You are on page 1of 18

9

Filipino
Ikatlong Markahan
Sariling Linangan Kit 2:
Elehiya
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Ikatlong Markahan – Sariling Linangan Kit 2: Elehiya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI

Regional Director: Evelyn R. Fetalvero


Assistant Regional Director: Maria Ines C. Asuncion

Bumubuo sa Pagsusulat ng Sariling Linangan Kit


Manunulat: Avelino T. Gapol, Juneva P. Ardepolla at Emily Bayla
Editor:
Tagasuri: Rene P. Sultan/Phelma O. Camacho
Tagaguhit: Hareld O. Candari/Jemar D. Alinabo
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala:
Evelyn R. Fetalvero Reynaldo M. Guillena
Mary Jeane B. Aldiguer Alma C. Cifra
Analiza C. Almazan Aris B. Juanillo
Ma. Cielo D. Estrada Mary Ann M. Jumuad
Mary Jane M. Mejorada Rene P. Sultan
,

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon XI


Department of Education - Sangay ng Lungsod ng Davao
Office Address: Daang E. Quirino, Lungsod Davao
Telefax: Telepono Bilang (082) 227472
Email Address: davaocitydivision@deped.gov.ph
9

Filipino
Ikatlong Markahan
Sariling Linangan Kit 2:
Elehiya
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang Sariling Linangan Kit
na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin
at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa SLK.
Para sa mag-aaral:
Ang Sariling Linangan Kit na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang
SLK:
1. Gamitin ang SLK nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang
bawat pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan
ng mga kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang
mga gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa,
pagsagot at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako
sa susunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang SLK sa inyong guro o tagapagdaloy pagkatapos
ng mga gawain.
Kung may mga bahagi ng SLK na ito na nahihirapan ka sa
pagsagot, huwag mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o
tagapagdaloy. Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan
namin na sa pamamagitan ng SLK na ito, ay mararanasan mo ang isang
makabuluhan, masining at malalim na pagkatuto at pag-unawa sa mga
kasanayang pampagkatuto. Kaya mo yan!

ii
Alamin Natin

Ang mabuhay sa daigdig ay puno ng mga pagsubok na susukat sa


taglay mong kakayahan kung paano mo kokontrolin ang iyong damdamin –
mga damdaming nagtataglay ng iba’t ibang emosyon tulad ng pagdadalamhati
sa pagpanaw ng mahal sa buhay. Ito ang itinuturing na pinakamabigat na
damdamin sapagkat hindi lamang nito sakop an gating puso kundi sakop din
nito ang kabuoan ng ating pagkatao. Maraming mga kaparaanan kung paano
maipararating ang ganitong saloobin, maaaring sa pamamagitan ng pag-awit
na may himig o gaya ng pagsulat ng elehiya. Ang elehiya ay isang tulang liriko
na nagpapahayag ng damdamin, paggunita at pagpaparangal sa isang
nilalang na sumakabilang-buhay.

Sa pag-aaral mo ng SLK na ito, inaasahang maisakatuparan mo ang


sumusunod:
1. nasusuri ang mga elemento ng elehiya batay sa:
- Tema
- Mga tauhan
- Tagpuan
- Mga mahihiwatigang kaugalian o tradisyon
- Wikang ginamit
- Pahiwatig o simbolo
- Damdamin F9PB-IIIb-c-51; at
2. nabibigyang-puna ang nakitang paraan ng pagbigkas ng elehiya o awit.
F9PB-IIIb-c-50

Subukin Natin

Magandang araw sa iyo. Sa bahaging ito, masusubukan ang dati mong


kaalaman sa pamamagitan ng pagsagot sa gawain. Marapat lamang na
basahin ang panuto bago ka magsimula. Kung mayroon kang hindi
naunawaan sa gawaing ito, huwag mag-atubili na magtanong sa iyong guro.

