You are on page 1of 24

Pagsulat sa Filipino sa

Piling Larang-Akademiko
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Agenda at Katitikan ng Pulong
Pambungad sa Pilosopiya ng Tao – Ikalabing-isang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Agenda at Katitikan ng Pulong
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

SENIOR HS MODULE DEVELOPMENT TEAM

Author : Angelica V. Tabungar


Co-Author - Content Editor : Benjun S. Marticio
Co-Author - Language Reviewer : Benjun S. Marticio
Co-Author - Illustrator : Angelica V. Tabungar
Co-Author - Layout Artist : Angelica V. Tabungar

Team Leaders:
School Head : Odielon O. Gamboa
LRMDS Coordinator : Jaycee B. Barcelona

DIVISION MANAGEMENT TEAM:


Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, Learning Area : Mila D. Calma
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
Pagsulat sa Filipino sa
Piling Larang -Akademiko
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Agenda at Katitikan ng Pulong
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang-


Akademik at Ikalabing-isang Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa araling Agenda at Katitikan ng Pulong!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay


at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

1
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang- Akademik at


Ikalabing-isang Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Agenda
at Katitikan ng Pulong.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa


iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay


sa aralin. Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

2
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo


upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan
sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang


antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong
Gawain gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng
Pagwawasto mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

3
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang magkaroon ka ng


kaalaman at pag-unawa sa proseso ng pagsulat ng isang Katitikan ng Pulong
gamit ang binuong agenda at makabuo ng isang sintesis sa napag-usapan
bilang isang mahalagang pangangailangan sa industriya ng trabaho.

Matapos ang modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang:


1. Natutukoy ang mahahalagang impormasyon sa isang pulong upang
makabuo ng sintesis sa napag-usapan. (CS_FA11/12PN0j-l-92)
a. Naisasagawa nang mataman ang hakbang sa pagsulat ng
akademikong sulatin gaya ng agenda.
b. Nabibigyang kahulugan ang mga terminong akademiko na may
kaugnayan sa pagsulat ng katitikan ng pulong.
c. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagsulat ng katitikan ng pulong.

4
Subukin

Alamin natin kung gaano kalawak ang iyong kaalaman sa nilalaman ng


modyul na ito. Sagutin ang mga katanungan na nakalahad sa ibaba.

I. Panuto: Ang sumusunod na mga pahayag ay nagsasaad ng mga dapat


tandaan sa pagsulat ng isang Katitikan ng Pulong. Isulat ang BP kung ito ay
isinasagawa Bago ang Pulong, HP naman kung Habang isinasagawa ang
Pulong, at PP kung Pagkatapos ng Pulong.

1. Tiyaking ang gagamitin mong kasangkapan ay nasa maayos na


kondisyon.
2. Itala kung anong oras nagsimula ang pulong.
3. Itala lamang ang mahahalagang ideya o puntos.
4. Gawin o buoin ang katitikan ng pulong pagkatapos na pagkatapos ng
pulong.
5. Gamitin ang adyenda para gawin nang mas maaga ang outline o
balangkas ng katitikan ng pulong.
6. Ipaikot ang listahan ng mga taong kasama sa pulong at hayaang
lasgdaan ito ng bawat isa.
7. Itala at bigyang pansin ang mga mosyon na pagbobotohan o
pagdedesisyunan.
8. Basahin muli ang katitikan ng pulong bago tuluyang ipasa sa
kinauukulan para sa huling pagwawasto nito.
9. Magpasiya kung anong paraan ng pagtatala ng katitikan ang iyong
gagamitin.
10. Sikaping makilala kung sino ang bawat isa upang maging madali para
sa iyo na matukoy kung sino ang nagsasalita sa oras ng pulong.

5
Aralin

1 Agenda / Katitikan ng Pulong

Ang katitikan ng pulong ay isang mahalagang gawain at isang


pangangailangan sa industriya o trabaho. Dito ay matututo kang makibahagi
sa talakayan upang una; makabuo o makagawa ng desisyon, mosyon, o
boto, ikalawa; makapagplano ng mga hakbang na kailangang gawin, at
ikatlo; matukoy at makasubaybay sa mga plano at aksiyon sa loob patungkol
sa pinag-usapan.

