You are on page 1of 10

STA. ELENA (CAM.NORTE) COLLEGE, INC.

Purok 10, Brgy. Sta. Elena (Poblacion), Sta. Elena, Camarines Norte

Email Address: sta.elenacollege@yahoo.com

Telephone No. (054) 885 – 0700

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 1


Quarter 4 Week 1

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nakikilala ang distansya at direksyon at gamit nito sa pagtukoy ng lokasyon.


2. Naisasagawa ang mga gawain na malapit at malayo mula sa kinaroroonan.
3. Nasasabi ang kahalagahan ng distansya at direksyon.

Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa konsepto ng


A. Pamantayang distansya sa paglalarawan ng sariling kapaligirang ginagalawan
Pangnilalaman tulad ng tahanan at paaralan at ng kahalagahan ng pagpapanatili
at pangangalaga nito.
Ang mag-aaral ay nagagamit ang konsepto ng distansya sa
B. Pamantayan sa paglalarawan ng pisikal na kapaligirang ginagalawan.
Pagganap
Naipaliliwanag ang konsepto ng distansya at direksyon at ang
C. Mga Kasanayan gamit nito sa pagtukoy ng lokasyon. AP1KAP-IVa-1
sa Pagkatuto
II. NILALAMAN Konsepto ng Distansya at Direksyon at Ang gamit nito sa
Pagtukoy ng Lokasyon
III. MGA KAGAMITANG PANTURO
 Curriculum Guide pp. 27
 Araling Panlipunan 1 LM Yunit 4 pp. 6-9
 Araling Panlipunan 1 Kagamitan ng Mag-aaral pp. 146-149
 Power point presentation
 Larawan
 pentel pen
 cartolina
 tali
IV. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Balik-aral sa Ano ang kahalagahan ng paaralan sa
nakaraang aralin buhay ng isang bata?
at/o pagsisimula Tumaas ng kamay
ng bagong aralin. ang mga bata
Tumawag ng bata
(pagkatuto, pagiging
magalang, pagsunod
at pagkakaroon ng
maraming kaibigan)

B. Paghahabi sa Mga bata, ngayong umaga/hapon tayo ay


Layunin ng Aralin maglalaro.

Handa na ba kayo sa ating lalaruin? Opo!

Laro: Tailing the Dog


Nawawala ang buntot ng aso sa larawan
kaya lalagyan natin ito ng buntot.

Panuto: Habang nakapiring ang mga


mata ng manlalaro, ang kanyang mga
kaklase ang magbibigay ng direksyon
kung saan bahagi ng larawan ng aso
dapat iguhit ang buntot nito.

Naiintidihan ba ang panuto na sinabi ng Opo, naiintindihan


inyong guro? po.

Idinikit ng guro sa pisara ang larawan ng


aso na walang buntot.

(May mga bata na


nag-boluntaryo sa
pag-guhit ng buntot
sa pisara)

Nagbigay ng senyales ang guro na


pwede ng gumuhit ng buntot ang bata na
nasa harap ng pisara. (Nagsimula ng
sumigaw ng
direksyon ang mga
bata nasa kanilang
upuan at ang batang
nasa harap naman
ng pisara ay
nagsimula na din
gumuhit ng buntot.)

C. Pag-uugnay ng Gabay na tanong:


mga halimbawa 1. Habang naglalaro kayo, ano ang Direksiyon po kung
sa bagong aralin isinisigaw ninyo sa inyong saan dapat iguhit ang
kaklase? buntot katulad ng
kanan, kaliwa, itaas
at ibaba.

2. Nakatulong ba ito para maiguhit Opo! Dahil po dito ay


niya sa tamang lugar ang buntot nalalaman niya kung
ng aso? Oo o Hindi? Bakit? saan dapat iguhit ang
buntot.

D. Pagtatalakay ng 1. Ano-anong mga salita ang mga Ang mga salita po na


bagong konsepto ginamit ninyo sa pagbibigay ng ginamit namin ay
at paglalahad ng direksyon sa inyong mga kaklase? kanan, kaliwa, itaas
bagong at ibaba.
kasanayan #1

2. Ano ang tawag natin sa mga Direksyon po.


salitang ito?
E. Pagtatalakay ng Tumawag ng tatlong bata at bigyan sila
bagong konsepto ng mga letra bilang pananda. Ang unang
at paglalahad ng bata ay may letrang A, ang ikalawa ay B
bagong at ang ikatlo naman ay C. Pahawakan sa
kasanayan #2 batang may letrang A ang dulo ng
dalawang lubid na may magkaibang
haba. Hawak naman ng mga batang may
letrang B at C ang dulo ng dalawang
lubid. Unatin ang mga ito.

Tanong: 1. Ang
1. Ano ang pagkakaiba ng dalawang pagkakaiba po
lubid? ng dalawang
lubid ay ang
isang lubid ay
maikli at ang
isa naman ay
mahaba.
2. Sinong bata ang malayo sa A? 2. Ang batang
malayo sa A
ay ang batang
may letrang
B/C po.

3. Sinong bata naman ang malapit sa 3. Ang batang


A? malapit sa A
ay ang batang
may letrang
B/C po.

4. Ano ang ibig sabihin ng salitang


distansya? 4. Ang distansiya
ay tumutukoy
sa lapit o layo
sa pagitan ng
dalawang
bagay.

Ipaliwanag sa bata ang konsepto ng


distansiya at direksiyon.

Ang distansiya ay tumutukoy sa lapit


o layo sa pagitan ng dalawang bagay.

Malapit ang mga bagay sa isa’t-isa kung


ang mga ito ay magkatabi, magkadikit, o
ilang hakbang lang ang pagitan.

Malayo naman ang mga bagay sa isa’t-


isa kung maraming hakbang ang pagitan
nito.

