You are on page 1of 12

7

Filipino
Unang Markahan – Modyul 4:
PANG-UGNAY AT PAGKAKASUNOD-
SUNOD NG PANGYAYARI NG AKDANG
PASALAYSAY
Alamin
Dapat nating matutuhan:
1.KWENTONG-BAYAN (folklore) -kumakatawan sa mga uri ng mamamayan
-inilalahad ang tradisyon , kultura, kaugalian ng tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain.
2.ALAMAT (legend) --kuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig.
3. MITOLOHIYA o MULAMAT (mythology) -may kinalaman sa pagsamba ng karaniwang tauhan sa diyos o diyosa,
diwata, ada, duwende at iba pang may kapangyarihang supernatural
4. TAUHAN, TAGPUAN at BANGHAY – elemento ng akdang pasalaysay

Subukin
Panuto: Tukuyin ang pahayag kung tama o mali. Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay nagsasaad ng
kawastuha at MALI naman kung nagsasaad ng kamalian.
_____1. Makikita sa banghay ang maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa akda.
_____2. Ang mitolohiya ay isang kuwentong nagpasalin-salin na sa dila mula sa katutubo hanggang sa
kasalukuyan, masasabing halos ipinakikita rin nito ang tradisyon ng isang lahi.
_____3. Ang kuwentong-bayan ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga
bagay-bagay sa daigdig.
_____4. Kasukdulan ay ang pook, lugar at panahon kung saan nangyayari ang kabuuan ng kuwento.
_____5. Ang kuwentong-bayan o folklore ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na
kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa
isang hangal na babae.
Aralin

4
A. PANITIKAN: Mga Katutubong Akdang Pasalaysay
 Kwentong-bayang Maranao: “Natalo rin si Pilandok”
 Mitolohiyang Pagadian: “Ang Sirena at Si Santiago”
 Alamat: “Ang Alamat ng Ilog ng Maguindanao”
ni: Mubarak M. Tahir
Mga Pang-ugnay o Hudyat na Pananda: Simula, Gitna at Wakas

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pampagkatuto:


✓Naisasalasay nang maayos at wasto ang buod, pagkakasuno-sunod ng mga pangyayari sa
kuwento, mito, alamat, at kuwentong – bayan (F7PS-Id-e-4)

Balikan
Panuto: Ibigay ang kasingkahulugang mga salita ng dokyu-film.
Kahulugan: _________________________________ Sumasalamin: _________________________________

DOKYU-FILM
ELEMENTO NG DOKYU-FILM

Sequence Script: Sinematograpiya: Tunog at Musika:

Pahina 1
Tuklasin
A. Panuto: Hanapin sa loob ng puzzle ang walong (8) mga salitang tumutukoy sa mga elemento ng maikling
kuwento. Isulat ang tamang sagot sa iyong sagutang papel o notbuk.

T S W A K A S N W T A U H A N T

U T I W W A S A D T G N U T S U

N U T M A A L S A B Z L I O N N

G N G L U M S A N A I W L R A G

G G G I K L Q L H N L A S B U G

A G L N A V A A A G M S M M P A

L A I G Q X Y K Y H O A A I G L

I I A G R O O A W A P K A O A I

N O M O T L U K N Y R S T T T A

K A S U K D U L A N T G P S E N

Suriin
A. Pagtalakay sa Anyo ng Panitikan
Panuto: Basahin at pag-aralang mabuti ang Mga Katutubong Akdang Pasalaysay
Paksa 1: Mga Katutubong Akdang Pasalaysay
SINAUNANG Katutubong Pasalindila Piksyon May Aral Pinakakahulugan
AKDANG panitikan (Kathang-
PASALAYSAY isip)
1.KWENTONG- √ √ √ √ -kumakatawan sa mga uri ng
BAYAN mamamayan
(folklore) -inilalahad ang tradisyon , kultura,
kaugalian ng tiyak na pook o
rehiyon ng isang bansa o lupain.
2.ALAMAT √ √ √ √ -kuwento tungkol sa mga
(legend) pinagmulan ng mga bagay-bagay
sa daigdig.
3. MITOLOHIYA √ √ √ √ -may kinalaman sa pagsamba ng
o MULAMAT karaniwang tauhan sa diyos o
(mythology) diyosa, diwata, ada, duwende at iba
pang may kapangyarihang
supernatural
4.PABULA √ √ √ √ -pangunahing tauhan ang mga
(fable) bagay o hayop.
5. EPIKO √ √ √ √ -tumatalaky sa kabayanihan at
(epic) pakikipagtunggali ng isang tao o
mga laban sa mga kaaway
-nagtataglay ng kagilas-gilas at
kababalaghan at di-kapani-
paniwalang pangyayari.
6. PARABULA √ √ √ √ -kwentong hanga sa bibliya
(parable)

