You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

UNIVERSITY OF RIZAL SYSTEM


Province of Rizal
www.urs.edu.ph
www.urs.edu.ph/ursmain@gmail.com

Angkop at Tamang Gamit ng Salita


Pagpili ng Angkop na Salita sa Pangungusap

Ang pagpapahayag ay nagiging malinaw at epektibo kapag gumamit ng mga angkop na salita para sa kaisipang
ipinahahayag. May mga salitang tama ang kahulugan sa gamit subalit hindi naman angkop na gamitin sa
pahayag.

Halimbawa:

Di-angkop: Maluwang ang bunganga ng mama.


Angkop: Maluwang ang bibig ng mama.

Di-angkop: May pilat sa pagmumukha si Josephine.


Angkop: May pilat sa mukha si Josephine.

Di-angkop: Ginanahan sa paglamon ang mga anak ni Aling Maria. Angkop: Ginanahan sa pagkain
ang mga anak ni Aling Maria.

Di-angkop: Maarte siya sa pagkain kaya hindi siya tumataba. Angkop: Mapili siya sa pagkain
kaya hindi siya tumataba.

Tandaan na maraming salita sa ating wika ang pare-pareho ang kahulugan subalit may kani-kanilang tiyak na
gamit ito sa pagpapahayag.

Halimbawa:
bundok, tumpok, pumpon,salansan, tambak kawangis, kamukha, kahawig
samahan, sabayan, saliwan , lahukan
daanan, pasadahan
aalis, yayao, lilisan

Paggamit ng Wastong Salita

Ang bawat salita ay may tiyak na kahulugan. Maaaring magbago ang kahulugan ng isang pahayag kung
mali ang gamit na salita. Maramings alita sa Filipino ang nagkakapalitan ng gamit. Ito ay bunga ng kakulangan
ng pag-unawa sa kahulugan ng salita at gamit nito sa pangungusap. At dahil dito, nagkakaroon tuloy ng
kamalian at hindi malinaw na pagpapakahulugan sa mensahe o pahayag.
Ilan sa mga salitang ito ay ang mga sumusunod:

MAY at MAYROON

Filipino 1 Modyul 1
Republic of the Philippines
UNIVERSITY OF RIZAL SYSTEM
Province of Rizal
www.urs.edu.ph
www.urs.edu.ph/ursmain@gmail.com

Ginagamit ang may kung ito’y sinusundan ng mga sumusunod na bahagi ng pananalita:
Pangngalan
Pandiwa
Pang-uri
Panghalip na Paari
Pantukoy na Mga
Pang-ukol na Sa

Halimbawa:

May prutas siyang dala. (Pangngalan)


May kumakatok sa labas. (Pandiwa)
May matalino siyang anak. (Pang-uri)
May kanila silang ari-arian. (Panghalip na Paari)
May mga lalaking naghihintay sa iyo. (Pantukoy na mga)
May sa-ahas pala ang kaibigan mo. (Pang-ukol na Sa)

Ginagamit ang mayroon kung ito’y:

Sinusundan ng isang kataga o ingklitik.

Halimbawa: Mayroon ba siyang pasalubong?

Mayroon nga bang bagong Pajero sila?

Sinusundan ng panghalip palagyo

Halimbawa: Mayroon siyang kotse.

Mayroon kaming palaisdaan sa Bulacan.

Mayroon tayong pagsusulit sa Filipino bukas.

Nangangahulugang “mayaman” o pagka maroon.

Halimbawa: Ang pamilya ni Carol ay mayroon sa kanilang lalawigan. Siya lamang mayroon sa aming
magkakapatid.

KILA at KINA
Walang salitang kila. Ang kina ay maramihan ng kay.
Halimbawa: Pakidala ang laruang ito kina Benny at Maris.
Makikipag-usap ako kina Vec at Nona.

Filipino 1 Modyul 1
Republic of the Philippines
UNIVERSITY OF RIZAL SYSTEM
Province of Rizal
www.urs.edu.ph
www.urs.edu.ph/ursmain@gmail.com

NANG at NG
Ginagamit ang ng bilang:
a. Ginagamit vilang pantukoy
Halimbawa: Nalalaman niya ang kahalagahan ng wikang Filipino kaya ginagamit niya ito.
b. Ginagamit bilang pang-ukol na ang katumbas sa Ingles ay “with”
Halimbawa: Si Mang Manding ang puno ng aming samahan.
Makulay na ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang Araw ng Kalayaan.

c. Ginagamit bilang Pang-ukol na ang katumbas ay SA.


