You are on page 1of 5

VIDEO CONFERENCE SCRIPT

Group Members:

Kalvin Calimag | Harold Balolong | Rommel Basuit | Vincent Bibay

Prince Jan | John Paul Alonzo | Johann Custodio | Shakirah De Vera

Renz Escorpizo | Lehi Fama | Corvie Fernandez | Joemar Garcia | John Paul Badinas

Facilitator:

Mukhang kompleto na ang mga inaasahang kalahok... Magandang umaga sa lahat, at maligayang
pagdating sa ating Video Conference na may paksa na "Social Media at ang mga Youth Leader sa
Pagbabago ng Paggamit nito" Layunin nitong programa na talakayin ang 'Ins and Outs' ng Social Media
at ang mga kailangan isaalang-alang sa paggamit nito.

Bago ang lahat, Ako si Kalvin Calimag, ang magiging tagapanguna sa kasulukuyang sesyon. Kilalanin
muna natin ang bawat kalahok sa programang ito...

Facilitator:

Una sa lahat, ang ating tagasuri na nasa _____ ng panala, salamat sa pakikilahok.

<Evaluator - waves and says Hello>

Susunod naman ang mga kabataan na siyang sumakop sa karamihan ng panala. Magandang _____ po sa
inyo.

<All Speaker - Some wave, Some Open Mic and Say Hello>

At naman, ang ating mga tagapamagitan at tagapagtala ng oras.

<Devil's Advocate & Timekeeper - Wave on Screen>

Kaugnay ang oras, maaari bang makahingi ng tala sa orasan?

Time Keeper/Note Taker:

Time Check, ang oras ay ______ sa ______ ito. Ako si ______ ang 'yong tagapagtala sa sesyon na ito.
Facilitator:

Maraming salamat, ________. Mukhang maari na tayong magumpisa sa talakayan. Alinmang partido ang
gustong magsimula, maaari nang buksan ang iyong mikropono at ipahayag ang 'yong saloobin.

Speaker One:

kagigiliwang kong umpisahan ang talakayan, Isa sa mga puntong gusto kong pag-usapan ay ang
tinatawag natin na "The Seeming Phenomena" na sa madaling termino ay ang paglalahad ng huwad na
impresyon ng ating sarili sa internet kapalit ang pag-apruba ng madla. Bagama't ito ay maaaring pabor sa
interes ng iba sa pansamantala, ito ay mas nakapipinsala sa katagalan.

Speaker Two:

Sang-ayon ako dito. Lubos nitong pinatataas ang probabilidad sa napakaraming hindi hinahangad na
problema... Isa sa mga kapintasang dala ng Social Media. Alinsunod dito, tayo, bilang kabataan, ay higit
dapat na magsikap na manatiling makatotohanan hindi lang sa iba, kundi pati na rin sa ating sarili pag
dating sa pangkabuohang paggamit ng mga platapormang ito. Tulad nga ng sinabi ni Hawthorne, "Walang
tao ang maaaring magsuot ng isang mukha sa kanyang sarili at isa pa sa karamihan nang hindi nalilito
kung alin ang totoo."

Facilitator:

Tunay na mahuhusay na mga puntong iyong pinahiwatig, ating isaalang-alang ang mga punto na ito
tuwing tayo'y nakikisalimuha sa Social Media.

<Speaker Three Raises Hand>

Facilitator:

Upang magpatuloy, ating pakinggan ang saloobin ni ______. Huwag magatubiling ibahagi saamin ang
'yong mga kabatiran ______.

Speaker Three:

Salamat ______. Sa tingin ko, importante din na ating talakayin ang umiikli na attention span ng mga
netizen. Habang tumatagal ang panahon, tayo ay nagiging mas mahilig sa mga nilalamang nagdadala ng
dagliang-kaluguran. Ating nang pinipirmahan ang mga mas maiikling format ng media para sa mabilisang
kasiyahan. Isang masidhing dilema na ating bihirang pagusapan.

Speaker Four:

Kaugnay dito, ganito din ang kalabasan ng aking pagsasaliksik. Sa ilang buwan ng paggawa ng thesis
para sa mga remedyo ng umiikling atensyong dala ng social media, tila ang kinalabasang pinakamahusay
na lunas para dito ay ang karaniwang paggawa ng kabaligtaran nito - Ang pagkonsumo sa mahahabang
format at pagbibigay sikap sa aktwal at aktibong pakikinig sa nilalaman.
Speaker Five:

Tama ka jan. Kung hindi ako nagkakamli, ang tawag dito ay ang "Consumer Mindset". Ang lumulubhang
kaugalian ng paggamit ng mga plataproma ng social media para sa tanging layunin ng pagkonsumo. Mas
nagiging kawili-wili ng ating malaman na payo mismo ni Mark Zuckerberg, ang huwag panatilihin ang
kaugaliang ganito. Maaring ito ang kaso, na kailangan na natin talaga ng pagbabago sa paggamit ng
Social Media sa kasulukuyan.

