You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Caraga Administrative Region
Division of Surigao del Norte
District of Malimono
CANTAPOY NATIONAL HIGH SCHOOL
Cantapoy, Malimono, Surigao del norte

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
PAGSUSULIT AT GAWAIN
GRADE 10
UNANG MARKAHAN
MODYUL 1 AT 2

Pangalan: ____________________
Seksyon: ________________
Petsa: __________________

PAGSUSULIT
I. TAMA O MALI (2 Puntos bawat aytem)
PANUTO: Isulat sa unahan ng bilang ang salitang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pahayag at
kung mali, isulat sa unahan ng bilang ang salita o kataga na maaaring magwasto nito.

_____________1. Ang memorya ay kakayahang kilalanin at alaalahanin ang nakalipas na


pangyayari o karanasan
_____________2. Dahil sa panloob na pandama at dahil sa isip kaya’t ang tao ay
nakauunawa, naghuhusga at nangangatuwiran.
_____________3. Ang tao ay nilalang na may likas na kaalaman tungkol sa mabuti at sa
masama.
_____________4. Ang kakayahan ng isip ay layong makakuha ng buod ng karanasan at
makabuo ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan.
____________ 5. Kung ang pandama ay depektibo, nagkakaroon ito ng epekto sa katawan.

____________6. Ibinibigay ng isip ang katwiran bilang isang kakayahan upang


maimpluwensiyahan ang kilos-loob.

_____________7. Ang kilos ng tao ay isinasakatuparan tungo sa katotohanan.

_____________8. Ang isip ang nagpoproseso upang umunawa batay sa taglay na talino o
karunungan at kaalaman, ito ang intellect.

_____________9. Ang bawat tao ay may tungkuling sanayin, paunlarin at gawaing ganap ang
isip at kilos-loob.

_____________10. Kailangang gamitin ang isip sa pagkalap ng kaalaman at karunungan


upang makaunawa ang kilos-loob sa paggawa ng kabutihan tungo sa
pagpapaunlad ng pagkatao.

II. PAGHAHANAY
PANUTO: Para sa ikalawang bahagi, unawain ang mga pahayag sa HANAY A at piliin
ang TITIK ng iyong sagot sa HANAY B. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

HANAY A HANAY B
_________1. pagkakaroon ng malay sa pandama, A. Kamalayan
nakapagbubuod, at nakauunawa
B. Instinct
_________2. kakayahang makaramdam sa isang
karanasan at tumugon nang hindi C. panloob na pandama
dumadaan sa katwiran
D. memorya
_________3. kakayahang lumikha ng larawan sa sa isip
at palawakin ito E. imahinasyon
_________4. kakayahang kilalanin at alaalahanin
ang nakalipas na pangyayari o karanasan F. panlabas na

_________5. ito ang paningin, pandinig, pangamoy, pandamdam


at panlasa
GAWAIN

I. ANG AKING KAHINAAN


PANUTO: Magsulat ng apat mong kahinaan tungkol sa pagpapasiya. Sa tapat nito,
magbahagi ng paraan upang malampasan mo ang kahinaang ito at upang mas
mapabuti mo ang iyong pagpapasiya.

ANG AKING KAHINAAN MGA PARAAN UPANG MAS MAPABUTI ANG


AKING PAGPAPASIYA

a. a.

b. b.

c. c.

d. d.
II. PAGSURI SA SITWASYON
PANUTO: Pag-aralan ang sitwasyon at ipagpalagay mo na isa ka sa mga tauhan.
Sagutan ang mga tanong sa ibaba.

Magkakasama kayo ng iyong mga kaibigan na kumakain sa inyong school


canteen. Masaya kayong nagkukuwentuhan sa mga hilig ninyong gawin nang
biglang napunta ang usapan tungkol kay Hazel, isa rin sa inyong kamag-aral.
Wala siya sa grupo ninyo nang oras na iyon. Ayon sa isa ninyong kasama,
nakikipagrelasyon ito sa isang lalaking may asawa at may dalawang anak.
Kapitbahay ninyo si Hazel.

Mga Tanong:

1. Ano ang gagawin mo sa sitwasyong ito?

________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

2. Ano ang magiging epekto ng gagawin mo sa mga kaibigan mong


nagkukuwentuhan tungkol kay Hazel?

________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

3. Anong hakbang ang gagawin mo upang malaman ang totoo?

________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

4. Bakit kailangang gamitin ang isip at kilos-loob sa paggawa ng mga angkop


na kilos upang maipakita ang katotohanan? Ipaliwanag.

________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

You might also like