You are on page 1of 11

BUYON ELEMENTARY SCHOOL

Bacarra District I

TABLE OF SPECIFICATION
FILIPINO 3
DIAGNOSTIC TEST
Most Essential Learning Grading Number of Number Placement of
Competency Period Days of Items Item
MELC Taught
Nagagamit sa usapan ang mga Quarter 1 3 4 1, 2, 3, 4
salitang pamalit sa ngalan ng tao
(ako, ikaw, siya, kami, tayo, kayo at
sila,)
F3WG-Ie-h-3,F3WG-IIg-j-3
Nagagamit ang magalang na Quarter 1 3 3 5, 6, 7
pananalita na angkop sa sitwasyon
(pagbati, pakikipag–usap, paghingi
ng paumanhin, pakikipag-usap sa
matatanda at hindi kakilala, at
panghihiram ng gamit)
F3PS-If-12, F3PS-IIb-12.5
Nailalarawan ang mga elemento ng Quarter 1 3 3 8, 9, 10
kuwento (tauhan, tagpuan, banghay)
F3PBH-Ie-4 F3PB-IIb-e-4
Nakakagamit ng pahiwatig upang Quarter 2 5 5 11, 12, 13, 14,
malaman ang kahulugan ng mga 15
salita tulad ng paggamit ng mga
palatandaang nagbibigay ng
kahulugan (katuturan o kahulugan ng
salita, sitwasyong pinaggamitan ng
salita, at pormal na depinisyon ng
salita)
3PT -Ic -1.5 F3PT -IIc -1.5 FPT -
IId -1.7 F3PT -IIIa -2.3

Naikokompara ang mga kuwento sa Quarter 2 5 5 16, 17, 18, 19,


pamamagitan ng pagtatala ng 20
pagkakatulad at pagkakaiba
F34AL -IIe -14

Naibibigay ang mga sumusuportang Quarter 3 3 3 21, 22, 23


kaisipan sa pangunahing kaisipan ng
tekstong binasa
F3PB-IIIe-11.2
Nasisipi nang wasto at maayos ang Quarter 3 3 3 24, 25, 26
mga liham
F3KM-IIa-e-1.2
Naibibigay ang sariling hinuha bago, Quarter 3 3 4 27, 28, 29, 30
habang at pagkatapos mapakinggang
teksto
F3PN-IIIf-12
Nagagamit ang mga salitang kilos sa Quarter 4 5 5 31, 32, 33, 34,
pag-uusap tungkol sa iba’t ibang 35
gawain sa tahanan, paaralan, at
pamayanan
F3WG-IVe-f-5 F3WG-IVe-f-5
Nababasa ang mga salitang Quarter 4 5 5 36, 37, 38, 39,
hiram/natutuhan sa aralin 40
F3PP-IVc-g-2
Total 40 40

Prepared by:

ARDELINA U. CORCUERA Checked and Reviewed:


Teacher III
HAZEL G. DACANAY Approved:
Master Teacher I
VENCHITO F. GALARIO
Head Teacher III

BUYON ELEMENTARY SCHOOL


Bacarra District I

FILIPINO 3
DIAGNOSTIC TEST
Pangalan: ______________________________________________ Iskor: _________
I.A. Basahin ang pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang sagot para mabuo ang
pangungusap.
1. Si Gng. Santos ang guro ko. __________ ay magaling magturo.
a. Ako b. Siya c. Ikaw
2. Binuksan ko ang aking kompyuter. Gagawa _____ ng aking takdang-aralin
a. tayo b. kami c. ako
3. Maagang gumising sina Lina at Lino. _____ ay magsisimba sa bayan.
a. Sila b. Kayo c. Ikaw
4. Elena, wala sa ibabaw ng mesa ang aklat ko. _____ ba ang kumuha?
a. Ikaw b. Kami c. Tayo
B. Tukuyin ang magalang na pananalita sa pangungusap. Bilugan ang letra lamang.
5. _____, Ana, pwede bang ikaw muna ang maghugas ngayon. Masakit kasi ang ulo ko
a. Pakiusap b. Maraming Salamat c. Opo
6. _____ sa pagtulong mo sa paggawa ng aking proyekto sa Filipino!
a. Sori b. Walang anuman c. Salamat
7. _____ Susan! Ikaw ang nagkamit ng unang karangalan sap ag-awit.
a. Congratulations! b. Ingat c. Paalam
C. Piliin sa loob ng kahon at isulat sa patlang ang mga elemento ng kuwento na tinutukoy sa
pangungusap.
8. Ito ang mga pangyayaring naganap sa kuwento.
_________________