Halimbawa: Magsisitungo ng Antilopo ang mga mag-aaral upang dumalo sa seminar.
Ang mga turista ay nagsisiakyat ng Baguio
d. Ginagamit bilang pang-ukol na nagpapakilala ng pangngalang paari.
Halimbawa: Nagkakaroon ng mahalagang papel ang midya sa pagpapalaya sa bihag.
Tumanggap ng unang gantimpala ang kalahok na buhat sa
Antipolo.
e. Ginagamit na panda sa tuwirang layon ng pandiwang palipat.
Halimbawa: Gumawa siya ng manika
Nag-uwi ng paasalubong si Winnie para sa anak.

f. Ginagamit na pananda ng actor o tagaganap ng pandiwa sa tinig balintiyak Halimbawa: Hinuli ng


pulis ang mga nanloob sa kanilang bahay. Ginawa ng mga estudyante ang kanilang proyekto.

g. Ginagamit kapag nagsasaad ng pagmamay-ari ng isang bagay o katangian.


Halimbawa: Ang aklat ng bata ay binalutan ng ina.
Ang mga paa ng mesa ay nabali.

Ginagamit ang nang bilang:

a. Ginagamit na pangatnig ng hugnayang pangungusap bilang panimula ng katulong na sugnay o sugnay na


di nakapag-iisa.
Halimbawa: Nang isilang siya sa mundo, natuwa ang buong pamilya. Nang dumating ang panauhing
pandangal nagsimula na ang palatuntunan.

b. Ginagamit bilang pang-abay na nanggaling sa “na” na inaangkupan ng “ng” kaya’t nagiging “nang”.
Halimbawa: Ang bihag ay itinali nang mahigpit kaya’t ito’y di makawala. Wala nang tubig sa
balde.
c. Ginagamit bilang salitang nangangahulugan din ng “para o upang”.
Halimbawa: Sumulat ka nang sumulat ng mga kwento ng mahasa ka.

Pumunta siya ng ibang bansa nang maiahon sa hirap ang kanyang pamilya.

d. Ginagamit bilang salitang panggitna sa mga salitang inuulit.


Halimbawa: Naririnig nila ang mga yabag na papalit nang papalapit sa kanilang kinalalagyan.

Tawa nang tawa ang magkakabarkada dahil sa kuwento ni Mokong.


Filipino 1 Modyul 1
Republic of the Philippines
UNIVERSITY OF RIZAL SYSTEM
Province of Rizal
www.urs.edu.ph
www.urs.edu.ph/ursmain@gmail.com

DAW/DIN at RAW/RIN
Ginagamit ang daw/din kapag ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig maliban sa W at Y; at
raw/rin kapag nagtatapos sa patinig at malapatinig na W at Y.

Halimbawa: May sayawan daw sa plasa.

Takot din siyang pumunta sa malayong lugar.

Sasama raw siya sa atin.

Ikaw rin ay kasama sa inanyayahan.

KUNG at KONG
Ginagamit ang kung bilang pangatnig na panubali at ito’y ginagamit sa hugnayang pangungusap.
Katumbas nito ang if sa Ingles;

Halimbaw: Matutulog na ako kung papatayin mo na ang ilaw.

Ako ay sasama sa iyo kung walang pasok bukas.

Ginagamit ang kong sa panghalip na panaong “ko” at inaangkupan lamang


“ng”. Ito ay panghalip panao sa kaukulang paari.

Halimbawa: Nabasâ ang binili kong aklat.

Ibig kong makarating sa Amerika.

PINTO at PINTUAN
Ang pinto (door) ay ang bahagi ng daanan na isinasara at ibinubukas.

Samantala, ang pintuan (doorway) ay ang bahaging kinalalagyan ng pinto.

Halimbawa: May kumakatok. Buksan mo nga ang pinto. Natanggal ang


pinto sa pintuan.

HAGDAN at HAGDANAN
Ang hagdan (stairs) ay ang baytang na inaakyatan at binababaan sa bahay o gusali. Samantala, ang
hagdanan (stairway) ay ang bahaging kinalalagyan ng hagdan.

Halimbawa. Nagmamadaling inakyat ni Marvin ang mga hagdan.

Mabilis niyang inakyat ang hagdan upang marating niya ang bahay nila.

