You are on page 1of 2

Magandang araw sa inyong lahat. Ako po si khezia mae c. torres ng beed2-a.

Ipagpatuloy naman nating


ngayon ang talakayan sa mga salik na isinasaalang-alang sa pagpaplano ng aralin. Ngunit bago tayo
dumako sa mga susunod na salik, alamin muna natin kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang salik.
(read) kaya sa madaling salita, ang salik o factor sa wikang ingles ay tumutukoy sa mahahalagang
sangkap o elemento na bumubuo sa isang partikular na paksa. At alam natin na ang isang guro ay
nagpaplano upang makontrol niya ang kakalabasan ng pagkatuto sa pamamagitan ng iba’t ibang salik.

Sa letrang F at ang pang anim na salik ay (read) Kaya naman sa pagsasagawa ng mga gawain, kailangang
isaalang-alang ng mga guro ang wikang gagamitin upang makagamit sila ng wastong wika na siguradong
maiintindihan ng mga mag-aaral upang maisagawa nila ang mga gawain at maintindihan nila ang aralin.
Kung halimbawa ikaw na estudyante, hindi mo alam yung wikang ginagamit ng iyong guro, makikinabang
ka ba o matututo ka ba? Hindi diba? Kahit pa maghapong magsalita yung guro mo kung hindi mo naman
naiintidihan yung wikang gamit niya, wala rin , kaya karapatan ng mga mag-aaral na matuto sila sa
pamamagitan ng wikang ginagamit ng kanilang komunidad. O yung kinalakhan nilang wika o mother
tounge na tinatawag.

Sunod ay ang Oras o takdang panahon (read) Sabi nga nila diba na ‘Time is Gold’ Mahalaga kung kailan
isasagawa ang isang leksiyon dahil maari itong makaapekto sa kalidad ng atensyon inaasahan mo sa
iyong mag-aaral. Kaya kapag magsasagawa ka ng isang leksiyon kailangan mong sigurading masasagawa
mo iyon sa espisipikong araw na nakatakda. Dahil kung puro ka mamaya nalang, maaring may mga
panahon na makasabay kayo sa ibang subject na siya namang makakapag interrupt sa iyong klase.
Halimbawa, nagtuturo ka ng Filipino subject sa iyong estudyante, at habang nagtuturo ka meron
namang nageensayo sa banda o sayaw sa tapat ng inyong silid-aralan. Kaya hindi kayo
magkakaintindihan ng iyong mag-aaral dahil may mga distraction sa paligid. Kaya bilang isang guro
kinakailangan na ang oras o takdang panahon na ginugol mo ay dapat ang banghay ng aralin ay
nakahanay nang maayos at nakabalanse lang sa ibinigay mong oras at panahon. Kumbaga yung banghay-
aralin mo ay nakasukat na sa panahon at oras mong gugugulin. Dahil kung walang pagsasaalang-alang sa
tamang oras, maaring hindi maisakatuparan yung mga nililinang na layunin.

Letrang H (read) Dito naman ay kailangang isaalang-alang ng guro kung gaano katagal ang pagtuturo
niya sa isang leksiyon gayundin kung gaano katagal ang partisipasyon ng mag-aaral sa leksiyon. Dapat
naka estimate na yung mga partisipayon ng iyong estudyante na may saktong oras na ibinigay at
panahon para hindi mabawasan yung oras mo bilang guro sa pagtuturo. Halimbawa, guro ka sa Filipino
subject sa section A, at yung oras ng klase mo ay 1-2 pm sabihin nalang natin. At pagdating ng 2 pm, may
iba na ulet na gurong magtuturo para sa susunod nilang klase. Kaya sa loob ng isang oras mong klase
para sa subject na iyon, nakasukat na dapat kung ilang minuto kang magtuturo at kung gaano rin katagal
ang partisipasyon ng iyong estudyante para hindi maapektuhan yung susunod nilang klase. Dahil kapag
napag-isipan ito nang maayos, matitiyak ng mga guro kung natuto nga ba ang mga mag-aaral sa
talakayan.
Letrang I (read) dito ay kailangang pag-isipan ng guro kung ano lang yung mga kailangan niyang talakayin
sa isang paksa upang hindi maubos ang oras at magkulang ito sa paggawa ng mga aktibidad ng mga mag-
aaral. Haimbawa, kapag ang guro ay nagpapagawa ng gawain kagaya ng pagguhit ng bagay na
nagsisilbing simbolo sa sarili ng estudyante ay kailangang maisagawa ito sa itinakdang oras dahil ang
layunin ng guro sa gawaing iyon ay ang bawat estudyante ay makapahiwatig o makapahayag sa kapwa
niya mag-aaral kung ano ang mga bagay na maging simbolo sa kanyang sarili. Kung mahaba man o maikli
ang talakayan na nangyari, dapat ang oras para sa mga gawain ay naangkop din.

Panghuli, (read) sa pang huling salik na ito, kailangang pag-isipan ng mga guro kung saan magsisimula at
magwawakas ang isang talakayan sa wika na magiging makabuluhan sa mga mag-aaral. Makikita natin
na sa pagsasagawa ng isang gawain ay dapat may wastong pagkakasunod-sunod at pag-aantas dahil dito
nakasalalay ang pagkatuto ng estudyante Kapag sinabi kasing pag-aantas, ito yung pagraranggo o
ranking sa ingles. Kase kung uunahin mong talakayin yung panghuling aralin, sa tingin mo ba
maiintindihan ng mga estudyante mo yung pinag-aaralan niyo? Syempre hindi. Kaya dapat ay organisado
ang mga paksa upang hindi malito at mahirapan ang mga mag-aaral at gayundin sa mga gawain.

Ngayon na alam na natin ang mga salik na dapat isaalang-alang sa pagpaplano ng aralin, dumako naman
tayo sa aralin 6: ang siklo ng pagpaplanong pagtuturo. Kapag sinabi namang siklo o cycle sa ingles, ito ay
ang (read) upang mas maging epektibo at kapaki-pakinabang na guro sa isang silid-aralan. Iba na ang
planado sa bawat kilos o mga bagay na ginagawa mo dahil may guide ka nang masusundan. Ngunit ang
pagpaplano ay dumaraan din sa pinakamasalimuot at komplikadong proseso bago ito tuluyang mabuo
sa kasalukuyang anyo nito. Yung pagpaplano hindi lang yun basta binubuo, bagkus ay dumadaan ito sa
maraming proseso na pinag-isipang mabuti. Ang prosesong ito ay patuloy at paulit-ulit na nagaganap
nang sa ganun ay mahubog, mapagpayaman at mapabuti ang mga kakulangan at kahinaan ng mga
naunang pagpaplano. Kaya nga tinawag na siklo o cycle dahil paulit-ulit lang yung prosesong iyon. Tunay
nga na ang mga pagpaplanong ito ay magbibigay ng padron o parisan sa ating mga guro upang sila ay
mas maging epektibong mga guro. Kapag sinabi naming padron, eto yung pattern o template na
susundan ng mga guro. Ngunit ang mga ito ay nagbabago kapag ang mga guro ay nasa aktuwal o nasa
praktikal na na pagtuturo. At ang mga pinaka-simpleng siklo o proseso ng pagpaplanong pagtuturo ay
tatalakayin naman ng ating susunod na tagapag-ulat.

You might also like