You are on page 1of 3

Konseptong Papel

Inihanda upang magpaliwanag , magbigay linaw at bigyang kahulugan ang isang konsepto, ideya o
pormula sa isang malinaw na paraan.

Binabanggit nito ang kahalagahan, katangian (abstrak o konkreto man) sa paraang madaling
maunawaan.

Sa pagpapaliwanag o pagbibigay linaw sa konsepto, diwa o purmula ay gumagamit tayo ng iba’t ibang
pamamaraan sa pagpapasya ng mga ideya tulad ng pagbibigay katuturan o definisyon , paglalarawan ,
pagkukumpara, analohiya, pagsasalaysay, pagsusuri, pagtukoy sa pinagmulan ng terminolohiya ,
ilustrasyon at iba pa.

Sa pagpapaliwanag o pagbibigay linaw sa konsepto, diwa o purmula ay gumagamit tayo ng iba’t ibang
pamamaraan sa pagpapasya ng mga ideya tulad ng pagbibigay katuturan o definisyon , paglalarawan ,
pagkukumpara, analohiya, pagsasalaysay, pagsusuri, pagtukoy sa pinagmulan ng terminolohiya ,
ilustrasyon at iba pa.

Laging isaisip na sa pagpapaliwanag ng definisyon o kahulugan ng isang konsepto, ang pagpapaliwanag


ay hindi nakabatay sa kumbensyunal na kahulugan ng terminolohiya ( kahulugan galing sa
diksyunaryo)kundi ibagay ang kahulugan nito sa larangan o kaalamang paggagamitan nito.

Perla P. Ulit (2003), kung gusto nating ipaliwanag ang konsepto ng “pag-ibig’’ ang terminolohiyang ito ay
hindi dapat limitado lamang sa kahulugang ibinibigay ng diksyunaryo na tumutukoy sa ekspresyon ng
isang tao sa iba batay sa pagkakatugma ng kanilang mga karanasan o interes batay sa pagnanasang
sekswal.

Sa pagsulat ng konseptong papel, kailangan ang pagbabasa ng iba’t ibang sanggunian na maaring
mapagkunan ng mga impormasyon tungkol sa konseptong pinagpapakahulugan.

Mga Bahagi Ng Konseptong Papel


1. Panimula(Introduksyon). Dito nagbibigay ng pahapyaw na pahayag bilang motivesyon ukol sa ideya o
konseptong binibigyang kahulugan.

2. Katawan. Sa bahaging ito isinasagawa ang pagbibigay kahulugan sa pamamagitan ng tuwirang


definisyon, paghahambing , pagbibigay halimbawa , pagbibigay katangian at iba pa.

3. Konklusyon. Inilalahad ang kahalagahan o kaugnayan ng isang konsepto sa iba’t ibang paraan,

ANG TALATA

ni Yolanda C. Valencia

A. Napakahalagang matutuhan ng isang tao ang pagsulat ng talata . Ang kakayahang ito ang magiging
daan tungo sa ibayong pagpapaunlad ng kakayahang sumulat nang mas mahahabang diskurso tulad ng
komposisyon at sanaysay . Isa rin itong paraan upang maipahayag ang kanyang damdamin at pag-iisip sa
paraan ng panulat.

B. Ano nga ba ang talata? Sa wikang Ingles, ang salitang “paragraph”(talata sa Filipino) ay nagmula sa
salitang Griyego: “para” na ang ibig sabihin ay “alongside” o magkabilang gilid at ang “graph” na ang ibig
sabihin ay “to write” o sumulat. Noong unang panahon na ang larangan ng panunulat ay ginagamitan ng
manwal na paraan , ang mga eskribano o manunulat ay hindi gumagamit ng indensyon upang ipakita
ang simula ng talata. Sa halip, naglalagay sila ng mga simbolo sa alin man sa magkabilang panig ng
sinusulatan, kaliwa o kanan man , upang magsimula ng bagong ideya. Sa kasalukuyan ang indensyon ay
naging konvensyonal na tuntunin o palatandaan sa pagsisimula ng isang talata.

C. Ang talata ay nangangahulugang isang klaster , isang grupo o serye ng magkakaugnay na pangungusap
na bumubou ng isang diwa. Ang magkakaugnay na pangungusap ay bunga ng nauna o sinusundan nito
at tungo sa susunod pa at lahat ay tumutulong bumou ng isang pangunahing ideya, kapag sinabing ang
mga pangungusap ay bumubou ng isang paksa, nangangahulugan ito na ang mga pangungusap ay
naglalahad ng sapat na nilalaman at may kakayahang ipaliwanag ang paksa sa isang malinaw na paraan.

D. Ang pagsulat ng talata ay maihahalintulad sa paglikha ng larawan. Ang ideyang nagkukubli sa isipan ay
tila mga imaheng nakatago sa hindi pa nabubuong film. Kung ang kemikal ang unti unting nagpapakita
ng mga imahe sa larawan , ang kemistri naman ng mga salita ,parirala at pangungusap ang naglalahad ng
mga nakatagong ideya ng manunulat sa pag –unawa ng mambabasa.
E. Ang mga nabanggit ay sapat na dahilan upang bigyang halaga ang pagkakaroon ng kasanayan sa
pagsulat ng talata.

Pagsusuri Ng Konseptong Papel

I. Panimula o introduksyon( Talata A )

II. Katawan

A. Etimolohiya o pinagmulan ng konsepto ( Talata B )

B. Kahulugan o Katuturan ng talata batay sa pag-aaral( Talata C)

C. Paghahalintulad ng pagsulat ng talata sa pagbuo ng larawan (Talata D )

III. Konklusyon o Wakas pagkilala sa kahalagahan ng pagkakaroon ng ng kasanayan sa pagsulat ng


talata(Talata E)

You might also like