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat mo sa sagutang papel ang


tamang sagot.
1. Tumutukoy sa taong kasangkot sa tula/elehiya.
A. damdamin C. tauhan
B. tagpuan D. tema

1
2. Ito ay paggamit ng mga simbolo para magpahiwatig ng isang ideya o
kaisipan.
A. simbolismo C. tradisyon
B. tauhan D. wikang ginamit

3. Uri ng wikang ginamit na madalas gamitin sa pang-araw-araw na pag-


uusap.
A. balbal C. kolokyal
B. impormal D. pormal

4. Elemento ng elehiya na nagsasaad sa lugar o panahon na


pinangyayarihan ng isang sitwasyon.
A. kaugalian C. simbolismo
B. tema D. tagpuan

5. Ito ay ang pangkabuoang kaisipan ng elehiya. Ito ay kadalasang


konkretong kaisipan at pwedeng pagbasehan ang karanasan.
A. damdamin C. tema
B. kaugalian D. tradisyon

Aralin Natin

Binabati kita at natapos mo ang bahaging Subukin Natin, Ngayon, alam


kong nasasabik ka ng basahin ang paksa tungkol sa elehiya.

Elehiya sa Kamatayan ni Kuya


Ni Bhutan
Isinalin sa Filipino ni Pat V. Villafuerte

Hindi napapanahon!
Sa edad na dalawampu’t isa, isinugo ang buhay
Ang kaniyang malungkot na paglalakbay na hindi na matanaw
Una sa dami ng aking kilala taglay ang di-mabigkas na pangarap
Di maipakitang pagmamahal
At kahit pagkaraan ng maraming pagsubok
Sa gitna ng nagaganap na usok sa umaga
Maniwala’t dili panghihina at pagbagsak!

Ano ang naiwan!


Mga naikuwadrong larawang guhit, poster at larawan,
Aklat, talaarawan at iba pa.
Wala nang dapat ipagbunyi

2
Ang masaklap na pangyayari, nagwakas na
Sa pamamagitan ng luha naglandas ang hangganan, gaya ng paggunita
Ang maamong mukha, ang matamis na tinig, ang halakhak
At ang ligayang di-malilimutan.

Walang katapusang pagdarasal


Kasama ng lungkot, luha at pighati
Bilang paggalang sa kaniyang kinahinatnan
Mula sa maraming taon ng paghihirap
Sa pag-aaral at paghahanap ng magpapaaral
Mga mata’y nawalan ng luha, ang lakas ay nawala
O’ ano ang naganap,
Ang buhay ay saglit na nawala.

Pema, ang immortal na pangalan


Mula sa nilisang tahanan
Walang imahe, walang anino at walang katawan
Ang lahat ay nagluksa, ang burol ay bumaba, ang bukid ay nadaanan ng
unos
Malungkot na lumisan ang tag-araw
Kasama ang pagmamahal na inaalay
Ang isang anak ng aking ina ay hindi na makikita
Ang masayang panahon ng pangarap.

Pinagkunan: Panitikang Asyano


Modyul ng mga Mag-aaral sa Filipino 9

Ang elehiya ay isang uri ng Tulang Liriko na pumapaksa sa


damdamin katulad ng kalungkutan, kasawian o kaligayahan. Binibigyang-
parangal dito ang mga nagawa ng yumao.

Elemento ng Elehiya

1. Tema – ito ay ang pangkabuoang kaisipan ng elehiya. Ito ay kadalasang


konkretong kaisipan at pwedeng pagbasehan ang karanasan.
2. Tauhan – Taong kasangkot sa tula
3. Tagpuan – Lugar o Panahon na pinangyarihan ng tula
4. Kaugalian o Tradisyon
5. Wikang Ginamit
Pormal – salitang istandard
Impormal – madalas gamitin sa pang-araw-araw na pag- uusap

3
6. Simbolismo – paggamit ng mga simbolo para magpahiwatig ng isang
ideya o
kaisipan
7. Damdamin

Kinuha mula sa
https://www.slideshare.net/jmpalero/filipino-9-elemento-ng-elehiya

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat mo sa sagutang papel ang


tamang sagot.

