You are on page 1of 7

MASUSING BANGHAY ARALIN SA

ARALING PANLIPUNAN 2
I. LAYUNIN
Sa loob ng apat napung minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. makikinig o makababasa ng kwento tungkol sa karanasan ng taong may
hanapbuhay;
b. mapapahalagahan ang karanasan ng taong may hanappbuhay; at
c. makakasagot ng tanong tungkol sa salaysay.
II. PAKSANG ARALIN
A. Paksa: Kwento ng Karanasan ng Taong May Hanapbuhay
B. Sanggunian: Araling Panlipunan 2 TG (page 111-112)
C. Kagamitan: Mga Larawan, activity sheets, powerpoint presentation
D. Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa hanapbuhay
III. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral
A. Pamamaraan
Magandang umaga mga bata!
Magandang umaga naman po aming
guro!
Kumusta ang inyong umaga?
Mabuti naman po aming guro!
Ako ay nagagalak na malaman iyan.
1. Balik-aral
Ano-ano ang epekto ng kapaligiran sa
uri ng hanapbuhay at pinagkukunang
yaman?
Ang kapaligiran po ang nagbibigay ng
yaman at hanapbuhay sa ating lahat.
Kapag walo pong kapaligiran wala rin
po tayong hanapbuhay.
Lahat ng sinabi ninyo ay tama! Kaya
kailangan nating ingatan ang ating
pinagkukunan ng yaman at ang
kapaligiran.
2. Pagganyak
(Magpapakita ang guro ng mga larawan)
Ano ang masasabi ninyo sa mga Ang ganda po ng kanyang sasakyan
larawan? at ang laki ng kanyang bahay.

Sino ang nais magkaroon ng isang Kami pong lahat!


bagay tulad ng taong nasa larawan?

B. Pagpapaunlad ng Gawain
1. Paglalahad
(Magpapakita ang guro ng mga larawan)

Ano Ito ay mga larawan ng mga taong may


ang masasabi ninyo tungkol sa larawan? magandang trabaho.
Ano kaya ang uri ng buhay mayroon Mayroon po itong magandang buhay
ang taong may hanapbuhay? dahil mayroon po siyang pinagkukunan
ng pera para gamitin sa kanyang pang
araw-araw na pamumuhay.

Tama! Kaya ano ang dapat nating


gawin para magkaroon ng magandang Mag-aral po ng mabuti!
hanapbuhay?

Magaling!
2. Pagtatalakay
Ating basahin ang isang kwento
tungkol sa isang tao na may magandang (Babasahin ng mga bata ang kwento)
hanapbuhay. Kwento (Iloco translation):

“Ang Kwento ni Tatay Pedro”


Si Tatay Pedro ay isang magaling,
mabait at masipag na guro. Pagkagising
sa umaga ay inihahanda na niya ang mga
kailangan na gamit para sa kanyang
pagtuturo. Pumapasok siya ng maaga
para ihanda ang silid-aralan upang ito ay
mas magandang tignan para sa kanyang
mga mag-aaral. Pumapasok siya sa
tamang oras para maituro niya ang mga
kailangang ituro para sa araw na iyan.
Palagi niyang nililinis ang silid-aralan
bago ito umuwi sa hapon. Nabigyan siya
ng isang pagkilala bilang “Best Teacher”
sa kanilang paaralan dahil sa kanyang
sipag at pagmamahal sa kanyang
trabaho at sa mga mag-aaral.
Ating sagutin ang mga sumusunod na
katanungan tungkol sa kwento.
1. Si Tatay Pedro ay isang mabait at
masipag na ______.
a. barbero
b. guro
c. pulis
2. Ano ang mga inihahanda ni Tatay
Pedro kapag gumigising siya sa
umaga?
a. araro
b. gamit sa paglilinis
c. gamit sa pagtuturo
3. Ano ang ugali na makikita kay
Tatay Pedro?
a. mabait at masipag
b. mabait at palasalita
c. palaging huli sa kanyang klase
4. Ano ang naibigay na pagkilala ng
paaralan kay Tatay Pedro?
a. Best Teacher
b. magaling na karpintero
c. magaling na pulis
5. Ano ang mga ginagawa ni Tatay
Pedro bago umuwi sa hapon?
a. iniiwanan ang silid-aralan na
madumi
b. uuwi na lang Mga sagot:
c. linilinis ang silid-aralan 1) b
2) c
3) a
4) a
5) c

Ano ang magandang nangyari sa Siya po ay nakatanggap ng pagkilala


buhay ng tauhan? bilang “Best Teacher” sa kanilang
paaralan.

Ano-ano ang magagandang


naidudulot ng pagkakaroon ng Nagkakaroon po ng pera na
hanapbuhay ng isang tao? Isa-isahin ang magagamit sa araw-araw.
mga ito. Nagkakaroon po tayo nga
pagkakataon na maibahagi ang ating
mga talento at nalalaman.

Gusto ko pong maging guro para


Ano ang gusto niyong hanapbuhay makapagturo ng mga bata.
paglaki niyo at bakit? Gusto ko pong maging pulis para
maprotektahan ang ating bayan.
Gusto ko pong maging isang engineer
para makagawa ng mga malalaking
bahay at mga building.

C. Paglalahat Nagkakaroon po ng pera na


Ano ang magandang naidudulot ng magagamit sa araw-araw.
pagkakaroon ng hanapbuhay sa atin? Nagkakaroon po tayo nga
pagkakataon na maibahagi ang ating
mga talento at nalalaman.

D. Paglalapat
Isulat ang TAMA kung sumasang
ayon ka sa mga pangungusap at MALI
naman kung ikaw ay hindi sumasang
ayon.
1) Pagtawanan ang hanapbuhay ng mga
basurero.
2) Ayusin at pagbutihin ang
paghahanapbuhay.
3) Maging tapat sa paghahanapbuhay. Mga kasagutan:
4) Respetuhin ang hanapbuhay ng ibang 1) MALI
tao, 2) TAMA
5) Huwag maliitin ang hanapbuhay ng 3) TAMA
ibang tao. 4) TAMA
5) TAMA

IV. PAGTATAYA
Buuin ang pangngusap sa ibaba tungkol sa pangarap mong hanapbuhay.
Ang Aking Pangarap
Ako ay si _________________________________________, pangarap kong
maging isang _________________dahil_____________________________________.
Ipinapangako ko na pagbubutihin ko ang aking pag-aaral para makamit ang aking
pangarap.
V. TAKDANG ARALIN
Sumulat ng kwento tungkol sa karanasan ng inyong magulang sa kanilang
hanapbuhay. Basahin ito sa harap ng klase.
SHAMROCK ELEMENTARY SCHOOL
LAOAG CITY

MASUSING BANGHAY ARALIN SA


ARALING PANLIPUNAN 2

Inihanda ni:
Mark Jayvee P. Esteban
Student Teacher

Ipinasa kay:
Leonila Antonia R. Rambaud
Cooperating Teacher

Araw ng Pagtuturo:
November 18, 2019

You might also like