You are on page 1of 4

Quarter 1

MODYUL 1: ANG PAMILYA BILANG LIKAS NA INSTITUSYON

LIPUNAN – nagmula sa salitang ugat na “lipon” na ang ibig sabihin ay “pangkat”.


 Ito ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may
iisang batas, kultura o tradisyon, pagpapahalaga, at tunguhin o layunin.
 Ito ay binubuo ng mga institusyon.

INSTITUSYON – ito ay isang organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan.


 Mga Institusyon sa Lipunan: pamilya, pamahalaan, paaralan, simbahan…

PAMILYA – Ayon kay Pierangelo Alejo, isang Filipino Education-Specialist Consultant, ang pamilya ang
pangunahing institusyon sa lipunan na nabuo sa pamamagitan ng pagpapakasal ng isang babae at isang lalaki
dahil sa kanilang walang pag-iimbot, puro, at romantikong pagmamahal - kapwa nangakong magsasama
hanggang sa wakas ng kanilang buhay, magtutulungan sa pag-aaruga at pagtataguyod ng edukasyon ng
kanilang magiging anak.
 Ito ay lipon ng dalawa o higit pa sa dalawang tao na magkakaugnay sa dugo, sa bisa ng sakramento ng
kasal o sa pamamagitan ng pag-aampon o paninirahan sa isang tahanan.
 Ito ay itinuturing na pinakamaliit na yunit, at pangunahing institusyon ng lipunan.

MGA URI NG PAMILYA:


1. Nuclear/ Biparental – binubuo ng ama, ina, at anak o mga anak
2. Childless – mag-asawa o pamilyang walang anak
3. Pamilyang Pinagtibay/ Ampon ng pamilya – tumutukoy sa mga magulang na nag-ampon ng anak o
mga anak
4. Separated/ Broken Family/ Pamilya ng Magkakahiwalay na Magulang – mga magulang ay naghiwalay
pagkatapos ng isang krisis sa kanilang relasyon
5. Solo Parent/ Solong Magulang – isang magulang na nagtataguyod sa anak o mga anak
6. Composite/ Tambalang Pamilya – binubuo ng maraming mga pamilyang nukleyar (step-father/step-
mother/ step-sister/ step-brother)
7. Homoparental – nailalarawan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng dalawang mga homosexual na
magulang (o mga ina) na nag-aampon ng isang anak
8. Extended/ Pinalawak na Pamilya – maraming miyembro ng pamilya na nakatira (mga magulang,
pinsan, lolo't lola, atbp.) sa iisang bahay

KASAL – pinakaunang hakbang o proseso na isinasagawa ng dalawang taong nagmamahalan upang bumuo ng
pamilya.
PAGMAMAHALAN – nagpapatatag sa pamilya
EDUKASYON – tungkulin ng magulang na ibigay sa anak.
PANANAMPALATAYA – isang pagpapahalaga na mahalagang misyon na dapat ibigay ng pamilya.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Modyul 2: PAGPAPATATAG NG PAGMAMAHALAN AT PAGTUTULUNGAN SA PAMILYA

MGA DAHILAN KUNG BAKIT ANG PAMILYA AY LIKAS NA INSTITUSYON:


