You are on page 1of 10

SANHI AT BUNGA

Self-Learning Worksheet sa
Filipino 8
ere Kwarter 1

PAULINA P. VELASCO
Developer
Department of Education • Cordillera Administrative Region

7
Balikan

Panuto: Isulat ang P sa patlang kung ang pangkat ng mga salita ay pangunguap at
X kung ito ay parirala.
________1. Kaarawan ng tatay ko.
________2. Ang paborito kong pagkain.
________3. Pupunta kami sa Baguio sa susunod na araw.
________4. Naglaro kami ng sungka kahapon.
________5. Takbo! Habulin mo ko!

Pagsusuri at Pagtatalakay
Basahin at suriin ang bahagi ng epikong Bantugan sa ibaba.
Nang mamatay ang kanilang ama, ang kanyang nakakatandang kapatid na
si Prinsipe Madali ang hinirang na bagong hari. Nagkaroon ng protesta sa mga
nasa ranggo. Nais nilang si Prinsipe Bantugan ang maging bagong hari. Kahit mga
ordinaryong mamamayan ay nagsasabing si Prinsipe Bantugan ang mas karapat-
dapat na maging hari sa dalawang prinsipe.
“ Si Prinsipe Bantugan ay matapang at malakas kaya naman kaya niya
tayong protektahan laban sa mga kaaway!” sabi ng isang matanda sa pamilihan.
“Sang-ayon ako sa iyo,” sagot ng matandang lalaki. Hindi ito pinansin ni
Prinsipe Bantugan. Alam niya na ang kanyang kapatid ang karapat-dapat na
tagapagmana ng trono dahil si Prinsipe Madali ang panganay sa kanilang dalawa.
Siya mismo ang nagpatunay sa kanyang kapatid.
“ Nararapat lamang na ang kapatid ko ang maging bagong hari dahil napag-
aralan na niya kung paano magpatakbo ng gobyerno,” sinabi niya sa kapya niyang
sundalo at mga ministro sa kaharian.” Alam niya kung paano ang pamamalakad sa
ugnayang panlabas. At marami siyang magandang ideya upang mapaganda ang
buhay ng bawat mamamamayan!”
- Julian, A. et Al. (Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma) p. 66

Pansinin ang mga salitang may diing ginamit sa binasa. Masasabi mo ba ang
gamit ng mga salitang ito?
Alamin ang kasagutan sa Isaisip natin.

2
ISAISIP NATIN
Ang malinaw, mabisa at lohikal na pagpapahayag ay naipakikita sa maayos
na pag-uugnayan ng mga salita, parirala at pangungusap. Mahalaga rin sa
pagpapahayag ang maingat na pagpili ng mga salitang gagamitin upang higit itong
maging malinaw sa lahat. Kagaya na lamang sa pagpapahayag ng sanhi at bunga.
May mga hudyat na ginagamit upang maipahayag ito nang may kalinawan.

Ang SANHI ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari.


Ang BUNGA ay ang resulta o kinalalabasan o dulot ng mga pangyayari.
Ang paglalahad ng SANHI at BUNGA sinasagot ang mga katanungang
Bakit ito nangyari? at ano ang naging epekto ng naturang pangyayari? Ang sagot
sa unang tanong ay tumutukoy sa sanhi at ang ikalawang tanong ay tumutukoy
naman sa bunga.
 Hudyat na nagpapahayag ng sanhi o dahilan:
o Sapagkat/ pagkat………
o Dahil/ dahilan sa………..
o Palibhasa, at kasi………
o Naging……………
 Hudyat na nagpapahayag ng bunga o resulta:
o Kaya/ kaya naman………..
o Kung kaya………
o Bunga nito………
o Tuloy………..
- Julian, A. et Al. (Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma) p. 68

Halimbawa ng SANHI at BUNGA:


1. Nahuli si Peter sa pagpasok sa kanyang klase dahil tanghali na itong
gumising.
2. Nakaligtaan niyang mag-aral kaya hindi siya nakapasa sa pagsusulit.