Bawat miyembro ng isang pulong ay nagnanais na magkaroon ng isang


payapang pagpupulong. Isang organisadong pagpupulong na may tiyak na
paksang pag-uusapan at may kaakibat na mga layunin.

Ang pakikibahagi sa ganitong gawain ay nagbubunsod upang ikaw ay


makabuo ng bagong ideya o matukoy ang pinakamahalagang kaisipan sa
isang usapan.

Masusubok din dito ang iyong kakayahan sa pagsasaaayos ng mga


kaisipan hinggil sa larangan na iyong kinabibilangan.

6
Balikan

Gamit ang Concept Web, magbigay ngs salita o parirala na na


maaaring iugnay sa paksang nasa loob ng kahon.

A.

AGENDA

B.

PULONG

Marahil gamit ang mga salita o pariralang iyong iniugnay sa paksang


nasa loob ay nabuo na sa iyong isipan ang saklaw ng aralin sa modyul na ito.

7
Palawakin pa natin ang iyong kaalaman tungkol sa paksa sa tulong ng mga
angkop na gawain na nakapaloob sa modyul na ito.

Mga Tala para sa Guro


Ang modyul na ito ay naghahanda sa mga mag-aaral upang
makalikha at mailarawan ang mga hugis ng katawan ayon sa
kung paano ito ginagawa o inilalahad sa isang larawan.

Tuklasin

Sa bahaging ito ay atin nang tatalakayin ang mga impormasyong


nakapaloob ukol sa kahalagahan ng pagkakaroon ng agenda sa isang
pulong. Ang kahulugan, mga bahagi, at hakbang sa pagsulat ng isang
mahusay na agenda.

Agenda: Listahan ng mga tatalakayin sa isang pormal na pagpupulong.


Ayon kay Sudpraser (2014), ang agenda ang nagtatakda ng mga
paksang tatalakayin sa pulong. Ang pagkakaroon ng maayos at
sistematikong agenda ang isa sa mga susi ng matagumpay na pulong.
Napakahalagang maisagawa ito nang maayos at maipabatid sa mga taong
kabahagi bago isagawa ang pulong. Narito ang ilang kahalagahan ng
pagkakaroon ng agenda ng pulong.

1. Ito ang nagsasaad ng mga sumusunod na mga impormasyon:


1.1 Mga paksang tatalakayin
1.2 Mga taong tatalakay o magpapaliwanag ng paksa
1.3 Oras na itinakda para sa bawat paksa
2. Ito rin ang nagtatakda ng balangkas ng pulong tulad ng
pagkakasunod-sunod ng mga paksang tatalakayin at kung gaano
katagal ang pag-uusapan ang mga ito.

8
3. Ito ay nagsisilbing talaan o tseklist na lubhang mahalaga upang
matiyak na ang lahat ng paksang tatalakayin ay kasama sa talaan.
4. Ito ay nagbibigay rin ng pagkakataon sa mga kasapi sa pulong na
maging handa sa mga paksang tatalakayin o pagdedesisyunan.
5. Ito ay nakatutulong nang malaki upang manatiling nakapokus sa mga
paksang tatalakayin sa pulong.

MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG AGENDA

Tandaan na ang mga paksang tatalakayin ay hindi lamang sa isng tao


magmumula kundi manggagaling sa mga taong kasapi sa pulong. Narito ang
mga hakbang na dapat isagawa sa pagsulat ng agenda.