Ilagay mo ang hagdanan sa tapat ng bintana.

Matibay ang hagdanan ng kanilang bahay.


Filipino 1 Modyul 1
Republic of the Philippines
UNIVERSITY OF RIZAL SYSTEM
Province of Rizal
www.urs.edu.ph
www.urs.edu.ph/ursmain@gmail.com

PAHIRIN at PAHIRAN; PUNASIN at PUNASAN


Ang pahirin at punasin (wipe off) ay nangangahulugang alisin o tanggalin.

Ang pahiran at punasan (to apply) ay nangangahulugang lagyan.

Halimbawa: Pahirin mo ang mga luha sa iyong mga mata.

Pahiran mo ng palaman ang tinapay.

Punasin mo ang pawis sa iyong likod.

Punasan mo ng alkohol ang iyong mga binti.

OPERAHIN at OPERAHAN
Ginagamit ang operahin kung ang tinutukoy ay ang tiyak na bahagi ng katawan na titistisin. Ang
operahan naman ay tumutukoy sa taong sasailalim sa pagtitistis.

Halimbawa: Ooperahin ang tiyan ni Rey sa Sabado. Ooperahan si Rey


sa tiyan sa Sabado.

3. WALISIN at WALISAN
Ginagamit ang walisin (sweep the dirt) kung tumutukoy sa bagay na aalisin o lilinisin samantalang ang
walisan ay tumutokoy naman sa lugar (to sweep the place).

Halimbawa: Walisin ninyo ang mga kalat sa sahig. Walisan ninyo


ang sahig.

SUNDIN at SUNDAN
Ang sundin (to obey or follow an advice) ay nangangahulugan ng pagsunod sa payo o pangaral; ang
sundan (to follow) ay gayahin o pumunta sa pinuntahan ng iba.

Halimbawa: Sundin mong lagi ang sinasabi ng iyong mga magulang dahil para rin iyon sa iyong
kabutihan.

Sundan mo ang mga kabayanihang ipinakita ng iyong ama sa bayan.

Sundan mo siya baka siya maligaw.

HATIIN at HATIAN
Hatiin (to divide) – partihin;

Hatian (to share) – ibahagi

Haimbawa: Hatiin mo sa anim ang pakwan.

Hinahatian niya ng kanyang hamburger ang namamalimos na bata.

Filipino 1 Modyul 1
Republic of the Philippines
UNIVERSITY OF RIZAL SYSTEM
Province of Rizal
www.urs.edu.ph
www.urs.edu.ph/ursmain@gmail.com

IWAN at IWANAN
Iwan (to leave something or somebody) – huwag isama; Iwanan (to leave
something to somebody) – bigyan Halimbawa: Iniwan ni Arnie ang kotse sa garahe.
Iniwanan ni Rene ng pera si Joy bago siya umalis.

NABASAG at BINASAG
Ang salitang nabasag ay nangangahulugan ng kilos na di sinasadya o di ginusto; ang salitang binasag
naman ay nagpapakita ng sariling pagkukusa. Halimbawa: Galit na galit na binasag ng lalaki ang mga
salamin ng kotse. Nagmamadali kasi siyang maghugas kaya nabasag niya ang mga plato.

BUMILI at MAGBILI
Bumili (to buy);

Magbili (to sell) – magbenta

Halimbawa. Pumunta ang nanay sa Baguio para bumili ng mga sariwang gulay.

Ang trabaho ng tatay niya ay magbili ng mga lumang kasangkapan.

KUMUHA at MANGUHA

Kumuha (to get);

Manguha (to gather, to collect)


Halimbawa: Kumuha ng isang basong tubig si Neth para kay Jean.

Nanguha ng mga kabibe ang mga bata sa dalampasigan.

DAHIL Sa at DAHILAN Sa
Dahil sa – ginagamit bilang pangatnig na pananhi;

Dahilan – ginagamit bilang pangngalan

Halimbawa: Hindi siya nakapaglaro ng basketbol dahil sa taas ng kanyang lagnat.

Ang dahilan ng pag-iyak niya ay dahil sa masasakit mong pananalita.

TAGA at TIGA
Walang unlaping tiga-. Taga- ang dapat gamitin. Ginagamit ang gitling sa unlaping taga- kung sinusundan
ng pangngalang pantangi.

Halimbawa: Si Juan ay taga-Bikol.

Taganayon ang magandang babaeng iyon.

Filipino 1 Modyul 1

You might also like