Pahina 2
Paksa 2: Mga Elemento ng Akdang Pasalaysay (Kwento)
Mga Elemento ng Akdang Pasalaysay (Kwento)
1.Tauhan (character)
– ang gumaganap o nagbibigay-buhay sa maikling kwento.Ito ay maaaring masama o mabuti.
Uri ng Tauhan:
*Protagonista – pangunahing tauhan (mabuti)
*Antagonista – kumakalaban sa bida (masama)
*Tauhang Lapad (flat character) - walang pagbabago ang kanyang
karakter
*Tauhang Bilog (round character) - may kalaliman ang pag-iisip na
ipinahihiwatig ng kilos o pagsasalita niya kung kaya’t nagbabago ang
kanyang karakter

2. Tagpuan (settings) – ang lugar at panahon kung saan nangyari ang maikling kwento.
Halimbawa nito ay tag-ulan, umaga, tanghali, gabi; sa lungsod o lalawigan, sa bundok o ilog, sa
Pilipinas o ibang bansa.

3.Banghay (plot) – ang maayos at wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

o Panimula (exposition)–dito ipinakikilala ang tauhan at tagpuang iikutan ng kuwento. Dito rin nakasalalay ang
kawilihan ng mga mambabasa sa pagtuloy ng kuwento.
o Tunggalian (conflict)–dito makikita ang problemang kakaharapin ng pangunahing tauhan sa kwento. Ito ay
maaaring laban sa mga suliraning kakaharapin na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa
kalikasan.
o Saglit na kasiglahan o Pataas na Aksyon) (rising action) - naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga
tauhang masasangkot sa suliranin.
o Kasukdulan (climax)–ito ang pinakamaaksyon o pinakamataas na pangyayari sa kuwento. Ito rin ang
nagbibigay ng solusyon sa suliranin at malalaman kung magtatagumpay ba ang
pangunahing tauhan o hindi.
o Kakalasan (Pababang Aksyon) (falling action)– nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kwento.
Dito makikita ang naging bunga sa paglutas sa problema sa kwento
o Wakas o Resolusyon (resolution)– dito makikita ang kinahinatnan o kinalabasan ng kwentong maaaring
masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.

Pahina 3
Paksa 3: Mga Pang-ugnay o Panandang Naghuhudyat ng
Pagkakasunod-sunod ng mga Gawain
*Ang pang-ugnay ay mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa pangungusap.
Halimbawa: Siya ay nag-aaral sa Filipino habang nanonood sa Facebook.
(UNANG yunit ng pangungusap) PANG-UGNAY (IKALAWANG yunit ng pangungusap)

Ang bawat akdang pasalaysay tulad ng teleserye, dokyu-film, pelikulat mito, alamat, nobela at iba pa ay
gumagamit ng salitang hudyat ng simula, gitna at wakas ng akda. Ito ay ginagamit upang matukoy kung anong
bahagi na ng kuwento ang iyong binasa. Ito ay naktutulong upang matukoy ang elemento ng akda.
PAGSISIMULA GITNA WAKAS
-(panimula, -(tunggalian, suliranin, -(resolusyon, pababang aksiyon
background,pangunahing tanong, kasukdulan) – dito nilalahad ang atbp.)
pangunahing pangyayari, atbp.) mahahalagang impormasyon at –dito ay gumagamit ng mga maikli
– dito karaniwan nilalahad ang detalye ng akda. subalit malinaw na salita bilang
pangunahing paksa ng aralin. paglalahad ng impormasyon.
Halimbawa: Halimbawa: Halimbawa:
-Noong unang panahon... -habang... -bilang pagtatapos...
-Sa araw ng... -sa kasalukuyan -... nang lubusan...
-una -ikalawa -bilang paglalahad
-sa umpisa -ikatlo -sa dakong huli
-noong una -sumunod -sa huli
-unang-una -pagkatapos -wakas
-saka