1. Magpadala ng memo na maaaring nakasulat sa papel o kaya naman


ay isang e-mail na nagsasaad na magkaroon ng pulong tungkol sa
isang tiyak na paksa o layunin sa ganitong araw, oras, at lugar.
2. Ilahad sa memo na kailangan nilang lagdaan ito bilang katibayan ng
kanilang pagdalo o kung e-mail naman, kinakailangang magpadala
sila ng kanilang tugon. Ipaliwanag din sa memo na sa mga dadalo,
mangyaring ipadala o ibigay sa gagawa ng agenda ang kanilang
concerns o paksang tatalakayin at maging ang bilang ng minutong
kanilang kailangan upang pag-usapan ito.
3. Gumawa ng balangkas ng mga paksang tatalakayin kapag ang lahat
ng mga agenda o paksa ay napadala o nalikom na. Higit na magiging
sistematiko kung ang talaan ng agenda ay nakalatag sa talahanayan
o naka-table format kung saan makikita ang agenda o paksa, taong
magpapaliwanag, at oras kung gaano ito katagal pag-uusapan.
4. Ipadala ang sipi ng agenda sa mga taong dadalo, mga dalawa o isang
araw bago ang pulong. Bilang paalala ay muling ilagay rito ang layunin
ng pulong, at kung kalian at saan ito gaganapin.
5. Sundin ang nasabing agenda sa pagsasagawa ng pulong.

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGGAMIT NG AGENDA

1. Tiyaking ang bawat dadalo sa pulong ay nakatanggap ng sipi ng


agenda. Ginagawa ito upang matiyak na ang bawat taong dadalo
sa pulong ay may sapat na kaalaman hinggil sa mga paksang pag-
usapan.
2. Talakayin sa unang bahagi ng pulong ang higit na mahahalagang
paksa. Ginagawa ito upang matiyak na kung kulangin man ang oras
para sa pagpupulong ay natalakay na ang mahahalagang paksa.

9
3. Manatili sa iskedyul ng agenda ngunit maging flexible kung
kinakailangan. Tiyakin na nasusunod ang itinakdang oras para sa
mga paksang tatalakayin. Maging conscious sa oras na
napagkasunduan. Huwag maging maligoy sa pagtalakay ng mga
paksa. Kung sakaling sumobra sa itinakdang oras ang pagtalakay sa
isang paksa dahil mahalaga ito at nangangailangan ng higit na
paglilinaw, maaaring mag-adjust ng oras ng pagtalakay sa ibang
agenda na maaaring matalakay nang mas mabilis.
4. Magsimula at magwakas sa itinakdang oras na nakalagay sa sipi ng
agenda. Ang pagsunod sa itinakdang oras ay nangangahulugan ng
pagrespeto sa oras ng iyong mga kasama. Kung maaari ay
maglagay ng palugit o sobrang oras upang maiwasan ang
pagmamadali.
5. Ihanda ang mga kakailanganing dokumento kasama ng agenda.
Makatutulong nang Malaki kung nakahanda na rin sa kasama ng
agenda ang mga kakailanganing dokumento para sa mga paksang
nangangailangan ng estadistika, kompyutasyon, at iba pa upang
mas madali itong maunawaan ng lahat at walang masayang na
oras.

PAGPAPAYAMAN NG TALASALITAAN

Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita at bumuo ng isang


kaisipan gamit ang mga ito. Isulat ang iyong sagot sa iyong kwaderno.
Pagkatapos nito ay husgahan ang iyong sagot pagkatapos ng pagtalakay sa
aralin.

1. Organisado
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
2. Obhetibo
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
3. Sistematiko
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

10
Suriin

Sa bahaging ito ay atin nang tatalakayin ang mga impormasong


nakapaloob ukol sa Katitikan ng pulong. Ang kahulugan, mga bahagi, ang
mga dapat gawin sa pagsusulat at mga dapat tandaan sa pagsulat nito.

Alam mo ba …?

KATITIKAN NG PULONG

Ang pulong ay mababalewala kung hindi maitatala ang mga napag-


usapan o napagkasunduan. Ang opisyal na tala ng isang pulong ay
tinatawag na Katitikan ng Pulong. Ito ay kalimitang isinasagawa nang pormal,
obhetibo, at komprehensibo o nagtatataglay ng lahat ng mahahalagang
detalyeng tinalakay sa pulong. Higit na napagtitibay ang mga napag-usapan
at napagksaunduan kung ito ay maingat na naitala at naisulat. Kaya naman
napakahalagang maunawaan kung paano gumawa ng isang organisado,
obhetibo, at sistematikong katitikan ng pulong.

