You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF AURORA
KAMALATAN ELEMENTARY SCHOOL
CAMALATAN, NONONG SR. SAN LUIS, AURORA

TABLE OF SPECIFICATIONS
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
S.Y. 2022-2023
FILIPINO 5

No. of Item
OBJECTIVES Code
Items Placement

Naiuugnay ang sariling karanasan sa napakinggang teksto F5PN-Ia-4 5 33-37

Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan at panghalip sa


pagtalakay tungkol sa sarili,sa mga tao,hayop, lugar, bagay at F5WG-Ia-e-2
5 38-42
pangyayari sa paligid; sa usapan; at sa paglalahad tungkol sa F5WG-If-j-3
sariling karanasan

Nasasagot ang mga tanong sa binasa/napakinggang kuwento F5PB-Ia-3.1


5 1-5
at tekstong pang-impormasyon F5PB-Ic-3.2 ]

Naipahahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa isang


F5PS-Ia-j-1 2 43-44
napakinggang balita, isyu o usapan

Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto gamit ang


1 50
sariling salita

Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto sa tulong ng


F5PS-IIh-c-6.2 5 45-49
mga pangungusap

Naibibigay ang paksa ng napakinggang kuwento/usapan F5PN-Ic-g-7 2 31-32

Address: Sitio Camalatan, Brgy. Nonong Sr. San Luis, Aurora, 3201
Telephone No.: 09303401228
Facebook Page: Kamalatan ES
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF AURORA
KAMALATAN ELEMENTARY SCHOOL
CAMALATAN, NONONG SR. SAN LUIS, AURORA

Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di- F5PT-Ic-1.15


pamilyar na mga salita sa pamamagitan ng tono o damdamin, F5PT-Ij-1.14
5 26-30
paglalarawan, kayarian ng mga salitang iisa ang baybay F5PT-IId-9
ngunit magkaiba ang diin at tambalang salita F5PT-IIe-4.3

Nabibigyang-kahulugan ang bar graph, pie, talahanayan at


F5EP- If-g-2 20 6-25
iba pa

Prepared by:

MILKY JOY A. TRAQUIÑA


Adviser

Reviewed by: Approved by:

RANDY D. ANASAN HELEN M. LICAUAN


MT-I School Principal II

Address: Sitio Camalatan, Brgy. Nonong Sr. San Luis, Aurora, 3201
Telephone No.: 09303401228
Facebook Page: Kamalatan ES
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF AURORA
KAMALATAN ELEMENTARY SCHOOL
CAMALATAN, NONONG SR. SAN LUIS, AURORA

