Professional Documents
Culture Documents
Filipino Sa Humanidades, Agham Panlipunan at Iba Pang Kaugnay Na Larangan
Filipino Sa Humanidades, Agham Panlipunan at Iba Pang Kaugnay Na Larangan
Higit na nauna ang larangan ng Humanidades kaysa sa Agham Panlipunan subalit madalas
na nagkakasalimbayan ang dalawang larangang sapagkat maraming paksa at isyu na kapwa
tinatalakay ng mga ito, tao at lipunan. Marami sa mga teoretiko at pilosopikong pundasyon ng
agham panlipunan ay nagmumula sa humanidades.
Bawat larangan ay may tiyak na set ng mga teminong ginagamit na tinatawag na
REGISTER. Ang mga salitang ito ay maaaring magkaroon ng:
● Isang kahulugan lamang dahil ekslusibo itong ginagamit sa isang tiyak na disiplina.
● Dalawa o mahigit pang kahulugan dahil ginagamit sa dalawa o mahigit pang disiplina.
● Isang kahulugan lamang sa dalawang magkaibang disiplina gawa ng pagkakaroon ng
ugnayan ng mga disiplinang ito.
LARANGAN NG HUMANIDADES
Ang pangunahaing layunin ng Humanidades ay “hindi kung ano ang gagawin ng tao, kundi
kung paano maging tao”. Ang kaisipan, kalagayan at kultura ng tao ang binibigyang-tuon sa pag-
aaral ng larangang ito. Ang layuning ito ay sinugsugan ni J. Irwin Miller, na nagsabi na “ang layon
ng Humanidades ay ang gawin tayong tunay na tao sa pinakamataas na kahulugan nito” na
dinagdagan ni Newton Lee sa pagsasabi na “sana’y mapagtanto natin na ang edukasyon at ang
Humanidades ay dapat pahalagahan sa pagpapaunlad ng ating mga isipan at ng lipunan sa
kalahatan, at di lamang para magkaroon ng karera sa hinaharap”. Ang larangang ito ay binubuo ng
Panitikan (Wika teatro), Pilosopiya (Relihiyon), Singing (Biswal; pelikula, teatro at sayaw,
Applied; graphics, Industriya (fashion, Interior) at Malayang Sining (calligraphy, studio arts, art
history, print making at mied media).
Ang larangan ng Humanidades ay umusbong bilang reaksiyon sa iskolastisismo sa panahon
ng mga Griyego at Romano kung saan inihahanda ang tao na maging doktor, abogado at sa mga
kursong praktikal, propesyonal at siyentipiko. Inilunsad ito upang bumuo ng mamamayang
mahusay sa pakikipag-ugnayan sa kapwa at makabuluhan at aktibong miyembro ng lipunan.
Kadalasang lapit analitkal, kritikal at ispekulatibo ang metodolohiya at estratehiyang ginagamit sa
larangan ito upang mabigyan ng pagkakataong suriin ang isang teksto sa paraang sistematiko at
organisado. Ang analitikal na lapit ay ginagamit sa pag-oorganisa ng mga impormasyon sa mga
kategorya, bahagi, grupo, uri at mga pag-uugnay-ugnay ng mga ito sa isa’t isa. Ang kritikal
na lapit ang ginagamit kung ginagawan ng interpretasyon, argumento, ebalwasyon at sa
pagbibigay ng sariling opinyon sa ideya. Samantala, ang ispekulatibong lapit ay kadalasang
ginagamit sa pagkilala ng mga senaryo, mga estratehiya o pamamaraan ng pagsusuri, pag-
iisip at pagsulat.
Ang ilan sa mga halimbawa ng mga pamamaraan at estratehiyang ginagamit sa mga lapit
na ito ay deskripsiyon o paglalarawan, paglilista, kronolohiya o pagkakasunod-sunod ng
pangyayari, sanhi at bunga, pagkokompara at epekto. Samantala, mayroong tatlong (3) anyo
ang pagsulat sa larangan ng Humanidades batay sa layunin ayon kina Quinn at Irvings (1991). Ang
mga ito ay ang mga sumusunod:
1. Impormasyonal - maaaring isagawa batay sa sumusunod:
a. paktwal ang mga impormasyon bilang background gaya ng talambuhay o
maikling bionote, artikulo sa kasaysayan at iba pa
b. paglalarawan - nagbibigay ng detalye, mga imahe na dinedetalye sa isipan ng
mambabasa, sinasabayan ng kritikal na pagsusuri na karaniwan ay isinasagawa sa
mga akdang pampanitikan gaya ng kritisismo, tula, kuwento, nobela at iba pa
c. proseso - binubuo ng paliwanag kaugnay ng teknik, paano isinagawa at ang naging
result na kadalasan ay ginagawa sa sining at musika
2. Imahinatibo - binubuo ng mga malikhaing akda gaya ng piksyon (nobela, dula,
maikling kwento) sa larangan ng panitikan, gayundin ang pagsusuri dito
3. Pangungumbinse - pangganyak upang mapaniwala o di-mapaniwala ang bumabasa,
nakikinig at nanonood sa teksto o akda. Subhetibo ito kaya’t ang mahalagang opinyon
ay kaakibat ng ebidensya at katuwiran o argumento.