MAHAHALAGANG BAHAGI NG KATITIKAN NG PULONG

1. HEADING- Ito ay naglalaman ng pangalan ng kompanya, samahan,


organisasyon, o kagawaran. Makikita rin dito ang petsa, ang lokasyon
at maging ang oras ng pagsisimula ng pulong.

2. MGA KALAHOK O DUMALO- Dito nakalagay kung sino ang nanguna sa


pagpapadaloy ng pulong gayundin ang pangalan ng lahat ng mga
dumalo kasama ang mga panauhin. Maging ang pangalan ng mga
liban o hindi nakadalo ay nakatala rin dito.

3. PAGBASA AT PAGPAPATIBAY NG NAGDAANG KATITIKAN NG PULONG-


Dito makikita kung ang nakalipas na katitikan ng pulong ay napagtibay
o may mga pagbabagong isinagawa sa mga ito.

4. ACTION ITEMS O USAPING NAPAGKASUNDUAN- (Kasama sa bahaging


ito ang mga hindi pa natapos o nagawang proyektong bahagi ng
nagdaang pulong). Dito makikita ang mahahalagang tala hinggil sa
mga paksang tinalakay. Inilalagay rin sa bahaging ito kung sino ang

11
taong nanguna sa pagtalakay ng isyu at maging ang desisyong nabuo
ukol dito.

5. PABALITA O PATALASTAS- Hindi ito laging makikita sa katitikan ng pulong


ngunit kung mayroon mang pabalita o patalastas mula sa mga dumalo
tulad halimbawa ng mga suhestiyong adyenda para sa susunod na
pulong ay maaaring ilagay sa bahaging ito.

6. ISKEDYUL NG SUSUNOD NA PULONG- itinatala sa bahaging ito kung


kailan at saan gaganapin ang susunod na pulong.

7. PAGTATAPOS- Inilalagay sa bahaging ito kung anong oras nagwakas


ang pulong.

8. LAGDA- Mahalagang ilagay sa bahaging ito ang pangalan ng taong


kumuha ng katitikan ng pulong at kung kailan ito isinumite.

MGA DAPAT GAWIN NG TAONG NAATASANG KUMUHA NG KATITIKAN NG


PULONG

Ayon kay Bargo (2014), dapat tandaan ng sinumang kumukuha ng katitikan


ng pulong na hindi niya trabahong ipaliwanag o bigyang-interpretasyon ang
mga napag-usapan sa pulong, sa halip, ang kaniyang tanging gawain ay
itala at iulat lamang ito.

Ang kumukuha ng katitikan ng pulong ay kinakailangang:

1. Hangga’t maaari ay hindi nakaisa sa nasabing pulong.


2. Umupo malapit sa tagapanguna o presider ng pulong.
3. May sipi ng mga pangalan ng mga taong dadalo sa pulong.
4. Handa sa mga sipi ng adyenda at katitikan ng nakaraang pulong.
5. Nakapokus o nakatuon lamang sa nakatalang adyenda.
6. Tiyaking ang katitikan ng pulong na ginagawa ay nagtataglay ng
tumpak at kompletong heading.
7. Gumamit ng recorder kung kinakailangan.
8. Itala ang mga mosyon o pormal na suhestiyon nang maayos.
9. Itala ang lahat ng paksa at isyung napagdesisyunan ng koponan.
10. Isulat o isaayos agad ang mga datos ng katitikan pagkatapos ng
pulong.

12
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG KATITIKAN NG PULONG

BAGO ANG PULONG

• Magpasiya kung anong paraan ng pagtatala ng katitikan ang iyong


gagamitin.
• Tiyaking ang gagamitin mong kasangkapan ay nasa maayos na
kondisyon.
• Gamitin ang adyenda para gawin nang mas maaga ang outline o
balangkas ng katitikan ng pulong.