Speaker Six:

Sa tingin ko din, ito ang kaso. Mula 2019, sinimulan ko baguhin ang aking tungo sa paggamit ng Social
Media. Mula sa paggamit nito para lamang sa kapakanan ng kaaliwan, sinasamantala ko na ang mawalak
na hanay kung saan pwede itong gamitin sa pagpapabuti ng sarili. Sa pagfollow ng mga page na
nakasentro sa akademya, kalusugan, propesyonalismo, tunay na naging game changer ito sa aking buhay.

Facilitator:

Natutuwa ako't dinala ito sa usapan. Para sa bawat isa sa atin na nakikinig ngayon, ating ilapat ang mga
karunungang ito sa ating sarili at maging mas mabuting huwaran para sa ating kapwa kabataan.

Speaker Seven:

Sa tingin ko, maramihan sa mga ibinahaging punto ay tunay na kailangang ipatanto sa iba. Isang
karagdagang kaugalian na kailangan pagusapan - ang pagiging pasibo pagdating sa kaugnayan sa
sensitibong nilalaman sa Social Media. Maraming kabataan sa kasulukuyan ay walang problema sa
paglathala ng mga hindi naaangkop na impormasyon sa kabila ng dami ng taong makakakita nito. Sa
tingin ko isa ito sa mga ugaling kailangang baguhin.

Speaker Eight:

Sa aking kinatatayuan, isa na ito sa mga bagay na hindi natin makokontrol. Ang mga tao ay may
karapatang gamiting ang kanilang account sa ilalim ng kanilang pagpapasya. Gayunpaman, hindi ito
nakakapagbigay-katwiran sa lahat nito. Ang pinakamahusay na resolusyon dito ay ang paglikha ng isang
Alyas/Pseudo account para lamang sa mga hindi naaangkop na nilalaman. Ang paglathala ng ganoong
impormasyon ng walang ingat ay dalawang talim na espada na maaaring magamit laban sa sarili natin.

Time Keeper/Note Taker:

Time Check, ang oras ay ______ sa ______ ito. Meron nalang tayong _____ minuto para sa ating
nakatalagang video conference.

Evaluator:

Para sa pagbubuod ng mga puntong tinalakay ngayon, una ay ang tinatawag nating "The Seeming
Phenomena", Ang Lumiliit na Atensyon ng mga Netizens, susunod naman ay ang tinatawag na Consumer
Mindset at Paggamit ng social Media bilang isang Growth Platform, at meron din naman ang Paglikha ng
Alias o Pseudo Social Media Account pag dating sa sensitibong impormasyon.

Facilitator:

Bago natin bigyang wakas ang ating video conference, nais ko muna tawagin ang mga tagapamagitan
upang pakinggan ang mga tanong na kanilang nabuo na siyang hahamon sa mga saloobing ibinahagi
ngayon. _______, ________ maaari na kayong tumungo.

Devil's Advocate 1:

Salamat, Kalvin. Para sa aming unang katanungan, nabanggit kanina ang saloobin ukol sa pagiging tunay
sa Social Media. Hindi ba't dapat nating tanggapin ang panibagong pamantayan ng pagka-pabrikado?
Gusto naman din nating lahat na magakaroon ang iba ng magandang impresyon sa ating sarili.

Speaker One:

Napakagandang katanungan. Totoo at kalikasan ng tao ang gustohin ang papuri ng iba, subalit kailangan
natin isaalang-alang na hindi sa lahat ng panahon ay nasa perpektong estado tayo ng pamumuhay. At na
ang huwad na pamamagitan ng paggamit ng social media ay tutungo lamang sa mas mababaw na
pagkakakilala sa mga tao.

Facilitator:

Napakahusay na 'yong isinabi, ______. Alinsunod dito, maari na tayong dumako sa pangalawang
katanungan...

Devil's Advocate 2:

Para naman sa ikalawang katanungan, Maganda ang lahat ng puntong inilhad, subalit nais kong malaman
- paano mismo ito bibigyan ng sakatuparan bagama't isa itong bagay na napakahirap kontrolin?

Evaluator:

Sa tingin ko, tunay na magiging hamon ito, subalit madaming pamamagitan upang ipatanto sa nararami
nating kapwa kabataan ang mga nabanggit na isyu - halimbawa nito ang gaya ng mga infomercial,
kampanya, o pati na rin kilusan. Subalit bago ang lahat ng 'yan, importante na ipataw ang mga ito sa sarili
natin bago sa iba pa - sapagkat doon nagmumula ang tunay na pagbabago.

Time Keeper/Note Taker:

Time Check, ang oras ay ______ sa ______ na ito. ,Mayroon nalang tayong ilang minuto upang bigyang
wakas ang pagpupulong.

.
Facilitator:

Sa palagay ko, ang mga saloobin at katanungan ukol sa ating paksa ay buo nang naipamahagi.

Inaasahan ko, na ang mga ibinahagi sa ating video conference ngayon ay magsisilbing kapaki-pakinabang
sa ating bawat pamumuhay. Bago ang wakas, gusto ko magpasalamat sa lahat ng mga lumahok sa
programa natin ngayon. Hanggang sa muli, dito nagtatapos ang ating pagpupulong. Maraming salamat
pakikilahok

<END>

You might also like