You are on page 1of 3

Pag-unlad ng Panitikan: Pahapyaw na Sulyap sa Kasaysayan ng Panitikan /Literatura

Panahon ng Kalayaan

• Ikatlong Republika ng Pilipinas - Itinatag pagkatapos ng Ikalawang Digmaang


Pandaigdig.
• Sa panahon ni Pangulong Manuel A. Roxas nagkaroon ng maraming suliranin ang
pamahalaan dulot ng nakaraang digmaan.
• Pangulong Ramon Magsaysay
- dating kalihim ng Tanggulang Pambansa
- nahalal na pangulo noong 1953
- idolo ng masa at itinuturing na lider na may angking karisma.
• Naging popular si Carlos P. Garcia sa kanyang patakarang “Pilipino Muna”.
• Diosdado Macapagal sa panahon ng kanyang pagka-pangulo, ang pamahalaan ay
hindi na rin nakaligtas sa mga pagtuligsa ng mga mamamahayag pagkat patuloy ang
pagbaba ng piso.
• 1965 - nahalal si Ferdinand E. Marcos ngunit hindi lumagot sa tanikala ng mga
“mayroon” sa pagsasamantala at pagmamalabis sa mga wala o “have-nots”.

Katangian ng Panitikan

• Ang pagbabagong pampanitikan sa panahong ito ay naging kapansinpansin.


• Ang mga intelektwal ay humantad at naglantad ng mga katiwalian at kabulukan ng
pamahalaan sa kalye, paaralan at pahayagan.
• Campus Journal - Ang ginamit ng mga kabataan sa pagmumulat at pagsisiwalat ng
katiwalian sa pamahalaan sa mga akdang sinulat.
• 1971 - ginanap ang Constitutional Convention upang bumuo ng bagong
konstitusyon sa gitna ng kaguluhan at pagbagsak ng kabuhayang Pambansa.
• Tumibay ang paghingi ng mga radikal na pagbabago nang maganap ang pagbomba
sa miting ng Partido Liberal sa Plaza Miranda, maraming namatay at nasugatang
pulitiko at mamamayan.
• Sinuspinde ang “writ of habeas corpus” ng pangulo at dahil dito, maraming
propesor, mamamayan at estudyante ang inaresto at binilanggo.
• Nagpasya si Pangulong Ferdinand Marcos na ipailalim sa Batas Militar ang buong
bansa sa bisa ng Proklamasyon Bilang 1081 noong Setyembre 21, 1972.
Panahon ng Bagong Lipunan

• Sa paglunsad ni Pangulong Marcos ang Batas Militar noong Setyembre 21, 1972.
• Sumilang ang Bagong Lipunan.
• Sumipot ang mga kabataang mapanghimagsik kaya ang panahong ito ay naging
panahon din ng aktibista.
• Mabilis na umunlad ang wikang Pilipino sa panahong ito dahil ang isipan at
damdamin ng mga kabataang Pilipino ay ipinahahayag sa sariling wika.
• Inugali ng Pangulong Marcos ang magsalita at magtalumpati sa Pilipino tuwing
hinihingi ng pagkakataon.
• Inilunsad ang Bilingguwalismo bilang bagong programa ng Ministri ng Edukasyon at
Kultura.
• Bilingguwalismo - ito ay ang pagtuturo sa pamamagitan o gamit ng dalawang wika:
sa Pilipino at Ingles.
• Ayon sa inilathala ng pahayagang Pilipino Express, Times Journal, Evening Express
at Bulliten Today, taong 1973 :
- ang pagpasok ng Pilipino mula sa pinakamababang grado ay mapapabilis
sa pagpapaunlad at pagpapalaganap ng wikang Pilipino;
- ang Ingles ay pangunahing wikang pagdaigdig at pumawi sa mga
konsiderasyong rehiyonal
- ang Pilipino ay kailangan para sa pambansang pagkakakilanlan gaya ng
hinihingi ng Saligang Batas
- bubuklod ito sa sambayan sa isang kabuuan

Tatlong mahalagang layunin ng bansa sa ilalim ng Bagong Lipunan

• kaunlarang pangkabuhayan
• kaunlarang panlipunan
• kaunlarang pangkalinangan
Ito ay binuod sa acronym na PLEDGES

P - Peace and Order o Kapayapaan


L - Land Reform o Reporma sa Lupa
E - Economic Reform o Reporma sa Pangkabuhayan
D - Development of Moral Values o Kalinangan ng Kahalagahang Moral
G - Government reform o Reporma sa Pamahalaan
E - Educational Reform o Reporma sa Paaralan
S - Social Reform o Reporma sa Lipunan

Katangian ng Panahon

• Pansamantalang natigil ang lahat ng babasahin sa buong kapuluan nang ipahayag


ang Batas Militar.
• Pinanagot ang mga naglimbag at nagbili ng mga malalaswang babasahin.
• Ipinasara ang mga sinehang nagtatanghal ng mga pelikulang maaring makasira sa
moralidad ng mga Pilipino lalo na ang mga kabataan.
• Ipinasunog ang mga duguang polyeto na ikinalat ng mga kabataang aktibista at
inusig ang mga may kinalaman sa paglathala ng maruruming akdang pampanitikan.
Gayundin ang ginawa sa istasyon ang radio at telebisyon.
• Pagbibigay ng guidelines o bagay sa dapat taglayin sa paglalathala ng mga
pahayagan, magasin, komiks at mga pahayagang pampaaralan.
• Dumami ang mga kabataang manunulat sa Ingles at Filipino.
• Naging bahagi ng pagbabago ng bansa ang Sining kaya sumigla ang paglikha ng mga
awiting Pilipino, nagkaroon ng pagtatanghal ng mga konsiyerto, ballet at mga dula
sa CCP.
• Sa pamamagitan ni Kalihim Francisco Tatad Jr. ng Kagawaran ng Pabatirang Madla
(DPI), tiniyak sa mga manunulat na ang paglalantad ng katotohanan ay karapatang
pantao at malaya ang lahat na sulatin ang paksang gustuhin subalit dapat umayon sa
mga layunin ng Bagong Lipunan na nakapaloob sa PLEDGES.

You might also like