1. Alin sa sumusunod ang tema ng tula tungkol sa “Elehiya sa Kamatayan ni


Kuya”?
A. Lahat ng magulang ay hindi naghahangad ng masama sa kanilang anak.
B. Habilin ng isang ina sa kaniyang anak sa hinaharap na tatahakin nito.
C. Pagdadalamhati sa pagkawala ng mahal sa buhay.
D. Lahat ng nabanggit.

2. Ano ang damdaming namamayani sa elehiyang nabasa?


A. tuwa C. pighati at pangamba
B. lungkot at pangungulila D. pagkamuhi

3. Sino – sino ang mga tauhang nabanggit sa akdang nabasa?


A. lolo at kuya C. ate at kuya
B. kuya at kapatid D. ina at anak

4. Anong uri ng wikang ginamit sa akdang nabasa?


A. balbal C. pambansa
B. impormal D. pormal

5. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa tagpuan ng akdang nabasa?


A. bahay C. burol
B. bukid D. wala sa nabanggit

Mahusay! Naunawaan mo ang tungkol sa elehiya at elemento nito at


nagawa mong tama ang gawaing ito. Natitiyak kong handa ka na para sa
susunod na gawain.

4
Gawin Natin

Panuto: Tukuyin kung anong damdamin ang namamayani sa bawat linya ng


tula. Isulat mo sa sagutang papel ang tamang sagot.

1. Ang kaniyang malungkot na paglalakbay na hindi na matanaw.


A. kagalakan C. pagmamalasakit
B. pag-aalala D. pangungulila

2. Wala nang dapat ipagbunyi


Ang masaklap na pangyayari, nagwakas na.
A. kalungkutan C. pananabik
B. galit D. pighati

3. Ang maamong mukha, ang matamis na tinig, ang halakhak


At ang ligayang di-malilimutan.
A. paghanga C. paninibugho
B. pangamba D. pagmamahal

4. Mga mata’y nawalan ng luha, ang lakas ay nawala


O’ ano ang naganap,
Ang buhay ay saglit na nawala.
A. pangamba C. pagdadalamhati
B. panghihinayang D. wala sa nabanggit

5. Walang imahe, walang anino at walang katawan


Ang lahat ay nagluksa, ang burol ay bumaba, ang bukid ay nadaanan ng
unos
Malungkot na lumisan ang tag-araw
A. paninibugho C. pagkasuklam
B. pagnanasa D. pag-aalinlangan

Ang galing mo! Nasagutan mo nang tama ang bahaging ito.


Nagpapahiwatig lamang ito na handang - handa ka na paglalapat ng iyong
natutuhan sa paksa.

5
Sanayin Natin

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat mo sa sagutang papel ang


tamang sagot.

1. Sa tingin mo, tama ba na bigyan ng parangal at gunitain ang mga nagawa


ng isang taong namatay na?
A. Hindi, dahil lalong masasaktan ang mga naiwang mahal sa buhay sa
pagsariwa ng mga alaala ng namatay.
B. Hindi, dahil wala na itong halaga sa taong namatay na.
C. Oo, dahil paraan ito ng pasasalamat sa nagawa ng isang tao noong
nabubuhay pa.

2. Paano mo maipadadama ang pagdadalamhati sa taong namatayan?


A. Kausapin ang mga kamag-anak hinggil sa mga negatibong nagawa ng
namatay.
B. Magpaabot ng pakikiramay at mag-alay ng dasal sa namatay.
C. Magkibit-balikat sa mga nangyayari sa pamilya ng namatay.