LARANGAN NG AGHAM PANLIPUNAN
Ang Agham Panlipunan ay isang larangang akademiko na pumapaksa sa tao - kalikasan,
mga gawain at pamumuhay nito, kasama ang mga implikasyon at bunga ng mga pagkilos nito
bilang miyembro ng lipunan. Tulad ng Humanidades, tao at kultura ang sakop nito subalit
itinuturing itong isang uri ng siyensiya o agham. Lapit siyentipiko ang gamit bagamat iba-iba ito
depende sa disiplina. Ito ay gumagamit ng sarbey, obserbasyon, pananaliksik sa larangan, at mga
datos na sekondarya. Ang pagsusuri o metodolohiya dito ay dayakroniko (historikal) at sinkroniko
(deskriptibo). Malaki ang naging impluwensya ng Rebolusyong Pranses (1789-1799) at
Rebolusyong Industriya (1760-1840) sa pagkabuo ng larangan sa Agham Panlipunan. Kinikilala
sa larangan ng Agham Panlipunan sina Diderot, Rousseau, Francis Bacon, Rene Descartes, John
Locke, David Hume, Isaac Newton, Benhjamin Franklin, Thomas Jefferson, gayundin sina Karl
Marx, Max Weber, Emilie Durkheim, at marami pang iba.
Proseso
Sa kalahatan, may sinusunod na proseso sa pagsulat sa Agham Panlipunan. Ang mga ito
ay ang sumusunod:
a. Pagtukoy sa genre o anyo ng sulatin gaya ng binanggit sa itaas.
b. Pagtukoy at pagtiyak sa paksa. Wala pa bang nakapgatatalakay nito? Kung mayroon
na, ano ang bagong perspektibang dala ng pagtalakay sa paksa? Paano ito maiiba?
c. Paglilinaw at pagtiyak sa paksang pangungusap. Karaniwang sa simula inilalagay ito
ngunit maaari ding sa gitna o sa hulihan. Sa ibang pagkakataon, hindi ito isinusulat
ngunit nalilinaw sa takbo ng pagtalakay.
d. Pagtiyak sa paraan ng pagkuha ng datos. Maaaring gamitin ang interbyu, mass media,
internet, social media at new media, aklatan, sarbey, focus-group discussion,
obserbasyon at iba pa.
e. Pagkalap ng datos bilang ebidensya at suporta sa tesis.
f. Analisis ng ebidensya gamit ang lapit sa pagsusuring kuwantatibo, kuwalitatibo,
argumentatibo, deskriptibo, at etnograpiko.
g. Pagsulat ng sulatin gamit ang lohikal, malinaw, organisado (simula, gitna at wakas),
angkop, sapat at wastong paraan ng pagsulat.
h. Pagsasaayos ng sanggunian at talababa sa mga ginamit na sulatin ng ibang may-akda.
Layunin ng Pagsasalin
1. Magdagdag ng mga impormasyon at kaalaman mula sa pag-aangkat ng mga kaisipan
mula sa ibang wika.
2. Mailahok sa pambansang kamalayan ang iba’t ibang katutubong kalinangan mula sa
iba’t ibang wikang rehiyonal at pangkating etniko sa bansa.
3. Mapagyaman ang kamalayan sa iba’t ibang kultura mula sa pagbubukas ng bagong
mundo mula sa mga salin.
Uri ng Pagsasalin
1. Pagsasaling Pampanitikan - nilalayon na makalikha g obra maestra batay sa orihinal
na akdang nakasulat sa ibang wika
2. Pagsasaling siyentipiko-teknikal - komunikasyon ang pangunahing layon
Ayon kay Tanawan et al., (2007) malaking tulong din sa mabilis na paglaganap ng Kristiyanismo
at pag-aaral sa gramatika at bokabularyo ang pagpangkat sa mga prayle sa apat na orden na
naitalaga sa iba’t ibang bahagi sa bansa. Ang mga Dominican ay naitalaga sa Pangasinan at
Cagayan, ang mga Franciscan ay sa Camarines, ang mga Heswita ay sa kalahati ng Bisaya at ang
mga Agustinian naman ay sa isa pang kalahati ng Bisya, Ilocos at Pampanga. Nagkaroon ng
sariling imprentahan ang mga lugar na ito upang higit na maging mabilis ang pagpapalaganap ng
Kristiyanismo at pagsulat ng mga aklat at babasahin tungkol sa pag-aaral ng wika at gramatika.