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


S.Y. 2022-2023
FILIPINO 5

Pangalan: __________________________________________ Marka: ________________

A. Panuto: Basahing mabuti ang kuwento. Sagutin ang mga tanong tungkol sa binasa.

Madyik sa Lumang Kahon Ni Lolo Ute


Neil Omar B. Gamos

Tuwing araw ng Linggo ay isinasama ako ni Nanay na bumisita kay Lolo Ute. Pero buhat nang magkasakit
siya ay natatakot na ako sa kaniya dahil sa tingin ko, isa siyang salamangkero at may madyik ang kaniyang lumang
kahon. Kaya nitong baguhin si Lolo! Tuwing bubuksan niya ito ay bigla siyang nagbabago. Minsan ay tumatawa siya
at minsan naman ay umiiyak.
Minsan, habang abala si nanay sa paghahanda ng aming pagkain ay sinundan ko si Lolo Ute papunta sa
kaniyang antigong tumba-tumba. Sobrang lungkot ng kaniyang mukha. Ilang sandali pa ay pumikit si Lolo Ute at tila
may ibinulong sa lumang kahon. Binuksan na niya ito at nagulat ako nang may inilabas siyang isang papel na kulay
kape.
Binasa ni Lolo ang nakasulat dito at bigla siyang nagbago.
“Wahahahaha!Wahehehehe!” humahagalpak katatawa si Lolo. “May madyik talaga ang lumang kahon ni
Lolo!” nasabi ko sa sarili ko. “Hindi kaya isang salamangkero si Lolo Ute at sa mga papel na kulay kape na iyon
nakasulat ang kaniyang mga lihim na salamangka?” nagtataka kong naibulong sa aking sarili.
Isang dapit-hapon, habang siya ay nasa kaniyang kama ay tinawag niya ako. “Beng, maaari mo bang iabot sa
akin ang tungkod ko?” pakiusap ni Lolo Ute. Sumunod ako kahit natakot ako dahil naalala ko ang kuwento sa akin ni
Tatay na ang mga salamangkero raw ay gumagamit ng mahiwagang tungkod.
“Salamagkero nga si Lolo Ute!” hindi ko na alam ang aking gagawin. Pagkaabot ko ng tungkod kay Lolo
Ute ay dali-dali akong nagtago sa likod ng pinto at pinagmasdan ko kung ano ang kaniyang susunod na gagawin.
Kinuha niya ang kaniyang lumang kahon. Susunod ay hinawakan niya ang kaniyang tungkod at pinilit na
makatayo. Awang-awa ako sa kaniya habang pinagmamasdan siyang hirap na hirap na lumakad papunta sa kaniyang
antigong tumba-tumba. At bago niya bukasan ang lumang kahon ay tila may ibinulong muli siya rito. Pagkatapos ay
binasa na niya ang nakasulat sa isang papel na kulay kape.
“Wuhohohoho! Wuhuhuhuhu!” isang mahina subalit nakaaatig na pagtangis ang nakita ko kay Lolo Ute.
“Bakit kaya siya umiiyak? Ano ba talaga ang meron sa lumang kahon na iyon?”sunod-sunod ang tanong sa
aking isipan. Nais ko sana siyang lapitan subalit inaya na ako ni Nanay na umuwi dahil may pasok pa ako bukas sa
paaralan.
Nang sumunod na Linggo, kinukulit ko si Nanay na dalawin namin si Lolo Ute pero hindi na raw puwede.
“Bakit po bawal na nating dalawin si Lolo? Dahil po ba isa siyang salamangkero?” tanong ko kay Nanay. Niyakap
niya ako at sinabing “Hindi isang salamangkero ang Lolo Ute mo. Ngayon ay isa na siyang ganap na anghel sa langit
kasama ang Lola Maria mo,” paliwanag ni Nanay. Hindi ko mapigilang tumulo ang luha ko sa sinabi ni Nanay. Hindi
ko na pala makikita si Lolo Ute.
Isang araw, kahit hindi ko pa rin kayang bumalik sa bahay ni Lolo Ute ay sumama ako kay Nanay para
maglinis. Hinanap ko kaagad ang kaniyang lumang kahon at tungkod. Pagkatapos ay naupo ako sa kaniyang antigong
tumba-tumba. Bago ko buksan ang lumang kahon ni Lolo ay pumikit ako at bumulong dito “Gusto kong maging
masaya katulad ni Lolo Ute.” Nang buksan ko ito ay mga puting-puting papel na nakaibabaw sa mga papel na kulay
kape ang aking nakita. Kumuha ako ng isa at binuksan ko para basahin.
“Wahahahaha! Wahehehehe!” dumagundong ang malakas kong tawa sa buong bakuran habang binabasa ang
liham na iniwan sa akin ni Lolo Ute. Ang sarap balikan ang mga alaalang aming pinagsamahan noong malakas pa
siya.
“Naalala mo pa ba Beng noong hinabol tayo ng aso habang namimitas tayo ng bayabas ng kapit-bahay
natin?” sabi sa liham ni Lolo Ute sa akin.
“Salamagkero nga ang Lolo ko! May Madyik sa lumang kahon niya!” sigaw ko. Kahit wala na siya ay kaya pa
rin niya akong pasiyahin gamit ang lumang kahon niya. Sa loob din ng lumang kahon ay may mga liham din si Lola
Maria para kay Lolo Ute. Nakasulat ito sa mga papel na kulay kape, pero ayaw ko nang basahin kasi baka magalit si
Lolo sa akin.

1. Bakit natatakot si Beng sa kaniyang Lolo?


A. Dahil iniisip niyang isang albularyo ang kaniyang lolo
B. Dahil iniisip niyang isang mangkukulam ang kaniyang lolo
C. Dahil iniisip niyang isang mambabarang ang kaniyang lolo
D. D. Dahil iniisip niyang isang salamangkero ang kaniyang lolo
2. Paano nagkaroon ng madyik ang lumang kahon ni Lolo Ute?
A. kaya nitong pabatain si Lolo Ute
B. kaya nitong pasayahin si Lolo Ute
C. kaya nitong palungkutin si Lolo Ute
D. kaya nitong baguhin ang damdamin ni Lolo Ute
3. Ano ang nasa loob ng madyik kahon?
A. awit C. salamangka
B. liham D. sumpa
4. Paano napasaya si Beng ng madyik kahon?
A. akasulat sa mga papel ng mga sumpa
B. nakasulat sa mga papel ng mga biruan nila
C. nakasulat sa mga papel ng mga salamangka
D. nakasulat sa mga papel ng mga masasayang alaala nila
5. Bakit naisip ng Beng na totoong salamangka si Lolo Ute?
A. Dahil napasasaya siya ng mga awit na nasa loob nito
B. Dahil napasasaya siya ng mga liham na nasa loob nito
C. Dahil napasasaya siya ng mga sumpa na nasa loob nito
D. Dahil napasasaya siya ng mga salamngka na nasa loob nito