B. Pagbasa/ Panonood ng Akda


Unang Pagbasa: HALIMBAWA NG KWENTONG-BAYAN
Panuto: Panoorin ang akdang “Natalo Rin Si Pilandok” sa pamamagitan ng Youtube video link na
https://www.youtube.com/watch?v=1EfTJc_8aIw. Maaaring basahin at unawaing mabuti ang halimbawa ng
kuwentongbayan. Pagkatapos, sagutin ang mga kaugnay na tanong nito. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.
Buod ng Kwentong-bayan ng Maranaw
Natalo Rin Si Pilandok

Kilalang mapanlinlang ang hayop na si Pilandok. Bagaman hindi siya ang pinakamakapangyarihan at
pinakamalakas na hayop sa gubat, lagi naman niyang naiisahan ang mga mababangis na hayop doon.
Isa sa mga naloko niya ay ang Baboy Ramo. Kakainin sana ng Baboy Ramo si Pilandok ngunit sinabi nitong
may alam siya na mas makabubusog sa baboy. Iyon pala, dinala niya sa mangangaso ang baboy at nahuli ito.
Nakatakas at nakauwi naman nang ligtas si Pilandok.
Naloko niya rin ang mabangis na si Buwaya. Akmang kakainin siya ni Buwaya na nasa lawa ngunit
nalinlang siya ni Pilandok. Isa palang patpat at hindi si Pilandok ang nalunok ni Buwaya.
Ngunit ang tusong si Pilandok ay minsan ding naisahan. Sa kagustuhan ni Suso na matigil ang panloloko ni
Pilandok, kinausap niya ang mga kapatid niya na linlangin naman ngayon si Pilandok.
Kumasa sa isang karera si Suso kalaban si Pilandok. Hindi inakala ni Pilandok na nakarating agad si Suso sa
katapusan ng karera. Takang-taka siya dahil kilalang mabagal maglakad si Suso.
Ang hindi niya alam, nakaabang na ang kapatid ni Suso sa dulo ng karera. Hindi napansin ni Pilandok na
ibang hayop pala ang nasa dulo dahil magkahawig talaga sila ni Suso. Simula noon ay nawala na ang kayabangan
ni Pilandok at hindi na nanloloko ng ibang hayop sa gubat.
TANONG –SAGOT!
Panuto: Sagutin ang mga tanong ayon sa pagkakaunawa sa akda.
1. Tanong: Sino-sino ang mga tauhan sa binasang kuwentong-bayan?
Sagot: ______________________________________________________________________________________________________________
2. Tanong: Ilarawan si Pilandok sa kuwentong-bayang binasa.
Sagot: ______________________________________________________________________________________________________________
3.Tanong: Tama ba ang ginawa ni Pilandok upang makaligtas sa parusang ipinataw ng sultan?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
Sagot: _____________________________________________________________________________________________________________
4. Tanong: Ano ang naging wakas ng kuwentong-bayan?
Sagot: _____________________________________________________________________________________________________________
5. Tanong: Ano ang dapat gawin upang makaiwas na mabiktima ng mga taong mapagsamantala?
Sagot: _____________________________________________________________________________________________________________

Pahina 4
Ikalawang Pagbasa: HALIMBAWA NG MITOLOHIYA
Panuto: Panoorin ang akdang “Ang Sirena at Si Santiago” sa pamamagitan ng Youtube video link na
https://www.youtube.com/watch?v=6zIMhpBMxGA . Masusing basahin at unawaing mabuti ang halimbawa ng
mitolohiya.Pagkatapos, sagutin ang mga kaugnay na tanong nito. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.
Mitolohoyang mula sa Pagadian, Mindanao
Ang Sirena at Si Santiago

