You are on page 1of 13

PAG-UNAWA SA WIKA AT MGA

KATANGIAN NITO

ARALIN 1
Ano ang WIKA?

“Ang wika ay isang mahalagang


kasangkapan upang maipahayag ng
tao ang kanyang damdamin at
kaisipan.”
- Espina at Borja
WIKA
Ito ang ang nagsisilbing mahalagang instrumento
upang magkaunawaan ang bawat mamamayan sa
isang bansa. Hindi magaganap ang komunikasyon
kung wala itong magiging daan: may tagapagsalita,
mensahe, at tatanggap.
MGA KATANGIAN NG
WIKA
● May sistemang balangkas
● Arbitraryo
● Komunikasyon
● Dinamiko
● Kaugnay na kultura
● Makapangyarihan
● May Antas at lebel
● Natatangi
Mga Katangian ng Wika
1. Ang wika ay may sistemang
balangkas - nakaayos ang mga
salita sa pangungusap.

Halimbawa:

Ako ay isang mag-aaral sa Notre


Dame of Trece Martires.
Mga Katangian ng Wika

2. Ang wika ay arbitraryo - ito ay wikang


napagkasunduang gamitin ng mga pangkat ng
tao sa isang partikular na lugar.

Tagalog Ilocano Kapampangan


Masarap Naimas Manyaman
Mga Katangian ng Wika
3. Ang wika ay komunikasyon - Sinasalita
ang tunay na wika. Mahalagang gamitin
ang wika sa pakikipagtalastasan.

Halimbawa:
“Magandang umaga sa inyong lahat!”
Mga Katangian ng Wika
4. Ang wika ay dinamiko - ang wika ay patuloy
na nagbabago sa paglipas ng panahon.

Halimbawa:
Inay, Ermat, Mommy, Momshie
Mga Katangian ng Wika
5. Ang wika ay kaugnay ng kultura - ang mga taong
kabahagi ng isang kultura ay lumilinang ng isang wikang
naaangkop sa kanilang mga pangangailangan sa buhay.

Halimbawa:
bugtong, salawikain, atbp. (batay sa pamumuhay)
Mga Katangian ng Wika
6. Ang wika ay makapangyarihan - ito ang dahilan kung
bakit ang tao ay natutuwa, umiiyak at nagagalit kung
minsan. Maaaring gamitin ito sa pang-aalipin.

7. Ang wika ay may antas o lebel - ang wika ay maaaring


pormal o di pormal.

Halimbawa:
(Pormal) pulis, (Di Pormal) parak
Mga Katangian ng Wika
8. Ang wika ay natatangi - May kaibahan
ang bawat wika sa ibang wika. Walang
dalawang wika na magkatulad.

Halimbawa:
Tagalog-Batangas, Tagalog-Bulacan,
Tagalog-Cavite, Tagalog-Laguna
MARAMING SALAMAT SA
PAKIKINIG!
G. ARMIE LOID C.
BANDOLA
Alternative Resources

You might also like