You are on page 1of 10

SELF-LEARNING MODULE

GRADE 3
QUARTER 4

WEEK 4
HEALTH

MOST A. Explains road safety practices as a pedestrian (H3IS-IVab-19) (Week 1-2)

ESSENTIAL

LEARNING B. Explains basic road safety practices as a passenger (H3IS-IVcd-21); demonstrates


road safety practices as a passenger (H3IS-IVcd-22) (Week 3-4)
COMPETENCIES

TOPICS 1. Mga Ligtas na Gawi sa Paglalakad (Cross Safety Using Pedestrian Lane)
2. Mga Ligtas na Pamamaraan sa Pagtawid sa Kalsada (road Crossing
Procedure)
3. Kasanayan ng Kaligtasan Bilang Isang Pasahero
4. Ligtas Ako Bilang Pasahero

INAASAHAN

Ang modyul na ito ay ginawa para sa mga batang mag-aaral na nasa


Ikatlong Baitang. Inaasahan na sa pagtatapos ng modyul na ito ay:

a. matutukoy ang mga kasanayan sa kaligtasan sa daan bilang


pedestrian;
b. makasusunod sa mga ligtas na pamamaraan sa pagtawid sa kalsada
(Huminto, Tumingin, Makinig);
c. maipapaliwanag ang mga batayang kasanayan ng kaligtasan bilang
isang pasahero;
d. maipapakita ang wastong gawi ng isang batang tulad mo na
mapanatiling ligtas ang sarili habang nakasakay sa isang sasakyan;
e. maipapakita ang mga wastong gawi sa pagpapanatiling ligtas ang
sarili habang nasa kalsada.

1
MAIKLING PAGPAPAKILALA
NG ARALIN

MGA LIGTAS NA GAWI SA PAGLALAKAD


(CROSS SAFETY USING PEDESTRIAN LANE)

Ang kaalaman sa mga wastong pag-iingat sa paglalakad,


pagtawid sa daan ay nakakatulong upang ang mga pedestrians
ay maging ligtas sa anomang kapahamakan habang nasa daan.
Ang pedestrian ay ang mga taong naglalakad at tumatawid sa
mga kalsada o daan. Mahalagang malaman ng isang pedestrian
kung anu-ano ang mga wastong gawi upang manatiling ligtas sa
pagtawid sa mga kalsada. May mga gawain na makakatulong
upang maging gabay natin upang maiwasan ang mga panganib
sa lansangan at maaring gawin upang ito ay maiwasan.

Masdan ang mga kulay ng Ilaw trapiko. Ang bawat kulay ay


may kahulugan. Ang pula sa ilaw trapiko ay nagsasaad na dapat
tumigil, ang dilaw ay nagsasaad ng paghahanda sa paghinto ng
sasakyan at ang kulay berde ay nagsasaad na maaari ng tumawid
ang isang pedestrian. STOP

SLOW
1. Ugaliing magbasa at sumunod sa mga traffic
sign at signals. GO

2.Huminto,tumingin at makinig sa mga ugong ng sasakyan bago


tumawid.
3.Maging alerto habang nasa daan . Makinig at
magmasid kung may paparating na bikers,
runners at iba pang sasakyan.
4.Lumakad pasalungat sa daloy ng trapiko upang
makita ang paparating na sasakyan.
5. Iwasang maglaro sa daan. Iwasang gumamit ng anomang
gadgets habang naglalakad o tumatawid.

2
6. Gamitin ang mga ligtas na lugar ng kalsada sa pagtawid tulad
ng sidewalks o bangketa, overpass, underpass at pedestrian lanes.