HABANG ISINASAGAWA ANG PULONG

• Ipaikot ang listahan ng mga taong kasama sa pulong at hayaang


lasgdaan ito ng bawat isa.
• Sikaping makilala kung sino ang bawat isa upang maging madali para
sa iyo na matukoy kung sino ang nagsasalita sa oras ng pulong.
• Itala kung anong oras nagsimula ang pulong.
• Itala lamang ang mahahalagang ideya o puntos.
• Itala ang mga mosyon o mga suhestiyon, maging ang pangalan ng
taong nagbanggit nito, gayundin ang mga sumang-ayon at ang
naging resulta ng botohan.
• Itala at bigyang pansin ang mga mosyon na pagbobotohan o
pagdedesisyunan.
• Itala kung anong oras natapos ang pulong.

PAGKATAPOS NG PULONG

• Gawin o buoin ang katitikan ng pulong pagkatapos na pagkatapos ng


pulong.
• Huwag kalimutang itala ang pangalan ng samahan o organisasyon,
pangalan ng komite, uri ng pulong at maging ang layunin nito.
• Itala kung anong oras ito nagsimula at natapos.
• Isama ang listahan ng mga dumalo at maging ang pangalan ng
nanguna sa pagpapadaloy ng pulong.
• Basahin muli ang katitikan ng pulong bago tuluyang ipasa sa
kinauukulan para sa huling pagwawasto nito.
• Ipasa ang sipi ng katitikan ng pulong sa kinauukulan o sa taong
nanguna sa pagpapadaloy nito.

13
Pagyamanin

Basahin at unawain ang isang halimbawa ng Katitikan ng Pulong.

Academy of Saint John


La Salle Green Hills Supervised
General Trias, Cavite

Buwanang Pulong ng mga Tagapanguna ng Bawat Kagawaran


Disyembre 5, 2015
Conference Room, Academy of Saint John

Layunin ng Pulong: Preparasyon Para sa Senior High School


Petsa / Oras: Disyembre 5, 2015 sa ganap na ika-9:00 n.u.
Tagapanguna: Daisy T. Romero ( Principal )

Bilang ng mga Taong Dumalo:


Mga Dumalo: Daisy Romero, Joel Pascual, Eazie Pascual, Nestor
Lontoc,
Victoria Gallardo, Rubirosa Manguera, Richard Pineda,
Ailene Posadas, Gemma Abriza
Mga Liban: Eva Sipat, Vivin Abundo, Joel Cenizal
I. Call to Order
Sa ganap na alas 9:00 n.u. ay pinasimulan ni Gng. Romero ang
pulong sa pamamagitan ng pagtawag sa atensiyon ng lahat.
II. Panalangin
Ang panalangin ay pinangunahan ni Bb. Evangeline Sipat.
III. Pananalita ng Pagtanggap
Ang bawat isa ay malugod na tinanggap ni Gng. Daisy Romero
bilang tagapanguna ng pulong.
IV. Pagbasa at Pagpapatibay ng Nagdaang Katitikan ng Pulong
Ang nagdaang katitikan ng pulong noong Nobyembre 7, 2015 ay
binasa ni Gng. Victoria Gallardo. Ang mosyon ng pagpapatibay
ay pinangunahan ni G. Richard Pineda at ito ay sinang-ayunan ni
G. Nestor S. Lontoc.
V. Pagtalakay sa Agenda ng Pulong
Ang sumusunod ay ang mga adyenda ng paksang tinalakay sa
pulong:

14
Paksa Talakayan Aksyon Taong
Magsasagawa
1. Badyet sa Tinalakay ni G. Magsasagawa • G. Joel
Pagpapatayo Joel Pascual ang ng isang Pascual
ng gusali para halagang pulong • Engr.
sa Senior High gugulin para sa kasama ang Martinez
School pagapapatayo inhinyero at • Arch.
ng mga gusali arkitekto para Monton
para sa Senior sa
High School. pagpaplano
Ayon sa kanya, ng proyekto.
mga 10 milyong
piso ang
kakailanganin
para mabuo
ang mga
karagdagang
silid-aralan.
2. Loteng
kailangan sa
pagpapatayo
ng gusali
3. Feedback
mula sa mga
magulang
hinggil sa SHS
ng ASJ
4. Kurikulum /
Track na
ibibigay ng
ASJ
5. Pagkuha at
Pagsasanay
ng mga guro
para sa SHS
6. Pag-iiskedyul
ng mga
asignatura
7. Estratehiya
para
mahikayat
ang mga
mag-aaral na
kumuha ng
SHS sa ASJ