9. Ito ang lugar kung saan naganap ang mga pangyayari sa kuwento.
_________________

10. Sila ang mga tao o hayop na gumanap sa kuwento at nagdadala ng suliranin at nagiging
basehan sa kung anong magiging takbo ng kuwento.
__________________

a. Tauhan b. Tagpuan c. Banghay

II.A. Salungguhitan ang salitang maaring gamitin bilang pahiwatig sa unang salita.
11.hugis = matayog maputi tatsulok
12. itim = malinis masama maramot
13. tela = pagkain kasuotan tahanan

B. Piliin at bilugan ang titik ng tamang pahiwatig sa nasalungguhitang salita


14. Maligayang dumating ang mga bata dahil nakapasa sila sa eksamin.
a. malungkot b. napagod c. masaya
15. Kaakit-akit ang ibong si Sky sapagkat ito ay malinis at makulay.
a. kahanga-hanga b. kasuklam-suklam c. kakainis
C. Basahin ang dalawang kuwento at pagkatapos, sagutin ang mga tanong ng TAMA o
MALI.
Ang Bata At Ang Aso

Si Boyet ay may alagang aso. Ang tawag niya dito ay Tagpi. Puting-puti ang makapal na balahibo ni Tagpi.
Sa bandang likod ay mayroon itong isang malaking tagpi na kulay itim. Iyon ang dahilan kung bakit tagpi
ang itinawag ni Boyet sa kanyang aso. Mahal na mahal niya si Tagpi. Palagi niya itong pinaliliguan.
Binibigyan niya ito ng maraming masasarap na pagkain at tubig. Madalas din niya itong ipinapasyal.

“Habol, Tagpi!” sigaw niya habang nakikipag unahan siya sa pagtakbo sa alaga.

Isang araw ay may naligaw na aso sa lugar nina Boyet. Kasing laki ni tagpi ang aso pero kulay tsokolate ito.
Manipis ang balahibo ng tsokolateng aso kaya hindi ito magandang tingnan. Marami pang putik sa katawan
kaya mukha rin itong mabaho. Hindi ito katulad ni Tagpi na ubod ng linis dahil araw-araw niyang
pinaliliguan.
Nakita ng tsokolateng aso si Tagpi. Lumapit ito sa bakod nila at tinahulan ang kanyang alaga. Gagalaw-
galaw pa ang buntot ni Tagpi na parang tuwang-tuwa.

Hindi nagustuhan ni Boyet na makikipaglaro si Tagpi sa marungis na aso. Binugaw niya ang aso pero ayaw
nitong umalis.

“Tsuu,tsuu!” bugaw niya rito.

Ayaw umalis ng aso, panay ang tahol nito kay Tagpi. Nainis si Boyet. Kumuha siya ng mahabang patpat at
hinampas niya ang aso. Nabuwal ito at nag-iiyak.

Hahampasin sana muli ni Boyet ang kulay tsokolateng aso para tuluyan nang umalis pero dumating ang
kanyang tatay, agad siyang inawat nito.

“Huwag mong saktan ang aso, Boyet” sabi ng kanyang ama.

“Ang baho po kasi, Itay! Baka mamaya ay mahawa pa sa kanya si Tagpi,” katwiran niya.

“Paano kung si Tagpi ang mapunta sa ibang lugar at saktan din siya ng mga bata doon. Magugustuhan mo ba
iyon?” tanong ng ama.

Hindi nakasagot si Boyet. Napahiya siya.

Tinulungan nilang makatayo ang aso. Pinabayaan na niya itong makipaglaro kay Tagpi.
Si Maymay at ang Kanyang Aso at Pusa

Nag-iisang anak ni Mang Tibo at Aling Iña si Maymay kung kaya’t parang kapatid na ang turing na sa
kanyang mga alaga. May aso siyang si Bruno at pusa na ipinangalanan niyang si Kiting.

Araw-araw, naglalaro sina Maymay, Bruno, at Kiting. Kahit ang mag-asawa ay nagagalak sa saya sa mukha
ng kanilang nag-iisang anak tuwing nakikipaglaro ito sa mga alaga niya.

