sumasang-ayon, ang nakuhang composite mean na

3.79.

Ayon sa eksperimento na isinagawa nina Karim Babayi Nadinloyia, Nader

Hajloob, Nasser Sobhi Garamaleki, at Hasan Sadeghi (2013), na ang pangangasiwa ng

oras ay kayang mapag-aralan batay sa mga kaalamang natatanggap ng isang tao.

Nakabatay ang tamang pangangasiwa ng oras sa kagustuhan at paligid na kinabibilangan

ng isang mag- aaral.

23 | P a g e
Talahanayan 4

B. Oras na nilalaan sa pag-aaral


Pangungusap Weighted Mean Berbal na Interpretasyon
Mahaba ang oras ang aking 3.63
nailalaan sa aking pag- Sumasang-ayon
aaral.
Hawak ko ang oras ng 4
aking pag-aaral. Sumasang-ayon

Kapag malapit na ang 3.63


eksaminasyon, maraming Sumasang-ayon
oras ang aking ginugugol
para mapaghandaan ito.
Nabawasan ang oras ko sa 3.63
pag-aaral dahil sa mga Sumasang-ayon
gawaing bahay.
Nagagawa ko pang mag 3.50
paunang pag-aaral sa aking Sumasang-ayon
mga asignatura at
nabibigyan ko ng sapat na
oras ang bawat aralin.

Composite Mean 3.68 Sumasang-ayon

Mula sa pinapakita ng talahanayan 4, karamihan na sumasang-ayon ang mga

respondente na hawak nila ang oras ng kanilang pag-aaral kung saan ay nakakuha ito ng

pinakamataas na weighted mean na 4. Ang nakakuha naman ng pinakamababang

weighted mean na 3.50 ay ang mga sumang-ayon na nagagawa nila ang magpaunang pag-

aaral sa kanilang asignatura at nabibigyan nila ng sapat na oras ang bawat aralin. Ang

nakuhang composite mean na 3.68 ay nabigyan ng kahulugan ng mga mananaliksik na

sumasang- ayon.

24 | P a g e
Isinasaad sa thesis buba Abdul Rahman Hamzah, Eush Ossai-Igwe Lucky at

Mohd Hasanur Raihan Joarder (2014), ito ang pagpapatunay ng positibo at tuwirang

relasyon ng wastong pangangasiwa ng oras sa kagalingang akademiko. Mas natutugunan

ang pangangailangang mag-aral sa mga marunong pangasiwaan ang kanilang oras. Ito ay

dahil naihihiwalay nila ang iba pang mahalagang aspetong bagay tulad ng

pakikipagkaibigan mula sa pag-aaral.

Talahanayan 5

C. Pag-uuna ng mga gawain


Pangungusap Weighted Mean Berbal na Interpretasyon
Inuuna kong gawin ang 3.53
mga gawain na nahihirapan Sumasang-ayon
ako bago simulan ang mga
madadaling gawain.
Ang aking mga aralin at 3.67
dapat gawin ay Sumasang-ayon
napapanatili kong
organisado.
Inuuna kong gawin ang 3.77
mga gawain na Sumasang-ayon
kumukonsumo ng
mahabang oras kaysa sa
hindi.
Pinagtutuunan ko ng pansin 3.63
ang mga gawain na Sumasang-ayon
interesado ako.
Inuuna ko ang mga gawain 4.17
na may maagang petsa ng Sumasang-ayon
pasahan.

Composite Mean 3.93 Sumasang-ayon

25 | P a g e
Makikita naman sa Talahanayan 5, madami ang sumasang-ayon na pinag-

tutuunan nila ng pasin ang mga gawain na mas interesado sila na nakakuha ng weighted

mean na

4.17. Sa kabilang banda naman, 3.53 ang weighted mean na sumasang-ayon na inuuna

nilang gawin ang mga gawain na nahihirapan sila bago simulan ang mga madadaling

gawain. Ang nakuhang composite mean na 3.93 ay binigyang kahulugan ng mga

mananaliksik na sumasang-ayon.