15
VI. Ulat ng Ingat-Yaman
Inulat ni Atty. Easy na ang nalalabing pera ng institusyon sa
bangko ay nagkakahalaga ng 30 milyong piso ngunit may
halagang 3 milyong piso na dapat bayaran sa darating na
buwan.
Mosyon: Tinanggap ni Ginang Manguera ang ulat na ito ng Ingat-
Yaman at ito ay sinang-ayunan ni Ginang Abriza.
VII. Pagkatapos ng Pulong
Sa dahilang wala nang anumang mga paksa na kailangang
talakayin at pag-usapan, ang pulong ay winakasan sa ganap na
alas-12:00 ng tanghali.

Iskedyul ng Susunod na Pulong


Disyembre 15, 2015 sa Conference ng Academy of Saint John, 9:00
n.n.

Inihanda at isinumite ni:


Clea L. Bulda

GAWAIN: Sa pamamagitan ng flow chart, itala at ilarawan ang


mahahalagang bahagi ng katitikan ng pulong sa paraang organisado,
sistematiko, at obhetibo na iyong nabasa.

16
Isaisip

Kung ikaw ang naatasang kumuha ng katitikan ng pulong, ano-ano


ang mga dapat mong gawin? Ilahad ang mga ito gamit ang hand organizer.
Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

Isagawa

Bilang isang mag-aaral, paano makatutulong sa iyo ang mga


kaalaman kaugnay sa pagtatala ng katitikan ng pulong? Magtala ng limang
paraan.
1. _______________________________________________________________________________
2. _______________________________________________________________________________
3. _______________________________________________________________________________
4. _______________________________________________________________________________
5. _______________________________________________________________________________

17
Tayahin

Panuto: Isulat ang TAMA kung pangungusap ay nagpapahayag ng


katotohanan at MALI kung hindi.

1. Higit na napagtitibay ang mga napag-usapan at napagkasunduan sa


pulong kung mayroong katitikan ng pulong.
2. Ang kumukuha ng katitikan ng pulong ay marapat na umupo malapit
sa presider ng pulong.
3. Mahalagang ilagay sa bahaging ng lagda ang pangalan ng taong
kumuha ng katitikan ng pulong at kung kailan ito isinumite.
4. Marapat na itala kung anong oras nagsimula at natapos ang pulong.
5. Hangga’t maaari ang tagatala ay hindi participant sa nasabing pulong.
6. Itala ang mga mosyon o pormal na suhestiyon nang maayos.
7. Itala lamang ang iilang paksa at isyung napagdesisyunan ng koponan.
8. Ang katitikan ng pulong ay kalimitang isinasagawa nang impormal at
subhetibo.
9. Mahalagang maunawaan ang sistematiko, obhetibo at organisadong
pagsulat ng katitikan ng pulong.
10. Ang pulong ay mababalewala kung hindi maitatala ang mga napag-
usapan o napagkasunduan.

18
19
sapagkat may iba’t iba silang opinion o pananaw batay sa paksa.
Paalala: Maging maingat sa pagwawasto ng mga kasagutan ng mga mag-aaral
Tayahin: Balikan:
Subukin:
1. Tama Pagyamanin:
1. BP
2. Tama
2. HP Isaisip:
3. Tama
3. HP
4. Tama Isagawa:
4. PP
5. Tama
5. BP
6. Tama Depende sa sagot ng bata.
6. HP
7. Mali Guro ang magbibigay puntos.
7. HP
8. Mali
8. PP
9. Tama Sa bahaging ito, sumangguni sa
9. BP
10. Tama pamantayanna inilahad sa itaas
10. HP
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
DepEd (2016). Filipino sa Piling Larang- Akademik. Patnubay ng Guro. Unang
Limbag.
Julian, Aileen B. et al., Pinagyamang Pluma: Filipino sa Piling Larang
(Akademik).Quezon City: Phoenix Publising House, Inc. .

20
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

You might also like