B. Panuto: Sagutin ang mga tanong gamit ang mga graph na nasa baba. Bilugan ang titik ng iyong sagot.

Normal na Timbang ng mga Bata


40

30

20
Timbang
10

0
Hulyo Agosto Setyembre Oktubre Nobyembre
6. Ilang bata ang may normal na timbang noong Hulyo?
A. 25 B. 30 C. 35 D. 40
7. Ilang bata ang may normal na timbang noong Agosto?
A. 25 B. 30 C. 35 D. 40
8. Ilang bata ang may normal na timbang noong Nobyembre?
A. 25 B. 30 C. 35 D. 40
9. mga buwan ang may pantay na bilang ng mga baAnong tang normal ang timbang?
A. Hulyo at Oktubre C. Oktubre at Nobyembre
B. Setyembre at Oktubre D. Agosto, Setyembre at Nobyembre

Budget ng mga pangangailangan ng Pamilya ni Mang Kanor


tubig at kuryente, 5%
tirahan, 10%

pananamit, 10%

pag-iimpok, 10 %
pagkain, 45%

pag-aaral, 20 %

10. Ilang bahagdan sa kita ng mag-anak ang para sa edukasyon?


A. 5% B. 10% C. 20% D. 45%
11. Ilang bahagdan sa kita ng mag-anak ang para sa pagkain?
A. 5% B. 10% C. 20% D. 45%
12. Ilang bahagdan sa kita ng mag-anak ang para sa tubig at kuryernte?
A. 5% B. 10% C. 20% D. 45%
13. Aling pangangailangan ang may pinakamaliit maliit na bahagdan?
A. pag-aaral C. pagkain
B. pag-iimpok D. tubig at kuryente
14. Aling pangangailangan ang may pinakamalaking bahagdan?
A. pag-aaral C. pagkain
B. pag-iimpok D. tubig at kuryent
Buwanang Konsumo ng Kuryente ng Pamilya Azores sa taong 2021
Buwan Bilang
Enero
Pebrero
Marso
Abril
Mayo
Hunyo
Hulyo
Agosto
Setyembre
Oktubre
Nobyembre
Disyembre
1 = 25 kilowatt

15. Ilang kilowatt ang nakonsumo ng pamilya Santos sa buwan ng Enero?


A. 50 B. 100 C. 125 D. 150
16. Anong buwan ang may pinakamalaking konsumo?
A. Abril B. Hulyo C. Marso D. Mayo
17. Anong buwan ang may pinakamaliit konsumo?
A. Abril B. Marso C. Hulyo D. Setyembre
18. Magkano ang lahat ang konsumo mula Nobyembre hanggang Disyembre?
A. 250 B. 350 C. 300 D. 400
19. Magkano ang lahat ang konsumo mula Setyembre at Disyembre?
A. 175 B. 250 C. 600 D. 800

Buwanang Konsumo ng Tubig ng Pamilya ni Aling Marites


sa Taong 2021
0.12

0.1

0.08

0.06

0.04

0.02

0
tirahan pananamit pag-iimpok tubig at kuryente pag-aaral
20. Tungkol saan ang graph sa itaas?
A. Buwanang konsumo ng tubig ng pamilya ni Aling Marites sa taong 2020
B. Buwanang konsumo ng tubig ng pamilya ni Aling Marites sa taong 2021
C. Buwanang konsumo ng kuryente ng pamilya ni Aling Marisa sa taong 202
D. Buwanang konsumo ng kuryente ng pamilya ni Aling Marites sa taong 2021
21. Sinimulan nila ang pulong sa pamamagitan ng eleksyon para sa mga magiging lider sa paaralan. Ano ang
ibig sabihin ng eleksyon?
A. awitan C.halalan
B. bayanihan D. tula
22. Nagkaroon ng debate ang mga lider ng mga mag-aaral tungkol sa tuntunin dapat sundin sa loob ng paaralan.
Ang ibig sabihin ng debate ay ________________.
A. paghahain C. pagtatalo
B. pagluluto D. pagtuturo