Binibigyang-diin sa pananaliksik na ito ang relasyon ng tamang pangangasiwa ng

oras sa pang-akademiko ng mga estudyante. Base sa sarbey nakalahad ang iba’t ibang

mga hadlang sa kanilang pag-aaral tulad ng iba-ibang klase ng istobo. Dito nagpapakita

na lubos na nakatutulong ang pagbabadyet ng oras sa pag-aaral ng isang mag-aaral.

(Miqdadi, et.al. 2014)

Talahanayan 6

D. Paglalaan ng oras sa pagpapahinga


Pangungusap Weighted Mean Berbal na Interpretasyon
Mahaba ang oras ng aking 3.53
pagpapahinga. Sumasang-ayon

Nagkakaroon ako ng panahon 3.53


para makahinga at makapagayos Sumasang-ayon
ng aking sarili sa pagitan ng
bawat asignatura.

Nakukumpleto ko ang higit sa 8 2.56


oras na tulog bawat araw. Bahagyang Sumasang-
ayon

26 | P a g e
Nabawasan ang stress sa pag- 3.13
aaral sapagkat nagkaroon na ng Bahagyang Sumasang-
oras para makapagpahinga. ayon

27 | P a g e
Pagkatapos ng klase o 3.60
eksaminasyon, nabibigyan ko ang Sumasang-ayon
aking sarili ng oras para makapag
liwaliw at pahinga.

Composite Mean 3.27 Bahagyang Sumasang-


ayon

Base sa talahanayan 6 ang paglalaan ng oras sa pagpapahinga ng bawat

respondente. Karamihan sa mga respondente ay sumasang-ayon na pagkatapos ng klase o

eksaminasyon, ay nagbibigay sila ng oras para makapagpahinga at magliwaliw na

binubuo ng weighted mean na 3.60. Nakakuha naman ng weighted mean na 2.56 ang mga

bahagyang sumasang-ayon na nakukumpleto nila ang higit na 8 oras na tulog bawat oras.

Ang nakuhang composite mean na 3.27 ay nabigyan ng kahulugan ng mga mananaliksik

na bahagyang sumasang-ayon.

Sa pangangasiwa ng oras hindi lamang dapat pagtatapos ng mga gawain kundi

pati na rin ang balansehin ang buhay sa paraang nalilibang ang kanyang sarili at

nasisiyahan siya sa kaniyang ginagawa. Napakahalaga na gamitin ng wasto ang oras sa

pag-aaral ng isang estudyante upang matapos agad ito sa takda oras at makadama siya ng

saya habang ginagawa ang mga ito. Tunay nga na hindi biro ang pangangasiwa ng oras

ngunit dapat itong matutunan. (Chen, 2011).

28 | P a g e
Talahanayan 7

E. Paggamit ng libreng oras


Pangungusap Weighted Mean Berbal na Interpretasyon
Maraming oras ang aking 3.83
nailalaan sa paggamit ng Sumasang-ayon
kahit anong social media
sites.
Nakakatulong ako sa mga 3.80
gawaing bahay. Sumasang-ayon

Nakakasama ako sa mga 3.03


gala o gimik ng aking mga Bahagyang Sumasang-ayon
kaibigan.
Nakakapaglaan ako ng oras 3.30
para sa family bonding Bahagyang Sumasang-ayon
namin.
Labis-labis ang oras na 3.67
naibibigay ko para sa sarili Sumasang-ayon
ko.

Composite Mean 3.51 Sumasang-ayon

Nakapaloob sa Talahanayan 7 na madami ang sumasang-ayon na mas marami ang

oras na kanilang nailalaan sa paggamit ng kahit anong social media sites na nakakuha ng

weighted mean na 3.83. Nakakuha naman ng maliit na weighted mean na 3.03 ang mga

sumasang-ayon na nakakasama sila sa mga gala o gimik ng kanilang mga kaibigan. Ang

nakuhang composite mean na 3.51 ay nabigyan ng kahulugan ng mga mananaliksik na

bahagyang sumasang-ayon.