1. Ang pamilya ay pamayanan ng mga tao (community of persons) na kung saan ang maayos na paraan ng
pag-iral at pamumuhay ay nakabatay sa ugnayan.
2. Nabuo ang pamilya sa pagmamahalan ng isang lalaki at babaeng nagpasiyang magpakasal at magsama
nang habambuhay.
 CONJUGAL LOVE – pagmamahalan na namamagitan sa mag-asawa
 PATERNAL LOVE – pagmamahal ng magulang sa anak
3. Ang pamilya ang una at pinakamahalagang yunit ng lipunan. Ito ang pundasyon ng lipunan at patuloy
na sumusuporta rito dahil sa gampanin nitong magbigay-buhay.
4. Ang pamilya ang orihinal na paaralan ng pagmamahal.
 Principle of Utility (Prinsipyo ng paggamit lamang)
 Radical and unconditional love (Pagmamahal na lubusan at walang hinihintay na kapalit)
5. Ang pamilya ang una at hindi mapapalitang paaralan para sa panlipunang buhay (the first and
irreplaceable school of social life).
 Communion (Ugnayan)
 Law of free-giving (Batas ng malayang pagbibigay)
6. May panlipunan at pampolitikal na gampanin ang pamilya.
 Hospitality (Pagbubukas ng tahanan sa kapwa)
7. Mahalagang misyon ng pamilya ang pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa mabuting pagpapasiya at
paghubog ng pananampalataya.
 Irreplaceable (Hindi mapapalitan)
Prepared by: Jennylyn A. Esmabe
 Inaliebable (Hindi mababago)

Sa pamilya nabubuo ang mga unang hakbang sa pagkatao:


 Gumagabay
 Nagtuturo ng mabubuting asal
 Nagbibigay ng pangangailangan
 Nagmamahal ng walang kondisyon/ kapalit

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Modyul 3: ANG MISYON NG PAMILYA SA PAGBIBIGAY NG EDUKASYON, PAGGABAY SA
PAGPAPASIYA AT PAGHUBOG NG PANANAMPALATAYA

MGA MAHAHALAGANG MISYON NG PAMILYA:


1. Pagbibigay ng Edukasyon – Ang karapatan para sa edukasyon ng mga bata ay orihinal at
pangunahing karapatan.
2. Paggabay sa Mabuting Pagpapasiya – Ang mga pagpapasiyang isasagawa ng mga bata hanggang
sa kanilang pagtanda ang siyang magdidikta kung anong uri ng tao sila magiging sa hinaharap at kung
anong landas ang kanilang pipiliing tahakin.
3. Paghubog ng Pananampalataya – Sa pananampalataya humuhugot ng lakas at pananalig ang mga
magulang upang mas lalong mahubog ang mga anak sa mabuting asal na nagsisilbing gabay upang
maging isang mabuting tao.

BANTA SA PAMILYANG PILIPINO:


1. Pagbibigay ng Edukasyon
a) Kahirapan. Ito ang pinakamabigat na problemang nararanasan ng isang pamilya, dahil dito napipilitan
ang mga magulang na pahintuin sa pag-aaral ang kanilang mga anak.
b) Impluwensiya ng Kaibigan. Hangga’t maaari umiwas sa mga kamag-aral at kaibigang mahilig mag-
cutting classes, bisyo, lulong sa online games at iba pa.
c) Diskriminasyon sa lahi. Karamihan sa mga magulang ay nahihirapan sa pagbibigay ng sapat na
edukasyon sa kanilang mga anak dahil sa diskriminasyong nararasan sa lipunan.
d) Pag-usbong ng Teknolohiya. Ito ang nagsisilbing hanguan ng mga mahahalagang impormasyon na
nagpapaunlad ng kaalaman, kasanayan at kakayahan ng isang tao.

2. Paggabay sa Pagpapasiya
a) Labis na pagmamahal ng magulang (spoiling children).
b) Kawalan ng sapat na oras sa mga anak.
c) Teknolohiya. Hindi nahihikayat ang mga batang mag-isip ng mabuti at pagsasa-alang-alang sa mga
bagay bago bumuo ng desisyon.