MGA LIGTAS NA PAMAMARAAN SA PAGTAWID SA KALSADA


(ROAD CROSSING PROCEDURE)

Ang bawat mamamayan ay may tungkuling panatalihing


ligtas ang mga pampublikong lugar lalo na ang kalsada. Ang
mananakay at mga nagmamaneho ng sasakyan ay
kinakailangang sumunod sa mga batas trapiko. Ang mga bata ay
inaasahang laging may kasamang nakatatanda sa pagtawid.
Maliban dito, narito ang mga pamamaraan na dapat tandaan
para sa ligtas at maingat na paglalakad at pagtawid sa mga
kalsada. Ang bawat naglalakad at mananawid sa kalsada ay
dapat:

Tumawid sa tamang tawiran o pedestrian lane. Gamitin ang


foot bridge kung mayroon. Huminto (stop) sa gilid ng bangketa sa
isang sulok o crosswalk bago tumawid. Tumingin (look) sa kaliwa,
kanan, at kaliwa muli, tiyakin na walang sasakyang papalapit.
Maging alerto at makinig (listen) sa mga busina at tunog na galing
sa sasakyan sa paligid. Makipag-ugnay sa mata ng driver ng
sasakyang paparating bago tumawid. Siguraduhin na ang mga
sasakyan ay nakumpleto na ang paghinto bago tumawid.
Maglakad at huwag tumakbo sa tawiran ng crosswalk at tumingin
pa rin sa kaliwa at kanan. HUWAG tawirin ang kalye sa pagitan ng
mga naka-park na sasakyan. HUWAG maglaro sa mga lansangan,
parking lot, driveway, o walang bakod na bakuran sa tabi ng
kalye. Itigil ang paggamit o paglalaro ng gadgets tulad ng
cellphone at earphone para makaiwas sa disgrasya.

3
KASANAYAN NG KALIGTASAN BILANG ISANG PASAHERO

Ligtas na pagsakay sa pampublikong sasakyan.

Mga pasaherong sasakay ng Mga pasaherong Mga pasaherong sasakay


bus sasakay ng jeep ng Tren

• Magsuot ng face mask, • Magsuot ng face • Magsuot ng face


face shield at sundin mask, face shield mask, face shield
and tamang distansya at sundin and at sundin and
mula sa katabi. tamang distansya tamang distansya
• Mag-ingat sa mula sa katabi mula sa katabi
paghakbang kapag • Mag-ingat sa • Maghintay sa likod
sumasakay o paghakbang ng dilaw na linya sa
bumababa ng bus at kapag sumasakay platform at huwag
tiyaking ginagamit ang o bumababa ng humakbang dito
handrail upang jeep. Kapag hanggat hindi
maiwasan ang mga bababa na ay tumitigil ang tren.
pagbagsak habang magpaalam sa • Huwag subukang
nagsisimulang umandar driver bago umalis sumakay ng tren
ang bus. pababa mula sa kapag tumunog na
jeep. ang pito ng pag-
• Magbayad muna alis ng tren, kapag
sa driver bago nagsisimula na ang
sumakay ng jeep alarma ng
pagsasara ng
pintuan.

LIGTAS AKO BILANG PASAHERO

Hindi maiiwasan na ikaw ay maisama ng iyong pamilya sa


pagbibiyahe. kaya nararapat lamang na malaman mo kung ano
ang mga dapat mong tandaan kapag ikaw ay nakasakay sa
anomang sasakyan. Ito ay kinakailangan mong isagawa upang
mapanatili mong ligtas ang iyong sarili habang ikaw ay nasa
biyahe.

4
GAWAIN 1

GAWAIN A Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung ang pahayag ay


tungkol sa kaligtasan sa kalsada at ekis (X) kung hindi.

_____1. Laging sa gitna ng kalsada maglakad.

_____2. Laging magmasid at alamin kung saan ang ligtas na


tawiran.

_____3. Tumawid habang ang ilaw trapiko ay kulay berde.

_____4. Tumawid sa tamang tawiran lamang.

_____5. Tumitingin at nakikinig sa mga paparating na sasakyan.

GAWAIN B

Basahin ang mga pangungusap. Sipiin ang talahanayan sa iyong


kuwaderno at lagyan ng tsek (/) kung ginagawa mo ang
isinasaad ng bawat pangungusap.

Mga Gawing Pangkaligtasan sa Lagi Madalas Minsan Hindi


Kalsada

1.Ginagamit ko ang pedestrian lane sa


pagtawid.

2.Tumitingin ako sa kaliwa at kanang


bahagi ng kalsada bago tumawid.

3.Naglalaro ako habang tumatawid.

4.Tumitingin ako at nakikinig ako sa


mga paparating na sasakyan.

5.Tumitigil ako habang ako ay nasa


gitna ng kalsada.