Noong unang panahon, pinaniniwalaan ng mga ninuno natin ang mga sirena, mga mahiwagang nilalangna
kalahating tao at kalahating isda. Patok rin noon ang pinag-uusapang gantimpala sa sinumang makakahuli
ngsirena, patay man o buhay.
Maraming siglo na ang nakaraan, mayroong namuhay na isang makisig na mangingisdangnagngangalang
Santiago. Sa mga dagat ng Pagadian, siya ay nakikipagsapalaran kasama ang bawat alon ngtubig upang makarami
ng huli kada araw.
Isang hapon, habang siya’y nag-iisang nangingisda, mayroon siyang narining na napakagandang
tinig.Sinundan niya ang boses hanggang natagpuan niya ang isang babaeng mahiwaga ang ganda sa likod ng
mgamalalaking bato. Hindi siya makapaniwala sa kanyang natanaw, mala-diyosang tinig at ganda ang
angkinggaling ng babaeng ito. Ngunit mayroong napansin ang binata, mayroong buntot na parang isda ang
dalagangnasa harap niya.
Nang napansin ng dalaga na may taongnakakita sa kanya, kinabahan ito at dali-daling lumangoy, ngunit
nabihag niya ang puso ng lalaki na agad-agaddin namang sumagwan para mahabol niya ito.
Nakumbinsi ni Santiagong mag-usap silang dalawa at dahil dito ay naging malapit sila sa isa’t
-isa. Nagpakilala naman ang sirenang si Clara sa binata. Pagkatapos nang nangyari, araw-araw na silang nagkikita
at nag-uusap sa lugar na iyon hanggang sa nahulog sila sa isa’t-isa.
Nag-aminan ang dalawa sa kanilang dinaramdam at kalaunan ay naging magkasintahan na sila. Sasobrang
pagmamahal ni Santiago kay Clara ay naisipan niyang sumama sa kaharian ng kanyang mahal upangdoon na
manirahan. Noong una, hindi sumang-ayon si Clara sa gusto ng binata ngunit nagpumilit ito kaya’t pumayag na
lang siya.
Pagkalipas ng tatlong araw ng hindi pag-uwi ni Santiago, nagtaka na ang kanyang pamilya atnagsimulang
mangamba. Sa pag-aalala ay pinatawag ng kanyang mga magulang ang ibang mga mangigisda para hanapin ang
kanilang anak.
Sa kabilang dako ay naroon sina Santiago at Clara sa lugar na nakasanayan nilang puntahan, sa likod
ngmalaking bato kung saan silang unang nagkita. Nakikipaglaro ang magkasintahan sa mga isda nang biglang
dumating ang grupo ng mga mangingisda na nagulat sa kanilang nakita. Sinulong nila ito dahil akala nila’y
ginayuma niya si Santiago upang maging isa sa mga sinasabing bihag ng mga sirena. Agad namang pinrotektahan
ng lalaki ang kanyang minamahal at sa kasamaang palad ay natamaan ito ng balsa at namatay.Sinikap ng sirenang
makaalis ngunit naabutan din siya at sunod na pinatay.
Sinabi ng mga isda ang tsunami nilang nakitang marahas na pagpatay sa dalawa sa puno ng kaharian ng
mga sirena na napuno ng galit kaya’t gustong bigyan ng parusa ang mga tao upang matuto ang mga ito.
Nagpakawala sila ng napakalakas na alon, o tinatawag na “tsunami” sa kasalukuyan, na naglunod at pumatay sa
mga mangingisda at nagdulot ng malaking pagkakasira sa buong lungsod ng Pagadian.
Nag-iwan ang tsunaming ito ng isang bangin na nagsisilbing palatandaan sa kasakiman ng mga tao noon
nanagdulot sa nangyari sa magkasintahan. Ngayon, naging napakabait na ng mga tao sa dagat, mga isda, sa
kapwanila, at hindi na mang-aapi ng sirena sakaling makakita sila nito.

