You are on page 1of 12

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon I
Sangay ng Ilocos Sur

SARILING
LINANGAN KIT SA
FILIPINO
7
PAMAGAT NG ARALIN:

Paggamit ng Pang-ugnay
sa Relasyong Sanhi at Bunga

KUWARTER:1 MELC Blg. 4

MELC:
Naipaliliwanag ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayari. (F7PB-Id-e3)

Pangalan ng Guro: Racquel G. Rabanal


Paaralan: Sinait National High School
Distrito: Sinait

1
KUWARTER 1
SARILING LINANGAN
KIT MELC # 4

TUNGKOL SA SARILING LINANGAN KIT

Ang Sariling Linangan Kit ay isang makabagong instrumento na naglalaman


ng maraming gawain sa pagkatuto para sa mga mag-aaral upang harapin ang
tinatawag na “New Normal” sa larangan ng edukasyon . Ito ay orihinal na ginawa
para makamit ang pamantayan ng K-12 Kurikulum.
Ang SLK na ito ay inihanda upang matugunan ang iyong pangangailangan
bilang mag-aaral sa ikapitong baitang tungo sa iyong mabisang pagkatuto at
paglinang ng kasanayan sa sa pagkilala at pagtukoy sa sanhi at bunga ng mga
pangyayari mula sa akdang binasa at pagtukoy sa mga salitang pang-ugnay ng
dalawang sugnay na nagpapakita ng relasyong sanhi at bunga.
Pagkatapos ng talakayan, may mga nakahandang gawain na sasagutan.
Isulat lamang ang iyong sagot sa kuwaderno.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO

Naipaliliwanag ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayari.(F7PB-Id-


e3)

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


A. Natutukoy ang mga salitang pang-ugnay ng dalawang sugnay na
nagpapakita ng relasyong sanhi at bunga.
B. Napapahalagahan ang ginamit na sanhi at bunga sa pagbuo ng
pahayag.
C. Nakabubuo ng pangungusap na may relasyong sanhi at bunga
batay sa larawan.

2
PAGTALAKAY SA ARALIN

MOTIBASYON

Bago natin hasain ang iyong kaalaman hinggil sa


nakatakdang aralin para sa SLK na ito, masusubukan mo
muna ang iyong kaisipan sa pagsusuri sa mga pahayag na
may kaugnayan sa sanhi at bunga.

A. Panuto: Isulat ang B kung ang parirala ay nagsasaad ng BUNGA at S kung


ito naman ay SANHI.
1. _____ Matataas ang marka niya sa pagsusulit
_____ dahil nag-aral siya nang mabuti.

2. _____ Dahil sa kahirapan sa buhay


_____ Lalo siyang nagpursige sa pag-aaral.

3. _____ Madali naming natapos ang proyekto


_____ epekto ng aming pagtutulungan.

4. _____ Kaya mabilis binaha ang kanilang lugar


_____ talamak ang pagpuputol ng mga puno roon.

5. _____ Pinalaki siyang maayos ng kanyang mga magulang


_____ kapuri-puri ang ipinapamalas niyang ugali.

B. Panuto: Bilugan ang sanhi at kahunan ang bunga sa sumusunod na mga


pangungusap.
1. Malayo sa kabihasnan ang kanilang bahay kaya mahirap itong puntahan.
2. Kailangan nilang tumulong para mabilis matapos ang kanilang gawain.
3. Masaya siya sa kanyang kaarawan dahil dumating ang kanyang ama.
4. Nangopya siya sa kanyang katabi kaya pinagalitan ng guro.
5. Nakakuha siya ng magandang trabaho sapagkat nakapagtapos siya ng
pag-aaral.

MAIKLING PAGTALAKAY

PAGGAMIT NG PANG-UGNAY SA RELASYONG SANHI AT


BUNGA
3
Ang sanhi (cause) ang siyang pinagmulan o dahilan ng isang
pangyayari. Kung may sanhi, may kalalabasan o bunga ang mga
4
Pangungusap Sanhi Pang-ugnay Bunga

Walang
1 Kanyang Dahil sa mangahas na
katapangan makipagdigma
sa Bumbaran
Laki ng Siya ay
2 kanyang Dahil sa nangibang-
pagdaramdam bayan
Nabalitaan Lumusob si
niyang Sapagkat Haring
3
namatay si Miskoyaw sa
Baantugan Bumbaran
Matinding Si Bantugan
4 gutom at Dulot ng ay namatay
kalungkutan
Pinarusahan
5 Matinding Epekto ng si Bantugan
inggit ng kanyang
kapatid na si
Haring Madali

MGA HALIMBAWA

UNAWAIN MO!

Para lumalim pa ang iyong kasanayan sa pagbibigay


ng sanhi at bunga, suriin at pag-aralan mo ang sumusunod na
mga halimbawa.