5
GAWAIN 2

GAWAIN A

Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung ang mga sitwasyon ay


nagpapakita ng tamang gawi sa paglalakad at pagtawid sa
kalsada at ekis (x) kapag hindi.

____1. ____4.

____2. ____5.

____3.

6
GAWAIN B

Pagbuo ng Salita. Tukuyin ang inilalarawan sa bawat bilang. Isulat


sa sagutang papel ang iyong sagot.

1. Siguraduhing kasama mo siya sa pagtawid dahil ikaw ay bata


pa.

n __ __ __ __ __ t __ __ d a

2. Kulay ng ilaw trapiko para sa mananawid o pedestrian na


hudyat na ligtas na ang pagtawid b __ __ d __

3. Kulay ng ilaw trapiko para sa driver na hudyat na dapat nang


huminto ang sasakyan upang ligtas na makatawid ang mga tao.

__ __ _l_ __
4. Iwasan ang paggamit nito habang naglalakad o tumatawid sa
kalsada upang makaiwas sa disgrasya.

g __ __ g_ __ __ s

5. Maliban sa pedestrian lane, ito ang tamang tawiran sa mga


pangunahing kalsada kung saan napaka-delikado ang
pagtawid.

f __ __ __ t b __ __ __ d g __

GAWAIN 3

Gawain A
Panuto: Alin ang mga kasanayan sa kaligtasan sa kalsada bilang isang

pasahero? Bilugan ang kung ikaw ay sang-ayon at kung hindi.

7
1.Maghintay ng sasakyan sa tamang lugar ng mga
pasahero.

2.Umalis sa sasakyan kahit kailan at kahit saan mo


gusto.

3.Pumila habang naghihintay sa sasakyan.

4.Makipag-unahan sa pagsakay.

5.Pangalagaan ang sariling kagamitan habang


nasa biyahe ng pampublikong sasakyan.

Gawain B

Panuto: Masdan ang mga larawan. Ipaliwanag sa ibaba ng


larawan ang mga batayang kasanayan ng isang pasahero sa
panahon ng pandemya.

https://images.app.goo.gl/xJfYv9FHEc16JWQ58

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

8
GAWAIN 4
Gawain A Basahin at unawain ang kwento sa ibaba. Sagutin
ang mga tanong.
Linggo ng umaga. Maagang nagising at naghanda ang pamilya ni Gelo.
Masaya ang bawat isa dahil sila ay magsisimba.

Sumakay sila sa kanilang kotse.


Papunta na sila ng simbahan. Maayos Palabas na sila ng gate ng subdibisyon
na nakaupo ang pamilya at hindi ng biglang may tumakbong bata
ginugulo ang kanilang ama sa patawid ng kalsada.
pagmamaneho.

Mabuti na lamang at walang nasaktan


Mabilis na natapakan ng ama ni Gelo sa kaniyang pamilya. Ligtas din ang
ang preno. batang biglang tumawid.

Pagdating nila sa simbahan hinintay ng pamilya na


huminto ang sasakyan bago sila bumaba.
9
TANDAAN

Panatilihin sa inyong isipan ang sumusunod na mga konsepto upang higit


pang maunawaan ang mga natutuhan sa modyul na ito.

1.Ugaliing magbasa at sumunod sa mga traffic signs at signals.


2.Huminto,tumingin at makinig sa mga ugong ng sasakyan bago tumawid
3. Lumakad pasalungat sa daloy ng trapiko upang makita ang paparating
na sasakyan.
4. Iwasang maglaro sa daan.
5. Iwasang gumamit ng anumang gadgets habang naglalakad o
tumatawid.
6. Gamitin ang mga ligtas na lugar ng kalsada sa pagtawid tulad ng
sidewalks o bangketa, overpass, underpass at pedestrian lanes.

PAG-ALAM SA MGA
NATUTUHAN

Panuto: Sundan ang mga nakasaad na salita batay sa iyong


pagkakaalam.

Bago ako tumungo sa susunod na modyul, aking sisiguraduhin na:

1. Aking nauunawaan ang…


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Aking isasagawa ang mga natutuhan tulad ng…

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Aking sasanayin ang mga gawain…


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

10

You might also like