You are on page 1of 6

Department of Education

Region IV-B MIMAROPA


Division of Palawan
District of Sofronio Espanola
Punang Elementary School

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO V


Q4/W1/D1

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan
B. Pamantayan sa Pagaganap
Nakabubuo ng nakalarawang balangkas batay sa napakinggan
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto (Isulat ang code ng bawat kasanayan)
a. Nakagagawa ng dayagrama ng ugnayang sanhi at bunga mula sa tekstong napakinggan F5PN-IVa-d-22
b. Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di pamilyar sa pamamagitan ng paglalarawan F5PT-
IVd-f-1.13
c. Napapahalagahan ang mga tekstong pampanitikan sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa usapan
at gawaing pampanitikan F5PL-0a-J-4

II. NILALAMAN
Paggawa ng Dayagrama ng Ugnayang Sanhi at Bunga
Integrasyon: Araling Panlipunan 5- Naipaliliwanag ang mga salik na nagbibigay daan sa pag-usbong ng
nasyonalismong Pilipino Week 1-2

KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro:
Curriculum Guide in Filipino pahina 100
2. Mga pahina sa Kagamitang Pang-Mag-aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk
B. Iba pang Kagamitang Panturo
Tsart, Powerpoint presentation
C. Istratihiya: Differentiated Instruction, Positive Interdependence, group work, group reporting,
Computer Aided Materials (CAI)
Integrasyon: Araling Panlipunan
III. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin
Pag-ugnayin ang mga larawan

Ano ang napansin mo sa larawan?


Bakit kaya umiiyak ang bata?
Bakit ganito ang kasuotan ng batang babae?
*, **, ******, *******, ********
B. Paghahabi sa layunin ng aralin
Punan ang nawawalang letra sa loob ng kahon upang mabuo ang salitang inilalarawan sa bawat bilang
Gumawa ng sariling pangungusap upang ilarawan ang mga salitang nabuo

1. Kakulangan sa pagkain
K__G__T__M__N
2. Pagpunta o pagbisita sa magagandang lugar
p m a m s a l
3. Pagkakaroon ng barilan at kaguluhan
___IY___R___
4. Natatakot sa anumang mangyari
N n g g a m b
5. Paggawa ng isang aksyon sa isang bagay
k m l s
*, **, ******, *******
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Tingnan ang larawan.


Gumawa kayo ng katanungan tungkol sa larawan.

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1

Pagsasalaysay tungkol sa giyera sa Ukraine.

Ngayon ika-38 na araw ng giyera sa bansang Ukraine. Ano nga ba ang tungkol sa bansang
Ukraine? Bakit kaya nagkaroon ng giyera sa lugar na ito?
Isa sa mga napakaunlad na bansa ang bansang Ukraine. Sa bansang ito makikita ang mga
napakagandang istruktura at disenyo na mga gusali. Isa din sila sa mga bansang nag eexport ng
mga produktong petrolyo at mga fertilizer. Karamihan din sa populasyon nito ay nakaaangat sa
buhay. Masasabing ang bansang ito ay tunay na may matatag pagdating sa ekonomiya.
Ngunit ang magandang Ukraine ay nasira nang mag simula ang isyung nais umanib ng
bansang ito sa organisasyong NATO o mga bansang kinaaaniban ng mga bansang European at
Kanluranin. Ang planong ito ay hindi nagustuhan ng karatig bansa nito, ito ay ang bansang Russia.
Isinulong ni President Vladimir Putin, presidente ng Russia ang pagdedeklara ng military
operation. Dito na nagsimula ang kaguluhan sa bansang Ukraine. Nagsilikas ang mga mamayan ng
bansa sa mga karatig bansa nito tulad ng Poland at Romania. Marami ang mga mamamayan ang
nakaranas ng gutom, ginaw at pagod sa panahon ng kanilang paglikas at ang iba naman ay nanatili
sa bomb shelter ng kanilang tahanan. Ideneklara rin ng president ng Ukraine,Volodymir Zelensky
na magpaiwan ang mga lalaking edad 18 pataas upang tumulong lumaban sa pananakop ng
Russia. Ang ibang mamayang lalaki naman ay umuwi ng bansang Ukraine upang sumali sa
pakikipaglaban din. Makikita ang pagtutulungan at pagkakaisa ng mga mamayan upang
ipagtanggol ang kanilang bansa.
Sa ngayon patuloy parin ang giyera sa bansang ito at marami na ang mga nasirang gusali
kasama na dito ang mga paaralan at gusali.

Saan patungkol ang salaysay na ating narinig?


Ano-ano ang dahilan ng giyera sa Ukraine?
Ano-ano ang mga epekto ng giyera sa Ukraine?

Itala ang iyong kasagutan sa tamang hanay.