HAGDAN NG PAGSUSUNOD!
Panuto: Sagutin ang mga tanong sa loob ng hagdan ayon sa wastong pagkakasunod-sunod. Isulat ang iyong sagot
sa nakalaang espasyo.
5. Nagustuhan mo ba ang alamat at bakit ?
4. Paano nagwakas ang alamat ?
3.Ano ang tunggalian sa kuwentong binasa?
2. Ano ang paksa ng alamat na binasa?
1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?

Pahina 5
Ikatlong Pagbasa: HALIMBAWA NG ALAMAT
Panuto: Panoorin ang akda “Ang Alamat ng Ilog ng Maguindanao” ni: Mubarak M. Tahir sa pamamagitan ng
Youtube video link na https://www.youtube.com/watch?v=UbnChOb2vg8 . Masusing basahin at unawaing
mabuti ang halimbawa ng alamat.Pagkatapos, sagutin ang mga kaugnay na tanong nito. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.
Ang Alamat ng Ilog ng Maguindanao
ni: Mubarak M. Tahir
Sa bayan ng Tatapan, may isang magandang dalaga na ang pangalan ay Pulang. Siya ay nag-iisang anak ni
Datu Semagansang, ang hari ng Tatapan. Maraming nagkakagusto kay Pulang dahil sa kanyang angking
kagandahan, kabaitan at ang hindi nito mapagmataas. Siya rin ay tinatawag ng mga tagaTatapan bilang Bidadari,
ang tawag sa dalagita ng paraiso. Ang lahat ng ninanais ni Pulang ay ibinibigay sa kanya ng kanyang amang hari.
Isang araw, dumating ang hari ng Midtimbang na si Datu Semakwil. Siya ay may anak na binata na
nagngangalang Sumawang. Sumama si Sumawang sa kanyang amang hari.
“Naparito kami Datu Semagansang dahil nais asawahin ng aking anak ang iyong anak na si Pulang, gaya ng
napag-usapan natin” ang hayag ng dumating na hari.
Ang ipinahayag ni Datu Semagansang ay narinig ni Pulang. Nagulat siya sa kanyang narinig. Hindi nito
alam kung ano ang kanyang gagawin. Wala pa siyang balak magpakasal at wala siyang nararamdaman para sa
anak ng hari na si Sumawang kahit matagal na niya itong naririnig. Hindi alam ni Pulang na ipakakasal siya kay
Sumawang nang sa ganoon ay lumawak ang kanilang kahariang pinamumunuan.
“Ngayon Pulang ay ipapaasawa kita kay Sumawang, parehas lang naman at mag-aasawa ka rin, kaya siya
na ang ipapaasawa ko sa’yo” ang wika ng amang hari ni Pulang.
“Ngunit ayaw ko pa mahal na amang hari. Wala rin po akong nararamdaman na pagmamahal sa kanya”
naiiyak na sagot ni Pulang.
“Ito lang ang kahilingan ko sa’yo anak. Lahat ng gusto mo ay ibibigay ko sa’yo kahit ito lamang ang
maisusukli mo sa akin” malakas na sabi ng hari.
“Ngunit ama…” ang sumbat ni Pulang na agad namang sinagot ng kanyang amang hari.
“Nakapag-usap na kami ni Datu Semakwil. Sa ayaw at sa gusto mo, sa susunod na linggo ay ikakasal na
kayo ni Sumawang” ang iniwang pahayag ng kanyang amang hari.
Simula nang marinig ni Pulang na ikakasal siya ay hindi na siya nakikitaan ng pagiging masaya. Hindi na
rin ito ngumingiti. Sa sobrang lungkot ay pumunta siya sa bundok na kalapit lamang ng kanilang kaharian.
Natatanaw niya ang kabilang bundok na pinamumunuan ng ama ng kaniyang mapapangasawa. Umupo siya sa
malaking bato. Hindi niya namamalayan ay napaluha na lamang siya. Iniyak niya ang lungkot na kaniyang
nadarama. Umiyak siya nang umiyak. Sa kanyang pag-iyak ay pumapatak ang kaniyang mga luha sa pagitan ng
dalawang bundok.
Dahil sa labis na pag-alala ng hari, ilang linggo nang hinahanap ng buong bayan si Pulang mula ng siya’y
mawala. May nakapagkuwento kung saan namamalagi si Pulang ngunit hindi na siya muling nakita pa mula nang
siya ay umalis. Agad pinuntahan ng hari ang kinaroroonan ni Pulang ngunit wala na silang nadatnan.
“Pulang! Pulang! Anak ko…” ang paulit-ulit na sigaw ng hari.
Umuwi ang hari na hindi niya kasama ang kanyang anak. Labis-labis ang kanyang pagsisisi at
pagdadalamhati. Di nagtagal ay iniwan ng hari ang kanyang bayan at hindi na muling nagpakita pa.
Sa pagkawala ni Pulang ay may isang bukal ng tubig na lumitaw sa pagitan ng dalawang bundok kung saan huling
nakita si Pulang at kalauna’y naging ilog. Ito ang mga luha ni Pulang na natipon sa kanyang pag-iyak. Tinawag ng
mga Maguindanaoan ang ilog na Pulangi.Magpahanggang ngayon ang ilog ng Maguindanao ay nakatutulong sa
pangaraw-araw na pamumuhay ng mga Maguindanaoan tulad ng pangingisda at pagsasaka