Ang pangangasiwa ng oras ay napakahalaga na maaaring makaapekto sa

pngkabuuang ganap sa buhat at tagumpay. Subalit, lahat ng ito ay kaugnay sa kung paano

29 | P a g e
pinangangasiwaan ng isang mag-aaral ang kanilang mga oras batay sa kanilang

pamumuhay araw-araw. Ang paggamit ng oras ng mga mag-aaral ay maiisaalang-alang

na mapaunlad ang kanilang mga sarili upang maging isang mabuting disipulo. Inilalahad

dito na isang mabuting mangangasiwa ng oras ang mga matatagumpay na mag-aaral.

(Shazia Nasrullah, PhD 2 2015) at (Muhammad Saqib Khan, PhD, 2015)

II. Online Class

Talahanayan 8

A. Panahon ng paggawa ng mga takda at aralin


Pangungusap Weighted Mean Berbal na Interpretasyon
Nakakapaglaan ako ng 3.60
mahabang panahon para Sumasang-ayon
gawin ang aking mga
takdang aralin.1.
Nakakapaglaan ako ng 3.43
sapat na oras para sa lahat Bahagyang Sumasang-ayon
ng gawain ng bawat
asignatura.
Nakakapag-advance 3.17
reading o balik aral ako ng Bahagyang Sumasang-ayon
mga aralin sa bawat
asignatura.
Isang araw bago ang 3.46
pasahan o eksaminasyon Bahagyang Sumasang-ayon
ginagawa ang aking mga
gawain.
Naipapasa ko ang ang 3.87
aking mga takda bago Sumasang-ayon
sumapit ang deadline.

Composite Mean 3.51 Sumasang-ayon

30 | P a g e
Makikita sa Talahanayan 8 ang panahon ng paggawa ng mga takda at aralin sa

online class. Naipapasa agad ng mga respondante ang kanilang mga takdang aralin bago

sumapit ang deadline na may weighted mean na 3.87 habang ang pinakamaliit naman na

nasagutan ng mga respondente ay ang mga bahagyang sumasang-ayon na nakakapag-

advance reading o balik aral sila ng mga aralin sa bawat asignatura na may nahukang

3.17 na weighted mean. Mapapansin na parehas ang pagkakasunod sunod ng mga napili

ng mga respondante sa face-to-face classes at online classes. Pinakamataas ang

pagbibigay kahalagahan ng mga mag-aaral sa pagpapasa ng mga takda at pinakamababa

naman ang nilalaang oras para pagbabalik aral at advance reading sa online classes at

face-to-face classes. Binibigyan ng kahulugan ng mga mananaliksik na sumasang-ayon,

ang nakuhang composite mean na 3.51.

Ayon kay Susanna Loeb, isang propesor ng edukasyon at ng mga public affairs sa

Brown University, ang mga mag-aaral ay nagkakaroon ng maraming distraksyon at

nawawalan ng motibasyon sa online classes. Naipaliwanag na kaya mababa ang

nakalaang oras para pagbabalik aral at advance reading sa online classes at face-to-face

classes ng mga mag-aaral ay dahil sa mga distraksyong nabanggit. Maikukumpara na

hindi kasing bisa ng face-to-face classes ang virtual classes at mas magiging mahirap pa

ito para sa mga mag-aaral. Nabanggit sa isang pag-aaral sa Stanford College na maliit ang

pagkakaiba sa performance ng mga mahuhusay na mag-aaral sa mga setting na online at

personal. Ngunit para sa mga mag-aaral na nahihirapan sa mga aralin ay lalong

makakasama ang online classes sa kanilang pag-aaral. Marahil kaya walang pagbabago sa

pagbibigay kahalagahan ng mga mag-aaral sa pagpapasa ng mga takda.