23. Tayo ay nasa isang bansa demokrasya, kaya nagagawa natin ang ating ninanais gawin ayon sa batas. Ang
demokrasya ay ______________.
A. madaya C. masaya
B. malaya D. payapa
24. Hindi nalapit sa gulo ang taong mabuti sapagkat siya umiiwas dito. Alin ang salitang kasalungat ng salitang
umiiwas?
A.away C. lumalapit
B. gulo D. lumalayo

25. Masigasig akong mag-aaral Ano ang kasingkahulugan ng salitang masigasig?


A. inaantok C. masipag
B. maingay D. tamad

C. Panuto: Bigyang-kahulugan ang tambalang salita na may salungguhit sa bawat pangungusap. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.

26. Nagsusumikap ang mga taong-grasa na mamuhay ng marangal sa kabila ng hirap na dinaranas.
A. mayaman B. mahirap C. marangya D. dukha
27. Mahirap biruin ang mga taong balat-sibuyas.
A. matapang B.matampuhin C. malungkutin D. malakas ang loob
28. Takipsilim na nang dumating ang aking mga magulang mula sa bukid.
A. umaga na B.madilim na C. tanghali na D. lumulubog na araw
29. Madaling kausapin ang mga taong pusong-mamon.
A. mahinhin B. maawain C. malambot D. masayahin
30. Madalas na nagtataingang-kawali ang aking kapatid kapag inuutusan.
A. malaki ang tainga C. nagbubulag-bulagan
B. nagbibingibingihan D. may deperensiya sa pandinig

D. Panuto: Isulat ang paksa ng mga sumusunod na talata sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong.

Isang natatanging pagdiriwang ang Sunduan. Nagmula ito sa kaugaliang hindi umaalis sa bahay ang dalaga
nang nag-iisa. Sinusundo at sinasamahan siya sa kanyang pupuntahan. Binubuhay ang kaugaliang ito tuwing sasapit
ang pista ng bayan ng Parañaque.

31. Tungkol saan ang seleksiyon? _______________________________________________________________

Rayang: Bal, kumusta naman ang iyong proyekto? Naipasa mo ba ito?


Bal: Opo, inay, natuwa ang aking guro dahil maganda at kakaiba ang ginawa kong drowing na nagpapakita ng
pagtulong ng mga kabataan sa kalinisan ng barangay.
Bert: Ganyan nga, pag-iigihan ninyo ang inyong pag-aaral nang makapagtapos kayo at maabot ang inyong mga
pangarap.

32. Ano ang pinag-uusapan ng mag-anak? ____________________________________________________

E. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga susunod na tanong. Piliin ang angkop na kaisipan sa mga sitwasyon
sa bawat bilang. Isulat ang letra ng iyong sagot sa papel.

33. Nakita mo ang isang batang naglalakad sa kalye at walang kasama. Ano ang iyong gagawin?
A. Tatanungin ang pangalan ng bata at kung taga-saan siya.
B. Hahayaan ang bata sa paglalakad.
C. Isusumbong sa Kapitan ng barangay.
D. Ihahatid sa kanyang mga magulang.
34. Nais mong makapasa sa pagsusulit. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi mag-aaral ng leksiyon. C. Mag-aaral palagi.
B. Manonood na lang ng mga palabas. D. Mangongopya sa katabi.
35. Nakita mong may nagtapon ng basura sa sahig ng inyong silid-aralan. Ano ang gagawin mo bilang mag-aaral?
A. Isusumbong sa titser.
B. Pagsasabihan na pulutin ang kaniyang basura.
C. Hindi ko siya pagsasabihan.
D. Hahayaan ko na lamang siya.
36. Napansin mong umiiyak ang iyong kaklase dahil wala siyang baon. Ano ang gagawin mo?
A. Bibigyan ko siya ng pagkain. C. Pagsasabihan ko siya na huwag mag-ingay.
B. Hahayaan ko siyang umiyak. D. Bibigyan ko siya ng pera.
37. Sa mga nagdaang bagyo, naranasan mong masira ang inyong bahay. Kung nababalita sa radyo ngayong umaga na
may darating na bagyo, ano ang iyong mabuting gawin?
A. Maghahanda nang mabuti.
B. Hayaan ang mga magulang na sila ang maghanda.
C. Hindi tutulong sa mga magulang.
D. Magdadasal upang hindi matuloy ang bagyo.

