You are on page 1of 4

Name: John Clifford Tipay Subject: GEC-KAF Date: 10/16/2022

PAKIKINIG
KAHULUGAN:

Ayon kay Yagang (1993), ang pakikinig ay kakayahang matukoy at maunawaan kung ano ang
sinasabi ng ating kausap. Ayon kina Howatt at Dakin (1974), nakapaloob sa kasanayang ito ang pag-
unawa sa diin at bigkas, balarila at talasalitaan at pagpapakahulugan sa nais iparating ng
tagapagsalita. Mahalaga ang pakikinig sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Ayon kay Wilga
Rivers (1981), makalawang beses tayong nakikinig kaysa sa pagsasalita, makaapat na beses kaysa sa
pagbabasa at makalimang beses kaysa sa pagsulat. Napakahalaga nito sa paglinang ng kakayahan sa
pagsasalita. Gaya ng sinabi ni Nida (1957), “Ang pagkatuto sa pagsasalita ng isang wika ay
nakasalalay nang malaki kung paano mo ito napakinggan nang mabuti.” Ang pakikinig ay isang
aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng sensoring pandinig at pag-iisip.

PROSESO NG PAKIKINIG

Ang pakikinig ay isang kompleks na gawain. Dumaraan ito sa limang sunod-sunod na proseso. Ang
bawat isa ay hindi mangyayari kung wala ang isa.

1. Pagdinig sa tunog
2. Pagkilala sa narinig na tunog
3. Pagbibigay kahulugan sa tunog na napakinggan
4. Pag-alala sa tunog na napakinggan
5. Pagtugon

MGA URI NG PAKIKINIG

A. Marginal o Pasiv - ito ay pakikinig na isinasagawa na kasabay ng iba pang gawain.


Hal. pakikinig sa isang usapan habang kumakain.
B. Masigasig na Pakikinig - ito ay pakikinig na hangga’t maaari malapit ka sa nagsasalita o nag-
uusap para sa ganap na pag-unawa sa nilalaman ng usapan.
C. Mapanuring Pakikinig - pakikinig na nagsusuri at naghahatol sa kawastuhan ng mensaheng
napakinggan.
D.  Malugod na Pakikinig - Pakikinig na isinasagawa nang may lugod at tuwa sa isang kwento,
dula, tula o musika.

Produktibong teknik sa pakikinig

1. Magpakita ng interes sa paksa at tagapagsalita


2. Magadap sa deliveri ng tagapagsalita
3. Magadjust sa distraction
4. Maging mabuti sa konsepto at alamin ang pangunahing ideya
5. Umiwas sa pagpapakita ng pekeng intensyon.
6. Kunin ang buong mensahe at saka manghusga
7. I-interpret ang mahihirap na konsepto
Name: John Clifford Tipay Subject: GEC-KAF Date: 10/16/2022

Balakid sa epektibong pakikinig

A. Mental at emosyonal na ingay


B. Pagkawala sa sarili o paglipad ng diwa
C. Masyado kang madaldal
D. Perseptwal na salamin
E. Negatibong pagtanaw

Mentral na atityud

May limang mental na atityud na kailangan taglayin ng tagapakinig.

1. Bukas na isip
2. Tyaga
3. Interes at atensyon
4. Tolerans
5. Respeto

Mga Elementong Nakaiimpluwens ya sa Pakikinig

 Oras
 Edad
 Lugar
 Tsanel
 Konseptong Pansarili
 Kultura
 Kasarian

Mga Kasanayan sa Pakikinig

Nagtala si Willis ng mga kasanayang micro sa pakikinig na tinawag nyang enabling skills tulad ng
mga sumusunod:

A. Paghihinuha kung ano ang magiging paksa ng usapan Paghuhula ng hindi kilalang salita o
parirala.
B. Paggamit ng sariling kaalaman sa paksa para sa dagliang pag-unawa.
C. Pagtukoy sa mga mahahalagang kaisipan at pagbabalewala sa mga di-mahahalagang
impormasyon.
D. Pag-unawa sa mga pahiwatig na impormasyon tulad ng intensyon o saloobin ng
tagapagsalita.

Mga Pamamaraan sa Mabisang Pakikinig

1. Alamin ang layunin sa pakikinig


2. Magtuon ng konsentrasyon sa pinakikinggan
Name: John Clifford Tipay Subject: GEC-KAF Date: 10/16/2022

3. Alamin ang pangunahing kaisipan sa pinakikinggan


4. Maging isang aktibong kalahok
5. Iwasang magbigay ng maagang panghuhusga sa kakayahan ng tagapagsalita
6.  Iwasan ang mga tugong emosyonal sa naririnig
7. Tandaan ang mga bagay na nakita at napakinggan

Pagbasa
Kahulugan:

Ang pagbasa ay pagkilala ng mga simbulo o sagisag ng nakalimbag at pagpapakahulugan o


interpretasyon sa mga ideya o kaisipan na gusto ng manunulat nailipat sa kaisipan ng mambabasa
Ito ay nangangailangan ng kakayahang pangkaispan dashil alam ang tunog(ponema) ng naisulat na
letra.

Kahalagahan ng Pagbasa

1. Nadadagdagan ang kaalaman


2. Napapayaman ang kaalaman at napapalawak ang talasalitaan
3. Nakararating sa mga pook na hindi pa narating
4. Nahuhubog ang kaisipan at paninindigan
5. Nakakukuha ng mga mahahalgang impormasyon
6. Nakatutulong sa mabibigat na suliranin atdamdamin
7. Nagbibigay ng inspirasyon st nakikita nag iba’t ibang antas ng buhay ata anyo ng daigdig

Layunin ng Pagbasa

1. Magkaroon ng kalinawan ang pag-iisip tungkol sa mga bagay na di malinaw sa kaalaman


2. Magkaroon ng kapayapaan sa buhay dahil sa kaalaman sa iba’t ibang larangan
3. Magkaroon ng pagbabago sa paniniwala o kaugalian
4. Magkaroon ng bukas na isipan

Kailangan sa Pagbasa

A. Ang pagbasa ay may kaugnayan sa linguistika.


B. Kailangan ng malusog na pangangatawan,isipan at amalayang damdamin upang maunawan ang
binabasa.
C. Ang pagbabasa ay isang proseso na nangangailangan ng mataas na kaisipan,konsentrasyon at
focus Kailangan ang tagasulat at ang tagabasa ay may ugnayan.
D. Kailangan malinaw paningin sa pagbabasa.
E. Kailangan ang pagkakaroon ng interes at kaalaman sa binabasa.

Paraan ng pagbasa

Tahimik Pasalita
Name: John Clifford Tipay Subject: GEC-KAF Date: 10/16/2022

Antas ng Pagbasa

1. Persepsyon o pagkilala
2. Komprehensyon o pag- unawa
3. Aplikasyon o reaksyon
4. Integrasyon

URI NG PAGBASA AYON SA PAMAMARAAN

1. Skimming
2. Scanning
3. Analitikal
4. Kritikal

You might also like