31 | P a g e
Talahanayan 9

B. Oras na nilalaan sa pag-aaral


Pangungusap Weighted Mean Berbal na Interpretasyon
Mahaba ang oras ang aking 3.67
nailalaan sa aking pag- Sumasang-ayon
aaral.
Hawak ko ang oras ng 3.67
aking pag-aaral. Sumasang-ayon

Kapag malapit na ang 3.20


eksaminasyon, maraming Bahagyang Sumasang-ayon
oras ang aking ginugugol
para mapaghandaan ito.
Nabawasan ang oras ko sa 3.63
pag-aaral dahil sa mga Sumasang-ayon
gawaing bahay.
Nagagawa ko pang mag 3.30
paunang pag-aaral sa aking Bahagyang Sumasang-ayon
mga asignatura at
nabibigyan ko ng sapat na
oras ang bawat aralin.

Composite Mean 3.43 Bahagyang Sumasang-


ayon

Ayon sa talahanayan 9, karamihan na sumasang-ayon ang mga respondente na

mahaba ang oras ang aking nailalaan sa aking pag-aaral at hawak nila ang oras ng

kanilang pag-aaral kung saan ay nakakuha ito ng pinakamataas na weighted mean na

3.67. Kumpara sa face-to-face classes, mas mataas na weighted mean ang nakuha ng haba

ng oras naiilaan sa pag-aaral. Ang nakakuha naman ng pinakamababang weighted mean

na 3.20 ay ang mga sumang-ayon na kapag malapit na ang eksaminasyon, maraming oras

32 | P a g e
ang aking ginugugol

33 | P a g e
para mapaghandaan ito. Mapapansin na mas mababa ito sa face-to-face classes na ang

nakuhang composite mean na 3.43 ay nabigyan ng kahulugan ng mga mananaliksik na

bahagyang sumasang-ayon.

Hindi maikakaila na ang pagkakaroon ng online na edukasyon ay naging posible

para sa mga mag-aaral na may abalang buhay at limitadong oras ng kalidad na

edukasyon. Hindi na kinakailangang isakripisyo ang oras ng trabaho, oras ng pamilya, at

gastos sa paglalakbay papunta at pag-uwi mula sa paaralan. May kalayaan ang mga mag-

aaral na makipag-usap sa mga guro at sa mga kamag-aral, mabuksan ang mga materyal sa

pag- aaral, at kumpletuhin ang mga takdang-aralin kahit saang lugar at anong oras na

madaling ma-access sa Internet (Richardson at Swan, 2003). Mula sa naisagawang

sarbey, makukumpirma na hawak ng mga mag-aaral ang oras nila at nagagamit ito sa

paggugol sa pag-aaral.

Talahanayan 10

C. Pag-uuna ng mga gawain


Pangungusap Weighted Mean Berbal na Interpretasyon
Inuuna kong gawin ang 3.83
mga gawain na nahihirapan Sumasang-ayon
ako bago simulan ang mga
madadaling gawain.
Ang aking mga aralin at 3.47
dapat gawin ay Bahagyang Sumasang-ayon
napapanatili kong
organisado.
Inuuna kong gawin ang 3.57
mga gawain na Sumasang-ayon
kumukonsumo ng
mahabang oras kaysa sa
hindi.
Pinagtutuunan ko ng pansin 3.9
ang mga gawain na Sumasang-ayon

34 | P a g e
interesado ako.
Inuuna ko ang mga gawain 4.3
na may maagang petsa ng Sumasang-ayon
pasahan.