F. Panuto: Basahin at suriin ang mga pangungusap. Isulat sa sagutang papel kung ang pangngalang may diin at
salungguhit ay pambalana, pantangi, tahas, basal o lansakan.
__________________38. Umaapaw sa kaligayahan ang aking puso sa iyong ibinalita.

__________________39. Si Ginoong Reyes ay mabait at mapagbigay sa mga nangangailangan.

__________________40. Binigyan ako ng aking anak ng isang dosenang rosas.

__________________41. Ang aking mga kaibigan ay masayang naglalaro sa bakuran.

__________________42. Bumili ako ng isang kahong tubig.

G. Panuto. Isulat ang iyong reaksiyon tungkol sa pahayag sa ibaba.

Estudyante…. Naistranded!

Umihip ang hangin at bumuhos ang malakas na ulan. Nabasa ang mga estudyanteng papasok sa kanilang mga
klase kahit pa may dala silang payong. Nagtrapik sa mga lansangan dahil may ilang lugar na tumaas ang tubig.
Nagbanggaan ang dalawang sasakyan dahil sa madulas ang kalsada. Sumimangot na ang mga pasahero dahil mahuhuli
na sila sa kani-kanilang pupuntahan. Samantala, dahil sa biglang pagbuhos ng ulan at balitang mga pagbaha sa ilang
lansangan, nag-anunsyo ang pangasiwaan ng paaralan na suspendido na ang klase. Sinuspinde man ang klase, hindi
rin makauwi ang mga estudyante. Malakas pa ring bumubuhos ang ulan. Naghihintay silang tumila ang ulan habang
nagaabang ng masasakyan pauwi. Ginabi na ang mga naistranded bago nakauwi. - Halaw mula sa google.com

(43-44). Kung ikaw ang tatanungin, papasok ka pa ba sa paaralan kung malakas na ang ulan? Bakit?

H. Panuto: Basahin ang kuwento sa ibaba at pagsunud-sunurin ang mga pangyayari sa pamamagitan ng paglalagay ng
bilang 1-5.

Ang kuneho ay nagyayabang tungkol sa kanyang bilis sa harap ng iba pang mga hayop at hinamon ang
sinoman sa kanila sa isang paligsahan. Tinanggap ng pagong ang hamon nito. Sa una’y inisip ng kuneho na ito ay
isang biro lamang, ngunit seryoso ang pagong. Sinimulan ang paligsahan. Sa simula ay buong bilis na tumakbo ang
kuneho. Napansin niyang sobrang layo na ng pagong at pinagtatawanan niya ito. Nagpasya siyang umidlip muna
sapagkat sa wari niya’y wala nang pag-asa pang makahabol ang pagong. Subalit ang pagong, kahit mabagal ay
patuloy na naglakad. Nang magising ang kuneho ay malapit na sa dulo ng karera ang pagong at hindi na niya kaya
pang habulin kahit anong bilis pa niya.

____45. Nang magising ang kuneho ay malapit na sa dulo ng karera ang pagong at hindi na niya kaya pang habulin
kahit anong bilis pa niya.

____46. Sinimulan ang paligsahan at sa simula ay buong bilis na tumakbo ang kuneho.

____47. Ang pagong, kahit mabagal ay patuloy na naglakad.

____48. Nagpasya siyang umidlip muna sapagkat sa wari niya’y wala nang pagasa pang makahabol ang pagong

____49. Napansin niyang sobrang layo na ng pagong at pinagtatawanan niya ito.

I. Panuto: Pakinggang mabuti ang talatang babasahin ng iyong guro. Isalaysay ang kuwento sa pamamagitan ng
pagsagot sa mga tanong.

50. Paano nagpasalamat si Ariel sa taong tumulong sa kaniya?


Para sa aytem 50. (babasahin ng guro)

Maagang nagising si Ariel. Naligo kaagad at nagsimulang magbihis ng kaniyang bagong uniporme. Ngunit sa hindi
inaasahang pagkakataon, sinilip niya ang ilalim ng kaniyang kama. Binuksan muli ang kaniyang kabinet. Pero wala
ang kaniyang hinahanap.

“O, Ariel, matagal ka pa ba diyan?”

“Hinahanap ko po kasi ang kapares ng aking medyas.”

“Hindi ba yang nasa balikat mo?”

“Ay, andito lamang pala. Salamat po,” sabay kamot sa kaniyang ulo.

Kasunod nito ang isang mahigpit na yakap at isang matunog na halik na ibinigay sa kaniyang nanay

You might also like