You are on page 1of 3

Patricia Rae Endaya BM 202

Osiris at Isis
PANIMULA
Si Osiris ay ang haring namumuno sa Ehipto kasama ang asawa na si Isis.
Nainggit si Seth, ang kapatid ni Osiris, kaya pinatay niya si Osiris upang makamit ang
trono, pinutol ang katawan niya sa labing-apat na piraso at kinalat sa buong bansa.
Binuhay siya muli ni Isis, sinabi naman ni Osiris na magkakaroon si Isis ng anak na si
Horus at nagpatuloy siya sa mundong ilalim upang maging hari rito. Napagkaalam ni
Horus ang kasamaan ni Seth ngunit ang kanyang pinsan na si Anubis ang siyang
nagtulak sa kanya upang kalabanin si Seth, para bigyang hustisya ang ama, at makuha
muli ang trono. Matapos makipaglaban ay kinulong niya si Seth, ngunit pinakawalan ito
ni Isis gawa ng hindi niya maparusahan ang kanyang kapatid kahit na ito ay tunay na
makasalanan. Naging hari naman ng Ehipto si Horus sa kadahilanan na siya ay ang
anak ni Osiris. Mula sa Osiris at Isis, makikita ang kolokasyong “Nagdurugong puso” na
nangangahulugang nagdaramdam o nakararanas ng sakit ng damdamin na naganap sa
pagtuklas ni Isis sa bangkay ni Osiris at naganap din sa pagkikita ni Isis kay Seth na
nakakulong.

Upang makamit ang buong kahulugan ng mito, ipapaliwanag ko ito sa


pamamagitan ng analohiya, etimolohiya at word association. Sa sarili kong analohiya, si
Horus:: katalinuhan, Anubis::kalooban, Isis::kakulangan, Osiris::katotohanan, at
Seth::Kasamaan. Ipapaliwanag ko ito ng mas malinaw gamit ang word association. Si
Horus ang representasyon ng pagiging intelektwal;kaya niyang madipirensya ang tama
sa mali, ang masama sa mabait, at ang totoo sa hindi, kung kaya’t nagawa niyang
umakto dito at kalabanan si Seth. Si Anubis ang representasyon ng kalakasan, na
siyang tumutulak sa atin na mag-ipon ng lakas ng loob upang kumilos ayon sa ating
mga paniniwala at ayon sa ating mga nakikita. Si Isis ay sumisimbolo sa kahinaan;
mayroong karunungan ngunit wala sa kanyang kalooban ang kumilos dito. Si Seth ay
naiuugnay sa inggit, sapagkat ito ay ang nagdudulot ng kasamaan sa tao at patunay
naman dito ang kanyang pagpatay kay Osiris. Kabilang dito, sa etimolohiya ng
pangalang Osiris, malalaman natin na ito ay nanggagaling sa salitang “Usir” na
nangangahulugang “makapangyarihan” o “malakas.” Ang katotohanang si Osiris ay ang
makapangyarihang armas na lumalaban sa kasamaang Seth. Kung ipagkakaisa-isa
natin ang mga kahulugan ng mito:

“Ang espada man ay katotohanan, gaano man kalakas ito ay hindi


maikukumpara kung hindi kumakabilang dito ang pagtiwala sa sarili, at kung nasa iyo
man ang lakas ng loob na kumalaban sa kasamaan, hindi mo ito magagampanan ng
ayos kung hindi mo alam ang katotohanan na siyang magtuturo sa iyo ng daan. At kung
nais mo na talagang kumalaban sa masama, mag-ipon ka ng lakas ng loob at gamitin
mo ang iyong katalinuhan upang hanapin ang espadang katotohanan.”

