You are on page 1of 1

Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong sagutin ang mga sumusunod na suliranin:

1. Ano ang mga epekto ng bagong sistema ng pag-aaral sa akademikong pagganap ng mga
estudyante sa mga tuntunin ng:

a. Nakagawiang pag-aaral
b. Interaksyon
c. Pagiging produktibo

2. Mayroon bang makabuluhang relasyon ang bagong sistema ng pag-aaral sa akademikong


pagganap ng mga estudyante?

Sanligan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay nakaangkla sa na teoryang lubos na nakatulong sa ginawang


pananaliksik.

Ang teoryang Behaviorism na ayon kay Skinner(1968), na kailangang, “alagaan” ang pag-unlad na
intelektwal sa pamamagitan ng pagganayak at pagbibigay-sigla at pagpapatibay sa anumang gawain
kung tuturuan at bibigyan siya ng tamang direksyon. Ipinahayag din ng teoryang behaviorism na ang mga
tao ay ipinanganak na may kakayahan sa pagkatuto at ang kanilang kilos at gawi ay maaaring hubugin sa
pamamagitan ng pagkokontrol sa kanilang kapaligiran. Ang kakayahang intelektwal ng mga tao ay
mapayayaman at mapa-uunlad sa tulong ng mga angkop na pagpapatibay dito.

Sa teoryang Sosyo-Kultural ni Vgotsky nakasaad na ang pangunahing ideya ng teorya ay ang mga
paraan ng pakikipag-ugnayan ng mga tao sa iba at ang kulturang kanilang ginagalawan ay humuhubog sa
kanilang mga kakayahan sa pag-iisip. Naniniwala si Vygotsky na ang mga magulang, kamag-anak,
kapantay at lipunan ay may mahalagang papel sa pagbuo ng mas mataas na antas ng paggana. Ayon rin
kay Vygotsky, ang pakikipag-ugnayan sa lipunan ay may mahalagang papel sa proseso ng pag-aaral at
iminungkahi ang zone ng proximal development (ZPD) kung saan ang mga nag-aaral ay nagtatayo ng
bagong wika sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa lipunan.

You might also like