You are on page 1of 2

Mitolohiya ng Griyego

Kapag usapang mitolohiya, ang mga Griyego ang isa sa nangunguna dito. Maliban sa naging
maimpluwensyang kaharian ito noong sinaunang panahon, ang mga Griyego ay mayroon paganong
pagsamba kung kaya nagkaroon sila ng panitikan na para sa kanilang mga diyos-diyosan. Ang ilan dito ay
ang mga sumusunod:

Ang Odisea

Icarus

Pandora

Eros at Psyche

Digmaang Troya

Ang Odisea (Myth of the legendary Odysseus)

Inabot ng sampung taon si Odiseo bago muling marating ang Ithaca makatapos ang sampung-taong
Digmaang Trohano. Sa panahong wala si Odiseo, kinailangang harapin ng kaniyang anak na si Telemachus
(o Telemaco) at ng asawang si Penelope ang isang pangkat ng mga walang-galang na mga manliligaw, ang
mga Proci, na nagpapaligsahan upang makamit ang kamay ni Penelope at mapakasal sa isa sa kanila,
dahil maraming naniniwalang namatay na si Odiseo.

Icarus

Ang pangunahing kuwento na nagsasalaysay ng hinggil kay Icarus ay ang kaniyang pagtatangka na
tumakas magmula sa Creta sa pamamagitan ng mga pakpak na binuo ng kaniyang ama magmula sa mga
balahibo at pagkit. Binalewala niya ang mga tagubilin na huwag lumipad nang napakalapit sa araw, kung
kaya't ang natutunaw na pagkit ay nagdulot sa kaniya na bumagsak sa dagat kung saan nalunod
siya.

Pandora

Binigyan si Pandora ni Zeus ng isang ginintuang kahon (malaking taguan o imbakang garapon o pithos at
inutusang huwag itong bubuksan. Subalit dahil sa kagustuhan ni Pandorang malaman kung ano ang
laman ng kahon, sinilip niya ng isang ulit ang loob nito. Dahil dito, nakawala ang lahat ng mga uri ng
kasamaan palabas sa paligid ng mundo. Ngunit nagawa niyang maipinid ang takip ng kahon upang
masagip ang pag-asa, ang nag-iisang mabuting bagay na natirang nakapaloob sa kahon ni Pandora.

Mayroong pang higit na impormasyon sa mga link sa ibaba: "Mga Karagdagang Links"

Eros at Psyche

Ito ay tungkol sa inggit ni Venus kay Psyche at pag-ibig ng anak niyang si Eros dito. Makikita ang
impluwenysya nito sa panitikang Pilipino.

Mayroong pang higit na impormasyon sa mga link sa ibaba: "Mga Karagdagang Links"

Digmaang Troya

Si Zeus ay hindi naging matapat sa kanyang asawa at kapatid na si Hera at nagkaroon ng maraming mga
relasyon na nagpanganak sa maraming mga anak. Dahil naniwala si Zeus na marami nang mga taong
tumatahan sa mundo, kanyang naisip si Momus o Themis, na ginamit sa Digmaan ng Troya bilang paraan
ng pag-ubos ng populasyon ng mundo lalo na ng kanyang mga inapong demi-diyos.

Impluwensya ng Mitolohiyang Griyego

Kung nais mong makaalam ng higit ng kanilang mitolohiya ng Griyego, hindi ka mawawalan ng mga
paraan. Nariyan ang animation series, mga pelikula, mga nobela at maging sa mga sayaw at awitin. Isang
mahusay sa bansang Gresya, nagawa nilang panatilihin ang kanilang panitikan sa pamamagitan ng teatro,
maingay na literatura at pagtuturo sa mga dayuhan.

You might also like