PAGTALAKAY
Malinaw ang mahalagang kaisipan ng “Osiris at Isis” kung ating tatalakayin ang
mga prinsipyo na kumakabilang sa konseptong Ma’at, na isa sa mga pilosopiyang
pinaniniwalaan at sinusundan, sa mga paraan ng pamumuhay at relihiyon, ng mga
taga-Ehipto. Ang mitolohiya na “Osiris at Isis” ay sumasalamin sa pitong prinsipyo ng
konseptong Ma’at, ang katotohanan, ang pagkakaisa, ang balanse, ang kaangkupan,
ang kaayusan/istruktura,ang katumbasan at ang hustisya, sa malalim na paraan. Ito
ang ideya na ang nakikita ng tao, ay ang siyang pagkikilusan ng tao, kung kaya’t iisa
lamang ang kahulugan nito. Hinahanap at inaalam ng tao ang katotohanan, at siya ay
dapat kumilos ng katumbas dito upang magampanan ang kanyang tungkulin para
makamit ang hinahanap na balanse at kaayusan sa pamumuhay, hustisya at
kaangkupan sa taong biktima sa kasinungalingan at para ang buong mundo, kasama
ang mga diyos at tao, ay may pagkakaisa. Bukod dito, binibigyan din ng halaga ang
pagkakaroon ng lakas ng kalooban dahil hindi sapat ang kaalaman kung wala sa tao
ang kagustuhan. Ang trono ni Osiris ay hindi sana makukuha kung wala ito sa
kagustuhan ni Horus, at si Seth ay nabulok nalang sana sa kulungan kung ito ay nasa
kalooban ni Isis. Napakalaki ang naging impluwensiya ng “Osiris at Isis” sa mga tao lalo
na noong panahon ng New Kingdom sa paniniwala na “Ang mga taong namumuhay sa
mga paraan ng Ma’at ang makakapunta sa kabilang-buhay at makakapasok sa
kaharian ni Osiris.” Itong mitong ito ang siya ring naging basehan ng kanilang relihiyon
ngayon.

KONGKLUSYON
Bilang isang mag-aaral na natututo sa araw-araw na pamumuhay,
hindi sapat ang pag-aaral ng mga asignatura at pagsasagot ng mga pagsusulit bilang
husgahan ng aking natututunan kundi dapat akong matuto sa aplikasyon ng pinag-
aaralan. Tumatak sa aking isipan ang mensaheng hindi sapat ang kaalaman, kundi
dapat ding kumilos katumbas doon na magagawa lamang kung may lakas ng loob at
kagustuhan. Na kung maihahalintulad sa Stakeholder Engagement, ay hindi sapat ang
Stakeholder Management o pagpaplano at pagpoproseso ng mga gawain para makuha
ang inaasahang mga resulta, kundi dapat din itong samahan ng Stakeholder
Engagement o pakikitungo sa mga tao, pakikinig sa mga suhestiyon, ideya at opinion
upang maging mas epektibo at mas tumagal ang proyekto. Pinagsasama ang dalawa
upang maging wasto, pinaghandaan at mayroong patutunguhan ang isang programa
tulad ng pagsasama ng kaalaman at kalooban sa pagkikilos. Dahil sino ba ang gagawa
ng isang proyekto na hindi naman pabor ang mga tao sa paligid niya? Mas
pinahahalagahan ko ngayon ang pagsasama ng kaalaman at pagkikilos, at gagampanin
ko ito sa araw-araw na pag-aaral upang mas maging madiskarte ako sa buhay na
nakahanda para sa akin sa labas ng paaralan, kapag ako’y mayroon nang trabaho.
Bukod dito, natutunan ko rin ang magtiwala sa aking sarili, sa aking mga kakayahan at
sa aking mga paniniwala, dahil kung wala sa aking kalooban ang mga ito ay hindi ko
magagampanan ng maayos ang aking mga layunin sa buhay.

Mga Sanggunian:

McDevitt, A. (Agosto 2014). Nabawi mula sa

http://www.egyptianmyths.net/mythisis.htm

Feat, G. (Abril 2013). Osiris and Isis myth. Nabawi mula sa

http://freakhistorian.blogspot.com/2013/04/osiris-and-isis-myth.html

Mark, J. J. (Marso 2016). Osiris. Nabawi mula sa https://www.ancient.eu/osiris/

Principles and practices of Maat. Nabawi noong ika-27 ng Septiyembre mula sa

http://www.majoritynotminority.co.uk/principles-and-practice-of-maat.html

You might also like