Composite Mean 3.81 Sumasang-ayon

Ayon sa talahanayan 10, karamihan sa mga respondente ay naniniwalang dapat

unahin ang mga gawain na may maagang petsa ng pasahan. Makikita na ang

pangungusap na ito ang may pinakamataas na weighted mean na 4.3 sa usapan na mga

gawaing pang paaralan. Mapapansin na ito rin ang may pinakamataas na weighted mean

kahit nung face to face pa ang klase. Samantalang ang may pinakamababa naman na

weighted mean ay mayroong 3.47 na nagsasaad na ang mga aralin at gawain ng mga

respondente ay napapanatili nilang organisado. Kung ikukumpara naman ito sa face to

face class, ay makikita na mataas ito bahagya at hindi ito ang may pinakamababa na

weighted mean. Ang nakuhang composite mean ay 3.81 na binigyang kahulugan ng mga

mananaliksik na sumasang-ayon.

Mas maraming oras na nakalaan sa pag-aaral ay maaaring humantong sa mas

mahusay na marka sa mga akda. Mas maraming kabanata na nabasa, mas mahusay na

kalidad ng mga papel, at mas maraming oras sa paggawa ng mga proyekto. Ang mga

pag- aaral sa ugnayan sa pagitan ng oras ng pag-aaral at pagganap ay limitado;

gayunpaman, madalas na ipinapalagay na ang online na mag-aaral ay gagamit ng

anumang labis na oras upang mapabuti ang kanilang mga marka (Bigelow, 2009). Hindi

mababago na uunahin ng

35 | P a g e
mga mag-aaral ang mga takdang nalalapit na ang pasahan sapagkat ito ay may mataas na

prayoridad.

Talahanayan 11

D. Paglalaan ng oras sa pagpapahinga


Pangungusap Weighted Mean Berbal na Interpretasyon
Mahaba ang oras ng aking 3.26
pagpapahinga. Bahagyang Sumasang-ayon

Nagkakaroon ako ng 3.10


panahon para makahinga at Bahagyang Sumasang-ayon
makapagayos ng aking
sarili sa pagitan ng bawat
asignatura .
Nakukumpleto ko ang higit 2.53
sa 8 oras na tulog bawat Bahagyang Sumasang-ayon
araw.
Nabawasan ang stress sa 2.8
pag-aaral sapagkat Bahagyang Sumasang-ayon
nagkaroon na ng oras para
makapagpahinga.
Pagkatapos ng klase o 3.27
eksaminasyon, nabibigyan Bahagyang Sumasang-ayon
ko ang aking sarili ng oras
para makapag liwaliw at
pahinga.

Composite Mean 2.99 Bahagyang Sumasang-


ayon

Ipinapakita ng Talahanayan 11 na karamihan sa mga respondante ay nabibigyan

ng oras ang kanilang sarili na makapagliwaliw at makapagpahinga pagkatapos ng klase o

eksaminasyon na may weighted mean na 3.27. Sa kabilang banda, ang mga respondente

36 | P a g e
naman ay bahagyang sumasang-ayon na kanilang nakukumpleto ang higit sa 8 oras na

tulog bawat araw na mayroong weighted mean na 2.53. Makikita rin na kahit noong face

to face class ay bahagya ring sumasang-ayon sa bagay na ito ang mga naging kalahok sa

isinagawang pananaliksik. Ang 2.99 na composite mean ay binigyang kahulugan ng mga

mananaliksik na bahagyang sumasang-ayon.

Ayon kay Chervin at Hershner (2014), napakahalaga para sa isang tao o sa isang

mag-aaral ang makapagpahinga at magkaroon ng oras sa kaniyang sarili. Ang isa sa

pinaka- epektibong paraan para makapagpahinga at manumbalik ang lakas ay sa

pamamagitan ng pagkakaroon ng sapat na tulog. Ang pagtulog ay nakakatulong para

maging malakas ang pangangatawan at mapatalas ang isipan ng isang tao. Malaki ang

naiiambag nito sa pagkatuto ng mga mag-aaral gayundin sa pagkontrol nila ng kanilang

emosyon at ugali.

Talahanayan 12

E. Paggamit ng libreng oras


Pangungusap Weighted Mean Berbal na Interpretasyon
Maraming oras ang aking 3.73
nailalaan sa paggamit ng Sumasang-ayon
kahit anong social media
sites.

