You are on page 1of 7

Banghay Aralin sa MAPEH(HEALTH) 3

I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
 Natutukoy ang mga simbolo sa kalsada.
 Napahahalagahan ang kaligtasan sa kalsada sa araw-araw.
 Naisasagawa ang mga kahulugan ng simbolo na nakikita upang maging ligtas sa
kalsada.
II. Paksang Aralin
PAKSA: Maging Ligtas sa Kalsada
SANGGUNIAN: MAPEH (HEALTH)3 para sa Elementarya sa pahina 6-8
KAGAMITAN: Laptop at Power Point Presentation, LIVEWORKSHEET

PAGPAPAHALAGA: Napahahalagahan ang kaligtasan sa kalsada sa araw-araw.

III. Pamamaraan
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. Panimulang Gawain
- Pagbati
- Panalangin
- Pagtatala ng liban

B. Pagganyak
(Ang guro ay magpapalaro. Ito ay
tatawagin na Stop and Go. Sa ibat-ibang
sinaryo ng mga larawan. Sasabihin ng
mga mag-aaral kung Stop o Go base sa
mga larawan.)
GO

STOP

GO

STOP

STOP

Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral.


Ano-ano ang mga nasa larawan?
Stop light
Ligtas ba kayong nakakatawid sa kalsada?

Opo

Magaling!
Ano-anu ang inyong nakikita tuwing
tumatawid sa kalsada?

Mga simbolo

Magaling!

C. Pagtatalakay sa Aralin

Paano nga ba magiging ligtas sa


kalsada?

Kailangan nating tandaan ang mga


simbolo na makikita natin sa daan.

Ang mga simbolo sa kalsada ay maari


nating gabay upang maging ligtas ka sa
kalsada.

Mga ibat ibang uri ng simbolo

Tawiran para sa tao

Pook tawiran
Hinto

Ilaw Trapiko

Bawal Pumasok

Ospital

Bawal Tumawid

Pook Paaralan

Riles ng Tren
D. Paglalahat

Mga bata ano nga uli ang ating aralin sa


araw na ito?

Maging ligtas sa kalsada

Tama!

Ano ang nakakatulong sa atin upang


maging ligtas sa kalsada?
Mga simbolo

Magaling!

Isa-isahin ang iba’t ibang simbolo na


nakikita sa kalsada,

Hinto
Ilaw Trapiko
Bawal Pumasok
Ospital
Bawal Tumawid
Pook Paaralan
Riles ng Tren

Tama

Tukuyin ang mga simbolo na makikita sa


kalsada sa hanay A at sa paglalarawan
nito sa hanay B.

Hanay A Hanay B

A. Bawal
pumasok
B. Pook
Paaralan

C. Ospital

D. Pook
Tawiran

E. Ilaw
Trapiko

IV. Pagtataya
Iguhit ang masayang mukha kung ang isinasaad ng pangungusap sa ibaba ay
nagpapakita ng ligtas na pagtawid sa kalsada at malungkot na mukha kung hindi.

____1. Tumingin muna bago tumawid.


____2. Makinig muna sa mga ugong ng sasakyan bago tumawid
____3. Maaaring tumawid kahit hindi sa pook tawiran.
____4. Laging sumunod sa batas trapiko.
____5. Maglaro sa gitna ng kalsada
V. Takdang Aralin

Punan ng wastong salita ang sumusunod na pangungusap tungkol sa kaligtasan sa kalsada.


Piliin ang sagot sa kahon.

Kailangang______________bago tumawid. Tumingin sa __________ at kanan. Makinig


sa mga ugong ng sasakyan bago ___________. Dapat sumunod sa ___________ at mga
__________ sa kalsada ukol sa pangkaligtasang gawain.

Kaliwa Huminto
Batas
Simbolo Tumawid
itaas

Inahanda ni:
CLARISSA B. UMUNA

You might also like