Ang direksiyon naman ay nagtuturo


ng lokasyon o kinaroroonan ng isang
bagay o lugar.

Mahalaga na malaman ang lokasyon ng


mga lugar at bagay upang mas mabilis
itong puntahan at hanapin.

May mga salitang ginagamit sa pagtukoy


ng lokasyon ng mga bagay o lugar gaya
ng kaliwa, kanan, itaas, ibaba, harapan at
likuran.

F. Paglinang sa
kabihasnan Pangkatang Gawain:
(Tungo sa Mga bata tayo ngayon ay magkakaroon
Formative ng pangkatang gawain, pero bago tayo
Assessment) magsimula ay mayroon tayong
pamantayan na dapat isaalang-alang.

o Ibigay ang pamantayan sa


pangkatang gawain.

MGA PAMANTAYAN SA PANGKATANG


GAWAIN

1. Makinig ng mabuti sa panuto.


2. Makilahok sa gawain
3. Tapusin ang gawain sa itinakdang
oras.

Matapos ninyong malaman ang


pamantayan sa pangkatang gawain narito
naman ang rubriks upang inyong
malaman kung paano ko kayo bibigyan
ng puntos bilang isang pangkat.

o Ilahad at ipaliwanag ang rubriks.

Pamantay Pina Mahu Kulang Puntos


an kam say sa
ahus (2 kasanaya
ay bituin) n
(3 (1 bituin)
bitui
n
)
KOOPER
ASYON
Naipapam
alas ng
buong
miyembro
ang
pagkakais
a sa
paggawa.
NILALAM
AN
Naibigay
ng buong
husay ang
hinihingi
ng
takdang
paksa sa
pangkata
ng
gawain.
TAKDAN
G ORAS
Natapos
ang
pangkata
ng gawain
ng buong
husay sa
loob ng
itiknakdan
g oras

Pangkatin ang klase sa dalawa (2)

Basahin ang bawat pahayag o gawain ng


bawat grupo.

Pangkat 1- Pagmasdan ang mga bagay


sa loob ng ating klasrum. Gumuhit ng
mga bagay na malapit sa pisara. Tukuyin
ang mga ito.

Pangkat 2- Tukuyin kung ano ang nasa


harap, likuran, kaliwa at kanan ng
lamesa.

G. Paglalapat Gawain 1
Panuto: Gamit ang mga bagay sa loob ng
klasrum, tukuyin kung aling mga gamit
ang malapit o malayo sa kinaroroonan ng
guro.

Gawain 2
Panuto: Pag-aralan ang larawan sa
ibaba. Tukuyin ang mga bagay base sa
sinabing lokasyon.

Saan matatagpuan ang mga sumusunod: Isinulat ng mga


1. Ang nasa itaas ng batasa pisara ang
prutas_________. mga sumusunod:
2. Ang nasa kaliwa ng paliguan 1. Paliguan
ay______. 2. Bahay
3. Ang ang nasa kanan ng 3. Hagdan
upuan_________. 4. Pintuan
4. Ang nasa itaas ng bahay 5. Higaan
ay________.
5. Ang nasa ibaba ng bintana ay
________.
H. Palalahat ng Tandaan:
Aralin Distansiya ay tumutukoy sa lapit o layo sa
pagitan ng dalawang bagay.

Direksiyon naman ay nagtuturo ng


lokasyon o kinaroroonan ng isang bagay
o lugar.

Salitang ginagamit sa pagtukoy ng


lokasyon ng mga bagay o lugar gaya ng
kaliwa, kanan, itaas, ibaba, harapan at
likuran.

 Bakit mahalaga ang distansya at


direksyon?
 Para sa direkyon, ano-ano ang
mga salita na ginagamit sa
pagtukoy ng lokasyon?
I. Pagtataya Mga bata kayo ngayon ay may gawain,
sagutan ito sa loob ng tatlong minuto.

Handa na ba kayo sa inyong gawain? Opo!

Panuto: Kumuha ng isang malinis na


papel. Ilagay ang mga salitang ginagamit
sa pagtukoy ng lokasyon ng mga bagay o
lugar.
(Kumuha ng malinis
na papel ang mga
bata at nagsimula ng
sagutan ang gawain.)

1. Kaliwa
2. Kanan
3. Itaas
4. Ibaba
5. Harapan
6. Likuran
J. Takdang Aralin/ Sukatin ang distansya ng mga bagay sa
Karagdagang inyong tahanan na nakatala sa ibaba.
Gawain at/o Isulat kung ilang hakbang ang layo sa
pagpapahusay pagitan ng dalawang bagay.

Mga Bagay Distansya


Pintuan at Tv
Pintuan at hapag-
kainan

Alin sa mga baga yang nagpapakita ng


distansyang malapit?
Alin sa mga baga yang nagpapakita ng
distansyang malayo?
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-
aaral na nagtamo
ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-
aaral na
nangangailangan
ng mga gawaing
pagpapahusay
(remedial).
C. Nakatulong baa
ng pagpapahusay
(remedial)?
Bilang ng mag-
aaral na
naunawaan ang
aralin.

D. Bilang ng mag-
aaral na patuloy
na
nangangailangan
ng pagpapahusay
(remediation)

E. Alin sa mga
estratehiya sa
pagtuturo ang
nakatulong nang
lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin
ang aking
naranasan na
nabigyan ng
solusyon sa
tulong ng aking
punong-guro at
superbisor?

G. Anong
kagamitang
panturo ang aking
nabuo na nais
kong ibahagi sa
mga kapwa ko
guro?

Inihanda ni:
Juvy Mae F. Sevilla
BEED II
Ipinasa kay:
Mr. Cristopher Castuera
Instructor

You might also like