Nakakatulong ako sa mga 3.70


gawaing bahay. Sumasang-ayon

Nakakasama ako sa mga 2.57


gala o gimik ng aking mga Bahagyang Sumasang-ayon
kaibigan.
Nakakapaglaan ako ng oras 3.23
para sa family bonding Bahagyang Sumasang-ayon
namin.

37 | P a g e
Labis-labis ang oras na 3.47
naibibigay ko para sa sarili Bahagyang Sumasang-ayon
ko.

Composite Mean 3.34 Bahagyang Sumasang-


ayon

Sa paggamit ng libreng oras, ipinapakita sa talahanayan sa taas na maraming oras

ang nailalaan ng mga respondente sa paggamit ng kahit anong social media sites na may

weighted mean na 3.73 kumpara sa mga sumagot ng bahagyang sumasang-ayon na

nakakasama sila sa mga gala o gimik ng kanilang mga kaibigan na may weighted mean

na

2.57. Binibigyang kahulugan ng mga mananaliksik na sumasang-ayon ang nakuhang

composite mean na 3.34.

Ayon kay Denlinger (2009), importante na makilala ng isang tao ang kaniyang

sarili upang makapagdesisyon ng tama kung saan ilalaan ang kaniyang oras sapagkat

walang tamang paraan ng pangangasiwa ng oras. Kasama sa proseso ang pagkakaroon ng

serbisyong pang-edukasyon, na nakakapukaw ng atensyon upang pag-usapan ang iba’t

ibang paraan at mga ginawang pagsubok upang mawari nang tuluyan ang pangangasiwa

ng oras kasama na dito ang pag-iisip ng mga mag-aaral sa mga paaralan.

38 | P a g e
Talahanayan 13

Resulta mula sa F- value P-value Interpretasyon


ANOVA
Face to Face at 1.982 0.165 Walang kabuluhang
Online Class pagkakaiba

Batay sa datos na nakalap, mahihinuha na walang kabuluhang pagkakaiba sa

dalawang uri ng pagtuturo. Ayon kay Xu and Jaggars 2016, ang pagtuturo sa loob ng

silid- aralan ay isang mahusay at matagal na nang naitatag at napaunlad sa saklaw ng

maraming siglo. Marami itong benepisyo na hindi matatagpuan sa online classes. Ngunit

sa kasalukuyan, maaaring mas matimbang ang kakayahang umangkop ng online classes

sa oras at kakayahan ng isang mag-aaral. Ang bagong henerasyon ay nangangailangan ng

makabagong gawi ng pagtuturo na kung saan hindi lamang matatagpuan sa loob ng

paaralan. Dagdag pa dito na ayon kay Maloney et al. (2015) at Kemp and Grieve (2014),

tiyak na walang makabuluhang pagkakaiba kaya’t patuloy na pinipili ang online classes

dahil sa kabawasan sa gastos sa pag-aaral. Isa itong malaking aspeto na hindi dapat

makaligtaan.

Ngunit tulad ng larangan ng engineering, nangangailangan ng mga aktibidad na

magagawa lamang sa face-to-face classes dahil sa nakabatay sa kasanayan ang mga

gampanin ng mga mag-aaral ng kurso. Mula sa mga nakaraang pag-aaral na isinagawa ni

Kemp and Grieve (2014), natagpuang parehong face-to-face at online classes ng mga

mag- aaral ng psychology ay humantong sa magkatulad na antas. Malaking hadlang ito

para sa ibang mag-aaral ng engineering sapagkat nangangailangan ng karagdagang

aktibidad at
39 | P a g e
hindi lamang mga lektura upang matutunan ang mga gampanin ng isang inhinyero.

Bilang paglalagom, ang pangkalahatang pagtupad ng mga gawain ay nakadepende sa

kakayahan ng isang mag-aaral at sa kanyang pagbabalanse ng oras na ibinigay sa kanya

kahit na magbago ang patakaran ng pagkatuto ng bawat isa. Ang mga mag-aaral na

masigasig ay dapat na matagumpay sa alinmang paraan ng pagkatuto (Dell et al., 2010).