1. Naunawaan ni Kaylie ang aralin kaya tama lahat ng sagot niya sa pagsasanay.

sanhi bunga
2. Masaya si Gng. Santos dahil mababait ang kanyang mga mag-aaral.

bunga sanhi

3. Masaya silang nagsalo-salo sapagkat ngayon lang nakumpleto ang pamilya.

bunga sanhi
4. Malala na ang kanyang kondisyon epekto ng kanyang paninigarilyo.

bunga sanhi
5
5. Dahil sa init ng panahon, ang kanyang alagang ao ay namatay.

sanhi bunga
6. Maraming turista sa Pilipinas sapagkat magaganda ang mga tanawin dito.

sanhi

Tandaan: Hindi lahat ng pagkakataon ay nauuna ang sanhi sa bungaa.


Isiping lagi ang ganito: Anong ideya o pangyayari ang naunang naganap
(sanhi)? Ano ang kinalabasan (bunga)?

PAGSASANAY

Batid kong may sapat ka ng kaalaman sa ating naging


talakayan. Ngayon, masusukat ang iyong galling hinggil sa
ating paksa. Suriing mabuti ang mga pahayag.

A. Panuto: Pagtambalin ang sanhi na nasa kahon sa angkop na bunga sa


ibaba.
Isulat ang letra ng tamang bunga sa bawat sanhi.

_____1. Napakainit ng panahon.


_____2. May sirang ngipin si Jenny.
_____3. Hindi kumain ng tanghalian si Juliet.
_____4. Hindi nag-aral si Nora.
_____5. Napakalakas ng bagyo.
_____6. Puno ng mga pasahero ang dyip.
_____7. Nagtulungan kami.
______8. Hindi maingat magmaneho ang lalaki.
_____9. Tumingin ako sa kanan at kaliwa ng daan.
_____10. Tinapos ni Corazon ang kanyang.

a. Kinansela ng DepEd ang mga klase


b. Nakatawid ako nang maayos

6
c. Gutom na gutom siya
d. Naaksidente siya sa daan
e. Mababa ang nakuha niyang marka sa pagsusulit
f. Pinayagan siyang maglaro sa labas ng bahay
g. Sumakay na lang kami sa traysikel pauwi
h. Pumunta siya sa dentista
i. Binuksan naming ang aircon
j. Madali naming natapos ang gawain

B. Basahin at salungguhitan ang sanhi na ginamit sa pangungusap.

1. Ininom ni Jia ang kalahating pitsel ng tubig sapagkat siya’y uhaw na uhaw.
2. Inipon ni Dani ang kanyang baong pera kasi gusto niyang bumili ng robot.
3. Tumapon ang tubig sa baunan ni Aira dahil hindi niya ito naisara.
4. Masakit ang paa ni Cora dahil sinuot niya ang masikip na sapatos.
5. Binigyan ng nanay ng gatas ang anak dahiln ito ay umiiyak na sa gutom.
6. Marami ang sasakyan sa Manila kaya malala ang trapik.
7. Maraming natutuwa kay Mitch dahil siya ay mabait at palakaibigan.
8. Si Jane ay tinanggal sa trabaho sapagkat palagi siyang lumiliban.
9. Dahil matakaw siya, tumaas ang timbang ni Gino.
10. Nakalabas sa kulungan ang aso dahil hindi nila naisara ang pinto.

C. Tukuyin ang maaaring sanhi at bunga sa ibaba.

1. Walang klase (bunga)


a. _______________________________
b. _______________________________

2. Naglaro maghapon (sanhi)


a. _______________________________
b. _______________________________

7
PAGLALAGOM

Tandaan:
Ang sanhi (cause) ang siyang pinagmulan o dahilan ng isang
pangyayari. Kung may sanhi, may kalalabasan o bunga ang
mga pangyayari sa binasang kwento. Ang mga sanhi ay ang
pagbibigay-dahilan o paliwanag sa mga pangyayari.

Ang bunga (effect) ang siyang kinalabasan o dulot ng


naturang pangyayari. Ang mga bunga ay ang resulta o
kinalabasan ng pangyayari. Madaling maunawaan ang
kwentong binasa kung mapag-ugnay natin ang naging dahilan
at kinalabasan ng mga pangyayari sa binasa.

May mga salitang ginagamit na nagpapakita ng ugnayang


sanhi at bunga. Ang mga halimbawa nito ay dahil sa, dulot ng,
sapagkat, epekto ng, bunga ng, dahilan sa, kung, kapag, para,
kasi, kaya at iba pa.