Sanhi/dahilan Bunga/Epekto

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2

Pangkatang Gawain

(Bago isagawa ay maglagay muna ng panuntunan sa pagsasagawa ng pangkatang gawain) *****


Siguraduhing mabuti ng lahat ng lider na nagawa ng maayos, tama sa oras at may disiplina ang bawat
miyembro ng bawat pangkat ****, *****
Pangkat I – Pagbubukas ng pandaigdigang kalakalan.
Pangkat II- Pagbitay sa Tatlong Paring martir.
Pangkat III – Pagsakop ng mga banyaga sa Pilipinas.

Gamitin ang mga dayagram para sa ugnayang sanhi at bunga


Bubuo ng rubric na mapapagkasunduan ng lahat
Rubrik sa pangkatang gawain
Panuntunan 3 2 1

Ilahad ang pag-uulat sa pamamagitan ng sabayang pagbigkas


Pangkat I
Sanhi Bunga

Ipakita sa pamamagitan ng drama ang nabuong dayagram


Pangkat II
Sanhi

Bunga
Ipakita sa pamamagitan ng pagbabalita ang nabuong dayagram
Pangkat III

bunga

bunga Sanhi bunga

bunga

*, **, ******, *******, ********, *********


F. Paglinang sa Kabihasan

Ibigay ang bunga ng mga sumusunod.

____1. Paggamit ng wikang Filipino.


____2. Pagkuha ng sedula at barangay ID.
____3. Pagkakaroon ng tabad bilang kultura ng tribong Palaw’an.
____4. Pagtangkilik ng produkto ng Punang gaya ng banig.
____5. Paglikha ng maraming trabaho sa lalawigan.

*, **, ******, *******, ********, *********


G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay

Kung isa ka sa mga mamayan sa bansang Ukraine magpapaiwan ka din ba sa bansa upang
makipaglaban?**, ***

Paano mo maipakikita ang pagmamahal mo sa bansang Pilipinas?

H. Paglalahat ng Arallin
Ano ang natutunan mo ngayon sa ating aralin?
Ano ang Sanhi?
Ano ang Bunga?
*******, **
I. Pagtataya ng Aralin
Gumamit ng dayagram upang pagtambalin ang sanhi at bunga

SANHI BUNGA

1.

2.

3.

4.

5.

1. Pagpapatayo ng gusaling di kailangan a. Malaya ang mga Pilipino


2. Pagkakaroon ng demokrasya b. Maraming masayang na kaban ng bayan
3. Paggamit ng sariling wika c. Maaakit ang mga mamamayan na gumawa pa
ng mga sariling produkto.
4. Pagtangkilik ng produkto ng bansa d.Magiging magulo ang bansa
5. Pagdami ng rebelde sa pamahalaan e. magkakaintindihan ang mga Pilipino

*, **, ******, *******, ********, *********


J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation
Sumulat ng pangungusap na nag-uugnay sa sanhi at bunga
*, **, ******, *******, *******

Annotation:
* to meet indicator 1 in COT –RPMS, the teacher addressed content correctly and its focus is congruent with the topic on his presentation
of example and other activities, the teacher motivates his learner to explore the content area to develop their knowledge and satisfy their
natural curiosity that can be seen on the part of integration in science subject, the teacher made meaningful connections across the
content areas (from Review up to Evaluation and additional activities) and the teacher applied extensive knowledge of the content beyond
inquisitiveness his area of specialization that was perceive during the discussion and the activities.

** to meet indicator 2 in COT –RPMS, the teacher utilized structured activities that augment and boost learners higher level of literacy e.g.
practicing skills in writing that was observed during group work and assignment.

*** to meet indicator 3 in COT –RPMS, the teacher provided all-encompassing questions including HOTS questions and activities that
challenge the learners to ruminate and have a deeper perception.

**** to meet indicator 4 in COT –RPMS, the teacher employed practical classroom structure management practices to support flex
movement of the learners in all learning activities. The learners are utterly engrossed in all activities by consuming optimal space and time
apposite to their needs.

***** to meet indicator 5 in COT –RPMS, the teacher established a positive learner milieu and used non-violent castigation to ensure
learning focused environment.

****** to meet indicator 6 in COT –RPMS, the teacher provided differentiated strategies that motivated and engaged learner to achieved
their individual learning needs.

******* to meet indicator 7 in COT –RPMS, the teacher organized sequence of activities intentionally to lead the pupils in achieving the
objectives
******* to meet indicator 8 in COT –RPMS, the teacher utilizes learning resources which are consistently aligned with the instructional
purposes

******** to meet indicator 9 in COT –RPMS, the teacher used formative assessment which engaged learners in assessing own and with
their peers.

You might also like