40 | P a g e
Mga Sanggunian

Abdul, R. H, Lucky, E. O., at Joarder, H. R., Time Management, External Motivation,

and Students’ Academic Performance: Evidence mula sa Malaysian Public

University. Asian Social Science; Volume 10, No. 13; (2014). Inilathala ng

Canadian Center of Science and Education

Britannica, T. Editors of Encyclopaedia (2021, April 15). Technology. Encyclopedia

Britannica. https://www.britannica.com/technology/technology. Chervin, R. and

Hershner, S. (2014). Causes and consequences of sleepiness among college

students. Nature and science of sleep. Doi: 10.2147/NSS.S62907

Dell, C. A., Low, C., and Wilker, J. F. (2010). Comparing student achievement in online

and face-to-face class formats. J. Online Learn. Teach. Long Beach 6, 30–42.

Elliot, P. (2013). Why Time Management is Important for Student Success at School?

https://learningworksforkids.com/2013/11/why-time-management-is-important-

to-your-childs-success-at-school/

Helmenstine, A.M.(2019). What is Time? A Simple Explanation.

https://www.thoughtco.com/what-is-time-4156799

JW Library (2014) "Matalinong Paggamit ng Panahon-Paano?" Retrieved from

https://www.jw.org/tl/library/magasin/g201402/matalinong-paggamit-ng-

panahon/

41 | P a g e
Kemp, N., and Grieve, R. (2014). Face-to-Face or face-to-screen? Undergraduates'

opinions and test performance in classroom vs. online learning. Front. Psychol.

5:1278. doi: 10.3389/fpsyg.2014.01278

Locket, E. (2020). What is a Pandemic? https://www.healthline.com/health/what-is-a-

pandemic

Loeb, S. (2020, March 21). How Effective Is Online Learning? What the Research Does

and Doesn’t Tell Us (Opinion). Education Week.

https://www.edweek.org/technology/opinion-how-effective-is-online-learning-

what-the-research-does-and-doesnt-tell-us/2020/03

Maloney, S., Nicklen, P., Rivers, G., Foo, J., Ooi, Y. Y., Reeves, S., et al. (2015). Cost-

effectiveness analysis of blended versus face-to-face delivery of evidence-based

medicine to medical students. J. Med. Internet Res. 17:e182. doi:

10.2196/jmir.4346

Miqdadi, F., ALMomani, A., Mohammad T., Masharqa, S, at Elmousel N. (2014). The

relationship between time management and the academic performance of students

from the Petroleum Institute in Abu Dhabi, the UAE. Di-nalathalang tesis,

University of Bridgeport.

National sleep foundation recommends new sleep times (2015). National Sleep

Foundation. Retrieved from https://sleepfoundation.org/press-release/national -

sleep-foundation-recommends-new-sleep-times

42 | P a g e
Rahman, A. H., Ossai-Igwe, E. L., at Joarder, M. H. R., (2014). ADMINISTRA 202

Principles of Marketing Retrieved from https://www.coursehero.com/file/p1ivmi

7/Binibigyang-diin-ng-aralin-na-hindi-sapat-na-tayo-ay-marunong-magsalita/

Richardson, J. C., and Swan, K. (2003). Examining social presence in online courses in

relation to student's perceived learning and satisfaction. J. Asynchr. Learn. 7, 68–

88.

Tamm, S. (2020). What is E-Learning? Defining what is e-learning is not as easy as it

might first appear. https://e-student.org/what-is-e-learning/

Xu, D., and Jaggars, S. S. (2016). Performance gaps between online and face-to-face

courses: differences across types of students and academic subject areas. J. Higher

Educ. 85, 633–659. doi: 10.1353/jhe.2014.002

43 | P a g e

You might also like