APLIKASYON

Bilang isang kabataan o mag-aaral, ilarawan ang


sitwasyon ng ating Inang Kalikasan. Paano mo ito
mapapangalagaan? Ano ang mga dapat iwasan para hindi
masira ito. Gumamit ng mga pahayag na naglalahad ng sanhi
at bunga. Bilugan ang mga sanhi at ikahon ang mga bunga.
Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

8
PAGTATAYA

Masaya ako sapagkat ipinagpapatuloy mo ang


nasimulang pagkatuto sa araling ito. Binabati kita sa iyong
pagpupursigi.

Narito ang huling pagsasanay para sa lubusang


pagtamo sa ating aralin.

` A. Panuto: Salungguhitan ang bunga sa bawat pangungusap.


1. Nakamit ni CJ ang unang gantimpala sa paligsahan dahil napakahusay at taos
puso ang kanyang pag-awit.
2. Unti-unting nawawalan ng matitirhan ang mga hayop sa gubat kaya nasa
panganib ang buhay nila.
3. Tumaas hanggang tuhod ang tubig-baha kung kaya’t lumikas na ang mga tao
mula sa kanilang mga bahay.
4. Nagluto ng espesyal na almusal ang magkakapatid pagkat nais nilang
masorpresa ang ina nila sa kanyang kaarawan.
5. Dahil paulit-ulit na sinabi ni Donna ang numero ng cellphone ng kaibigan,
nasaulo niya ito.
6. Pinahintulutan ni Aling Maria na maligo ang mga bata sa ulan kasi wala naman
kulog at kidlat.
7. Tiniis niya ang kahirapan ng trabaho dahil nais niyang bigyan ng magandang
kinabukasan ang kanyang mga anak.
8. Malaki ang nabago sa hitsura at laki ng kanyang katawan kaya hindi ko siya
agad namukhaan.
9. Nag-ipon siya ng pera kaya nabili niya ang gusto niyang sapatos.
10. Nasunog ang bahay dahil sa naiwang kandila.

9
B.Panuto: Dugtungan ang pahayag A ng angkop na parirala o pangungusap upang
mabuo ang diwa.

Pahayay A Pang-ugnay Pahayag B


1. Si Alex ang naging Top Dahil sa 1.
1 ng klase
2. Bumaha sa buong Dulot ng 2.
Metro Manila
3. Ako ang Dahil sa 3.
napagbintangan
4. Mabuti akong tao sapagkat 4.
5. Mananalo ako sa kasi 5.
patimpalak

C. Panuto: Tukuyin kung ano ang ipinapakita ng larawan. Alamin kung ito ay sanhi
o
bunga. Kung ito ay sanhi, isulat kung ano ang maaaring maging bunga
nito at kung ito naman ay bunga, isulat kung ano ang naging sanhi nito.

Larawan Ipinapahiwatig ng Sanhi ba ito o Ano ang maaaring


larawan bunga? maging
sanhi/bunga ng
larawan?

10
Binabati kita dahil matagumpay mong
natapos ang aralin na ito.

Maaari ka nang magpatuloy sa susunod


na talakayan.

Hanggang sa muli!

SANGGUNIAN

Aklat:
Julian, Ailene G. et.al. Pinagyamang Pluma 7. Phoenix Publishing
House., 2015.
Internet:
slideshare.net/JanLeeNagal/Filipino-sanhi-at-bunga (pahina 3)
prezi.com/stsetq9eOmdq/sanhi-at-bunga (pahina 6)
slideshare.net/saturninoguardiario/satsky-gurad (pahina 7)
Larawan:
https://www.google.com/search?
q=paninigarilyo&tbm=isch&ved=2ahUKEwi0jYnN4YLqAhV3x4sBHeb_ABI
Q2-
cCegQIABAA&oq=paninigarilyo&gs_lcp=CgNpbWcQA1D8xI4EWLnXjgR
g8tqOBGgAcAB4AIABAIgBAJIBAJgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1n&sc
lient=img&ei=bNvmXrSnFveOr7wP5v-DkAE&bih=651&biw=1366 (pahina
10)
https://www.google.com/search?
q=pagputol+ng+kahoy&tbm=isch&ved=2ahUKEwjUidX8goPqAhWhxosBHeO3A
68Q2-
cCegQIABAA&oq=pagputol+&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgIIADICCAAyAggAMg
IIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyBggAEAoQGDIECAAQGDoECCMQJzoECAA
QQzoFCAAQsQNQvfoEWNiNBWCengVoAHAAeACAAcUCiAHDEpIBBzAuMS4
2LjKYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZw&sclient=img&ei=av7mXtSsIaGNr7wP4-
-O-Ao&bih=651&biw=1366#imgrc=zfORKuUJmngiqM (pahina 10)

11
https://www.google.com/search?
q=fish+kill&sxsrf=ALeKk02g_vWM8bFjTkH24bkGudp_w5AULA:1592304291942
&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwif0Mfdk4bqAhXyyosBHTNIBH8
Q_AUoAXoECBIQAw&biw=1366&bih=65 (pahina 10)

12

You might also like