You are on page 1of 7

FILIPINO MIDTERM EXAM

Question 1
Nararapat na sinupin ng mga iskolar sa wika ang mga terminong lokal na may
kaugnayan sa mga kalamidad nang sa gayon ay epektibong magamit ang wika bilang
tulay ng pag-iwas at pagbibigay solusyon sa pambansang kalamidad.
Response: True

Question 2
Ang ingay at hadlang ng komunikasyon ay hindi lamang tumutukoy sa naririnig ng
tainga kung hindi anumang nakaaapekto sa buong sistema o proseso ng
komunikasyon.
Response: True

Question 3
Sa kalahatang pagtatasa, estabilisado na ang wikang Filipino ay wala nang iba pang
dapat alalahanin.
Response: False

Question 4
Impormal na pinag-uusapan kung pabor o hindi magpataas ng matrikula ang
eskwelahan sa panahon ng pandemic at ang tagpo ay sa tindahan ni Aling Rosa.
Response: True

Question 5
Ang pinakapinagtutuunang pansin sa kontekstwalisadong Filipino ay ang
pangkalahatang gamit ng Filipino sa iba't ibang larangan.
Response: True

Question 6
Sa pagkawala ng asignaturang Filipino sa kolehiyo ay nagdudulot ng unti unting
paghina ng nagkakaisang mamamayan na nagmamahal sa bayan.
Response: True

Question 7
Ang ilaw trapiko ay anyong di-berbal na paraan ng usapan na siyang nakitang epektibo
sa pagsupil ng problemang pantrapiko sa bansa.
Response: True

Question 8
Ang tao at ang bayan ay mga mikrososmo sa higit na pag-unlad kalakip na ang wikang
sinasalita nito.
Response: True
FILIPINO MIDTERM EXAM

Question 9
Ang bawat wika sa mundo ay mahalaga at walang superior o imperyor sa mga
nabanggit na wika.
Response: True

Question 10
Ang layo at distansya ng kausap ay isinasaalang-alang sa epektibong komunikasyon.
Response: True

Question 11
Ang kultura ng isang bansa ay napapayaman ng wikang namamagitan sa lugar nito.
Response: True

Question 12
Kalakip ang kasaysayan ng bansa ang nakapaloob sa aralin na nakahanay sa
asignaturang Filipino.
Response: True

Question 13
Ang analisis ay isang paraan na kung saan dumaraan sa proseso at maanyong
pagtatalaban ng isip bago isakatuparan ang pagtugon.
Response: True

Question 14
Ang pagkukwento ay isang anyo ng komunikasyon na magkaminsan ay makakapulutan
ng mga diskurso.
Response: True

Question 15
Isa sa mga batis ng paghahanguan ng kaalaman hinggil sa wika at Pilipinismo ang
asignaturang Filipino sa Kolehiyo.
Response: True

Question 16
Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino at ayon sa isinasaad ng kasalukuyang
Konstitusyon, ito ay patuloy na payayabungin sandig sa mga umiiral na wika sa
Pilipinas.
Response: True
FILIPINO MIDTERM EXAM

Question 17
Bawat isa sa atin ay may pagkakataong maging bayani kahit sa mumunting paraan.
Response: True

Question 18
Sa mga mahahalagang usapin lalo pa't ang usapan ay hinggil sa isyung mahalaga hindi
kinakailangang magpili ng impormasyon.
Response: False

Question 19
Komunikasyong pangmadla ang GM o group messaging kahit na indibidwal ang
natatanggap ng bawat kasangkot ang mensahe at hindi bilang isang grupo.
Response: True

Question 20
Ang komunikasyon ay isang proseso ng palitan ng impormasyon sa pagitan ng dalawa
o higit pang tao.
Response: True

Question 21
May mga pagkakataon na hindi epektibo ang pag-uusap sa dahilang may interbensiyon
ng paligid.
Response: True

Question 22
Isa sa kinikilalang bayani sa kasalukuyang panahon ang mga OFW.
Response: True

Question 23
Ang dagliang paglipat ng isang nagsasalita mula sa isang wika patungo sa isa ay isang
anyo ng code switching at tinatanggap sa kasalukuyang panahon.
Response: True

Question 24
Naitatag ang tanggol wika upang pangalagaan at proteksiyonan natatangi ang wikang
Filipino at wala nang iba pang pakay tulad ng pagkalinga sa kultura.
Response: False

Question 25
Ang pagkindat ay isang anyo ng komunikasyong de-berbal.
Response: True
FILIPINO MIDTERM EXAM

