You are on page 1of 4

Primaryang Batis

- Ito ay itinuturing bilang isang pangunahing sanggunian na kung saan binubuo ng mga
bagay, akda, at mga tala na kung saan ito ay naglalaman ng mga datos o
imporamasyon na galing mismo sa bagay o tao na pinag-uusapan sa kasaysayan.
Mga Halimbawa ng Primaryang Batis
1. Awtobayograpiya - Ito ay isang uri ng talambuhay na kung saan ang isang tao ay
sumulat ng isang akda patungkol sa sariling karanasan sa buhay. Kadalasang
pinapaksa ng mga akdang ito ay ang mga kaganapan sa panahong iyon, mga
taong kabilang sa kanilang buhay, at ang mga lugar na kanilang napuntahan.
Example:
 “Mémoires de la vie privée de Benjamin Franklin” o “Memoirs of the
Life and Writings of Benjamin Franklin” – Ito ay isang
awtobayograpiya na isinulat ni Benjamin Franklin patungkol sa kanyang
sarili. Siya ay isang sikat na personalidad at manunulat na kung saan
siya rin ang may-akda sa pagsulat ng mga dokumentong naglalaman ng
Kalayaan ng Amerika mula sa Europa.
 Isinulat niya ito mula 1771 hanggang 1791 na kung saan nahahati sa
apat na seksyon na kung saan naglalaman ng kanyang mga karanasan
noong siya ay namamayagpag sa kanyang karera sa buhay sa bansang
Amerika.
 Isinulat niya ang awtobayograpiya upang mailahad niya ang kanyang
mga karanasan sa buhay. Malaki rin ang pagkahumaling niya sa mga
anekdota at nais niyang ibahagi ang mga kaganapang ito sa kanyang
anak.
 Isang mahalagang akdang pampanitikan sa kasaysayan ang
awtobayograpiya ni Benjamin Franklin sapagkat may mga kaganapang
nabanggit na pinagbabasehan ng mga totoong nangyari sa panahong
iyon. Nakikilala rin ang mga importanteng personalidad sa na kung saan
malaki ang naging parte nito sa kanyang buhay at maging sa kasaysayan
ng mundo.
 Katunayan:
2. Liham – Ito ay binubuo ng mga sulat ng may-akda na kung saan naglalaman ng
kanyang mga pananaw, impormasyon, damdamin, at mensahe patungo sa taong
nais nitong padalhan.
 “Letter from Birmingham Jail” – Ito ay isang liham na isinulat ni Martin
Luther King para sa kaparian ng Alabama noong April 16, 1963 sa
Birmingham Jail.
 Isinulat niya ito bilang isang paraan ng mapayapang pagprotesta laban sa
diskriminasyong panlahi o rasismo. Ibinahagi niya sa sulat na ito ang mga
di makatarungang pangyayari sa bansa pati na rin ang kanyang mga
mithiin upang wakasan ang rasismo.
 Mahalaga ang liham na ito sa kasysayan sapagkat ito ay isang
napakahalagang dokumento noong kapanahonan ng karapatang sibil.
 Katunayan:

3.
Talumpati - Ito ay isang pabigkas na pahayag na kung saan sinasalita sa mga
mahahalagang okasyon o pagtitipon ng isang pangunahing panauhin o
personalidad sa harap ng maraming tao. Kailangang mailathala agad ang mga
talumpati upang ito ay maituring bilang nasusulat na primaryang batis.
 "Si Rizal Hinggil sa Wikang Filipino" - Ito ay talumpati ng Pangulong
Manuel L. Quezon noong Disyembre 30, 1937. Ito ay binigkas niya sa
pamamagitan ng radyo, sa Presidential Study nang Palasyo ng
Malacanang na kung saan maraming tao ang nakinig at sumabaybay dito.
 Ang nilalaman ng kanyang talumpati ay tungkol sa kanyang pagnanais sa
paglikha ng isang wikang pambansa para sa Pilipinas. Binanggit niya rin si
Jose Rizal sa talumpating ito sapagkat ginawa niyang huwaran ang
bayani bilang isang ehemplo ng pagmamahal sa bayan.
 Binigkas niya ito upang ibahagi sa mga mamamayang Pilipino ang
kanyang mithiin sa paggawa ng wikang pambansa.
 Katunayan:

4. Talaarawan - Ito ay tinatawag rin bilang isang diary o journal na kung saan
naglalaman ito ng mga naratibo o salaysay ng mga kaganapan na sinulat mismo
ng nakasaksi sa mga pangyayari.
 Ang "Diary of Anne" Frank ay isang halibawa ng talaarawan na kung saan
isinulat ni Anne Frank noong kasagsagan ng pananakop ng mga Nazi sa
Netherlands. Ito ay unang inilathala noong Hunyo 25, 1947 na kung saan
nagkaroon ng iba't-ibang bersyon sa buong mundo sa pamamgitan ng
pagsalin sa iba't-ibang lenggwahe.
 Ang nilalaman nito ay tungkol sa mga karanasan ni Anne sa kanyang
paaralan, mga pangyayaring naganap sa lugar na kanyang pinagtaguan,
mga piksyonal na akdang kanyang isinulat, at kanyang mga paboritong
pangungusap na kinopya niya mula sa mga librong nabasa.
 Mahalaga ang talaarawang ito sa kasaysayan sapagkat ito ay naglalaman
ng mga tala ng mga pangyayaring nasaksihan mismo ni Anne Frank
habang ang kanyang pamilya ay nagtatago sa silong ng kanilang bahay.
Sinulat rin ito ni Anne upang magsilbing apela sa pamahalaang Dutch
bilang isang dokumentong naglalaman ng mga pagmammalupit ng mga
Nazi.
 Katunayan:
5. Dyaryo o pahayagan – Ito ay isang uri ng inilimbag na dokumento na naglalaman
ng impormasyon, datos, isyu, patalastas, at mga balita. Inilalathala ito araw-araw
o lingguhan upang makapaghatid ng mga napapanahong balita o mga
kaganapan na nangyayari sa kasalukuyan.
 “La Solidaridad” – Ito ay isang dyaryo na inilathala ng kilusang
propaganda na may kaparehong pangalan sa pahayagan. Ang unang
edisyon nito ay inilathala noong Pebrero 15, 1889. Pinangunahan ni
Graciano Lopez Jaena ang pagsulat nito kabilang na rin ang mga ibang
bayani tulad ni Marcelo H. Del Pilar, Juan Luna, Jose Rizal, at iba pa.
 Naglalaman ang pahayagan ng mga repormang nais isulong ng kilusan sa
pamahalaan ng Espanya. Naglalaman din ito ng mga pangyayari at
sitwasyon ng mga Pilipino sa Pilipinas.
 Mahalaga ang La Solidaridad sapagkat ito ang nagsilbing tagapaghatid ng
balita sa mga Pilipino. Ito rin ang siyang naging kasangkapan ng kilusan
upang mawakasan ang pagmamalupit ng mga prayle sa mga Pilipino sa
bansa.
 Katunayan:

You might also like