PAGSUNOD-SUNORIN MO!
Panuto: Punan ng tamang bilang ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa binasang kuwento.
Isulat ang iyong letrang A-B sa bilog.

_____1. Sa pagkawala ni Pulang ay _____2. Ilang linggo na hinahanap _____3. Simula ng marinig ni Pulang
may isang bukal ng tubig ang ng buong bayan si Pulang dahil sa na ikakasal siya ay hindi na siya
lumitaw sa pagitan ng dalawang labis na pag-aalala ng hari . nakikitaan ng pagiging masaya.
bundok kung saan huling nakita si
Pulang.

_____4. Narinig ni Pulang ang kanyang ama na si Datu _____5. Maraming nagkakagusto kay Pulang dahil sa
Semagansang na ipapakasal siya kay Sumawang at kanyang angking kagandahan, kabaitan at ang hindi
nagulat siya sa kanyang narinig. nito mapagmataas.

Pahina 6
Pagyamanin
Panuto: Paghambingin ang mito, alamat at kuwentong-bayan batay sa katangian nito sa pamamagitan ng inilaang
graphic organizer. Muling balikan ang mga akdang binasa upang maging gabay sa gawain.

Paano nakatutulong ang mga balangkas ng akdang pasalaysay at mga hudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa pagsasalaysay nang maayos at wasto ng buod ng kuwentong nabasa?___________________________________
__________________________________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________________________________

Isaisip
Panuto:Tukuyin ang karaniwang balangkas (story grammar) o elemento ng akdang pasalaysay 

Pinakamasidhing bahagi kung saan haharapin ng


pangunahing tauhan ang kanyang suliranin

5. ____________________

4. ____________________ 6. _________________
_______________________ _____________________
__
Sa bahaging ito
Makakamit ng
nagkakaroon ng
1._____________________ pangunahing
pagtatangkang
malutas ang 2.____________________ tauhan ang
layunin
suliraning

3. ____________________ 7. _________________
_______________________ _______________________

Pagpapakilala ng tauhan, tagpuan, at Magkakaroon ang kwento ng isang


suliraning kahaharapin makabuluhang wakas
Pahina 7
Isagawa
Panuto: Pumili ng isa sa tatlong akdang binasa. Tukuyin ang sumusunod na mga elemento ng Akdang pasalaysay
gamit ang sequence organizer.Ilapat ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari tulad ng simula, gitna, wakas.

Pamagat ng Napiling Akdang Susuriin: _______________________________________

Mga Gabay para sa Pagsusuri ng Pagsusuri sa Akdang Pasalaysay


Elemento ng Akdang Pasalaysay
1 TAUHAN: Sino-sino ang mga tauhan
sa kuwento?

2 TAGPUAN: Saan ang tagpuan ng


kuwento?

BANGHAY: Ano ang banghay ng


kuwento?

3 PANIMULA: Paano nagsimula ang


Kuwento?