Subalit, hindi alam ni Maymay na may inggitan na nangyayari sa pagitan nina Bruno at Kiting. Isang araw,
habang nasa talyer si Mang Tibo nagtratrabaho at si Maymay naman ay sumama kay Aling Iña sa tindahan,
nag-away ang dalawa.

Hindi sinasadyang nalalag si Kiting kay Bruno na siya namang natutulog sa sala ng munting bahay ng
pamilya Santos. Nagising ang aso at nagalit dahil mahimbing na sana ang tulog niya.

Hinabol ni Bruno si Kiting at nang madatnan niya ito ay pinag-kakagat niya. Hindi naman nilakasan ng aso
ang pagkaka-kagat sa pusa pero may nagdulot ito ng mga maliliit na pasa.

Pag-uwi ni Maymay, nagalit siya kay Bruno. Hindi niya ito pinakain habang awang-awa siya kay Kiting.
Nais ng bata na matuto raw ang aso kaya ginawa niya ito kahit masakit rin sa kanya.

Nanghina si Bruno at masakit ang loob niya sa parusa ni Maymay. Umalis ulit si Aling Iña at ang anak niya.
Saktong pag-sarado ng pintuan, itinulak ni Kuting ang kanyang kainan patungo kay Bruno.

Hinang-hina, bumangon ang aso at kinain ang natitirang pagkain sa kainan ng pusa. Si Kuting naman,
umupo lang sa gilid at pinanood lang ang aso na kumain. Nasiyahan si Bruno sa ginawa ng pusa at nagkabati
rin sila.

Subalit, masama pa rin ang loob ng aso kay Maymay. Noong dumating sila ng nanay niya ay hindi ito
lumapit, tanging si Kiting lang. Nilapitan ng bata ang alagang aso at hinimas-himas ang ulo nito.

“Bruno. Galit ka pa rin ba sa akin? Laro na tayo ni Kiting. Ikaw kasi, huwag mo na ulit kakagatin si Kiting,
e, ang liit-liit pa naman niya,” sabi ni Maymay sa aso.
Ipinangako ni Maymay na hinding-hindi na niya papagutoman muli si Bruno. Nagsisi rin siya sa ginawa
niya sa aso at ipinangako niya sa sarili na hinding-hindi na niya paparusahan ang mga alaga kahit ano pa
man ang mangyari.

Parang naintindihan naman ni Bruno ang sinabi ni Maymay at agad-agad itong tumayo at lumapit sa pintuan
– hudyat na gusto na niyang makipaglaro.

Simula noon ay hindi na nag-aaway sina Bruno at Kiting. Hindi na rin nagagalit ang aso sa tuwing hindi
sinasadyang malaglag sa kanya ang pusa at magigising siya mula sa mahimbing niyang tulog.
Araw-araw, dinadalhan ni Maymay ng espesyal na pagkain sina Bruno at Kiting. Nawala na ang takot ng
pusa sa malaking a

__________ 16. Ang dalawang kuwento ay parehong may alagang aso ang mga tauhan.
__________ 17. Parehong batang babae ang tauhan sa dalawang kuwento.
__________ 18. Sa kalagitnaan ng dalawang kuwento, naging masama ang dalawang bata sa
mga aso.
___________19. May mapupulot na aral sa dalawang kuwento na dapat alagaan at mahalin
ang mga hayop.
__________ 20. Sa wakas ng dalawang kuwento, naging mabuti ang mga tauhan sa mga
hayop.

III.A. Basahing mabuti ang mga tekstong nasa loob ng kahon. Bilugan ang titik ng tamang
sagot

Ang COVID-19
Ang coronavirus disease (COVID-19) ay isang nakahahawang sakit na dulot ng bagong
coronavirus. Karamihan sa mga taong magkakaroon ng impeksyon ay makararanas ng hindi
malalang sintomas at gagaling. Ngunit ang iba ay makararanas ng malubhang sakit, lalo na
sa mga matatanda at mga may dati nang karamdaman.

21.Alin ang sumusuportang kaisipan sa tektong binasa?

a.Kailangan ang Social Distancing upang di mahawa sa mga may sakit


b.Gumamit ng mask lalo na kung nasa labas
c.Ang coronavirus disease (COVID-19) ay isang nakahahawang sakit

Kami, ang mga opisyal at kawani ng Kagawaran ng Edukasyon, ay kaisa ng sambayanang


Pilipino sa laban sa pagpuksa ng COVID-19.