3. Bakit mahalagang bigyan ng magandang burol ang taong namatay?


A. upang maipadama ang kabutihang nagawa ng namatay
B. upang mabigyan ng parangal o pasasalamat ang kaniyang nagawa ng
ito ay nabubuhay pa
C. upang maipakita sa mga tao na mayaman ang pamilya ng namatay

4. Ano ang gagawin mo kung namatayan ang iyong matalik na kaibigan?


A. Hahayaan na lamang ang kaibigan na magluksa.
B. Magbigay ng mga pagkain at bulaklak sa kaibigan.
C. Dadamayan at palalakasin ang kalooban ng kaibigan.

5. Paano mo mapahahalagahan ang aral na napulot sa akdang nabasa?


A. Ilalapat ito sa pang-araw-araw na pamumuhay.
B. Magkibit - balikat na lamang at gawin ang mga nakasanayan.
C. Ibahagi sa mga taong malapit sa iyo ang mga aral na nakuha sa akda.

Binabati kita sa matiyaga mong pagsagot sa gawaing ito. Mahusay


mong naiugnay ang aralin sa reyalidad ng buhay.

6
Tandaan Natin

Ang elehiya ay nagpapahayag ng damdamin, paggunita at


pagpaparangal sa isang nilalang na sumakabilang buhay. Hindi lamang
sakop nito ang ating puso maging ang kabuoan ng ating pagkatao.

Ngayon, alam kong handa ka na upang palawigin ang iyong natutuhan


sa aralin. Tara na’t galugarin mo ang iyong natutuhan sa pamamagitan ng
kasunod na pagtataya.

Suriin Natin

A. Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat mo sa sagutang papel


ang tamang sagot.

1. Ito ay ang pangkabuoang kaisipan ng elehiya. Ito ay kadalasang


konkretong kaisipan at pwedeng pagbasehan ang karanasan.
A. damdamin C. tema
B. kaugalian D. tradisyon

2. Elemento ng elehiya na nagsasaad sa lugar o panahon na


pinangyayarihan ng isang sitwasyon.
A. kaugalian C. simbolismo
B. tema D. tagpuan

3. Uri ng wikang ginamit na madalas gamitin sa pang-araw-araw na pag-


uusap.
A. balbal C. kolokyal
B. impormal D. pormal

4. Ito ay paggamit ng mga simbolo para magpahiwatig ng isang ideya o


kaisipan.
A. simbolismo C. tradisyon
B. tauhan D. wikang ginamit

5. Tumutukoy sa taong kasangkot sa tula/elehiya.


A. damdamin C. tauhan
B. tagpuan D. tema

7
B. Panuto: Tukuyin ang simbolismo ng sumusunod na salita batay sa
“Elehiya sa Kamatayan ni Kuya. Piliin ang titik ng tamang sagot sa loob ng
kahon at isulat mo sa sagutang papel.

A. kabanata sa pangyayari sa buhay ng tao


B. pagsubok na nararanasan ng isang tao
C. paggunita sa nakaraan ng isang tao na
maaaring masaya o malungkot

_____6. larawan _____8. unos

_____7. Aklat

Payabungin Natin

Panuto: Suriin ang akda na pinamagatang “Elehiya Para Kay Ram” ni Pat
V. Villafuerte at sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat mo ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.

Elehiya Para Kay Ram


Ni Pat V. Villafuerte

Kung ang kamatayan ay isang mahabang paglalakbay


Di mo na kailangang humakbang pa
Sapagkat simula’t simula pa’y pinatay ka na
Ng matitigas na batong naraanan mo
Habang nakamasid lamang
Ang mga batang lansangang nakasama mo
Nang maraming taon.
Silang nangakalahad ang mga kamay
Silang may tangang kahon ng kendi’t sigarilyo
Silang may inaamoy na rugby sa madilim na pasilyo.

Sa pagitan ng maraming paghakbang at pagtakbo


Bunga ng maraming huwag at bawal dito
Sa mga oras na nais mong itanong sa Diyos
Ang maraming bakit at paano
Ay nanatili kang mapagkumbaba at tanggaping ika’y tao
At tanggapin ang uri ng buhay na kinagisnan mo.
Buhay na hindi mo pinili dahil wala kang mapipili.
Buhay na di mo matanggihan dahil nasa mga palad mo
Ang pagsang-ayon, ang pagtango, at pagtanggap
Bilang bagong ama ng lima mong nakababatang kapatid.