Balikan ang unang pangungusap at itanong kung anong nangyari at ang


sagot ay Nahuli si Peter sa pagpasok na nangangahulugan na ito ay bunga. Ang
pangalawang pangungusap naman, ang sagot sa tanong na bakit nangyari ay ang
sagot ay hindi nakapasa sa pagsusulit na ito naman ay ang sanhi sa
pangungusap.
3
Gawain I
Panuto: Dugtungan mo ang mga pahayag batay sa binasang lunsaran.
1. Si Prinsipe Bantugan ay malakas at matapang, kaya naman kaya niya
______________________________________________________
2. Si Prinsipe Bantugan ay tunay na hinahangan dahil sa taglay nitong pag-
uugali na _______________________________________________
3. Karapat-dapat na tagapagmana ng trono si Prinsipe Madali dahil siya ang
_____________________________________________________
4. Sinabi ni Prinsipe Bantugan na dapat maging hari si Prinsipe Madali dahil
________________________________________________________
5. Namatay ang kanilang ama kaya______________________________

Gawain 2
Panuto: Salungguhitan/Tukuyin ang mga hudyat ng sanhi na ginamit sa
pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang inyong sagot
1. Minahal nang husto ni Aldaw si Bulan kaya’t pinakasalan niya ito.
2. Naging matamis ang pagsasama ng mag-asawa kaya’t biniyayaan sila ng
maraming anak.
3. Naging mabigat para kay Aldaw ang pagkakaroon ng maraming anak
tuloy naman inisip niyang patayin ang mga ito.
4. Sapagkat ina siya, bunga nito’y hindi maatim ni Bulan na pumayag sa
naging pasiya ng asawa.
5. Kaya nagkaroon tuloy ng bituin sa gabi, kasi nagkahiwalay sina Aldaw at
Buwan.
- Julian, A. et Al. (Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma) p. 68

Gawain 3
Dugtungan mo!

Panuto: Dugtungan ang mga pahayag batay sa mga larawang nakikita na maaaring
ito ay sanhi o bunga.

4
1. Malusog ang ating katawan kasi _______________________________

____________________________________________________________

2. Napag
od sila
sa

paglalaro kaya______________________________________

__________________________________________________________________

3. Ang

pagtatanim ng gulay ay kailangan sa panahon ng pandemya sapagkat

______________________________________________________________

5
4. An
g kalusugan ay kayamanan dahil____________________________
__________________________________________________________

6
7
5. Dapat natin pahalagahan ang likas na yaman kasi_______________

__________________________________________________________

Pagtatasa/Pagtataya

A. Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang hinihiling nitong kasagutan batay sa mga
pangungusap na ibinigay sa bawat bilang. Bawat kahon ay may puntos na isa.
1. Maraming Pilipino ang apektado sa COVID-19 dahil sa katigasan ng
Kanilang ulo.
Hal. sa unang bilang Dahil sa katigasan ng kanilang ulo-Sanhi

SANHI BUNGA

2
Maraming Pilipino ang apektado sa Covid19- Bunga

2. Wala pang katiyakang lunas sa sakit na COVID 19 kaya dapat tayong


mag-ingat.

SANHI BUNGA

3. Lahat ng frontliners ay nasa panganib ang kanilang buhay kasi sila’y


nahaharap sa mga may sakit.

SANHI BUNGA

4. Para makaiwas sa COVID 19, tuloy nating sundin ang mga gabay sa
pagsugpo sa sakit.

BUNGA
SANHI

5. Bunga ng kabayanihan ng mga frontliners, kasi marami sa kanila ang


nagbuwis ng buhay.

SANHI BUNGA

3
B. Panuto: Tukuyin ang mga salitang may salungguhit sa pangungusap. Isulat
ang S sa kahon kung ito ay sanhi at B naman kung ito ay bunga sa bawat
kasagutan.
1. Dahil maaliwalas ang langit kaya sila nakapaglaro nang husto
2. Kaya nakangiti ang dalaga kasi may natanggap siyang regalo.
3. Kasi nag-aral siya nang mabuti kaya nakatanggap ng mataas na marka.
4. Naging masintahin siyang ina kaya ang mga anak ay mababait
5. Si JC ay masayahing binata, bunga nito’y kinawiwilihan ng mga matatanda.

You might also like