3. Paghubog ng Pananampalataya
a) Kultura
b) Kawalan ng Oras
c) Teknolohiya

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Modyul 4: KARAPATAN, TUNGKULIN AT GAMPANIN NG MGA MAGULANG

PAGPAPAUNLAD NG MGA GAWI SA PAG-AARAL AT PAGSASABUHAY NG PANANAMPALATAYA SA


PAMILYA:
1. Tanggapin na ang Diyos ang dapat maging sentro ng buhay-pampamilya.
2. Ituon ang pansin sa pag-unawa.
3. Hayaang maranasan ang tunay at malalim nitong mensahe.
4. Gamitin ang mga pagkakataon na handa ang bawat kasapi ng pamilya na makinig at matuto.
5. Tulungan ang bawat kasapi upang maitanim sa kanilang isipan ang mga itinuturo tungkol sa
pananampalataya.
6. Iwasan ang pag-aalok ng suhol.
7. Ipadanas ang pananampalataya nang may kagalakan.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Modyul 5: URI NG KOMUNIKASYON NA UMIIRAL SA PAMILYA

KOMUNIKASYON – Ito ay anumang senyas o simbolo na ginagamit ng tao upang ipahayag ang kaniyang
damdamin, saloobin, ideya, at opinyon.

MGA URI NG KOMUNIKASYON:


1. NON-VERBAL COMMUNICATION o DI-BERBAL NA KOMUNIKASYON – komunikasyon kung saan
ang impormasyon ay naibabahagi sa pamamagitan ng kilos o galaw.
Prepared by: Jennylyn A. Esmabe
2. VERBAL COMMUNICATION o BERBAL NA KOMUNIKASYON – Ito ay komunikasyon kung saan ang
impormasyon ay naibabahagi o naihahatid sa pamamagitan ng mga salita. Maaaring pasulat o pasalita.
3. VISUAL COMMUNICATION o BISWAL NA KOMUNIKASYON – Ito ay komunikasyon kung saan ang
impormasyon ay naibabahagi sa pamamagitan ng larawan, simbolo
na maaaring kumatawan sa salita.

MONOLOGO – Kung ang komunikasyon ay ginagawa upang makamit ang isang layuning pansarili, o kung ang
pakay ay marinig lamang at hindi ang making.
DIYALOGO – ang tunay na komunikasyon sa pagitan ng mga tao. Ito ay nagsisimula sa sining ng pakikinig.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Modyul 6: ANG KAHALAGAHAN NG KOMUNIKASYON SA PAGPAPATATAG NG PAMILYA

MGA HADLANG NG KOMUNIKASYON:


 Pagiging umid o walang kibo
 Ang mali o magkaibang pananaw
 Pagkainis o ilag sa kausap
 Takot na ang sasabihin o ipapahayag ay daramdamin o didibdibin.

MGA PARAAN UPANG MAPABUTI ANG KOMUNIKASYON:


 Pagiging malikhain (Creative)
 Pag-aalala at malasakit (Care & Concern)
 Pagiging hayag o bukas (Cooperativeness/ Openness)
 Atin-atin (Personal)
 Lugod o ligaya

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Modyul 6: ANG PANLIPUNAN AT PAMPULITIKAL NA PAPEL NG PAMILYA

ANG PAPEL NG PAMILYA SA LIPUNAN


“Ang tao ay hindi lamang binubuo ng katawan at espiritu… siya ay isang panlipunang nilalang, likas na
kaugnay ng iba pang tao, hindi siya ipinanganak o mananatiling buhay kundi sa pamamagitan ng ibang
tao.
Ang pakikipagniig sa ibang tao ay bahagi ng kaniyang pagiging tao.”
– Esteban

 Karanasan sa pakikibahagi at pagbibigayan na dapat bahagi ng buhay-pamilya sa araw-araw.


 PAMILYA – tagapagpalaganap ng mas malawak na pakikipag-ugnayan sa komunidad; nagtuturo ng
pagiging bukas-palad at diwa ng kabayanihan.
 Ang bayanihan ay isang kaugalian ng mga Filipino na nagpapakita ng pagtutulungan, pagkakaisa at
pagdadamayan.