Question 26
Sa talakayan dalawang bagay sa komunikasyon ang namamagitan ang pagbabahagi
ng nagsasalita at ang uri ng pagtanggap ng nakikinig.
Response: True

Question 27
Kalimtang sa pamamasyal sa kalapit naisasakatuparan ang usapan at ito ay bahagi ng
kulturang Pilipino.
Response: True

Question 28
Ang komunikasyon sa wikang Filipino ang siyang nangunguna sa lahat ng usapin may
kaugnayan sa wika sa ating bansa.
Response: True

Question 29
Buhay ang wika hanggat patuloy na lumilipas ang panahon, patuloy ito sa proseso ng
pagbabago at paglago.
Response: True

Question 30
Isa sa makrong kasanayan sa Filipino ay pagmamasid at paglikha ng mga akda.
Response: True

Question 31
Ang pagsangguni sa mga link sa internet ay isang anyo o paraan ng pagsuporta at
pagtangkilik sa wikang Filipino lalo pa't ang kabuuan nito ay naglalaman ng mga isyu
hinggil sa kulturang Filipino.
Response: True

Question 32
Kalimitan sa mga pagkakataon at tagpo sa komunikasyon, berbal ang ginagamit na
paraan sa pakikipagtalastasan kaysa di-berbal.
Response: True

Question 33
Ang bawat LGU ay naglunsad ng Municipal Risk Reduction Management Council
(MDRRMC) sa siyang tagapamahala at tagapanguna kung sakuna at pagsugpo nito
ang pag-uusapan sa kani-kanilang mga bayan.
Response: True
FILIPINO MIDTERM EXAM

Question 34
Ang kabihasnan ng mga tao kailanman ay hindi apektado sa patuloy na interaksyon sa
mga banyaga.
Response: False

Question 35
Batay sa batis ng kaalaman, mas may mahalagang papel ang taong nagsasalita ng
wika sa ikauunlad ng wikang isinusulong nito.
Response: True

Question 36
Nangangailangan ang nagparating ng mensahe ng tinatawag na tugon o feedback.
Response: True

Question 37
Ang katutubong wika ay isang unang wikang natutunan ng isang tao matapos siyang
isilang.
Response: True

Question 38
Ang lingua franca ay sistema ng wika kung saan sa napagkasunduang wika sa bansa
ay siyang paraan ng pagkakaunawaan ng mga mamamayan nito
Response: True

Question 39
Ang ekspresyon ay isang salita/parirala o pangungusap na sinasambit ng isang tao sa
espontanyong pagpapahayag ng kanyang damdamin.
Response: True

Question 40
Saan Kaman dumako na parte ng daigdig dala-dala mo pa rin ang identidad mo bilang
mamamayan ng isang bansa.
Response: True

Question 41
Sa panahon ng kalamidad ang mga Pilipino ay nakilala bilang lahi sa mundo na agad
nababahagian ng tulong, sa ganitong paagi walang kinalaman ditto ang usapin hinggil
sa wika.
Response: False
FILIPINO MIDTERM EXAM

Question 42
Karaniwang nagaganap ang interpersonal na komunikasyon sa pang araw-araw na
pakikisalamuha sa bawat tao.
Response: True

Question 43
Madalas maiiwasan sa araw araw na pamumuhay ang impormal na komunikasyon.
Response: False

Question 44
Nakikilala ang isang tao batay sa paraan ng pagsasalita nito.
Response: True

Question 45
Naging tulay ang wikang pambansa sa mga suliraning local at internasyonal upang
maparating at maibahagi ang mga impormasyon hinggil dito.
Response: True

Question 46
Sa kontekstwalisadong Filipino, ang lahat ng usapan ay nasa Tagalog at hindi bagay na
isama ang mga ekspresyong lokal tulad ng “susmaryahosep”
Response: False

Question 47
Wika ang pangunahing kodigo o instrument sa pagpapahayag ng saloobin
Response: True

Question 48
Isa sa mga napapanahong usapin sa loob at labas ng bansa ay ang pakikipagsapalaran
ng tao sa hamon ng kalikasan na mahirap labanan kahit na ito ay gamitan ng
makabagong kaalaman at teknolohiya
Response: True

Question 49
Sa komunikasyon, mahalaga ang paksa nang sa gayon ay may patutunguhan ang pag
uusap
Response: True
FILIPINO MIDTERM EXAM

Question 50
Namamagitan pa rin hanggang sa kasalukuyan ang tahimik na kolonisasyon halimbawa
na lamang ang pagtangkilik sa mga produktong gawa sa ibang bansa.
Response: True

You might also like