Mula sa Central Office hanggang sa aming mga paaralan, ipinangangako namin ang paglaan
ng aming oras at kasanayan para sa ikabubuti ng ating bansa. Mula sa pambansa hanggang sa
lokal na yunit ng pamahalaan at para sa ating matatapang na frontliners, susuportahan namin
ang buong pagsisikap ng gobyerno tungo sa patuloy na paghilom ng ating bansa.
22.Alin ang sumusuportang kaisipan?

a. Pahayag ng pakikiisa ng Kagawaran ng Edukasyon


b. Ang pagbabalik sa paaralan
c. New Normal na pag-aaral

Ang halalan o eleksyon ay isang pormal na proseso ng pagpapasiya kung saan ang
isang populasyon ay pumipili ng mga indibidwal na hahawak sa isang publikong tanggapan.
Ang mga halalan ang karaniwang mekanismo kung saan ang modernong kinatawan
ng demokrasya ay isinasagawa simula ika-17 dantaon.

23.Alin ang sumusuportang kaisipan?

a.Ang magaganap na eleksiyon ngayong taon.


b.Ang halalan o eleksyon ay isang pormal na proseso ng pagpapasiya.
c.Ang halalan ay ginaganap tuwing Mayo ng taon.
B.Sipiin ng wasto (kabit-kabit o cursive writing) at maayos ang liham na nasa loob ng kahon.
(24-26)

Centro San Pablo,


Tagudin, Ilocos Sur
Agosto 25, 2022
Mahal kong kaibigan,
Humihingi ako ng paumanhin dahil hindi ako nakapunta
noong kaarawan mo. Nasa level 3 kasi ang probinsiya namin.
Hayaan mo at papasyalan kati kapag hindi na ganito ang
sitwasyon. Sana mabuti ang inyong buhay diyan kaibigan.
Nagmamahal,
Jessa
C. Hanapin ang hinuha sa mga binasang teksto sa loob ng kahon. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa patlang.

_______27. Nakalimutang isara ni Elsa ang gate paglabas niya.


______ 28. Maraming kinaing tsokolate si Kate habang siya ay nanonood ng telebisyon
kagabi.
_____ 29. Naglaro sa damuhan ang batang tatlong taong gulang na hindi namalayan ng
kanyang ina.
_____ 30. Pagkatapos ng ulan, umakyat si Bernie sa puno ng bayabas.

a. Sumakit ang ngipin niya.


b. Lumabas ang mga alaga nilang aso
c. Nangati ang kanyang mga paa at kamay
d. Nahulog siya dahil basa ang puno

IV.A.Bilugan ang titik ng tamang sagot.


31. Sina Kuya Justine at Sam ay _____ ng mga halaman sa bakuran.
a. nagpupunas b. nagdidilig c. naglilinis
32. Abala naman si Dina sa _____ ng kanyang aklat sa damuhan.
a.paglalaro b. pagkanta c. pagbabasa
33. Si Mang Tony ang ____ sa kanilang bakuran araw-araw.
a. nagwawalis b. naghuhugas c. naglalaba
34. Pakanta kanta na _____ ng pisara sina Elina at Bam.
a. naglalampaso b. nagpupunas c. nagsusulat
35. Ang mga bata kasama ang kanilang guro ay ____ sa paglilinis sa hardin.
a. nagtutulungan b. naghahabulan c. nagtatawanan

36. Alin ang salitang hiram sa mga sumusunod?


a. COVID 19 b. larawan c. upuan
37. Maraming laman ang refrigerator nina Sara.
Alin ang salitang hiram sa pangungusap?
a.Maraming b. refrigerator c. Sara
38. Palaging nanonood ng telebisyon si Mara.
Alin ang salitang hiram sa pangungusap?
a.nanonood b. telebisyon c. Mara
39. Alin sa mga sumusunod ang HINDI salitang hiram?
a. radio b. computer c. laruan
40. Ano ang tawag sa salitang nasalungguhitan? Ang cellphone ni Ana ay bago pa.
a. salitang kilos b. salitang diptonggo c. salitang hiram

You might also like