NEGATIBONG EPEKTO NG LABIS NA PAGKILING SA PAMILYA:


 Political Dynasties – ang pagpapanatili ng mga posiyon sa gobyerno ng iisang pamilya lamang.
 Pagiging makasarili

“Ang pagtulong ng pamilya sa pamayanan ay paraan upang maisabuhay ang mga pagpapahalaga at birtud na
itinuturo at natututuhan sa loob ng tahanan.”

PANGANGALAGA SA KALIKASAN
 Ang kalikasan ay biyayang galing sa Diyos.
 Bilang likas na tagapamahala ng lahat ng nilikha ng Diyos, tungkulin ng pamilya ang pangangalaga ng
kalikasan.

Ilan sa mga proyektong dapat sinusuportahan:


 Clean and Green Program – paglilinis sa paligid, at pagtatanim ng mga puno
 Garbage Segregation – paghihiwalay ng nabubulok sa hindi nabubulok na basura
 3Rs – Reduce, Reuse, Recycle
 Paglilinis ng mga kanal at daluyan ng tubig

ANG PAPEL NA PAMPOLITIKAL NG PAMILYA


 Manguna sa pagtiyak na ang mga batas at institusyong panlipunan ay nagsusulong at nangangalaga sa
mga karapatan at tungkulin ng mga pamilya.
 Pagkakaroon ng mga natural at legal na karapatan nito.
 Pangunguna sa pagpapanibago sa lipunan at hindi magpabaya sa kaniyang tungkulin.

Prepared by: Jennylyn A. Esmabe


HUMAN RIGHTS – Sumusuporta at ipinagtatanggol ang mga Karapatan
 Pakikisangkot sa mga isyu at usapin sa lipunan

MGA KARAPATAN NG PAMILYA:


1. Ang karapatang umiral at magpatuloy bilang pamilya o ang karapatan ng lahat ng tao, mayaman man o
mahirap, na magtatag ng pamilya at magkaroon ng sapat na panustos sa mga pangangailangan nito.
2. Ang karapatang isakatuparan ang kani-kaniyang pananagutan sa pagpapalaganap ng buhay at
pagtuturo sa mga anak.
3. Ang karapatan sa pagiging pribado ng buhay mag-asawa at buhay pamilya.
4. Ang karapatan sa pagkakaroon ng katatagan ng bigkis at ng institusyon ng kasal.
5. Ang karapatan sa paniniwala at pagpapahayag ng pananampalataya at pagpapalaganap nito.
6. Ang karapatang palakihin ang mga anak ayon sa mga tradisyon, pananampalataya at pagpapahalaga at
kultura sa pamamagitan ng mga kailangang kagamitan, pamamaraan at institusyon.
7. Ang karapatan, lalo na ng mga may sakit, na magtamo ng pisikal, panlipunan, pampolitikal at
pangekonomiyang seguridad.
8. Ang karapatan sa tahanan o tirahang angkop sa maayos na buhay pamilya.
9. Ang karapatan upang makapagpahayag at katawanin (ng mambabatas o asosasyon), sa harap ng mga
namamahala o namumuno kaugnay ng mga usaping pang-ekonomiya, panlipunan o kultural.
10. Ang karapatang magbuo ng asosasyon kasama ang ibang mga pamilya at samahan, upang magampanan
ng pamilya ang mga tungkulin nito ng mas karapat-dapat at madali.
11. Ang karapatang mapangalagaan ang mga kabataan, sa pamamagitan ng mga institusyon at batas, laban
sa mapanirang droga, pornograpiya, alkoholismo at iba pa.
12. Ang karapatan sa kapaki-pakinabang na paglilibang, iyong nakatutulong sa pagpapatatag ng mga
pagpapahalagang pampamilya.
13. Ang karapatan ng mga matatanda sa karapat-dapat na pamumuhay at kamatayan.
14. Ang karapatang mandayuhan sa ibang probinsya o bansa para sa mas mabuting pamumuhay.

Prepared by: Jennylyn A. Esmabe

You might also like