Samantala, naging hudyat ng pagsisimula ng kasaysayan ng imperyalismong Amerikano
sa bansa noong pumirma ang Estados Unidos at Espanya sa Kasunduan sa Paris noong ika-10 ng
Disyembre 1898 na simula naman ng pagwawakas ng kasaysayan ng pananakop ng España. Batay
sa kasunduan, ang pagsakop ng Estados Unidos sa Pilipinas ay may layuning: 1) ekspansyong
ekonomiko; 2) pagtatayo ng depensang militar at pandagat sa Asya-pasipiko; at 3) pagpapalaganap
ng protestantismo (San Juan et al., 2019).
Tulad ng nabanggit sa kasaysayan, nabigyan ng halaga ang edukasyon sa bansa noong
panahon ng mga Amerikano. Kapwa nabigyan ng pagkakataong makapag-aral ang mahihirap at
mayayaman kung saan mga sundalong Amerikano ang nagsilbing mga guro na higit na kilala sa
tawag na Thomasites. Buong-laya nilang itinuro ang wikang Ingles sa mga Pilipino na naging daan
upang yumabong at yumaman ang panitikang Filipino sa wikang Ingles. Kasabay nito ang pag-
usbong ng pagsasalin upang higit na maunawaan ng mga Pilipino ang mga panitikang ito. Hindi
mabilang ang mga tula, dula, maikling kwento, nobela at sanaysay na naisalin sa Filipino.
Kadalasang pag-ibig, kabiguan, pag-asa, nasyonalismo at iba pa ang paksa ng mga akdang-
pampanitikan lalo na ang mga tula. Ang mga maikling kwento at nobela ang higit na nagpayabong
sa edukasyong hatid ng Estados Unidos sa bansa sapagkat sumasalamin ito sa mga pangyayari sa
buhay ng mga bansang pinagmulan nito. Naghatid ito ng iba’t ibang kaalaman, kultura, karanasan
at kasaysayan ng iba’t ibang lahi sa mundo.
Iba naman ang estratehiyang ginamit ng mga Hapon upang mapaniwala ang mga Pilipino
sa kanilang adhikain sa bansa. Ayon pa rin kina San Juan et al., ang Greater East Co-Prosperity
Sphere na may slogang Asyano para sa mga Asyano ang propagandang inilahad ng mga Hapon sa
mga Pilipino. Ang panahong ito ang itinuring na Gintong Panahon ng Panitikan dahil sa paggamit
ng wikang Tagalog o Pilipino (Filipino ngayon) sa pagsulat at pilit na pag-aalis sa sistema ng mga
Pilipino ng wikang Ingles. Ilang mga akdang pampanitikan din ang naisalin noong panahong ito.
Kadalasang may paksang politikal at panlipunan ang mga dula noon samantalang ang mga
maiikling kwento naman ay nasa anyong panitikang pambata.
Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pagsasalin, hindi lamang ng iba’t ibang akdang
pampanitikan kung hindi maging mga teknikal na akda. Naging napakalaking pangangailangan ng
pagsasalin sa kasalukuyang panahon dahil sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya ng kompyuter
at komunikasyon. Dahil dito, lalong lumakas ang pagkakakapit ng wikang Ingles sa mga Pilipino
dahil sa paniniwalang ito ang wika ng globalisasyon. Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng
wika sa buhay ng bawat mamamayan, subalit mawawalan ito ng saysay o kabuluhan kung hindi
ito maiintindihan ng mga taong nakikinig o makababasa nito. Dito pumasok ang pagsasalin, kung
saan kailangan ang puspusang pagpapayabong at pagtataguyod sa gawaing ito. Ang mga dalubhasa
ay puspusan ang ginawa/ginagawang pagsasalin sa mga pinakamahuhusay na akda, lokal man o
banyaga upang lubos na maipabatid sa mga Pilipino ang diwa at ganda ng iba’t ibang kultura at
kahusayan ng iba’t ibang kaalaman. Nakilala sa gawaing ito sina Rufino Alejandro, Belvez Paz,
Virgilio Almario, Buenvinido Lumbera at marami pang iba.
Nakikipagtulungan naman ang KWF, bilang isang konstitusyonal na ahensya, sa gawaing
ito. Patuloy ang isinasagawa nilang pagsasalin ng mga klasiko at pinakamahuhusay na akdang
pampanitikan sa daigdig. (Bisitahin ang kanilang website, www.kwf.gov.ph upang makita ang ilan
sa mga akdang kanilang isinalin.)