4 TUNGGALIAN: Ano ang suliranin ng


pangunahing tauhan?
5 KASUKDULAN: Paano nabigyan ng
solusyon ang suliranin ng
pangunahing tauhan?
6 KAKALASAN: Ano ang naging
resulta ng solusyon ng kanyang
suliranin?

7 WAKAS: Ipaliwanag kung paano


nagtapos ang kuwento?

Pahina 8
Tayahin
Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap sa bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong
sagutang papel o notbuk.

_____ 1. Ito ang pinakamataas na pangyayari sa kuwento kaya’t ito ang pinakamaksiyon. Sa bahaging ito
unti-unting nabibigyang-solusyon ang suliranin at dito malalaman kung magtatagumpay ba ang
pangunahing tauhan o hindi.
A.simula C. kasukdulan
B. tunggalian D. kakalasan
_____ 3. Dito makikita ang pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan sa mga suliraning kanyang
kahaharapin.
A.simula C. kasukdulan
B. tunggalian D. kakalasan
_____ 3. Ito ay bahagi ng banghay kung saan ang kawiliha ng mga mambabasa ay
nakasalalay
A.simula C. kasukdulan
B. tunggalian D. saglit na kasiglahan
_____ 4. Ang mga akdang pasalaysay na alamat, mito, at kwentong bayan ay naglalaman ng mga elemento.
Ano ang mga ito?
A. Tauhan at Banghay C. Tauhan, Tagpuan at Banghay
B. Tagpuan at Tauhan D. Wala sa nabanggit
_____ 5. Mahalaga ba ang alamat bilang isang akdang pampanitikan?
A. Hindi, dahil ito ay nagdadagdag lamang sa mga panitikan na mahirap unawain
B. Siguro, dahil ito ay nagsisilbing libangan ng mga sinaunang tao bilang paraan ng pagpapahayag
ng ating kasaysayan.
C. Oo, dahil ito ang nagsisilbing salamin ng ating kultura, paniniwala sa ating pang araw-araw na
pamumuhay at pinagmulan ng bagay o lugar.
D. Wala sa nabanggit
_____ 6. Ano ang katangian ng alamat?
A. ito ay isang tiyak na SETTING: isang oras at isang lugar
B. ito ay nagbabago sa paglipas ng mga taon at pinananatiling makulay at kapana-panabik
C. ito ay mayroong mga alintuntunin na may kakayahang umangkop kung saan ay maaring
magsimula sa mga himala na pinaniniwalaan na talagang pangyayari
D. Lahat ay sagot
_____ 7. Alin sa sumusunod na akdang pampanitikan ang nagsasalaysay ng mga pinagmulan ng mga bagay,
lugar o pangyayari?
A. Mito C. Alamat
B. Kuwentong-bayan D. Awiting-bayan
_____ 8. Alin sa mga akdang pampanitikan ang tumatalakay sa mga di karaniwang pangyayari sa lugar na
pinagmulan nito?
A. Mito C. Alamat
B. Kuwentong-bayan D. Awiting-bayan
_____ 9. Anong akdang pampanitikan ang nagpasalin-salin sa dila mula sa katutubo hanggang sa
kasalukuyan, tumatalakay sa mga diyos at diyosa?
A. Mito C. Alamat
B. Kuwentong-bayan D. Awiting-bayan
_____ 10. Bakit mahalaga ang tauhan sa isang akda?
A. Hindi buo ang kuwento kung walang tauhan.
B. Walang kuwento kung walang tauhan.
C. Dito nakasalalay ang takbo ng kuwento
D. Dito nakasalalay ang maayos at pagiging epektibo ng isang akda

Pahina 9
Karagdagang Gawain
Panuto: Gumuhit ng simbolo na nagpapahayag ng damdamin mula sa iyong nabasang tatlong akda o kuwento na
maihahambing mo sa iyong sarili . Gawing malikhain at makulay ang disenyo ng iyong gawain.
SIMBOLO-GUHIT SIMBOLO-GUHIT SIMBOLO-GUHIT
Kwentong-bayan: Mitolohiya: Alamat:
NATALO RIN SI PILANDOK ANG SIRENA AT SI SANTIAGO ANG ALAMAT NG ILOG NG
MAGUINDANAO

Pahina 10

You might also like