8
Kinuha mula sa
https://www.slideshare.net/JenitaGuinoo/aralin-13-grade-9

1. Ano ang tema ng akdang nabasa?


A. reyalidad ng buhay na kinagisnan
B. buhay ng isang batang lansangan
C. pagharap sa mga pagsubok sa buhay
D. lahat ng nabanggit

2. Sino ang pangunahing tauhan sa akda?


A. isang ama C. isang ina
B. isang bata D. wala sa nabanggit

3. Saan ang tagpuan ng akdang nabasa?


A. lansangan C. bahay
B. tindahan D. burol

4. Anong uri ng wikang ginamit ng may-akda sa tula?


A. impormal C. kolokyal
B. pormal D. lalawiganin

5. Ano - ano ang damdaming namayani sa tula?


A. pagsisisi at kabiguan C. paninibugho at kasiyahan
B. pag-aalala at kalungkutan D. kasiyahan at panunumbat

Pagnilayan Natin

Panuto: Pumili sa dalawang gawain ng isa na angkop sa iyong sitwasyon.


Sundin ang pamantayan sa pagmamarka upang makakuha nang mataas na
puntos.

Gawain 1
A. Panoorin ang halimbawa ng pagbigkas ng elehiya mula sa link na ito
https://www.youtube.com/watch?v=gt9yOVNm1cU
B. Bigyang-puna ang nakitang paraan ng pagbigkas ng elehiya.
C. Kopyahin ang pamantayan sa pagmamarka sa sagutang papel.
D. Maglagay lamang ng tsek sa kolum base sa eskala na iyong napili.

9
5 4 3 2 1
Natatangi Mahusay Katamtam Kainaman Nangangailangan
ang pa ng
kahusayan pagsasanay
1. Mabisa at
angkop ang mga
salitang
ginamit.
2. Malikhain at
masining ang
pagbigkas ng
elehiya.
3. May angkop
na lakas at
himig ang tinig.
4. Nabibigyang
buhay ang
damdaming
namamayani sa
elehiya.

Gawain 2
A. Sumulat ng isang orihinal na elehiya.
B. Kinapapalooban ng dalawang saknong at limang linya bawat
saknong.
C. Sundin ang pamantayan sa pagmamarka.
D. Isulat ito sa sagutang papel.

_____________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

10
5 4 3 2 1
Natatangi Mahusay Katamtamang Kainaman Nangangaila-
kahusayan ngan pa ng
pagsasanay
1. Nasunod ang
nilalaman sa
pagsulat ng
elehiya.
2. Makikita ang
elemento ng
elehiya.
3. Gumamit ng
mga
matatalinghagan
g pahayag/salita
4. Wasto at
angkop ang
pagbaybay ng
mga salita.

11
12
Suriin Natin Sanayin Natin
A. B. 1. C
2. B
1. C 6. C 3. B
2. D 7. A 4. C
3. B 8. B 5. A
4. A
5. C
Gawin Natin Aralin Natin Subukin Natin
1. D 1. C 1. C
2. A 2. B 2. A
3. A 3. B 3. B
4. B 4. D 4. D
5. A 5. D 5. C
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Guinoo, J., “Kultura: Ang Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan, at


Buhay ng Kinabukasan” July 22, 2017
https://www.slideshare.net/JenitaGuinoo/aralin-13-grade-9

Mendez, M., “Elehiya Para Kay Ram” July 04, 2018


https://www.youtube.com/watch?v=gt9yOVNm1cU

Peralta, R., et al, Panitikang Asyano –Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9,


2014, Department of Education: Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR),
Pasig City, Philippines.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region XI Davao City Division

DepEd Davao City, Elpidio Quirino Ave., Davao City

Telefax: 224-3274

Email Address: davaocity.division@deped.gov.ph

You might also like